Saturday, October 23, 2010

Chapter 4: Day 1

Nag-ayos ako ng sarili ko. Hindi lang basta basta ayus ha. as in bonggang ayos. hindi ko alam. nung kami naman ni you-know-who (ayokong imention yung pangalan niya), hindi ako masyado nagaayus. kumbaga, kung sino ako, yun na lang talaga. ganito pala pag nagpapanggap no? wuu.

Ano kayang mangyayare mamaya? mapapasama kaya ako sa mga revenge list ng mga taga cheering squad? Mapagchismisan kaya ako sa School Newspaper ng school? Makipagkaibigan kaya sakin yung mga kasamahan ni AJ sa crew niya? marami kayang makikipagkaibigan sakin? sisikat kaya ako? o wala lang?

Lahat ng pagbabago at tanong ay nasagot na rin nung pagpasok ko sa gate namin, eh parang nagtininginan sakin lahat ng estudyante. nagmake way pa. aba, grand entrance. shet :)) feeling ko napakataas ko. feeling ko inggit na inggit sila sakin. ano bang meron ke AJ diba?

Looks (✓)
Talent (✓)
Brains (?✓)
Ugali (??✓)

Okayyy. siguro yung ibang parte hindi sigurado pero feeling ko siya na yung ideal guy sa bawat babae sa mundo kaya nga lang masyado niya ata naaubuso yung looks niya, talent, brains(?) at ugali(?) niya. masyado na siyang maraming nasaktan. pagkakaalam ko 3 weeks na pinakamatagal niyang relationship sa isang babae. grabe. Whoa.

Nagha-Hi naman sakin yung mga taong "social climber". in short "sipsip" pinasosyal ko lang :)) Feeling close nga sila. Hindi ko nga sila kilala. Tapos naman yung mga ex ni AJ, aba kung makatitig sakin parang handa na silang ambushin ako eh :)) Freaky much diba :))

Hindi ko akalain na parang isa na ako sa mga superior. nakita ko si AJ. nandun sila sa ATC. hindi talaga ATC as in Alabang Town Center. ATC as in At The Corner. HAHAHA. Pauso ng crew niya yun. dun kasi sila palagi nakatambay. walang ibang tao ang natambay dun. parang ngang property na nila yun eh. nasa corner yun nung field. kaya yun At The Corner :))

Kumaway sakin yung iba niyang ka-crew na hindi ko naman kakilala. mga cute nga eh :)) napaisip tuloy ako kung magaling ba talaga sila magsayaw o sadyang nadadala ng kagwapuhan nila? :)) Pero syempre, magaling talaga sila. halos lahat ata ng competition eh champion sila. bongga diba?

Hindi ko naisip na feeling close sila. Malay mo sanay na din sila sa pagpapalit-palit ng babae ni AJ. yung tipong alam na nila ang gagawin nila kapag may bago ng jowa si AJ :)) Lumapit ako sa kanila. hindi ko nga alam kung paano ko sisimulang makipaglandian este makipagusap kay AJ eh. nung naging kami naman kasi ni Francis, (shet nasabe ko pangalan niya) -____- TSSSS. Okay lang yan. Someday I would remember to forget him :(

Balik tayo dun kay tungkol kay toooot, kasi dati nung kami pa hindi talaga kami naguusap. hanggang chat lang. ganun. kaya nga parang hindi kami eh :|

So yun nga, lumapit ako kay na AJ. Andun nga si Andy eh :)) WOW. parang ngayon ko lang siya nakita na kasama yung kabarkada ng kuya niyang loko. Si Shaina naman (as usual) ay late! palagi naman :)))

Nakikipagusap si Andy dun kay Daniel slash Mr.Popularity slash bestfriend ni AJ slash playboy type tulad ni AJ slash parang mas kambal pa sila ni AJ kesa kay Andy :))) Marame silang similarities. marame nga ring babae na naghahabol sa kanya ngayon. sabagay hanggang tingin lang naman sila kay Daniel. Hahahaha. Tingnan nila ako ngayoooon! Nakikihalubilo sa mga sikat :)) Aba, masaya 'to. Minsan na din akong naglaway kay Daniel :)) JOKE!

Ewan ko. Naging crush ko lang siya pero syempre, iba naman na si Fra- You know who! Imba kasi yun. AMP. Mas gwapo sa kanya si AJ pero parang mas easy to get along itong si Daniel :)) Pero mukhang eheeeeeem, nagkakadevelopan sila ng bestfriend ko :)) So ganito pala ang setup, si Andy at Daniel tapos kami ni AJ! CHARRRR! Joke lang yun syempre :)) HAHAHAHAHA

Andun din yung iba niyang kacrew na siguro naman ay hindi na masyado kailangan talakayin :))

"Oy AJ! yung Syota mo" sabay tawa SHET. kung makapgsabe ng SYOTA eh. Okaaaay, MAJOR TURN OFF naaaaa. nagulat nga ako eh pero syempre pinilit kong ngumite.
"ulol. gf ko yan. hindi syota" HAHAHAHAHA. Kileg :">



JOKE :)))

ngumite ulit ako. nakatingin sakin si Andy. alam niya kaya na loko loko lang 'tong `relationship` namin ng kuya niya. kasi naman diba? parang 2 days lang ng unang araw na makausap ko siya tapos biglang BOOOOOM. KAMI NA (DAW) sino bang timang ang hindi magugulat dun diba?? :))

"Ahh. ganun ba? Astig Aron ah! Seryoso na ba yan?" Aron pala tawag sa kanya ng bestfriend niya. Wew. Kailan ko kaya siyang matatawag na Aron? :)))
"Eto namang si Daniel. yan agad ang tanong. hindi ka pa ba sanay :)))" Whoa. Parang hindi nila ako npapansin. HELLOOOO?! Anditooo AKOOOOO. GF ako ngayon ni AJ. Medyo awkward naman na pagusapan yung bagay na ganyan sa harap ng GF (ehem... feeling ako) ni AJ ngayon. diba? Tama ako diba?

Nagtawanan yung ibang mga kacrew niya. halo-halong girls at boys yun. At ano naman ang nakakatawa dun? Joke ba yun? TSS.

"sabagay :)) basta Aron sabihin mo na lang kung hanggang kelan mo papaasahin yang si ano... teka ano nga ba ulit pangalan niyan?" tawanan na naman ang lahat. at ABA, pati etong si Andy nakikitawa na din. SHET
magsasalita na sana si AJ nun kaso inunahan ko na siya.

"excuse meeee~! parang ang kapal mo naman sabihin na pinapaasa lang ako ni AJ ah. Helllooooo?! Kaya nga naging kami kasi malamng eh may totoong feelings kami sa isa't-isa. tsaka wala ka bang respeto. sa harap ko pa ikaw nagsalita ng mga ganyang bagay. Sa totoo lang, nakakabastos"


natahimik silang lahat sakin. Okaaaaay. Ano hihirit pa? Sorry sila, masyado ko ng kinacarreer yung pagging GF kuno ni AJ :))

"Oh talaga lang ha? sabihin mo nga ilang days lang kayo nagusap ni AJ. parang 2 days lang ah. tapos biglang ganyan. Ang bilis mo namang bumigay. Siguro dati ka pa may gusto sa kanya" nanlaki yung mata ko nun. siguro kung nainom lang ako ng tubig ngayon, kanina ko pa siya nabugahan. "baka nga pag ako pa ang nanligaw sayo eh, isang minuto pa lang, bumigay ka na. ganyan ka ba kacheap?"

SHET. @#$%^!!!!!!!

"Eh G*go ka---" tumayo naman nun si AJ tapos hinawakan yung kamay ko. Alam ba niyang kanina ko pa 'to hinihintay. Yung pagtatanggol niya sakin. Nagmumukha na kasi akong tanga diba?

"Alam mo Daniel. tumahimik ka na lang. Ayaw ko na makipagaway sayo pero kung may balak ka pang maliitin ang girlfriend ko. baka maputol ang magandang pinagsamahan natin" 

Yung mga mukha nila eh parang sinasabi na "Alam naman namin yan" na nagtransform sa pagiging "Di nga? Joketime?" na nagtransform bigla sa "sige sige. seryoso ako. gf ko si mukhang chicken geek"! (yung `mukhang chicken geek` yung tawag nila sa dun sa president na Science Club na kung magmaganda eh daig pa si Venus Raj)

Hindi ba talaga kapani-paniwala yung mga bagay na ganito? 

"Whoa. Aron, babae lang yan ha! madame pang iba dyan" Kabadtrip
"Madame nga...















iisa lang naman siya..."

Whoa. nanlaki ng over over yung mata ko. yung mata naman ni Daniel, parang luluwa pa. HAHAHAHA :))) Pahiya. Walanjo. Pagkasabe ni AJ nun, nagring na yung bell. Tumayo na si Andy nun sabay sabi ng "sige bye na Daniel. bye na kuya. bye na din!" hinila niya na ako nun. bago tumalikod sa kanilang lahat, tumingin ako kay AJ na pinipigilan pa atang ngumite. pinanindigan niya yung super gwapo niyang serious face :)))

Magaling pala siyang magpanggap. Nagkaron din ako ng glimpse kay Daniel na parang nakangite din pero hindi totally ngite na as in ngite na friendly. parang ngite na sinasabi na `whoa. ibang klase ka pala`. ganun. gets? :))

Naglakad na kami ni Andy papunta sa classroom namin.

"grabe ka.. hindi ko akalain na masasagot mo ng ganun si Daniel.."
"tss. eh nakakabadtrip kaya. ikaw nga nakikitawa pa eh!"
"eh hindi ko kasi alam gagawin ko diba?" nahalata ko naman na biglang namula si Andy. nahihiya siyang ipakita yung mukha niya sakin.
"Okaaay. bakit ka namumula?! Wag mong sabihin na!!!"
"Ano??" defensive pa siya nun.
"MAY GUSTO KA KAY DANIEL? WALA KA MAN lANG SINASABI?"
"uh--ano.. hindi ko alam..." lalo pa siyang namula nun. ako naman eh mukhang malalaglag na yung panga ko sa sobrang gulat. "MU na nga ata kami eh"
"SHET!" mas nauna pa yung pagsabe ko ng word na `shet` kesa sa pagisip muna ng word na `shet` bago sabihin yun. "eh lolokohin ka lang nun. tingnan mo yung asal nung lalaking yun!"
"eh dati pa talaga 'to eh. ngayon lang ako naging masaya ng ganito. akalain mo, napapansin niya pa rin pala ako." desperate much?! "tsaka ikaw din naman kay kuya ah! mas grabe nga sayo. 2 days!"
"Eh iba naman yun. That's complicated" 
"kung ano man yung dahilan mo kung bakit mo sinagot si kuya, siguro yun din ang dahilan ko kaya ganito na kami ni Daniel ngayon"
napatango na lang ako. wew. hindi niya talaga alam ang tunay na dahilan.

"Arooonnn~!" nagulat ako nun. tinignan ko yung likod ko kung andun ba si AJ. bakit naman kasi eh biglaang sinabi ni Andy yung pangalan ni Aron. napa-huh tuloy ako sa kanya. "bakit ganun? ang weird mo! hindi ka man lang namula. bakit yung dati kay Francis eh first syllable palang ng pangalan niya eh, namumula ka na. Mahal mo ba talaga ang kuya ko?" Cornered na ba ako? o.O

sumagot naman ako agad. hindi na dapat pinapagusapan yun diba.

"Oo, mahal na mahal" ko si Francis

Napangite nun si Andy. syempre, ako ngumite din. medyo nasulyapan ko ang isang anino ng lalaki dun sa dulo nung hallway. Ang weird. kasi nung mga oras na yun, naramdaman ko na si Francis ata yun.

Dumiretso na rin kami sa klase namin nun. hindi ko matanggal sa isipan ko yung anino na yun. Feeling ko talaga siya yun eh. Kung ano man yung narinig niya, sana hindi niya paniwalaan. pero baka LALO niyang paniwalaan. Lalo na nung nagusap kami kahapon. TSS.

Dumaan ang mga nakakadugong subjects. grabe, ang bilis ng panahon. quarterly test na namin next week. then , tapos na ang school year. summer na then at last senior na din ako.

Lunch time na rin nun. bumili kami ni Andy sa cafeteria. kasabay namin si Shaina. syempre, nagkakwentuhan din kami (or sila lang). pinaguusapan nila si Daniel. kinikilig pa 'tong si Andy eh.

Nakita ko naman yung crew ni AJ. ngumite sakin si AJ. HAHAHA. gwapo eh. Si Daniel naman eh hindi ko maintindihan kung nakatingin sakin o kay Andy. katabi ko kasi si Andy nun eh. ano yun? banlag? :)))

"Shet! Shaina! nakatingin siya sakin kanina!!! :))" aay kay Andy nga HAHAHA :))
"tumigil ka nga!"

tumuloy ako sa pagkain ko. ang sarap ng ulam ngayon. chicken curry. YUM. bigla namang nagvibrate yung cell phone ko. ay epal. istorbo sa pagkaen. tinginan ko yung new message. galing sa unknown number.

From: +63932*******
Hi Zerli :]!Daniel 2.

nanlaki yung mata ko nun. grabe. tiningnan ko si Daniel na nakatingin sakin. nakangite. parang nakikipagflirt ah. EEWWWW!!! hinawakan niya yung lips niya. parang ginegesture niya sa kin na may dumi ako sa lips ko. hinawakan ko naman yung lips ko, meron nga. Okay, nakakahiya. Napangite naman siya. Magrereply sana ako pero nagtext ulit siya.

From: +63932*******
cute.ako sna mgttnggal niyan :]

OWW shet. wattaplert?! 

To: +63932*******
ow.ganun?

Ang landi niya. Promise :))) Nangamusta naman siya. parang hindi niya ako nakikita ah. adik niya. tuloy yung pagtetext namin habang nakaen ako at syempre habang nakikinig ako sa kwento ni Andy.

"miss ko na nga si Daniel eh! wala siyang load. hindi tuloy siya makapagtext sakin"

Ang weird ah. sakin nagtetext. sakanya hinde? napatigil ako nun. hindi na rin ako nakareply kay Daniel. hindi ata tama 'to? Pero anong magagawa ko diba?

Natapos yung lunch time ng parang tulala ako. hindi ko naubos yung pagkaen ko. late ko ng narealize na sayang masarap pa naman yung ulam. pero ang awkward. bakit ganun si Daniel? linoloko lang ba niya si Andy? May alam ba dito si AJ?

Lumipas ang ilang hours. masyado akong marameng iniisip. nung dismissal, nagkaroon ako ng 11 messages. galing lahat kay Daniel. WHOA. eto ba ang taong walang load?! nagulat ako sa latest text niya sakin.

From: Daniel
hui.usap nmn tau.pls :]

nagreply naman ako kaagad para sabihin sa kanya na dapat kong umuwi ng maaga at hindi ko na siya kaialangan kausapin. ang gulo. grabe. kaso makulit siya.

From: Daniel
htid nlng kita pauwi :]

nagreply ako na wag na lang. kasi naman diba? inayos ko agad yung gamit ko ng mabilisan. nagpaalam agad ako kay Andy. Mabilis kong tinahak ang gate ng school na magliligtas sakin kay Daniel. Mukhang nakita ako ni Daniel. narinig ko kasi na sinigaw niya yung pangalan ko. lalo akong nagmadali. nagkunware na wala akong narinig. nagsimula na ring umulan nun. badtrip. wala akong payong. paano kung dumating siya dito tapos bigla niya akong payungan?! makita pa kami ni Andy. nakalabas na ako ng school na yun. wala akong makita na masisilungan. hanggang magulat na lang ako ng parang wala ng natulo na ulan sa ulo ko. shet, may payong pero kanino?!

tiningnan ko yung tabi ko. siya.










Si Francis

naalala ko bigla yung nagyare dati. ganito yung nangyare nung sagutin ko siya. umuulan nun. pinayungan niya ko tapos tinanong niya kung ano na ang sagot ko. at dun ko binigay sa kanya yung `yes` na yun.

"thanks..." 

naguguluhan ako. bakit bigla siya nagkaganito?

"bakit mo 'to ginagawa?" pabulong kong sinabi sa kanya.
"Hindi ko alam..."
"Ang labo mo talaga kahit kailan..."
"baka kasi pag lininaw ko pa eh lalong lumabo..."
"ang gulo mo talaga.."
"gusto mo ba talagang malaman?"

tumango ako nun. nagsigh siya.


















"I'm just trying my best to get you back"

No comments:

Post a Comment