Saturday, November 27, 2010

Chapter 35: Back At One

It's Official. Break na kami. Grabe 3 months din kaming nagpanggap. Mabilis naman na kumalat yung balita sa school. kapag napasok ako, nagbubulungan yung mga tao. Wala na sana akong balak na sumama sa Bounce Back Crew pero sabi nila welcome pa din ako sa crew nila kaso nga lang, hindi kami nagpapansinan dun ni AJ.

Hindi ko na rin inisip pa yung mga nakita ko sa papel. Kung mahal niya ako, eh di sana pinaglalaban niya diba? Eh di sana binalik niya ulet sakin yung papel? Eh di sana Kami pa rin ngayon. Pero feel ko as a friend lang naman yun at siguro hindi pa nga siya sigurado sa nararamdaman niya.

Alam na din ni Francis na wala na kami ni AJ kaya feel ko yun yung dahilan kung bakit niya ako niloadan at tinext nung isang gabi. grabe nga eh. nanliligaw ulit siya. kaso wala naman na talaga akong nararamdaman para sa kanya. Ang wrong timing talaga no?

Kahit na fourth year na kami, uso pa din samin ang acquaintance party. simple lang naman. gathering lang sa gym tapos nakacivilian yung mga students. kanya-kanyang trip yan. may mga grupo nga na pare-parehas ng suot. meron namang nagsuot ng mga emo at gothic style. HAHA.

eh ako simple lang naman yung suot ko. skinny jeans lang naman pati t-shirt. nagsimula naman yung program nun. may mga dance numbers at song number. syempre, nagsayaw dun yung Bounce Back Crew. As usual, magaling pa rin. pagtapos nung performance nila, lumapit sila samin ni Andy tapos nakipagkwentuhan sila samin.

nagkaroon ng games tulad ng bring me at kung anu-ano pang games na pwedeng magkakilala ang mga tao. hindi rin mawawala sa acquaintance party namin yung parang dedication booth. maraming nag-dedicate ng kanta para kay AJ. sikat eh HAHA.

nagulat naman ako nung may nagdedicate ng kanta para sakin. `When you say nothing at all`. tapos biglang nagsalita yung nagsasabi ng message dun sa dedication booth.

"This song is dedicated to Zerlina De Castro. At may message pa... Hello Zerli. Pwede na ba ulit akong manligaw?I still love you..."


akala ata ng mga tao si AJ nun pero si...


"From, Francis..."


nag-ayiie lahat ng mga tao. hinanap ko si Francis pero hindi ko siya makita nun. naalala ko yung kantang yan. dati kasi diba naging kami, pero halos hindi kami nagpapansinan. pero one time, kinanta niya sakin yan kasi wala naman daw siyang pakielam kung hindi man kami magsabihan ng i love you kasi wala naman sa salita ang lahat. nasa gawa. 

napatingin naman ako kay AJ. nun ko lang narealize, kanina pa siya nakatingin sakin nun. enjoy pa ako nun sa pagtitig kay AJ. sana kasi siya na lang yung nagsabi nun :| hindi ako masaya. Promise.

nagulat naman ako ng biglang may humawak sa likod ko. nilingon ko naman kung sino man yun. si Francis. hindi ba eto naman talaga ang gusto kong mangyare from the start pa lang ng storya na 'to?

diba eto naman talaga yung goal o objective ko? si Francis naman talaga ang habol ko pero mukhang nalihis yung path ng storya kasi mas nagustuhan ko si AJ. ngayong, nakuha ko na pabalik si Francis, diba dapat maging masaya ako? pero hindi eh. isang napakalaking kawalan ni AJ sakin.

"Hi..."

nginitian ko lang naman siya. gusto kong imaginine na sana siya na lang si AJ

nag-offer siya sakin ng hand para makipagsayaw sakin. naalala ko nung una akong sinayaw nun ni AJ sa Rafters nun. tapos nung sinayaw niya pa ako sa kasal ni Ate Lia. naiiyak ako na isipin yung mga memories na yun.

tinanggap ko naman yung kamay niya tapos nagsayaw kami. meron ding namang ibang couples na nagsayaw. nakita ko naman si AJ nun na nakatingin samin. feel ko biglang bumigat yung pakiramdam ko. nasasaktan ako. hindi dahil  sa AJ and Zinnia thing. nasasaktan ako dahil hindi kami ni AJ yung magkasayaw namin ngayon. 

tiningnan ko yung mga mata ni Francis. wala na talaga akong nararamdaman :|

tumigil kami sa pagsasayaw nung natapos na din yung kanta. hawak niya pa rin yung kamay ko. ang romantic sana nung scene eh. madilim kasi nun tapos may iba't-ibang kulay ng ilaw na nakapaligid samin. kaso yung scene lang yung romantic, hindi kami ni Francis :|

napatingin ulit ako kay AJ and hindi ko na lang namalayan biglang may luha na pumatak mula sa left eye ko :'(

napansin naman yun ni Francis.

"bakit?"
"uh...wala... nakakahiya naman..."

pinilit kong ngumite nun sa harap niya tapos inabutan niya ako ng panyo na color yellow.

"gamitin mo..."

kinuha ko yun tapos pinampunas ko ng luha ko. grabe, tears for AJ talaga no? :|

iaabot ko na sana ulit sa kanya pero hindi niya tinanggap.

"ibalik mo na lang yan kapag sigurado kang wala ka ng nararamdaman para sakin..."

gusto ko na sana na ibalik sa kanya agad yung panyo kasi sa sarili ko, sigurado na ako na si AJ na talaga yung gusto ko. magsasalita na sana ako kaso biglang may nag-dedicate ng kanta dun sa dedication booth. para sakin ulit. 

tumugtog yung `Back At One` (Listen)

"bentang benta si Zerlina. This song is dedicated to Zerlina. intindihin mo na lang daw ang kanta. by anonymous..."

napa-oohhh lahat ng tao. eh ako naman eh napatingin kay Francis. feel ko kasi siya pa rin yung anonymous na yun eh.

"hindi na ako yun. iba na yun.."
"ha? sino?"

tiningnan ko yung mismong dedication booth. nakita ko si AJ na binulungan yung lalake na nagsasabi ng messages. natuwa naman yung mga tao kasi sobra silang nagandahan dun sa kanta. napangite naman ako kasi feeling ko si AJ yung nagdedicate nun. sana isayaw niya rin ako. hinila naman ako bigla nun ni Andy papalayo kay Francis. pumunta kami sa isang tagong lugar. 

"dyan ka lang, okay?"
"ha? bakit? naguguluhan ako ah..."

tapos tumakbo siya papalayo. tama bang kidnapin ako ni Andy tapos iiwan dito sa tagong lugar na 'to?! HAHAHA. ang abnormal ah. napalingon naman ako sa likod kasi feel ko may tao dun. 

"ehem..."

si AJ :"<

"siguro naman kahit mag-ex na tayo, pwede pa din kitang maging kaibigan?"

speechless ako nun tapos lumapit siya sakin then niyakap niya ako.

"AJ..."

















"alam mo, sobrang namiss kita..."

No comments:

Post a Comment