Sunday, November 14, 2010

Chapter 20: Summer Love Story

Ayun. nagkakatext kami palage ni AJ. ang bilis nga ng oras eh. akalain mong May na :)) nagkaroon na rin kami ng second monthsary. sa bahay pa nga kami nila AJ nagcelebrate. niyaya pa ako ni Tita at Tito na sumama sa kanila sa Batangas. dun muna kasi sila magste-stay for one week. ayun, hindi rin ako tumanggi :)) tinatamad naman kasi ako sa bahay HAHAHA. pumayag din si mama. kilala naman niya family nila AJ eh.

two months na kami. hindi ko alam kung seryoso na ba 'to. kung magkakaron man kami ng third monthsary, sa batangas mangyayare ang lahat. wew. hindi na rin naman kasi nababanggit si AJ kung gusto niya ba talaga ako eh. tapos hindi naman kami nagsasabihan ng `I love You` sa isa't-isa.

alam mo kasi si AJ yung tipo ng tao na alam mo naman kung san tutungo ang mga sinasabi niya pero naguguluhan ka pa din. hindi mo ma-gets kung may gusto ba siya sayo kase puro detours yung ginagawa niya kahit na dinederetso ka niya talaga. ang labo no?! intindihin niyo na lang :))

so ayun nga, nag-impake naman na ako. mamayang hapon na kasi yung alis namin. excited ako na ewan. HAHAHA. for sure kami ni AJ yung magkasama dun :">

WUSHHUUU. kinikilig akoooo :">

ayun, dumating na din yung kotse nila AJ. nag-goodbye kiss muna ako kay mama bago ang lahat tapos yun pumasok ako sa back seat nung kotse. katabi ko nun si AJ :">

naka-head phones siya nun tapos hawak niya yung bago niyang iPod. siya na mayamaaaan :)) si Andy naman eh andun sa seat na pinakamalapit sa bintana. si Tita naman eh nasa front seat. malamang yung daddy ko..ehem... ni AJ pala :)) eh andun sa driver's seat.

nagkachikahan ng onti si Tita at si mama nun.

"oi.."


tinanggal ni AJ yung head phones niya which is so HOOOTTTTT :"> nagblush ata ako nun. ang lakas kasi ng dating eh.

"Hm?"
"uh--...wala.. kamusta?"
"syempre ayos.."

ang labo din ng lalaking 'to :)) AMP. hindi na ako nagsalita. wala akong masabi. gusto ko siyang kausapin pero tama na rin 'to na magkatabi lang kami.

nagdrive na rin bigla yung daddy niya. binuksan yung radyo :))

tumingin lang ako sa may bintana. ang dami kong iniisip. naalala ko si Francis bigla. AMP. hindi ko alam kung bakit. naguguluhan na kasi ako eh. feeling ko wala ako na akong gusto kay Francis pero parang hindi tama na hindi siya magustuhan. ganun?

yung tipong tama ang magustuhan si Francis pero ang magustuhan si AJ ay isang BIG NO NO NO. pero alam ko sa sarili ko na mas gusto kong gawin yung mali :|

tiningnan ko ulit si AJ na nakatulog na sa byahe. ang cute niya :( pero hanggang dun na lang. nakita ko naman si Andy na tulog na din. wala akong makausap :|

sakto naman eh tumugtog sa radyo yung `Jeepney Love Story`. tinitigan ko si AJ. ewan ko ba. swak sana yung kanta, wala lang ako sa Jeepney :)) tapos walang nasingit sa pasahero. pero basta ayaw kong bumaba sa kotse na 'to. siya ba naman ang katabi eh :">

nakatulog na din ako. halos dalawang oras rin kasi yung byahe namin papunta sa province nila. nagising naman ako nun nung tinapik ni AJ yung kamay ko. nakasandal na pala ako sa balikat niya *blush*

"ay... andito na pala tayo.."

tinulungan niya naman sa pagbubuhat ng gamit ko. nilagay niya dun sa kwarto sa second floor. dun ako tutulog syempre :)) nakita ko yung ibang relatives ni AJ. nagha-hi sila kay AJ. puro gwapo at magaganda nga eh :)) may mga nagha-hi sakin na ibang lalake, pinsan ata ni AJ. pero wala namang pake si AJ. ARGH! sana nagseselos siya dibaaaa? AMP

pumasok naman si Andy dun sa kwarto. buhat niya yung gamit niya. ang adik eh :)) halatang hirap siya sa pagbubuhat.

"ano ba naman yan kuya?! hindi mo man ako tinulungan sa pagbubuhat?!"
"bakit? chicks ka?"

natatawa na lang ako sa kanila. laging ganyan yung magkapatid na yan HAHAHA :)) mga abnormal eh.

lumabas naman muna si AJ nun sa kwarto.

"waaaw. astig best friend! mag room mate tayo!"
"magchichikahan tayo ng bonggang-bongga dito!"

nagtawanan lang naman kami nun :)) tapos kaunting kwentuhan. nahalo pa nga si AJ sa kwentuhan eh. inaasar niya pa ako sa kuya niya which is nakakakilig naman :))

nagfee-feeling naman ako nun na magkakaroon kami ng summer love :)) HAHAHA. This is our summer love story :">

"ano pang sinasabi sayo ni kuya?"
"ayun... basta ang sweet :"> hindi nga ako makatulog pag ganun eh!"

napapasigaw naman kami nun kasi kwinento ko sa kanya yung mga banat sakin ni AJ :)) HAHA. syempre, yun lang yung kwinento ko sa kanya. hindi na pwedeng isama yung behind the scenes ng lahat ng kalokohan na yun :|

dahil sa dinner, naputol yung pagkwekwentuhan namin. mabilis naman kaming bumaba nun ni Andy sa may dining area. gutom na din eh. nakita ko si AJ na tumutulong dun sa mga tao na mag-ayos ng gamit. hindi ko akalain na ganito siya kasipag :)) feeling ko kasi pa senyorito effect pa siya dito :))

tinawag naman ni tita nun si AJ dahil kakain na. so ayun nga, niyaya din ni Andy yung ibang kasama ni AJ na kumaen na din. hindi ko maiwasang sulyapan si AJ. AMP :))

nasa bahay kami nung lola niya na matagal ng wala na. dati pa rin kasi 'tong bahay na 'to. pamana na lang ba :))

umupo na kami lahat sa upuan. ang sarap ng ulam. Tinolaaaaaa :> paborito ko HAHA

nasa harapan ko si AJ nun, katabi niya si tita. ako naman eh katabi si Andy. si tito naman eh syempre andun sa center of the table. 

nag-pray muna kami bago kumaen. pagtapos nun, KAINAN NAAAA :))

kukuha sana ako ng kanin nun ng saktong kukuha din si AJ ng kanin. hindi ko naman nahawakan yung kamay niya. hindi tulad sa movies no, kapag ganito may hawakan ng kamay :)) AMP. bakit hindi ba yun nangyayare ngayon?!

"sige... ikaw muna..."

tumango na lang ako nun tapos kumuha ako ng kanin. sinasabi pa ni tita na kumaen ako ng marami pero syempre nakakahiya :)) magte-take two naman ako mamaya HAHAHA.

kumuha na rin ako ng ulam. amoy pa lang masarap naaaa.

kumaen naman na ako nun. napapatingin nga ako kay AJ na super cute pa rin habang nakaen ng tahimik. iba nga siya ngayon eh. hindi ako sanay na binabara niya ako. ganun. 

bigla namang may narinig ako na pumasok sa gate. nahalata kong napatigil nun si AJ sa pagkaen tapos parang nagulat pa yung expression niya dun. nagtaka tuloy ako bigla. ano kayang meron? :|

"Tita?"

ang sweet ng boses. napatingin si tita nun. napatayo pa nga siya para salubungin yung bisita nila eh.

isang over cute na babae yung andun.nakasuot siya ng tokong at t-shirt. halatang conservative at walang style. pero kahit na ganun, ang ganda pa rin ng suot niya. bagay na bagay sa kanya. nagmumukhang uso yung suot niya kahit na hinde. 

"Ate Zinnia!"

Zinnia pala pangalan niya. ang ganda niya, kasing ganda ng pangalan niya. alam niyo bang mas gusto ko ang pangalan na Zinnia kesa sa Zerlina :)) na-insecure naman ako sa kanya bigla. hindi siya pinapansin ni AJ. 

nakatungo pa nga si AJ nun. GHAD. ano bang meron?

"Andy! kamusta?! Hi AJ... ganyan ka na pala ngayon... dati grade 1 ka palang nun...aba ngayon, 4th year ka na..."

tumingin sa kanya si AJ tapos ngumite ng onti. tapos tumungo na ulit siya. mas matanda siya. siguro 4th year college na siya. pinaguusapan kasi nila ni Tita yung course niya. matanda na rin pala siya pero mukhang 4th year highschool. whoaaaa.

dun sila sa sala nagkwekwentuhan kasama ni tita. kami-kami na lang tuloy ni Andy at AJ yung nakaen. bigla namang tumayo si AJ.

"excuse me... tapos na akong kumaen.."

nakita ko yung pinggan niya na marami pang tira.

"ha? may kanin ka pa oh..."
"nawalan ako ng gana..."

tumibok ng sobrang bilis yung puso ko habang tinitingnan ko siya na umaakyat sa stairs. napatingin ako nun kay Andy.

"anong meron? bakit ganun?"
"uh... wala yun... hayaan mo muna si kuya.."

napatingin ako dun sa may sala. nakita ko yung si Zinnia na nakikipagtawanan kay tito at tita.

"involved ba dun si Ate Zinnia?"
"uh... basta..."
"eh?! Andy?! anung meron? sabihin mo na sakin please..."

nagsigh muna si Andy bago magkwento.

"second cousin namin si Ate Zinnia... tapos first love siya ni kuya... feel ko siya lang yung sineryoso.." napatigil siya nun. " i mean siya yung unang sineryoso ni kuya... syempre ikaw yung sunod... pero pinsan namin siya... hindi ko nga alam kung tama... bata pa si kuya... baka nga puppy love lang eh... pero bawat vacation namin dito sa batangas... hindi niya maiwasan na hintayin si Ate Zinnia... ngayon na nga lang siya nakausap ni Ate Zinnia eh..."

halos malaglag yung panga ko nun. I mean, magpinsan sila ni AJ tapos nagawa pang mainlove sa kanya ni AJ. ARGHH!! unti-unti ko na siyang nakikilala at ang sakit pala :(

"pero don't worry Zerli... syempre mahal ka ni kuya AJ..."

natahimik ako bigla. AMP. sana pala hindi ko na lang tinanong TSK.

tumingin ulit ako kay Ate Zinnia. HAAAAAY :( siguro siya pa rin yung gusto ni AJ. naluluha ako. bakit kailangan ko siyang pagbuhusan ng luha?! triny kong pigilan yung luha ko. GHAAAD. ayoko ng ganito. 

ang dami tuloy pumasok sa isip ko bigla.

puro kahibangan nga eh :\

Paano kaya kung yung storya na `A meets Z` eh hindi para samin ni AJ. paano kung Zinnia yung ibig sabihin nung `Z` na yun at hindi Zerlina :(

tapos paano kaya kung hindi para sa amin ni AJ yung summer love story na 'to? paano kung para sa kanila ni Ate Zinnia? :(

kasi kahit kelan naman eh hindi ako minahal ni AJ :(
siguro kahit matagal na akong nagiintay na mahalin niya rin ako, walang mangyayare.
siguro umaasa ako na magkakaroon kami ng feelings sa isa't-isa kahit na wala namang pag-asa.
umaasa lang ako sa wala :|
ang tanga ko na magfeeling na may feelings siya sakin.
ang tanga kong isipin na gusto niya akong diretsuhin.
ang tanga ko para hindi aminin sa sarili ko na siya na yung gusto ko :|
ang tanga ko na mahalin siya. yan tuloy ako ang nasasaktan ngayon.

o yan, nasabi ko na. Oo, sobrang mahal ko na siya :|
wala ng Francis. 

ngayong andyan na si Ate Zinnia...

















Ano na lang ako sa kanya? :( 

Bonus Part :)


Name: Zinnia Jae Palormino
Nickname: Zin/Zinnia

2 comments:

  1. your so cute ate! can i be your friend?

    ReplyDelete
  2. pls add me in my fb account please thank you po! :) lovelove

    ReplyDelete