Saturday, October 23, 2010

Chapter 9 Day 4 Bboy Battle \m/

hindi ako kaagad nakatulog nun. grabe, pagkagising ko tuloy, sobrang antok na antok ako. ARGH! feeling ko nastressed ako sa mga pangyayare. bakit nga ba masyado kong iniisip yung lovelife ko?! AMP.

as usual, nagayos ako and chineck ko yung phone ko. ngayon naman, hindi ko na maintindihan kung sino yung tao na hinihintay ko na magtext sakin. kung si Francis ba o si AJ? but unfortunately, wala naman akong natanggap na text galing sa kanilang dalawa. may natanggap ako galing kay Daniel. pero ano bang pake ko dun? masyado siyang malande. MU sila ni Andy tapos kung makapagtext eh. ARGH! mamatay na. Promise :))

pumasok na rin naman ako. hindi nga ready yung utak ko sa kung ano mang kaabnormalan na mangyayare sa araw na 'to eh. pero umagang-umaga pa lang eh may kaabnormalan na akong nakita. hindi talaga kaabnormalan pero wala lang. ang COOL lang talaga. natanaw ko agad dun sa ATC (more like hindi ko na tanaw yung
ATC), ang daming estudyante na nagtipon dun sa ATC. ang daming nanunuod. tapos may natugtog na nasa highest volume ata. nakisiksik ako sa mga tao. and shet so COOOOOLLLLLLLL.

nakita ko yung crew nila AJ na nagsasayaw. ow shet. ewan ko ba lalo lang ako humanga kay AJ. I mean napaka strong ng moves niya pero ang soft tingnan. gets niyo? Ang astig pa nung tugtog. hindi ko nga alam yung title. sa totoo lang, hindi siya isang kanta o rap or whatever they call it. parang series lang siya ng tugtog na inedit sa isang something kaya parang smooth beats yung tunog tapos sila pa yung nagsasayaw na nakaka-amaze talaga.

nakita ko si Andy na sobra kung makatingin kay Daniel. inaamin ko na kapag nasayaw si Daniel, mapapawow ka talaga. pero pag si AJ ang nagsayaw, ewan mo na lang kung makakatulog ka pa. kasi naman sobrang asdfghjlljahdkfhd :))) Ang Astig niyaaaa :">

umupo ako sa tabi ni Andy. hindi niya ata ako nahahalata kasi yung buong attention niya na kay Daniel lang. ang ganda ng sayaw nila. siguro, nagprapractice sila para sa... ARGH! pati competitions na sinasalihan ng boyfriend ko, hindi ko alam. kamusta naman yun?!

"para saan ba yan?"
"huh--uh... ano? hindi mo alam? hindi ba sayo nasabi ni kuya?!"


ay alam ko alam ko kaya nga tinanong ko diba?! AMP :)))

"para yan sa bboy battle mamaya... kalaban nila yung crew sa kabilang school... astig yun... manunuod ka ba? yinaya kasi ako ni Daniel na manuod eh..."
"uh-- sure okaay..."


okay. hindi man lang ako yinaya ni AJ. wala akong alam. naki-okay na lang ako. ano nga ba ang bboy battle? sa totoo lang, hindi ko talaga yun alam. siguro yung author wala ring alam dun basta alam namin na tungkol sa pagsasayaw yun na parang pang free style tapos may kalaban kayo na ibang crew :)) hindi pa nga sigurado kung biboy battle ba o bboy battle :))) HAHAHAHHA.

natapos na din sila magsayaw. grabe. syempre, hindi sila naka uniform nun. nakat-shirt lang sila. alam mo na agad na pawis na pawis silang lahat pero ang bango pa din :))) yung mga tao nagpalakpakan sa kanila. amaze na amaze ba naman.

tapos magugulat ka na lang, si Daniel, AJ at yung iba niyang gwapong kacrew biglang nagtanggal ng t-shirt. ewan mo lang kung kikiligin ka o mapapasigaw. pinipigilan ko na lang na ngumite :)) hindi ako napapangite dahil kay AJ, napapangite ako dun sa mga babae na nagwawala na habang pinapanuod sila AJ na magsuot ng bagong t-shirt at yung polo nila...

nawalan na din masyado ng tao. nasabihan nila yung isa't isa ng nice job at kung ano ano man. tinabihan ko naman si AJ. aba may atraso 'to sakin, wala man lang sinasabi tungkol sa bboy whatever :)))

"oy ano daw yung biboy something battle na yan?"
"ah.. yun ba? basta mamaya yun... sama ka..." sabi niya habang pinupunasan niya yung pawis niya.. "sumama ka na para may inspiration ako..."
"'abno.."

nginitian niya lang naman ako. HAHAHA. ang kyuuuuut :">

bigla ko namang natanaw si Francis kasama si Jeanna... nacrumple ko yung palda ko. ARGH! nagseselos ako :x tiningnan ko si AJ habang inaayos niya yung sapatos niya and nun parang nawala yung inis sa puso ko. tiningnan ko ulit sila Francis at nakita kong nakatitig siya sakin. somehow, naglock yung eyes namin pareho. 

binalin ko agad yung tingin ko kay AJ na nagaayus pa din ng sapatos niya. astig nga yung sapatos eh :))) grabe.

nagring na rin yung bell. as usual, sabay kami ni Andy na pumasok sa classroom. kwinentuhan niya lang naman ako ng mga sweet na bagay na ginagawa sa kanya ni Daniel at kung gaano siya kaexcited sa date nila sa Saturday. hindi ko na masyado pinakinggan yun HAHAHA :)))

ayun, back to classes. dibdib ko na yung chemistry :)) baka kasi mamaya wala na akong masagot sa test next week. mahirap na :)) HAHAHA. huling quarter na 'to no. 

mabilis na lumipas ang oras :)) buti naman. kaexcite na yung Bboy whatever eh :)))

inayos ko yung gamit ko. kasama ko si Andy na pumunta dun sa ATC. halos andun na lahat nung crew. nakita ko naman agad si AJ. nakasando lang siya nun pero hawak niya sa kamay niya yung red na checkered na parang polo. pag sinuot niya yun, paniguradong titili ka. nakablack pants siya. tapos suot niya yung black and red na super astig na sapatos.

(yan yun :))

inakbayan niya ako nun. nakakakilig nga eh :)) HAHAHA. ewan ko kung bakit niya ginawa yun. nakaakbay siya sakin nung natanaw ko na nakatingin samin si Francis. Ang weird kasi parang stalker ko na siya. BRRR.

halos lahat ng mga kacrew niya may motor. syempre, umangkas ako dun sa motor ni AJ :)) si Andy naman dun sa motor ni Daniel :)) Aba, syempre manunuod kami nung whatever battle na yun no. kung sino man yung mga kalaban nila, taob na silaaaaaaaa  HAHAHA. 

ilang minutes lang naman eh tumigil kami sa isang badminton court. ayyy, dito ba yung battle whatever? :)) HAHAHA. o maglalaro lang kami ng badminton? AHAHA.

bumaba na kami. kasabay kong maglakad si AJ papasok dun sa badminton court. binuksan ni Daniel yung pintuan dun sa badminton court and  WHOOAAAAA.

nagdalawang isip ako kung badminton court ba talaga 'tong pinasukan namin. ang daming tao. may iba't ibang ilaw na super astig. parang kang nasa sobrang laking disco. alam mo agad na puro dancers ang nakapaligid sayo kasi lahat sila ay makapal ang mukha na magsayaw. ang astig nung mga suot nila. yan tuloy napatingin ako sa suot ko na school uniform lang... buti pa si Andy nakapagpalit ng pantaas na tshirt. :| AMP nakakahiya ako. SHET. dun sa gitna ay merong malawak na stage. may iba't ibang lights tapos aakalain mo na may sunog sa stage kasi sobra yung usok. pero hindi talaga yun usok. astig nga eh :))

maingay yung mga tao. at ngayon lang ako nakapunta sa ganito. parang kang nanunuod ng Step up pero hindi ka talaga nanunuod kasi andun ka mismo :)) akalain mong may ganito sa Pilipinas. akala ko napagiiwanan na tayo HAHAHA.

sinuot na nila AJ yung polo shirt nila. ang kyut. lahat checkered na iba't iba yung kulay :)) simple pero pag suot nila ang ASTIIIIGGGGGG :)))

hinawakan ni AJ yung kamay ko tapos sabay kaming pumunta dun malapit sa stage. may dalawang upuan dun. okay, ano to reserved seats? dun niya kami pinaupo ni Andy :)) tumapak na sila sa stage. WHOA. astig. dun naman sa kabilang panig eh tumungtong na rin dun yung makakalaban nila galing dun sa kabilang school. naka-black and white yung costume nung kabila. meron namang parang kunwareng referee dun sa gitna nung mismong stage :)) nakasuot ng sobrang luwag na shrt. parang jejemon na ewan pero masasabe mo na cool pa din :)))

nagstart na magsalita yung kunwareng referee :)) kung referee ba talaga tawag dun. AY EWAAANNN NAAAA :))) AHAHAHHA. hindi ko masyado maintindihan, ang ingay kasi ng music. natugtog pa dun yung `Club can't handle me`. Grabe, feeling mo talaga nasa Step up ka :))

tanging nainintindihan ko lang sa sinabi niya ay nung inintroduce niya yung dalawang grupo na maglalaban ngayon. syempre yung crew nila AJ na `Bounce Back Crew` pati yung kabila na `Urban dancers`. ewan ko ba kung urban dancers yun o sadyang hindi ko lang talaga naintindihan masyado :))) nagstart naman na yung sayaw nung sinabi nung jejemon referee ang "The Dance Floor is now open" sabay alis sa stage.

lalong lumakas yung kantang Club can't handle me right now. unang nagpasabog yung isang member ng kabilang grupo. astig nga eh. babae pa yun pero kung gumalaw parang babae :)) masyadong mabilis ang mga pangayayre kung kaya ko lang videohan at ipakita sa inyo ang kaastigan na nangyayare ngayon eh matagal ko ng ginawa. ang galing nung pagkakasayaw. parang pati ilaw eh nasabay sa galaw niya :))

si Daniel yung unang sinabak :)) nagpakitang gilas nga at shet, pati ako napatulala. ang astig ng loko :)) alam niyo yung tipong hinagis niya mung yung red cap niya tapos nag backdive tapos pag tayo niya sakto sa ulo niya yung bagsak nung red cap :))) ASTIG. walanjo. nagsparkle yung eyes ko dun. yung mga tao naghiyawan. naastigan din sila malamang. nagkairingnan yun dalawang grupo. syempre, punong-puno ng angas yung laban diba. natapos na yung kantang club can't handle me. yung `take your shirt off` naman yung tumugtog. WHOA. inspired by step up ba talaga 'to? :))) Astig. dalawang lalake (kambal ata) yung nanggaling dun sa kabilang grupo. ang astig. sabay na sabay yung galaw nila. yung tipong parang iisang tao lang silang nagalaw :)) ASTIG. pagtapos nila yung nagpalabas din ng dalawang babae yung crew nila AJ. speaking of AJ, ang tagal naman niyang ilabas :))) magaling din yung dalawang babae, si Marjorie at Rhian yun. ang astig nila. akalain mong marunong yung dalawang babaeng yun ng back dive :)) WHOAAAAAAAA.

nagpatuloy yung battle at halata namang naeenjoy ko talaga 'to. padagdag ng padagdag yung nilalabas ng bawat grupo. masasabi mo nga na tie lang eh kasi ang galing pareho. yung leader nung kabilang grupo eh nagpakitang gilas na and for sure pagtapos neto si AJ na :"> yung kanta na nun eh yung `Step up` mismo :)) Astig.

magaling yung leader na yun. gumawa pa nga siya ng parang illusion na akala mo nalutong yung blue cap niya eh :)) pati ako impressed. nakatingin ako sa kanya at napansin ko na nakatingin siya sakin. after nung routine niya, he winked at me. I mean EW. hindi naman EW. pero WEEEEIIIRDDDD.

nagsimula naman na si AJ. hindi ko maexplain yung bawat kilos niya kasi ang astig talaga. mapapatulala ka. nagsayaw lang siya na parang wala siyang pakielam sa mundo. kitang kita mo yung pawis niya na sa dulo ng buhok niya at alam mong feel niya yung bawat galaw niya. grabe. napatitig ako sa kanya. pansin ko din yung kabilang grupo na nakatitig sa kanya. kahit na alam mong simple yung sayaw niya, alam mo na sa huli neto ay may pasabog. akala mo tapos na kasi tumigil siya sa pagsasayaw, nagsuot siya ng helmet. Oh shit ang gwapo. hinawakan nung dalawang kasamahan niya yung paa niya then parang hinagis lang siya pataas. parang siyang tinapon pero kita mo may grace pa din yung galaw niya. hindi ko alam kung anong tawag dun. parang back dive pero pa front. FRONT DIVE :))) HAHAHAHA. tapos sakto yung ulo niya sa floor. natakot ako nun kasi paano kung mabasag o masira yung helmet. delikado kaya yung stunt na yun. naamaze yung mga tao. after ilang seconds lang eh, nanlaki na yung mata ng lahat ng magheadspin siya... I mean WHOAAAAAA.

napasigaw lahat kasi ang galing galing talaga. taob talaga yung kabilang grupo. napatulala silang lahat. ALAM NA. halata naman na talo na sila :)) OVERRRRRRRRRRRRRRRRR. tumayo si AJ at naggesture pa na parang gusto pa niyang hamunin yung kabilang grupo :)) syempre, yabangan na yan. walang nagawa yung kabilang grupo na umatras at bumaba sa stage. halata naman ang results :)) tiningnan namin yung tatlong judges na sabay sabay nagtaas ng board na may nakaprint na 10. WOOOO. 10 10 10. ASTIG :)) napatalon lahat kami. pumunta din ako ng stage tapos bigla kong yinakap si AJ :))

Hindi ko alam kung bakit ko siya yinakap . masaya lang ako kasi siya yung dahilan kaya nanalo silaaaaaa :))

masyadong maingay kaya sinisigaw ko na yung gusto kong sabihin kay AJ.

"Ang galing mo. grabe..."
"Oh? Astig no?"

ngumite naman siya sakin tapos yinakap ulit ako HAHAHA :)) Kinikilig ako. AMP. wala namang ganyanan :))

parang nagpatuloy yung party. sikat na sikat talaga si AJ. grabe. and I'm his girlfriend WHOAAA :)))

10 pm na din yun. on going pa din yung ibang laban ng ibang crew. nanunuod pa yung ibang kasamahan ni AJ. kami naman ni AJ eh napagpasyahan na lumabas muna nung badminton court. meron kasing play ground sa tabi nun. umupo kami sa swing nun. ang ganda nung stars. naalala ko tuloy yung gabi na nagkaroon din ng fireworks.

nagkwentuhan kami ni AJ tungkol dun sa first time kong pagpunta sa Bboy battle. alam niyang amaze na amaze ako sa mga pangyayare. pagbigyan na first timer eh! :)) HAHAHA.

"grabe... parang lahat talaga imposible... yung ginawa pa ni Daniel nung una... as in Whoaaa... tapos ikaw pa... pamatay na head spin... turuan mo nga ako nun! naamaze lang ako eh! "

hindi ako matigil sa pagsasalita nun. HAHAHA :)) ang daldal ko. natatawa lang naman sakin si AJ.

"eto puro tawa na lang :))"
"bakit ba? para ka kayang bata... ang cute :))"

kinurot niya yung ilong ko. grabe ang sakit namumula ata HAHAHA :))

nagtawanan lang naman kami dun then may isa na namang pangyayare. na tulad ng dati eh unexpected. 

Fireworks na naman. Whoa.

Hindi ko alam kung galing saan pero hindi 'to panaginip. Fireworks. AGAIN.

tiningnan ko siya na nakatitig sa Fireworks. kaya ako naman eh napatitig na din dun sa Fireworks.

Ang ganda kasi may heart shape na fireworks :))

nagulat na lang ako ng may kakaiba na dumaloy sa katawan ko. parang kuryente na nakakakilig na ewan.


















AJ kissed me on my cheek...

No comments:

Post a Comment