Friday, December 3, 2010

Epilogue

Okay. Patapos na talaga ang storyang 'to. Recap muna tayo. HAHA. Mahilig ako sa ganito eh. So nagsimula ang lahat sa isang activity ng mga juniors na mag karoon ng bidding activity para makapili ka ng prom date mo. Dun ko unang nakausap si AJ na ever so gwapo at ever so sikat sa school. Then, dumating ang prom night na unang nagpaiyak sakin sa una naming pagsasama ni AJ. Dun kami nagkakwentuhan. Dun ko nailabas ang lahat ng nararamdaman ko para kay Francis. Pagkatapos nun, nagkaroon ng pagmemerge ng section sa Chemistry Activity. Dun nagsimula ang pinamalaking kalokohan na pinasukan ko. Dun nangyare ang first kiss ko. Well, syempre with AJ. Then yun, nachismis na sa buong school na naging kami nga. Ano nga bang nangyare?

Hmm, parang si AJ na rin yung naging parang diary ko pagdating sa hinain ko tungkol kay Francis. Dun ko natutunan na maghanap ng signs. Unexpected Fireworks. Hindi ko yun makakalimutan. Sana totoo yung sign na yun. Sa kanya ko unang natutunang magbilang ng eroplano para may matupad na isang wish. Feeling ko naman effective yun. Malas ata ako, lagi ko kasing nakakalimutan yung bilang kaya palagi akong back to 0. HAHA.

Tapos nun, dun ko naexperience na magbakasyon sa Batangas kasama ang best friend ko at siya syempre. Natunghayan ko ang isang napakatalented na pamilya. Take note: puro gwapo at magaganda pa. Dun ko pa narealize na mahal ko na pala siya. Dun ko nakilala si Ate Zinnia na mahal daw niya. Mabait yun at kung maging sila man ni AJ, approved naman ako dun pero mas maganda kung kami ni AJ diba? HAHAHAHA.

Hindi ko inakala na aabot 'to sa pagiging senior ko. Nanligaw na sakin si Francis nun pero huli na siya eh. May AJ na. Naku po. Kung totoo nga lang na nahuhulog ang puso, siguro wala na akong puso. Nasambot na siguro nun ni AJ :))

Pero syempre, umamin na din ako kay AJ na mahal ko siya at kay Francis na hindi naman talaga siya ang gusto ko. Pero ayos pa din. Ngayon ko lang nalaman ang mga behind the scenes na pangyayare sa Chapter 45 :)) Well, pagtapos ng pag-uusap namin ni Francis, hindi ko alam na nagtatago lang pala si AJ nun dahil ang inaabangan niya naman talagang lumabas ay si Francis. Nagusap pala sila nun. Tungkol sakin. Tungkol dun sa plano  niya na si Francis ang maghatid sakin dun sa baywalk. Ginawa niya yun para matest kung hindi na ba magiging bitter si Francis. Dahil ang gusto niya, pag naging kami, wala daw magiging malungkot :) 

Umubra naman ang plano niya dahil na rin sa pakikipagkunchaba ni Andy na iwanan ako. Nawala na rin si AJ nun dahil nagpractice siya ng mag-isa sa likod ng school. Kinabahan din naman siya sa match na yun.

Then dumating na rin yung mismong battle, nanalo sila. Champion pa. Bongga diba? Hahaha :))

Ehem. Maka-ubo lang. HAHAHA. March 27 na ngayon. Last Day ko na as senior. Grad Ball na namin. Kasama ko si AJ ngayon sa may garden ng school namin. Syempre, holding hands. Hindi pa naman kami. MU lang. HAHAHA. Hindi naman siya nanliligaw eh. Gusto ko na ngang tanungin kung bakit kaya kukunin ko na ang chance na 'to.

"Oi"
"Problema mo?"

Ganun pa din kami. Gaspangan pa din. HAHAHA.

"Mahal mo ba ako?"
"Tinatanong pa ba yan?"
"Sagot ka na kasi ng maayos. Ang kulit pa eh"
"Nahihiya ako. Wag mo nga akong tanungin ng ganyan."

AYYYY. Ang cute lang :))

"Badtrip naman 'to oh"
"Bakit ko pa kasi dapat sabihin yun?"
"Wala lang. Gusto ko isigaw mo sa buong mundo..."
"So ineexpect mo na ibubulong ko yan sayo? Susko, porket alam mo lang na ikaw ang mundo ko, sasabihin mo yan para mabigyan kita ng banat dyan"

Tumawa naman siya nun. Pang-asar lang.

"Oo na. Barado agad ako eh. Gusto ko lang naman kasi na alam mo na..."
"na sabihan kita ng mahal kita? na ligawan kita? na sayawan kita? o bigyan kita ng something sweet?"
"uh...oo..."

napatungo ako nun. nakakahiya kaya! TRY MO :))

"pwes. hindi pa ngayon mangyayare yan..."
"BAKIT NAMAN?! NAKAKAINIS KA TALAGA?!"

hinampas ko yung balikat niya nun. badtrip kaya.

"Bakit ba atat na atat ka? Naging tayo na ah. Nakipagbreak ka pa kasi sakin. Hindi kaya ako bumabalik sa ex ko. Lahat ng ex ko eh hanggang ex na lang..."

Gusto kong umiyak nun. Hiniwalay ko yung kamay sa kanya. Mag-wa-walkout effect ako nun pero pinigilan niya ako.

"Teka. Hindi pa ako tapos magsalita..."
"Oh ano pang sasabihin mo? na hindi tayo meant to be? ano pa?!"
"Gusto kong sabihin sayo na mananatili kang isang ex-girlfriend sakin dahil pagkatapos natin ng college, hindi magiging in a relationship ang status natin sa FB. Kundi married na. Naiintindihan mo ba?"

Oh siya. Ikaw na sweet. Ikaw na tumutunaw sa Puso at kaluluwa ko. Lagi naman.

"Nagpapaligoy-ligoy ka pa kasi eh..."


Yinakap niya ako nun then binulong niya sakin yung mga words na dati ko pa gustong marinig. Hindi naman 'to first time pero kasing sweet neto yung first time na sinabihan niya ako ng totoong i love you.

"I love You..."

Humiwalay siya sakin nun then biglang napansin namin sa sky ang isang airplane.

"my 100th"
"mag-wish ka na"

pinikit ko yung mga mata ko. then nagwish ako. pagkatapos naman nun, minulat ko na yung mga mata ko.

"So anong winish mo?"
"na sana totoo lahat ng signs"

Sabay kaming naka-graduate ng high school ni AJ. Syempre, pati college. Nag-take up ako ng Civil Engineering na course while si AJ naman eh nagtake-up ng Accountancy. Wee. At last ngayon, natapos na din ang landas ng kaboringan. Tatahakin ko na ang landas ng kahirapan pero ngayon... hindi na ako nag-iisa... dahil makakasama ko sa landas na yun si Aron Jie Benitez. 

Tinupad niya yung sinabi niya sakin nung high school kami. Ako nga ay mananatiling ex-girlfriend niya dahil never nga naman talagang magiging kami. Dahil magiging mag-asawa naman pala kami. Kahit na sawang-sawa ako sa mukha niya, aba andun pa din ang pagtutunaw powers niya. Nagkaroon kami ng isang panganay na babaeng anak. Pinangalan namin siyang Caroline Miles Benitez. At sumunod sa kanya ay isang kambal na babae at lalake. Parang si AJ at Andy. Dumadaloy ata 'to sa pamilyang Benitez. Pinangalan namin yung lalake ng Phoebus Apollo Benitez  at yung babae ng Diana Artemis Benitez. Inspired by Greek Gods lang :)) HAHAHA.

So si Andy naman nagkaroon na rin ng boyfriend. Ayos yun. Mabait naman. Si Daniel naman nakapili na din ng matinong babae. Nagkaayos na din sila ng daddy niya which is good naman talaga. Si Francis naman nagwo-work as sea man. sa ship nila siya nakakilala ng taong mamahalin niya habang buhay.

Hindi na rin masyado nakakasayaw ang Bounce Back Crew dahil busy na rin sa kanya-kanya nilang buhay pero syempre buhay na buhay pa din ang barkada.

So yun na. Napatunayan ko naman na totoo nga ang sinasabi ni AJ tungkol sa 100th airplane dahil akalain mong nagiging totoo nga ang signs na unexpected fireworks :)

Okay. So ngayon, alam niyo na ang nangyare...



















When A meets Z...

END ♥