Saturday, November 27, 2010

Chapter 36: Can you please catch me again? :(

Syempre, humiwalay na rin siya sakin nun. Ang sad nga eh. nageenjoy pa ako sa yakap niya nun. HAHA. may isang mahabang upuan naman dun tapos umupo kami. nung una, walang nagsasalita samin. gusto ko nga na ako yung gumawa ng first move. gusto ko na kasing mag-sorry sa kanya. feel ko kasi, ang laki ng kasalanan ko sa kanya.

pero ano nga ba yung kasalanan ko sa kanya? Hay nako. ang gulo ko na talaga.

"siguro masaya ka na ngayon?"
"mukha ba akong masaya?"


ngumite lang naman siya nun.

"sakto lang pala ang break up natin. may gusto pala talaga sayo si Francis... sabihin mo na lang kung makakasama mo siyang manuod ng isang unexpected firework ha?"
"ah... oo..."
"bakit ganyan ka sumagot? galit ka pa ba sakin?"
"wala naman akong karapatan para magalit sayo eh..."
"eh bakit ka ganyan?"
"wala... nagdradrama lang..."
"wag ka ng ganyan. masaya ako para sayo..."

napatingin ako sa kanya. gusto kong sabihin na hindi naman talaga ako masaya kay Francis eh. mas magiging masaya ako kapag siya yung kasama ko :|

"thanks. ako din masaya para sayo..."
"thanks din.."

katahimikan na naman. naurong talaga yung dila ko. wala talaga akong masabi sa  kanya. dahil sobrang boring na nun, napilitan na kaming umuwi. hinatid ako ni AJ nun pauwi gamit yung pader niya. grabe, namiss ko 'to. 

buti nga wala masyadong nakakita saming umuwi at nag-usap, kundi issue na naman.

so yun nga, naging normal yung mga araw. nakikisama pa din ako sa bounce back crew. tapos medyo maluwag na din yung pakiramdam ko kapag kinakausap ko si AJ dahil nga dun sa pag-uusap namin nung acquaintance. 

palage lang naman kaming magkatext ni Francis. nililigawan pa rin niya ako. pero kahit ano namang sweet na bagay na sabihin niya sakin, iba pa rin kung kay AJ nanggaling.

From: Francis
pde b tau mgusap bkas?

To: Francis
bkt p?

From: Francis
nililigawan ksi kita.
ayoko nmn n hnggang text lang tayo...

To: Francis
ah. sige :)

pumapayag naman ako kapag gusto akong kausapin ni Francis. inaasahan ko kasi na kahit ilang minuto eh makalimutan ko ng bahagya si AJ pero kahit anong mangyare, parang si AJ pa rin yung nasa laman ng isip ko. 

siguro, hindi naman nagseselos si AJ. palage naman niya kaming nakikita ni Francis na magkasama kapag recess at lunch. nililibre kasi ako palage ni Francis. Astig no? dati nung una siyang manligaw, hindi siya ganito. nagbago na nga talaga siya. naging sweet talaga siya.

minsan naman eh nilibre niya ako ng vanille flavored na cornetto pero andun si AJ para sabihin sa kanya na ma s gusto ko yung Hazelnut na flavor. hindi ko alam kung paano nalaman yun ni AJ. siguro nasabi lang sa kanya ni Andy.

may times naman na inaasar ako ng buong Bounce Back Crew kay AJ. wapakels naman palage yung reaction ni AJ pero hindi niya lang alam, deep inside sakin. sobrang kinikilig ako. HAHAHA.

magkasabay naman kaming lumabas ni Francis sa school kaso umuulan nun kaya naghintay muna kami dun sa may waiting shed. nagkwekwentuhan lang naman kami nun kaya hindi rin ako nabobored.

"masyado ng matagal yung ulan. manghihiram muna ako ng payong sa janitor..."
"sasamahan na kita..."
"hindi... dyan ka na lang... magkasakit ka pa eh.."

tapos ngumite siya sakin. siguro, kung si AJ yung nagsabi nun, sobrang abot langit na yung ngite ko. umalis naman muna siya nun tapos tinakip niya yung bag niya sa uli niya para hindi siya masyado maulanan.

dumaan na yung limang minuto pa nun pero wala pa din siya. okay lang yun. mahirap naman talagang hanapin yung janitor ng school. HAHA. maya-maya naman eh may isang tao na ding nakisilong dun sa may waiting shed. basang-basa nga eh. wala din naman kasing payong. si AJ. 

"ui hi. sinong kasabay mo?"
"uh... si Francis.."
"aah..."

kami lang dalawa yung andun sa waiting shed

"sino bang hinihintay mo?"
"si Daniel... may kinuha lang siya sa school..."

ilang minuto lang naman yung lumipas nun tapos biglang dumating si Daniel na may dalang dalawang notebook.

"ui tol.. nakuha ko na.. Hi Zerli..."
"uh...Hi"
"ayun, sa wakas. ang tagal mo..."

tumayo naman siya nun pero hinawakan ko yung kamay niya. hindi ko alam kung paano at bakit ko ginawa yun. basta bigla ko na lang siyang hinawakan. ayoko lang kasing siyang umalis sa tabi ko.

"oh bakit? namimiss mo ako no?"

gusto kong tumawa pero sa ngayon, nalulungkot ako.

"hinde... basta..."

hiniwalay ko na din yung kamay ko sa kanya.

"basta sabihin mo na lang kung iiwanan ka ulit ni Francis... sasambutin ulit kita.."

then ngumite siya tapos umalis na.


































sana iwanan ako ni Francis para sambutin niya ulet ako :(

No comments:

Post a Comment