Saturday, October 23, 2010

Chapter 5: Day 1 Part 2

Nashock ako sinabi niya. Hindi ko alam yung sasabihin ko. Nun ko lang naisip na sana pala dumating na lang si Daniel o di kaya si AJ para ilayo ako kay Francis. Masyadong mabilis ang mga pangyayare. Parang 2 days pa lang kami ni AJ tapos biglang ganyan. Ang labo naman ata nun. Hindi ko alam ang pipiliin ko.

Diba dapat masaya ako ngayon kasi at last, confirmed na! May feelings pa nga siya sakin! Pero anong iisipin ng tao kapag nakipagbreak ako kay AJ. iisipin nila na cheap ako at naglalaro lang ako ng lalake. HAAAAAYYY.

hindi ako nakapagsalita. parang tumigil nga yung mundo eh. pero mukhang mabaet sakin ngayon ang panahon bigla na lang akong biniyayaan ng magliligtas sakin. Si Daniel. Nasa likod ko lang siya at nakangite.

"Zerli! Naabutan pa kita! ihahatid pa ba kita??"
"huh? uh--ano-- sige" napasige na lang ako nun. tiningnan ko muna so Francis nun tapos umalis na lang ako. grabe, kinakabahan ako. sana sinabi ko sa kanya na dati ko pa hinihintay yung oras na yun. yung oras na sabihin niya sakin na mahal pa rin niya ko :( dumating na nga yung oras na yun pero mukhang wrong timing ata.

"Saan ka ba nauwi?"
"huh? hindi pa pala muna ako uuwi.. kasi ano-- uh.."


out of words na ako nun. masyado talagang mabilis ang mga pangyayare. pilit akong kinukulit ni Daniel. pero hindi ko na siya pinapansin. naluluha ako. hindi ko alam kung bakit.

hindi ko maintindihan yung nangyayare sa paligid ako. pero nakita ko siya. hindi si Francis. 







si AJ.

hindi ko alam kung bakit pero siguro siya na lang yung tanging sandalan ko pagdating sa mga bagay na ganito. pagdating sa mga taong katulad ni Francis. Tuluyan ng tumulo yung luha ko. 

"huy bakit ka naiyak?"

hindi ko siya sinagot. tumingin ako ng diretso kay AJ na mukhang nakuha yung tingin niya sakin. nagiba yung expression ng mukha niya nung nakita niya ako na naiyak. pumunta siya sa area kung nasaan kami ni Daniel.

"oh basang basa ka ah"

tinanggal niya yung jacket niya tapos sinuot sakin. linapit niya ko sa sarili niya tapos yinakap niya ako. siguro alam niya. siguro nga naiintindihan niya. siya lang naman kasi ang nakakaalam :(

hinawakan ko yung uniform niya. crinumple ko yung uniform niya. hindi ko alam kung bakit. napaiyak na talaga ako. nakakahiya. andun pa si Daniel na wala man lang kaalam-alam sa nangyayare. hikbi ako ng hikbi. bakit kasi ngayon pa diba? lalong hinigpitan ni AJ yung yakap niya sakin. medyo tumigil na din yung pag-iyak ko nun. Somehow, I felt safe. yung tipong parang si Francis yung sugat. si AJ yung betadine. tapos si Daniel, ayun epal.

"uh-- tol salamat sa pagsama kay Zerli ah. sige una na kami"

tulala ako nun. nakaakbay sakin si AJ ng maglakad kami papunta sa motor niya. hindi na rin naulan nun. malamig ang simoy ng hangin pero ngayon naiinitan ako. hindi ko alam kung bakit. wala akong lagnat. sure ako. oh baka sadyang sobrang hot lang ng kasama ko ngayon kaya ganito :))) HAHAHAHA. inangkas niya ako sa motor niya.

"hatid na kita sa bahay niyo ha. magtext ka na lang. dun na lang tayo magkwentuhan. okay?"
"hindi, ayoko pa umuwi..." way ko na rin siguro yun ng pagsabi sa kanya na `wag niya muna ako iwan ngayon kasi kailangang kailangan ko talaga siya`.
"eh saan naman tayo pupunta?"
"kahit saan. basta malayo dito. ayoko muna dito"

nagstart na yung motor. medyo mabilis yung takbo ng motor niya. o baka pakiramdam ko lang yun. kasi ngayon lang talaga ako nakasakay ng motor ng walang helmet at hindi kasama ang tatay ko. pero kahit na ganun, hindi ako natatakot. hindi ko nga maintindihan yung pagtakbo ng motor eh. kung mabagal ba o mabilis? pwede bang both? ang labo ata eh :))

hindi ko alam kung saan ako dadalhin nitong si AJ. basta alam ko matutulungan niya ako. wew. 

malamig nga talaga nun. hindi ko rin napigilan na mapayakap sa kanya at mapasandal yung ulo ko sa likod niya. after ilang minutes, tumigil kami sa Baywalk ng MOA. sakto nun sunset pa. 

"bakit dito?"
"wala lang. ayaw mo ba? naisip ko kasi na relaxing lang dito eh"

umupo kami dun sa parang pader na naghihiwalay sa manila bay at sa baywalk. tiningnan namin ng maigi yung sunset. maganda nga.

"ano bang problema mo kanina?"
"uh-- yun... magulo eh"

hindi ko talaga alam kung saan ko sisimulan. nagsigh lang ulet ako.

"kasi nagusap ulit kami ni Francis" nagsigh ulit ako. "magulo. hindi ko siya maintindihan... parang sinabi niya lang sakin na gusto niya pa ako. parang binabalikan niya ako" inisip ko ulit yung mga nangyare kanina. kinakabahan ako ngayon. hindi ko alam kung bakit. "hindi ako makapagsalita. hindi ko talaga alam yung gagawin ko" 

"eh di ibig sabihin ba neto eh tapos na ang lahat? wala ng tayo? masaya ka na ba?"
"yun nga yung problema ko eh. kung tama bang tapusin 'to agad"

napabuntong hininga siya nun. "masyado kasing mabilis eh. sobrang bilis. nakakabitin"

nagulat ako nung sinabi niya yun. hindi ko maintindihan yung gusto niyang iparating. feeling ko gusto niyang ituloy? pero bakit? anong nakakabitin?

siguro dahil dun sa 700 pesos. iniisip niya na sa huli lugi lang siya. pero madali lang naman remedyuhan yun. pera lang yun. mababayaran ko rin sa kanya yun kapag nakaipon na ako. kung ang dahilan eh parang ayaw niya pa akong pakawalan (feeling ako!), eh sobrang labo talaga. imposible yung mga ganung bagay. siguro kahit kuko ko eh kayang-kayang pakawalan ni AJ. siya pa! madame nga naman kasing iba dyan diba?

"siguro naguguluhan ka lang. kung gusto mo ganito na lang. gawa na lang tayo ng agreement"
"a-ano yun?"

napapatulala ako. masyado niyang pinipilit yung pagiging kami. agreement? necessary ba talaga 'to?

"uhm-- ano... kapag nabayaran mo na sakin yung 700 pesos... eh di wala na tayo... siguro mabilis ka lang naman makakaipon... sanay na rin naman ang mga tao na isang linggo lang sakin natagal ang isang babae.. siguro okay lang naman yun sa part ko..." nagpatuloy siya. "at kung may balak ka mang balikan si Francis... uh--ano.. siguro wag mo muna ituloy kasi..." napatigil siya. pero kasi ano? kasi nagseselos ka? AMP. "kasi uh--ano.. malay mo hindi talaga siya yung para sayo... baka masaktan ka lang ulit.."

parang nakaramdam ako ng inner pain nun sa puso ko. hindi ko alam kung dahil ba dun sa sinabi niya na pwedeng kahinatnan ng pagmamahal ko kay Francis o dahil hindi nangyare yung ineexpect ko (yung pagseselos niya). well, bakit nga ba ako ng eexpect diba? bakit nga naman siya magaaksaya ng panahon para magselos?? TSS.

"siguro... kailangan mo ng sign... yung uh--ano. yung para malaman mo kung yun na ba talaga yung tao para sayo..." childish yun. parang bang iniiwan mo na lang sa kapalaran o destiny mo ang pagpili sa taong makakapiling mo habang buhay pero malay mo magworked nga diba?
"ano naman kayang sign yun?"
"hmm--yung uh.. kung sino man yung lalake na makakasama mo habang nanunuod kayo ng unexpected fireworks... siguro siya na.. siguro siya na yung makakasama mo habang buhay.."

napaisip ako nun. inimagine ko na si Francis nga yun. si Francis yung makakasama ko na manuod ng isang unexpected fireworks. pero half of my self ang nagsisingit sa mukha ni AJ sa imagination ko. hindi naman sa may gusto ako kay AJ diba? pero bakit ganun? half of myself ang gusto na siya ang kasama ko habang nanunuod ng unexpected fireworks.

ARGGHH. too fast. ganito na ba talaga ngayon ang mga love story?! sobrang bilis!! :))

"Okay. Deal"
"yun na yun ha.. that goes for me too" 

sabay ngite niya sakin. grabe parang walang bakas sa itsura niya ang manloko ng babae. napaka angelic ng mukha niya. napakasilent. napakamysterious. magtataka ka kung paano nga ba siya magmahal. tinanggal niya yung polo shirt niya. syempre, nakasando na lang siya nun. Oo, awkward nga na makatabi mo ang isang lalaki na isa na rin sa dahilan ng confusion mo pero mas awkward na dalawang araw mo pa lang siya nakikilala eh ang laki na ng impact niya sayo. ang weird talagaaaaa! 

"Okay ka na ba?"

tumango ako nun. kahit na hindi ako sure sa sagot ko sa kanya. may feeling pa din ako na gusto kong ilabas. lumapit siya sakin. take note: sobrang lapit. akala ko nga ikikiss niya ako nun eh (dirty ideas ko! waaaaa). sobra naman kasi yung closeness diba?! pero bumulong siya sakin.

"liar..."

napangite ako nun. hindi ko alam kung bakit. parang joketime ang lahat. ngumite din si AJ. There's just something about his smile. ang sincere. grabe.

tumayo bigla si AJ dun sa something na pader. and it was very dangerous. sinabi ko na nga sa kanya na umupo siya kasi sobrang nakakakaba yung ginagawa niya. grabe kasi diba?! nagulat ako sa kahihiyan na ginawa niya. bigla siyang sumigaw ng "HINDI OKAY SI ZERLINA. NAG-AALALA AKO SA KANYA. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT. ANG CUTE NIYA" sabay tawa. nakakahiya siya. nagtinginan ba naman sa kanya lahat ng tao. natatawa na nga ako sa kanya eh. mukha kasi siyang tanga. sinitsitan kami nung guard. bawal kasi tumayo dun gawa ng sobrang delikado :)) umupo naman na nun si AJ na tawa ng tawa. eh otis pala tong kasama ko eh. "ikaw naman. ang daya mo. samahan mo akong magmukhang tanga :))"

tama bang idamay ako? :)) tumawa naman ako. syempre, tumingin muna ako sa paligid ko kung andun yung guard :)) tapos tumayo. natatawa pa ako nun. nakakahiya talaga 'tong ginagawa namin. "OKAY NA AKO. SI ARON JIE KASI NAPAPATAWA AKO. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT" 

napatawa naman siya nun. "may kulang ata..." at alam ko yung kulang na yun :)))

"ANG GWAPO NIYA"

sobra talaga akong natawa nun. nagtinginan yung mga tao na naman samin. siguro iniisip nila na nasisiraan na talaga kami ng ulo. umupo na rin ako sa tabi niya ulit. hindi ko mapigilang tumawa. "mukha kang tanga eh :)) hindi naman yun yung tinutukoy kong kulang eh :))"
"weh? yun kaya yun! :))"
"sus! ikaw ha! inamin mo na rin na nagwagwapuhan ka nga sakin :)))"

pinalo ko naman siya nun. ang otis kaya :)))
"oh tingnan mo, chansing pa! :))"
"ang kapal talaga ng mukha eh!!"

bumaba na si AJ nun sa pader. syempre ako, bumaba na din. ang ganda ng stars nun. grabe.

"ayaw mo pa kasi aminin na meron kang gusto sakin eh :)))"
"oo meron..." nagulat ako sinabi ko nun. promise hindi ko talaga sinasadya na sabihin yung totoo este yung ARGHHH!! ay EWAN :| "meron ng stars! ang ganda no?" palusot

napangite na lang si AJ nun. siguro hindi na lang niya pinansin yun. grabe. "kasing ganda ko lang no? :))"
"asa naman :))"

pinalo ko na naman siya. tumakbo naman siya ng unti. eh ako naman 'tong tanga, sinundan siya :)) parang lang kaming magjowa na naghahabulan at naglalambingan which is so sweet :">

tumakbo ako papunta sa kanya and somehow feeling ko ginamit ni AJ yun na parang opportunity para yakapin ako. our faces were so close to each other.  eto na yung feeling na yun. too much confusion :|

bigla namang may tubig na lumabas dun sa sprinklers sa floor. takte! meron parang ganito :)) nabasa tuloy kami pero okay lang. masaya naman :))) tawa kami ng tawa nun. ngayon ko lang naranasan yung ganito. sobrang sayaaaa, kakaibang saya pa :))

syempre pumunta na rin kami dun sa place na walang sprinkler. ginamit kong pamunas yung polo ni AJ. grabe, parang kaming nagswimming :)) nakakahiya pa. nakaschool uniform pa kami! OVER. hanggang dun nagtatawanan pa din kami. nakakalimutan ko na nga si Francis nun eh. sa sobrang saya siguro.

sobrang busy kami nun sa pagtawa sa katimangan naming ginagawa ng biglang may isang unexpected na pangyayare ang nagcaught ng attention namin. napatingin kami sa pangyayare na yun sa kalangitan. panaginip lang ba 'to?
















Fireworks.
And it was Unexpected.
And I was with AJ

No comments:

Post a Comment