Saturday, November 27, 2010

Chapter 37: An I love you from Francis :|

Ayun, sakto na pag-alis ni AJ, eh biglang dumating si Francis na may payong. Medyo natagalan siya dahil hinanap pa niya ng bonggang bongga yung janitor. ganun pa din naman, magkasabay kaming umuwi.

Hindi ako kinikilig or somethin. buong time ata na naglalakad kami pauwi, si AJ lang ang tanging nasa isip ko. Nakakapikon lang eh. Nauumay na talaga ako sa pag-iisip ng puro AJ lang :| Badtrip eh.

So yun, nagpatuloy yung panliligaw sakin ni Francis.

Palagi niya akong inaabangan sa may gate para ihatid niya ako sa classroom ko. Minsan nakakasawa na nga eh. Mas gusto ko kasing kasama yung Bounce Back Crew lalo naman si AJ at miss ko na rin yung best friend kong si Andy. Pero hindi ko maiwasan si Francis eh. Hindi ko alam kung bakit.

Minsan bago pa kami tumuloy sa classroom, ililibre niya muna ako ng tinapay o kung ano mang makakain mula sa canteen. tapos kapag ihahatid niya ako sa classroom namin, grabe magtinginan yung mga kaklase ko.

Gusto ko ngang layuan si Francis minsan. kasi napapagusapan ako ng ibang tao. Hinuhulaan nila kung sino kay Francis at kay AJ ang Rebound? Nakakainsulto naman yun diba? Minsan napipikon na ako during class hours dahil instead na makinig sa teacher, mas busy sila na pagchicmisan ang buhay ko. Kaya minsan gustong-gusto ko ng sirain yung mukha ng mga tsismosa na yun pero nakakaya pa akong pigilan ni AJ.

Minsan nasabi niya sakin na wag ko na lang sila intindihin. Ang mahalaga eh masaya ako pero ano baaaa~?! sino ba ang niloloko ko? sarili ko? hindi ako masaya. okay? :|

Hindi naman nagpapakita si AJ ng kung ano mang pagseselos kapag nakikita niya kaming magkasama ni Francis. Minsan nga gusto ko ng landiin si Francis ng bonggang bongga kapag andyan si AJ, para lang malaman kung ano kayang mararamdaman niya. Pero duh? Hindi naman ako ganung tao.

Minsan na lang kami magkatext at magkausap ni AJ. Palage ko na lang kasi kausap sa school at sa phone si Francis. Wala na tuloy akong natetext na ibang tao. Hindi ko alam kung bakit ako masyado nagpapadala ka Francis.

Feeling ko nga mali na 'tong ginagawa ko eh. Feeling ko pinapaasa ko siya. Feeling ko na eto na nga yung right time para ibalik sa kanya yung panyo pero kahit na ganun, parang natatakot ako.

Siguro kasi natatakot ako na masaktan siya. Hindi sa kadahilanan na mahal ko siya pero ito ay dahil sa naramdaman ko din yung sakit na yun at alam ko kung gaano kahirap na maka-recover.

Halos three weeks na rin ang dumaan mula nung nag-break kami ni AJ. Naging busy na rin sila sa pagpa-practice. sobra kasi nilang pinaghahandaan yung Bboy Battle Championship nila.

So ngayon, parang first time naman na hindi ako inabangan ni Francis. Siguro, nagsawa na siya sakin Ang bilis naman. Halos dalawang linggo pa lang siyang nanliligaw tapos suko na agad. HAHAHA. Pero kahit gaano naman siguro katagal siyang manligaw, may mangyayare ba?

Wala yung BBC sa ATC. Siguro nasa klase na nila. Ang aga naman. For a change siguro. HAHA

So mag-isa naman ako na pumunta sa classroom ko. Pagkabukas ko naman ng pinto, lahat ng tao nakangite sakin. Maliban kay AJ at kay Andy. Medyo malungkot yung expression nila.

"Anong meron?"


tumuro naman yung iba kong classmates sa blackboard. Nagulat namna ako ng may nakita akong nakasulat sa blackboard.

I love You Zerlina
-Francis

speechless ako nun. Hindi ako kinikilig. Wala nga akong nararamdaman eh. Lahat sila inasar ako. Yung mga tsismosa naman eh natuwa dahil may bago na naman silang topic na pagtsitsismisan. Sarap sapatusin eh. Kinuha ko naman nun yung eraser tapos binura ko yung nakasulat sa blackboard.

"Oh yan, wala na..."

Pumunta ako dun sa upuan ko. Napatulala lang naman ako dun sa labas ng bintana ko. Ano na bang gagawin ko? Hindi ko na talaga alam. 

"Ang sweet ah..."

Nagresponse lang naman ako ng isang fake smile.

"Masyado kang halatang pumeke ng ngite"
"Paano mo naman nalaman?"
"Wala. siguro kasi, alam ko kung paano ka ngumite ng totoo..."

Paano mo ba naman hindi malalaman? Eh isa ka sa mga taong napapangite ako ng sobra sobra. Nakita kong nag-sigh siya nun.

"Kelan mo siya balak sagutin?"
"Dapat ko ba talaga siyang sagutin?"
"Gusto mo naman siya diba?"

Hindi na ako ulit nagsalita nun. Saved by the bell nga eh. Bigla kasing dumating yung Math Teacher namin. Eh terror yun kaya hindi na ako nagsalita.

Sobrang inaantok ako sa subject na Math kaya patago kong kinuha yung cell phone ko tapos nag-open lang ng mga messages. Halos puro GM naman. Tapos nagtext na naman si Francis.

From: Francis
nkita mo b?xD

To: Francis
yea. tnx :]

Tapos nun, nagkatext ulit kami. Sinasabi niya lang naman na pasaway ako dahil nagtetext ako habang may klase tapos inaasar-asar ako ng kung ano man.

Hay nako. siguro, kung si AJ lang 'tong katext ko, kanina pa ako napagalitan ng teacher namin kasi napapangite na akong mag-isa kaso si Francis na 'to eh. No Reaction lang naman ako sa mga sweet na bagay na sinasabi niya. Nakakasawa kasi :|

Hindi ko na nareplyan si Francis nun dahil nagkaroon kami ng madugong seatwork. Pagkatapos ng Math namin English and then recess na. Dahil boring ang mga klase, sa recess na tayo. HAHA

"lika. sabay na tayong bumaba..."
"ako?"
"ay hinde hinde. ako siguro!"

binara naman niya ako nun kaya over natawa ako. kitams? kahit na ganito lang yung sabihin niya sakin, napapangite niya ako ng totoo :)

"yan ang tunay na ngite..."

tapos inakbayan niya ako.sabay pa kaming lumabas ng classroom nun. nung nasa corridor na kami, tinanggal niya na rin yung pagkakaakbay niya sakin. sayang naman. HAHA.

sabay kaming bumaba sa canteen. siguro, napagchichismisan na naman ako ng mga tao. bumulong tuloy sakin si AJ nun.

"wag mo silang pansinin. mga inggit lang yan. ako ba naman ang kasama mo eh..."
"ang yabang dude..."

ang saya.parang walang pinagbago. andyan pa rin yung asaran namin. HAHA.

nung nakabili na ako ng pagkaen ko galing canteen, bigla ko namang nakita si Francis.

Muntik ko ng makalimutan nun na ang kasama ko sa mga oras ngayon ay si AJ. Tumingin ng masama si Francis samin ni AJ. Napalunok ako nun kasi feeling ko magkakaroon ng gulo.

Lumapit naman samin si Francis.

"Oh anong ginagawa mo kasama yan?"
"siguro nabili ng pagkaen sa canteen. bawal ba yun?"

ang sarcastic nung tono ng boses ni AJ. halatang inaasar niya lang si Francis. napa-ehem naman ako nun.

"Oo... bawal"
"bakit?kayo na ba? hindi ka pa nga niya sinasagot. ganyan ka na ka-possesive..."

naging mabilis nun yung mga pangyayare basta bigla ko na lang nakita na sinuntok ni Francis si AJ. LANGHIYAAAAAA. Tatlong beses ko ng naexperience 'to ah. Una, dahil kay Daniel. Pangalawa, dahil kay Nate. Tapos ngayon naman, dahil kay Francis. Napatingin lahat ng tao. buti na lang walang teacher nun kundi dedo na. Napahawak naman ako sa kamay ni Francis para pigilan siya.

"Ano ba sa tingin mo yung ginagawa mo?"

Nanginginig nun si Francis.

"Pasalamat ka nasa school tayo dahil kung hinde. hinde ka makakauwi sa inyo ng walang pasa sa mukha..."

Ang angas ng itsura nun ni AJ. Ngayon ko lang siya narinig na magsalita ng sobrang tigas. tapos alam mo bawat words na yun eh powerful.

Umalis naman siya nun. Nagpass siya dun sa way na kung saan ginawa niyang paraan para sadyang bungguin yung balikat ni Francis. Napa-atras pa nga nun si Francis.

Nung nakalabas na si AJ sa canteen parang nagback to business na lahat ng mga nagtitinda sa canteen at mga estudyante. Napatingin naman ako kay Francis tapos napa-iling na lang ako.

"Sorry... Nadala lang ako... Sobra kasi talaga akong nagselos eh..."
"Bakit? Tayo ba? may obligasyon ba ako na ikaw lang ang dapat kong samahan? hindi mo naman ako hawak diba?"

May halong inis na yung tono ng boses ko nun.

"sorry na..."

Napatsk naman ako nun. Grabe namna kasi siya. Saksakan ng pagiging possesive :|

"Akala ko kasi aagawin ka niya ulet sakin..."

Nagpaulit-ulit yung word na `ulet` sa isip ko.

"Alam mo sa totoo lang, hindi naman talaga ako inagaw ni AJ sayo eh...

















..sadyang nang-iwan ka lang talaga..."

No comments:

Post a Comment