Saturday, October 23, 2010

Chapter 6: Day 2

hindi ako nakatulog masyado nun. grabe kasi. napayakap ako ng mahigpit sa unan ko nun. coincidence lang yun! isipin na lang nating na coincidence ang lahat. o siguro dapat ko na lang isipin na wala talaga fireworks na nangyare. ano kayang iniisip niya ngayon? :| napapaisip talaga ako.

may pasok na naman. hindi ko alam kung bakit cell phone ko agad yung chineck ko. ewan ko ba. nagbabakasakali kasi ako na mapapangite talaga ako oras na makita ko na may message siya para sakin.

1 new message
From: AJ panget :p


at oo nga. bigla na lang akong napangite :"> hindi ko alam. waaaaa. pero yung pangalan niya yung gusto kong makita sa unang pagbukas ko ng cellphone ko. binuksan ko agad yun pero isang GM lang naman :( ano ba yon?! akala ko PM na!! ARGHH!!

From: AJ panget :p
gndng umga
sya ko kgbe.hehe.
tnx dun sa nksma ko!
ingat sa pgpsok^^


GM
oy i love you!


nagtaka ako dun sa `oy i love you`. para sakin kaya yun? waaaaa. expectations?! DAMN expectations?! ARGHHHH!! gusto ko sana siyang itext nun ng `hoy. grabe ka. para sakin ba yan? kasi kung para sakin yan, magiging masaya ako!`!! AMPPP

bakit ako nagkakaganito?!!! HINDE PWEDEEEEEE. Francis lang dapat perooo...










Aron Jie Benitez
parang biglang naginit yung mukha ko. WOOO. siguro, crush lang 'to. TAMA. paghanga lang 'to sa sobrang kabaitan niya sakin. tama ako diba? nagayos na din ako nun. kumuha ako ng 100 pesos galing sa baon ko para ilagay sa alkansya. magstastart na akong magipon para dun sa 700 pesos. sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung gusto ko talaga magipon kasi promise, inaamin ko, sobrang sumaya ako nung naging Kami (DAW).

anyway, ayun dumiretso na rin ako sa school namin. syempre, nakita ko sa ATC yung crew nila. nakatambay pa din at nagtatawanan.pumunta naman ako dun at tumabi kay AJ. feel ko belong na nga ako sa barkada nila eh :))
ngumite sakin si Daniel at nag-Hi. syempre, ako naman pilit na ngite lang. ang awkward kasi ng feeling pag andyan siya. ewan ko ba. BRR. nginitian ko rin naman etong si Andy na feeling ko eh hindi ako napansin kasi ba naman andyan si Daniel. parang na sa kanya lahat ng attention ni Andy eh. bumulong naman sakin si AJ.

"oh kamusta ka na? gusto mo ulitin ulit natin mamaya?"
"sus. okay na talaga ako. Hahaha. saan mo naman ako dadalhin ha?"
"basta. syempre dun sa the best :)"

ngumite siya sakin. iba na yung ngite niya ngayon. parang natural na nga eh. walang bahid ng pagpapanggap. nagring na din yung bell. syempre, kami yung magkasama ni Andy na pumunta dun sa classroom.

"Oh kamusta na kayo ng Daniel mo??"
"Okay naman kami! Alam mo ba kinikilig talaga ako sa kanya!! Yinaya niya ako na makipagdate sa kanya sa Saturday!"
"Wow. Good Luck :)"

Ayun, pumasok na din kami sa classroom namin. as usual, nadugo na utak ko sa kakaisip kung ano na ang isasagot ko sa exam next week sa chemistry. overrrr :)) kahirap talaga ng subject na 'to.

so yun nga, habang may klase katext ko 'tong si Daniel. Ewan ko ba sa lalakeng 'to. napakakulit. text ng text. buti nga hindi ako nahuhuli. siguro napapansin na nung teacher na nagtetext ako, pero hindi na lang niya ginagawa yung dahilan para mawala ang good mood niya. 

lumipas ang ilang oras at sa wakas dismissal na :)) pumunta ako dun sa ATC. feel na feel na talaga ang pagkabelong ko sa crew ni AJ no? :)) after ilang minutes lang naman eh nakita ko si AJ. nakatingin na siya sakin nun. nakangite pa.

naalala ko tuloy yung unexpected na pangyayare kahapon. ano ba kasing meaning nun?? haaaaaay. napapaisip tuloy ako. pero erase erase. bawal yun. pero bakit nga ba bawal? AMP

lumapit naman sakin si AJ. ang cool niyang tingnan. nakajacket siya tapos yung backpack niya eh nakasabit lang sa isang balikat niya. tapos yung aura niya, parang babalutan ka ng kilig :))) 

"Oh lika na?"
"tara..."

nagsalita na agad ako nun kasi baka mamaya kapag tumulala pa rin ako sa kanya eh tuluyan na akong hindi makapagsalita :))) natuliro ako eh. sabay kaming naglakad. alam mo yung tipong ang cool lang namin sa isa't-isa. hindi kami tulad ng magboyfriend at maggirlfriend na PDA ng PDA. parang kami puro lokohan lang. sana totoo na lang no? nakakatuwa kasi eh. ganito kaya siya sa mga past girlfriends niya?

habang naglalakad kami papunta dun sa motor niya, nagopen na ako ng topic sa kanya.

"hmm.. uh-- usually anong ginagawa niyo ng nagiging gf mo?.. I mean exception na ako kasi you know naman diba?" kalokohan lang ito
"hmm... madami... iba iba.. pero ibang-iba sa special treatment na ginagawa ko sayo ngayon :))"
"weh? bakit naman? anong pinagkaiba ko?"

sumakay na kami dun sa motor niya. tapos nagstart na rin. bago niya sagutin yung sagot ko, napasigh siya. mukhang pinagisipan yung sagot eh :))

"hmm... sabihin na nateng special ka lang" KILIG :"> "special child :)))" TURN OFF!!!
"ang sama talaga neto kahit kailan!!" hahampasin ko sana siya nun
"OH! wag mo kong papaluin ha! baka eto maging dahilan ng pagkabura natin sa mundo!"
"wag ka ngang ganyan!"

tinawanan niya lang naman ako. wew. puro kami tawanan nu. mukhang timang lang :))

"teka saan mo ba talaga ako dadalhin ha?!"
"sa the best nga!"
"anong the best ka dyan?!!"
"dito.."

tumigil kami sa isang eatery na ang pangalan ay `the best`. okay, literally nga. The Best nga siya :)))

"The best pancit-an ever daw :))"
"eto na yun?"
"oo.. tara pasok tayo..."

pumasok kami dun sa the best. umorder naman etong si AJ ng pansit dun sa babae na feel ko eh gwapong-gwapo sa kanya. ang sama nga ng tingin sakin. If I know, inggit lang siya kasi BF (feeler ako! tandaan niyo ) ko si AJ :))) BWAHAHAHAHA

nagkwentuhan kami ng unti netong si AJ. patawa-ng patawa eh. hindi naman kalbo :)) AMP. joke ba yun? hanggang ngayon talaga hindi ko maintindihan yung joke na yun. ano bang koneksyon ng kalbo sa isang comedian? ay whatever :))) wala akong masabi kaya sinabi ko na lang yun :))

maya-maya naman eh tumunog yung parang bell something nung tindahan. pero hindi ko na inintindi yun. ibig sabihin lang naman nun eh may pumasok na ibang customer. bakit ko ba sinabi 'to? :)) HAHAHAHA

after ilang minutes eh dumating na yung order namin. ayun masarap tingnan yung pansit. for sure eh masarap ding kainin. kumuha si AJ ng calamansi. malapit na sana niyang pigain yun ng may isang kamay (familiar na kamay) ang pumigil sa kanya.

tiningnan ko ang may-ari ng kamay na yun. I swear yun din yung kamay na nahawakan at nahaplos ko na. yung kamay na akala ko akin lang at hindi na makukuha ng iba. si Francis. Andun din siya sa eatery na yun

nagulat si AJ nun.

"wag mong lagyan ng calamansi yung pansit ni Zerli..." nakafeel ako ng kakaiba nung sinabi niya yung pangalan ko. "ayaw niya ng calamansi...ang weird no?"

helloooo?! andito kaya ako?! umupo si Francis dun sa bakanteng upuan ng table namin. okay, sobrang kapal ng mukha niya :))

"Ah ganon ba? " tumingin siya sakin. yung tipong sinasabi niya sakin na bakit hindi mo sinabi agad?! "uh-- sorry Zerli ha?" may naramdaman rin akong kakaiba nung binigkas niya pangalan ko. mas intense. mas... uh.. EWAN
"uh-- okay lang.."
"hmm... sige oorder ako ng coke para saten.. te--"
"wag coke. ayaw niya nun. iced tea na lang..."

nagulat ako sa sinabi niya. parang may competition na ewan. parang merong invisible na lightning na nakapagitan sa ulo nung dalawa.

"uh-- okay na yung coke. AJ. coke na lang..."
"hindi pwede... diba sinabi ko naman sayo dati na iwasan mo yung mga bagay na masama sayo?"
"uh-- okay lang naman talaga eh.. sige na AJ. coke na lang..."
"ang kulit mo! iced tea lang AJ ang ikuha mo sa kanya..."
"ikaw ang makulit. bakit ka ba nangingielam ha?"
"alam mo ang tigas kasi ng ulo mo... bawal ang softdrinks diba??"

nawala na sa attention ko si AJ nun.

"Alam niyo, kayo na lang magusap okay? tapos na ako dito! dun na lang ako sa labas... maghihintay na lang ako sayo dun Zerli..." nakita ko sa mukha niya yung pagkainis (pagkaselos.). nagalala na ako nun lalo na nung bigla na lang siya lumabas ng eatery. sinundan ko lang siya ng tingin nun. napabuntong hininga ako at humarap ulit kay Francis. nanlalambot yung puso ko but at the same time parang nahihiwalay ito. confusing talaga.

"alam mo walang patutunguhan 'to eh..."
"meron.... may patutunguhan 'to.. tayo... tayo ang patutunguhan neto..."
"ang gulo mo talaga... alam mo namang kami ni AJ diba tapos ganyan ka.."
"hindi mo kasi naiintindihan..."
"palagi naman... ganyan ka naman palagi... sinasabi mo na hindi ko naiintindihan pero sa totoo lang ikaw ang mahirap umintindi... sige nga... kung naiintindihan mo bakit hindi mo magets na--" napatigil ako.
"na ano? sabihin mo na... ng maintindihan ko tulad ng sinasabi mo.. hindi mo kasi ako dinederecho eh..."
"wala... basta... okay na 'to... naghihintay na sakin si AJ sa labas..."

iniwan ko na siya dun. nakakanis siya. ewan ko kung bakit. yung manner lang niya eh masyadong aggresive. pero diba eto naman ang gusto ko? yung tipong hahabulin niya ako? pero bakit wala man lang impact sakin? ARGHH. ilang days lang ba nung nagstart akong magkaganito. nakit ko si AJ na nakasandal sa motor niya. yung jacket niya nakapatong sa kanang balikat niya which makes him si cool. 

lumapit na ako sa kanya.

"huy.. badtrip ka?"
"'ha? uh-- hinde" pero halata mo talaga na badtrip siya "sampa.." 

hindi ako gumalaw sa pwesto ko. naiiyak ako kasi hindi ko maintindihan kung kanino ba siya galit. kay Francis o sa akin?

"oh anong hinihintay mo? pasko?"

pagsabi niya yun hindi ko napigilang lumuha. bigla na lang napasandal yung ulo ko sa balikat niya. napakaiyakin ko. nakakabadtrip. 

"oh bakit ka umiiyak? undas ba?"

lalong tumagas yung luha ko. ang hirap huminga. ayoko lang nga siguro na nagagalit siya sakin ng ganito. ayoko ng ganito. gusto ko yung normal lang. yung lokohan. kulitan. asaran. hampasan. gusto ko ganun. ayoko ng iyakan. ayoko ng barahan tulad ng ganito.

ilang segundo lang ang lumipas ng bigla niya akong inakbayan. ilang segundo rin pagtapos nun ng tumigil ako sa pagiyak. ibang klase. yinakap niya lang ako. yung tipong parang last na yakap niya sakin pero WAG NAMAN!

hindi na kami nakpagusap masyado. hinatid niya na rin ako sa bahay. nahiga agad ako dun sa kama ko. grabe, nakakaotis ang araw na 'to at mga araw bago ang araw na 'to. binuksan ko yung computer. chineck ko rin yung printer. at swerte ko naman at may ink.

tiningnan ko yung facebook ko. isang profile ni AJ at isang profile ko. nakaupload sa isang album na ako lang ang nakakakita yung picture namin ni Francis. dun naman sa profile ni AJ, may picture kami dun sa ATC. 

iniisip ko kung ano yung ipriprint ko. iniisip ko kung sino ang mas matimbang? si Francis ba o si AJ? 

hindi ako makapagisip ng maayos. pero feeling ko kusang gumalaw yung kamay ko at nagprint ako ng saing picture.


at picture namin yun ni AJ. 

tiningnan ko yung printed picture namin. napapangite ako :]] linagay ko sa isang picture frame na nakadisplay lang pero wala namang laman. tinitigan ko lang siya. iniisip ko na what if kung totoo na kami. what if mainlove nga ako sa kanya. what if mainlove siya sakin. what if kung walang nangyare. He's an interesting what-if guy.

inaantok na ako nun pero biglang umilaw yung cellphone ko. napaisip ako na baka GM lang yun kasi 10 pm na rin. masyado ng late para may taong magPM sa kanya pero guess what?

nagtext sakin si AJ.

From: AJ panget :p
d aq mktulog.
2log k nb?

napangite ako

To: AJ panget :p
dpa nga ako an2k eh.
glit k pb?

masyado akong sinungaling :))) nakakagising siya ng diwa diba?

From: AJ panget :p
ah.knina lng.sori.

To: AJ panget :p
bkt?

From: AJ panget :p
senxa.ngselos ako eh.

lalong nawala yung antok ko. halos mabitawan ko na nga yung cell phone ko pero nabitawan ko nga. pero okay lang, sa kama naman ang bagsak. lalong nawala yung antok ko. feeling ko nga hindi ako makakatulog neto eh. tiningnan ko kung si AJ ba talaga nagsend yun. kasi malay mo imagination ko lng 'to.

pero si AJ talaga eh. sinampal ko yung sarili ko pero  totoo nga ang pangyayari na 'to. AMP.

hindi ko alam kung anong irereply ko. halos 15 minutes na rin pala akong tuliro. hindi ko napansin.

nagtext siya ulit.

From: AJ panget :p
2log k n ata. geh gdnyt na
love you :* hehehe

nanlaki yung mata ko :)) walanjo. KINIKILIG AKO :))) Swear hindi na ako makakatulog :))

Hindi ko siya rineplyan baka mapaamin pa ako eh. JOKE

kumuha ako ng dalawang papel. nagsulat ako ng isang liham (lalim :]]). para sa dalawang tao. para kay Francis at yung isa para kay AJ. tinago ko yung para kay Francis dun sa ilalim ng keyboard. yung kay AJ naman eh sa ilalim ng unan ko. wew.

hindi ko na sasabihin yung laman ng sulat :))) secret ko na yun :P mabilis kong natapos yung sulat parang kasing naguunahan yung mga bagay na gusto kong sabihin sa kanila eh. ang bilis ko tuloy magsulat. mas mahaba yung kay AJ, umabot nga hanggang likod. siguro kung mababasa niya 'to, iisipin niya yung sulat ba yun o nobela :))

pagtapos nun tiningnan ko ulit yung picture namin ni AJ ng napansin ko na lang...
















nakatulog ako katabi nung picture namin :)

No comments:

Post a Comment