Friday, November 19, 2010

Chapter 25: salamat :(

Nagulat ako nun sa sinabi ni Ate Zinnia. Naawa ako sa kanya.

Yung nagcompose nung unfinished song
Yung boyfriend niya tinutukoy niya
wala na pala...


nakita kong lumuha nun si Ate Zinnia pero bigla naman niya yun pinunasan tapos ngumite siya. pero kahit na ganun, may lungkot pa rin dun sa mga mata niya.


"sorry... napadrama tuloy ako..."


hinawakan ko yung kamay niya. tapos tumingin sa mga mata niya.

"okay lang yan... mahahanap mo din yung taong para sayo talaga..."

gumaan na yung loob ko nun. wala ng bigat, malamang gumaan eh. HAHAHA. tingnan mo, napatawa na ako ng sarili kong corny na joke. siguro, kung sila naman talaga ni AJ yung para sa isa't-isa, dapat ko ng tanggapin yun. ano naman kasing magagawa ko diba?

hanggang dito na lang kami ni AJ. ang panget naman kung magiging bitter ako. wala namang ginagawa si Ate Zinnia na bagay para maging bitter ako sa kanya. Mabait siya. At kampante na ako dun. pero kung siya man ay isang kampon ng kadiliman, dun lang ako gagalaw aba. HAHA

"sana nga natagpuan ko na siya tapos sana hindi na rin mawala yung taong yun..."

tumingin ka lang sa tabi-tabi. andyan si AJ no?! nginitian ko na siya nun tapos nagkakwentuhan kami tungkol sa kung anu-ano. masaya nga siyang kausap eh. nag-food trip din kami at nagsound trip dun sa tree house. para ko na nga siyang ate eh. ang sarap pala ng may kapatid no? ang sarap pala na maging kapatid si Ate Zinnia nu? naging welcome na rin ako dun sa tree house. pwede na akong maglabas pasok dun ng walang permission sa kanya. ang saya no?

kahit na medyo approved na ako sa love team ni Zinnia at AJ, may part ng pagkatao ko na gusto pa ding magkaroon ng AJ at Zerlina. HAAAAAY. pagbigyan niyo na akong mangarap. expect the unexpected diba? predict the unpredictable. basta ako, okay na ako. tatanggapin ko na lang kung ano mang mangyare samin, sakin. 

kung masasaktan man ako, at least dahil sa kanya...

hinatid ako ni Ate Zinnia dun sa bahay. nagtatawanan pa nga kami nun pati naglolokohan. nakita ko nga si AJ na nakatitig samin. ang awkward. dahil hindi ko alam kung sino ba talagang yung tinitingnan niya samin ni Ate Zinnia. 6:30 p.m na nun at tinutulungan ni Andy nun si Tita at tito sa paghahanda ng dinner namin. WOW. second dinner ko palang ngayon dito sa Batangas, at feeling ko sobrang daming revelation at nangyare. 

as usual, ganun pa din ang seating arrangement namin sa pagkaen. tahimik pa din si AJ. Ghad. Hindi talaga ako sanay. makulit nga 'to mamaya. lakas ng trip no? HAHA.

nakaen kami ng tahimik nun ng biglang tinabig ni Andy yung paa ko. napatingin tuloy ako kay Andy na nanguso sa direction ni AJ.

"anong meron kay kuya?" pabulong niyang sinabi sakin yun. hindi naman ata nahalata ni tita at tito yung pagbulong sakin ni Andy.
tumingin naman ako kay AJ na hindi ko namalayan eh kanina pang nakatitig sakin. ngumite naman ako sa kanya tapos bigla kong binalin yung tingin ko kay Andy. gusto sa kanya sabihin na wga namann siyang obvious diba?

gamit ang peripheral vision ko, nakita ko naman na nagsmirk si AJ. nako. ano na namang iniisip ng lalakeng 'to?!

tapos na kaming kumaen nun. si Andy yung in charge nun sa paghuhugas ng plates. yan tuloy, wala akong matakbuhan kapag usapang AJ na. speaking of AJ, ayun tumabi siya sakin bigla. nasa sala kasi ako ngayon. hinihintay ko si Andy na ang tagal maghugas ng mga pinggan. feel ko on purpose na yung pagpapatagal niya. si Andy talaga eh.

si tita naman ay may ineentertain na parang bisita o family member dun sa labas. si tito naman eh andun sa labas din hinhanda yung tables and chairs dun. magkakaroon kasi ng inuman yung mga matatanda. syempre, hindi kami kasama dun! bata pa kami. no no no HAHAHA.

so ayun, medyo pinapatagal ko lang kasi baka anytime mapatingin na ako kay AJ. alam kong nakatitig siya sakin. hindi lang talaga ako makatingin sa kanya ng diretso. Ghad. gustong-gusto ko yung mga tingin niya pero at the same time, gusto ko din iwasan 'to. ako rin yung isang magulo eh. HAY.

hindi ko rin nakayanan ang pagtitig niya sakin. napatingin na rin ako sa kanya with matching taas pa ng kilay. HAHA

"problema mo?"


ngumite siya sakin tapos bigla niya akong niyakap. para siyang batang kumilos nun. ang cute pero ayaw ko isipin na cute siya. ARGH. labo ko.

humiwalay na siya sakin nun. at last, isa pang malabong pakiramdam ko. gusto ko siyang yakapin pero ayaw kong magpayakap sa kanya. labo ko na naman.

"nagulat kasi ako sayo kanina... parang nag-iba ka..." napatungo siya nun. "...eh kasi ikaw yung tipo ng taong gagaspangin ako araw araw... babarahin ako gabi-gabi... magtetext sakin ng kung ano-anong kalokohan..."
"..so ako ng masama ngayon?"

ngumite naman siya sakin nun. "kahit na binabara at nagaasaran tayo palage, wag mong kakalimutan na pag tinapos mo 'tong lahat, baka mabaliw ako" kung alam mo lang AJ. dati pa akong baliw sayo. "kasi lahat ng mga bagay na ikaw lang nakakagawa eh hahanap-hanapin ko..."

hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nun. tumatayo yung mga balahibo ko sa batok. hindi ako kinikilig eh. natutuwa ako.

"kaya please lang..."

bago niya matapos yung sasabihin niya. hinawakan ko bigla yung kanang kamay niya."hindi na talaga kita iiwan..."

tiningnan niya yung pagkakahawak ng kamay namin tapos unti-unti niyang tinaas yung ulo niya para makipag-meet yung mata niya sa mga mata ko. ilang segundo lang ang tinagal nun pero feeling ko ang tagal. hiniwalay ko agad yung kamay ko. bigla kasi akong nakaramdam ng pagkailang. at feeling ko, nailang din nun si AJ kasi medyo gumawa siya ng space sa pagkakaupo namin.

"salamat..."

natahimik na lang ako nun. and syempre, natapos na din si Andy nun sa paghuhugas ng pinggan. yinaya ko siya na pumunta kami dun sa kwarto. kwentuhan time ulit diba? tsaka baka mamaya marinig pa ni AJ ang pagchichikahan namin.

nakaupo kami sa kama ni Andy nun habang nakaen ng popcorn. natripan lang namin kainin 'to. kung bakit eh hindi ko alam. HAHA.

"oh? ano ng balita sa inyo ni kuya?"  nauumay na ako sa topic na AJ na 'to ah
"ah yun? ang weird... basta..."
"ikwento mo na.... kung gusto mo na ngang ibuhos ngayon, pwede eh... hangga't ako yung katapat mo diba? baka mamaya hindi mo makayanan, kay AJ mo mismo mabuhos ang lahat..."

napasigh ako nun

"eh kasi tanggap ko naman na hindi talaga ako yung gusto ni AJ... si Ate Zinnia naman talaga..." napayakap ako dun sa unan ko. "kaso ang sakit sakit pala no..."
pinipigilan ko yung mga luha ko. priness ko yung mukha ko sa unan ko. hindi ko rin naman pala kayang pigilan yung paglabas ng luha ko. hinawakan ni Andy yung kamay ko. 

"sige lang... kaya mo yan, okay?"

ang weak ko pala no. hindi ako tulad ni Andy na parang ang lakas pa din kahit na linoloko lang pala siya nun ni Daniel.

"alam mo yung tipong gusto ko na siyang pakawalan pero ayaw niya akong bitawan... yung ang gulo niya... sinasabi niya na may gusto siyang iba pero ipaparamdam niya sakin na special ako para sa kanya... siguro nature na ng pagiging playboy niya yun pero ramdam ko na may truth sa bawat bagay na ginagawa niya..."

garalgal yung boses ko nun. ang hirap magsalita habang ang mukha naka-press sa unan no?! dahil sobrang hirap, binitawan ko na yung unan at pinunasan ko yung mga luha gamit yung kamay ko. nakatingin lang naman sakin si Andy, nakikita ko nga na medyo naluluha na siya.
napahiga naman ako nun sa kama.

"gusto kong sumigaw..."

tinabihan ako ni Andy sa papgkakahiga.

"go... sumigaw ka na..."

seryoso ka neh? HAHA

"ano bang pwedeng isigaw?"
"uh... ano bang nagustuhan mo sa kanya?"

napaisip ako kung ano nga ba. ang dami kase eh.

nagsimula ako sa pagwhisper lang. 

"yung mga nakakatunaw niyang titig" napapangite naman si Andy nun "... gamit yung mga nakakain love niyang mga mata..."

natatawa na rin ako sa mga sinasabi ko eh.medyo napalakas na din yung boses ko nun.

"yung ngite niya na may kakayahan na kunin yung kaluluwa mo" napatigil ako nun. nagiisip ako ng perfect words para sabihin yung nararamdaman ko "...na kayang iparamdam sayo na nasa langit ka na pala..."

"tapos yung pangbabara niya..." natatawa ako nun pag naalala ko yung pagkukulitan namin. "yung pangaasar niya... yung kalokohan niyang nakakakilig... tapos lahat ng ginagawa niya na nagpapasaya sakin..."

"tapos nagustuhan ko din kung paano niya nagagawang paiyakin ako..." naluluha na ako nun. "na parang ngayon lang..."

"nagustuhan ko din yung kung paano niya ako saktan ng hindi man lang niya nalalaman..." bumuhos na talaga yung luha ko nun. ang hirap. shet lang.

"nagustuhan ko lahat...


...kung paano niya mahalin si Ate Zinnia...


...kung paano siya sumayaw...


...kung paano siya kumanta kahit sintunado...


...kung paano siya maging sweet sakin...


...kung paano siya bumanat ng mga corny niyang linya...


...kung tutuusin wala na akong hahanapin pa..." 

sa gitna ng katahimikan na yun, may narinig kami ni Andy na tunog galing dun sa pintuan. isang senyas na may nakikinig sa lahat ng sinabi ko.

No comments:

Post a Comment