Monday, November 29, 2010

Chapter 44: Sorry :(

Okay. Fine. Akala niya naman kinikilig ako. HAHAHAHA. Ang hirap mapigil. Hindi kasi ako kinikilig eh. SOBRA LANG KINIKILIG. See the difference? :))

MABABALIW NA ATA AKO. Si AJ naman kase eh. Nakakainis. Nakakabadtrip.  Nakakainlove. 


Hinawakan niya nun yung dalawa kong kamay tapos tiningnan namin yung isa't-isa. Natatawa ako. Ang hirap naman ng ganito. Masyado akong kinikilabutan dahil sa kuryente na patuloy ng nadaloy sa katawan ko. Nafee-feel niya rin kaya 'tong nararamdaman ko ngayon? Sana oo diba? HAHA

Nagring na ulet yung bell. Narindi naman kami ni AJ sa tunog na yun dahil yung bell eh malapit lang sa CR. Panira ng moment. AMP. Masyado na akong kinikilig dito eh. HAHA.

Narinig na namin yung mga footsteps nung mga estudyante. Recess time na kasi. Wew. Binitawan niya yung left hand ko. Weeee. Kahit na right hand ko lang yung hawak niya, kinikilig na ako. Ang lamig nga ng kamay niya. Ano bang ibig sabihin neto? Diba parang ibig sabihin nun kinakabahan. Siya ah. Kabado pala siya kapag kasama ako. AHAHAHA. Baka in love na in love sakin 'to dati pa. JOKE. Feeler ako diba? Pero iba na pagkafeeler ko ngayon. Nakaka-wow talaga. Sabi ko na nga ba magiging ibang klase ang araw na 'to eh.

Hinila naman niya ako papalabas dun sa tagong lugar na yun. Hindi rin kami masyado napansin dahil maraming tao na nun pero for sure eh maglalabasan na naman ang mga tsismosa at tsismoso. paguusapan na naman kami ni AJ pero wala na akong care dun. Masaya na akong malaman na may feelings din pala siya sakin.

Hawak pa rin niya yung kamay ko. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Pero narealize ko na sa Gym pala niya ako dadalhin. Umupo kami sa may bleachers dun. Kami lang yung andun. Ayos, solo ko siya.

"Ikaw ha. If I know gusto mo lang na masolo ako" Ako na Malandi. HAHAHA
"Sus. Ikaw nga dyan, halatang-halata na kinikilig eh..." Mas Malandi pala siya. HAHAHA

Nagkwentuhan lang naman at nagkulitan kami dun sa Gym. Weeeee. Nakakatuwa naman. Feeling ko wala na nun akong problema. Siya naman kasi yung kasama ko eh. Ang saya ko tuloy. Kumpletong-kumpleto na ang buhay ko dahil sa kanya :">

Hanggang ngayon, hindi pa rin matanggal yung ngite sa mukha ko. NAKAKAKILIG PA RIN KAYA :">

Ayun, tuloy naman ang landian este ang kulitan ng biglang may umepal.

Napatingin kaming dalawa ni AJ dun sa pintuan ng Gym. Andun si Francis. Tumayo nun si AJ pero hinawakan ko yung kamay niya. Tae naman. Madalas rin palang tambayan ni Francis ang Gym. Bakit hindi ko agad naisip yun?!

May ibang klaseng aura na akong nasense sa kanilang dalawa. Sobra talaga akong kinakabahan sa dalawang 'to. Tumayo na rin ako nun. Malay mo kasi bigla silang magrambolan dito.

Lumapit naman si Francis samin nun. May galit sa mukha niya. GHAD. Nakakatakot . Promise.

"Uh... Francis?"


Napatigil si Francis nun. Halos isang metro na lang yung layo niya samin ni AJ. At lalo rin namang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

"Niloloko mo ba ako?"

HAAAA?! NILOLOKO?? DAHEL?! :|

"Teka lang Francis ha? Marami ka kasing hindi naiintindihan..."
"TUMAHIMIK KA..."

Parang kumulog nun sa loob ng Gym nung nagsalita si Francis. Grabe, ganito ba talaga siya ka-aggressive. Hindi ko akalain na minsan ko siyang minahal pero ganito pala ang ugali niya :\

"Please Francis... Ako ng bahala mag-explain sayo, okay?"

Trina-try kong itago yung takot ko. Pero halata pa rin kasi nangingig na yung boses ko nun.

"Uh... AJ, dun ka muna sa labas ha? Sorry talaga..."

Tumango lang naman nun si AJ. Linagay niya yung dalawang kamay niya sa dalawang bulsa ng pantalon niya tapos lumabas siya ng Gym. Bago pa man din siya makalagpas dun sa pintuan, tiningnan niya muna ng masama 'tong si Francis. Nung nasa labas na siya, nagsigh muna ako bago tumingin ng diretso kay Francis.

"Now Explain..."
"Bago yan, matanong lang kita. Anong alam mo tungkol sayo at sakin? satin?"

Ayoko siyang biglain. Feeling ko kasi napaka-fragile ng emotions ni Francis.

"Ang tanging alam ko lang ay mahal kita tapos mahal mo 'ko. Wala akong alam kung ano mang meron satin... pero nageexpect ako na magkaakroon ng tayo..."

Mabilis niyang sinagot ang tanong ko. Nababadtrip ako. Hindi dapat 'to ang inisip ni Francis :| Narealize ko nun na makapal din pala ang mukha ni Francis.

"Mali yun okay? Lahat ng iniisip mo ay mali..."

Nakita kong nagclose yung fist ni Francis nun. Napalunok ako nun kasi natatakot na din ako. Lalo namang bumilis yung pagtibok ng puso ko. Tama lang naman na prangkahin ko siya diba? Eto naman talaga ang dapat na gawin. Tsaka dapat nga dati ko pa 'to ginawa.

"Ha? Pero yung letter?"

Kinuha niya yung letter mula sa pocket niya tapos inabot niya sakin. binasa ko yung letter na yun. maikli lang naman yung naisulat ko kay Francis nun.

Francis, 

      Alam mo bang 2 years ko na 'tong kinikimkim. Grabe, ang sakit sakit na :( Mahal na mahal kasi kita eh. alam kong wala na akong pag-asa sayo. andyan na kasi si Jeanna eh.

      Sana malaman mo na ikaw pa rin ang mahal ko kahit na kami ni AJ ngayon. Ginawa ko lang naman 'to para magselos ka. Alam kong mali. pero yung na lang yung naisip kong paraan.

      Wala na akong masabi. i love you :(

,Zerlina

Pagkatapos kong basahin yung letter, finold ko 'to tapos tumingin ulit ng diretso kay Francis.

"diba ikaw ang nagsulat ng lahat ng yan?"
"Oo... Ako nga..."

Nagsigh muna ako tapos pinakita ko sa kanya yung folded na letter then pinilas ko yun sa harap niya. Alam kong masakit pero ito naman talaga ang tamang gawin eh.

Nakita kong nagulat siya sa ginawa ko at napansin ko na may namumuong luha sa mga mata niya.

"Pero ginawa ko 'to bago ko pa marealize na wala na akong gusto sayo... I loved you... Pero ngayon, hindi na... I'm so sorry..."

Pinilas ko pa ulit yung letter hanggang maging malilit na lang na pieces yung papel. Feeling ko nun napakasama kong tao pero diba mas masama naman kung paaasahin ko pa siya? linagay ko sa right hand ko yung mga pieces ng papel tapos kinapa ko yung bulsa ko.

Eto na talaga...


Kinuha ko yung yellow na panyo na binigay sakin ni Francis nung Acquaintance Party. Binuklat ko yun tapos linagay ko yung mga pieces ng papel sa loob nung panyo then tiniklop ko ulit.

Nagsigh muna ako. Mahirap din 'tong gagawin ko ah. Wew.

Tiningnan ko siya ng diretso. Then inabot ko sa kanya yung panyo sabay sabi ng...
















"I'm so sorry" 

No comments:

Post a Comment