Saturday, November 20, 2010

Chapter 28: unconditional love :(

nagtataka ako kung paano niya nalaman na andito ako? napaisip din ako kung narinig niya kaya yung kantang tinutugtog ko kanina. tsaka bakit niya pa kailangang magpunta dito? at kung hinahanap niya ako, bakit kailangan niya pa akong mahanap? tanong ako ng tanong. wala rin namang sasagot sa mga tanong ko. TSS.

"kanina ka pa dyan?"
"kakadating ko lang. bakit? may tinatago ka?"


tiningnan niya yung gitara at yung compilation ng chords.

"tumutugtog ka pala ng gitara..."

ngumite lang naman ako nun. tinabihan niya ako sa pagkakaupo ko sa sahig. kinuha niya yung compilation tapos nagbrowse lang siya ng mga pages. hindi ako makatingin sa kanya. mas pinagnasaan ko tingnan yung sahig kesa sa kanya.

"alam mo ba na hindi ako marunong maggitara..."

tinabi niya nun yung compilation. nakita ko yung kamay niya na nilapag yung comiplation sa unahan ko. Ghad. pati kamay niya pinapakaba na rin ako.

"turuan mo naman ako..."

napatingin ako sa kanya. which is the wrong thing :| mas naappreciate ko yung fact na he was just so gorgeous with his serious face. 

"uh--sige.. kapag may time tayo..."

ngumite naman siya nun. Ghad. hindi dapat ako tumingin. kase naman :|

"lika. may ipapakita ako sayo..."

tumayo siya nun tapos nagreach siya ng hand sakin para tulungan akong makatayo. nagdadalawang isip ako sa dalawang bagay. kung sasama ba ako? at kung aabutin ko ba yung kamay niya?

matagal akong nakapagisip. o siguro, feeling ko lang na matagal. kasi naman. kapag si AJ na yung nasa harapan ko, feeling ko nabagal yung oras. parang natitigil yung buong mundo ko sa isang moment na ang kasama ko lang eh siya. 

nagsigh muna ako. ayokong tumingin sa kanya kasi baka mamaya mapa-reach out ako sa kamay niya. 

instead of getting his hand, tumayo ako ng mag-isa. tapos nginitian ko siya. ewan ko kung nagulat siya sa inasal ko. pero tama na rin yun na kahit minsan siya naman ang makaranas ng rejection.

"ano ba yun?"

hinawakan niya yung kamay ko nun pero hiniwalay ko. napatingin pa siya sakin nun. pinagtaasan ko lang siya ng kilay.

"baket?"
"tinatanong pa ba yun?"

nagtaka ata si AJ sa tanong na sinagot ko sa kanya.

"wala namang tao. kailangan pa ba tayong magpanggap?"

linagpasan ko siya nun. nabibitter ako :| bumaba ako dun sa tree house. tapos hinintay ko lang siya na bumaba din. medyo matagal nga eh. kung ano mang ginawa niya, wala na akong pakielam. bumaba na rin siya after 1 million years. tumalikod ako agad sa kanya. ayoko lang makita yung mukha niya.

hindi naman sa nagsasawa ako. pero pag tiningnan ko kasi, baka mawalan ako ng rason na hindi pagsawaan ang mukha niya. 

nakalagay yung dalawa niyang kamay sa dalawang bulsa ng maong pants niya. naka-black t-shirt siya nun kaya lutang na lutang yung kaitsurahan niya. inunahan niya ako. ako namang etong sumunod lang sa kanya.

gabi na nun at sobrang lamig pa. nakalimutan ko pa yung jacket ko sa kwarto :|

full moon nun. yung foot steps namin eh patuloy pa ring nagmamark dun sa sand na tinatapakan namin ngayon. nasa beach kami ngayon, dun niya ako dinala. ang hirap ngang iexplain eh. sa likod ng compound nila, may beach pala dun. sa harap nun yung pinaka resort. dahil nasa likod lang nila yung beach, libre silang napasok dito. aba, may built in swimming pool. coooooool.

naalala ko nung kinasal si Ate Lia. naalala ko nung sinayaw niya ako. tapos nung naglakad lakad lang kami by the sea. parang inuulit lang yung pangyayareng yun ngayon. umupo naman si AJ dun sa may sand tapos pinat niya yung tabi niya. so yun, parang sinasabi niya na tabihan ko siya.

"ayoko. madumi dyan. tatayo na lang ako..."

tumingin ako sa dagat pati dun sa moon na may reflection na sa tubig. walang stars nun. ibig sabihin uulan. aba ngayon, nangangailangan na talaga ako ng jacket HAHAHA.

"ang KJ naman neto..."

tiningnan ko siya nun. nakatalikod kasi ako kanina. gawa niya ayaw ko siyang makita. and to my surprise, nakahig siya dun sa may sand. topless. yung dalawa niyang kamay yung hinihigaan niya ng ulo niya. nakapatong yung t-shirt niya sa katawan niya. nakita ko yung mga mata niya. halatang ineenjoy yung dalawang bagay na nakikita niya sa langit. ang isang dumadaan na airplane at yung full moon. 

ako naman eh ineenjoy ang view ko ngayon HAHAHA :))

bumalik na rin ako sa senses ko kaya tumalikod ako sa kanya. napayakap ako dun sa sarili ko. ang lamig kaya. naka-shorts lang ako pati naka-green ako na shirt. sira na din yung hairstyle ko dahil sa sobrang lakas nung hangin. 

"67th airplane ko na yun..."
napatingin ulit ako sa kanya. Ow shet :O BAKIT ANG HOT?! kalamig-lamig ng panahon tapos ganyan siya kainit. tumalikod ako agad sa kanya. 

"may isa ka pa bang wish?"
"ang engot ko kasi, mali yung winish ko nung una kong naka-100..."
"yung wish mo na mahanap mo yung true love mo?"
"oo, mali yun. dapat sana maging kami ng true love ko. eh paano kasi kung mahanap ko nga hindi naman kami meant to ba?"

napakagat ako sa labi ko. kung ako lang yung true love, eh di hindi mo pa winiwish yan, natupad na agad.

"may point ka dyan..."

tumingin ulit ako sa kanya. nakaupo na siya nun tapos malalim yung tingin niya sa may dagat. ang ganda. ang ganda niyang lalake. hindi na sa gay siya. pero I mean, I found true and perfect beauty through him. 

tumalikod ako agad. parang kasing hinahabol ng pagkabog ng dibdib ko yung paghinga ko.

"sana matupad yung wish mo..."
"sana nga"

may disappointment sa tono ng boses niya. TSS. mahirap din kasing makuha si Ate Zinnia. halata naman kasing hindi pa siya nakakarecover dun sa pagkamatay ng boyfriend niya. mahirap kayang mag-heal ng isang broken heart. tiningnan ko ulit si AJ. tinitigan ko yung mukha niya. pain. sadness. alam mong meron siyang unconditional love para kay Ate Zinnia.

tumalikod ulit ako sa kanya at napa-sigh. ang tahimik namin nun. wala akong masabi. siya rin walang masabi. nakakabingi yung katahimikan. hindi ako sanay. 

maya-maya namann eh may naramdaman akong pagpatak ng tubig sa ulo ko. tumingin ako sa langit, ow shet. sabi ko na nga ba uulan eh. tumingin ako kay AJ na nakatayo na tapos lumapit siya sakin.

"lika. naambon na..."

inakbayan niya ako nun. frozen na rin ako nun. Ghad. masyado 'tong close. hindi ko keri. linagay niya yung t-shirt niya sa ulo ko. siguro, ayaw  niya akong mabasa. lumakas na rin yung ulan nun. Epic Fail. tiningnan ko yung mukha niya na basang-basa. naghahanap siguro siya ng masisilungan.

naka-akbay pa rin siya sakin. alam kong segundo lang ang itatagal ng scene na 'to pero sa sobrang tuwa, feeling mo na stuck ka na sa moment na 'to. 

nakakita si AJ ng masisilungan nun. yung kiosk. pagpasok namin dun grabe, basang basa kami. as in define. mas basa si AJ no. akalain mong nakeri niya yun. may dalawang mahabang upuan na magkatapat dun sa kiosk. linagay ko yung t-shirt ni AJ sa isang tabi muna. humiga naman si AJ dun sa katapat kong mahabang upuan. sa ibang bagay ako tumingin. ayokong tumingin sa kanya eh. ilang beses ko na ba 'tong nasabi?!

"'sobrang basa ka ba?"
"uh... oo... pero okay lang... salamat..."

nahihiya ako sa kanya. hindi ko alam kung bakit. ngumite naman siya nun which is so nakakamatay.kelan na burol ko? HAHAHA joke :))

ang tagal nung ulan. siguro, hinahanap na kami dun. feeling ko nga mga 11 pm na nun o 12 midnight na eh. tulog naman na nun si AJ. lumapit ako kay AJ para tingnan kung tulog pa ba siya.

napansin ko naman na sobra siyang pinagpapawisan. pero duh, sa lamig neto pagpapawisan ka ba?!
tapos medyo nanginginig siya sa sobrang lamig.
kinabahan akong bigla. hinawakan ko yung noo niya.
badtrip, eh inaapoy pala ng lagnat 'tong si AJ. wala man lang sinasabi . !@#$%.

nakita kong binuka niya yung kanang mata niya para makita ako.

"bakit hindi ka nagsasabe na masama pakiramdam mo?! ang kulit kulit mo?! Lichugas 'to. may lagnat ka na pala. ang pasaway. grabe, nakakainis ka!"

mabilis kong sinabi yun lahat. ngumite siya sakin nun tapos hinawakan niya yung kamay ko. ang init ng kamay niya na feeling ko may dumaloy na kuryente sa katawan ko.

"basta dito ka lang...
















magiging ayos na din ako..."

No comments:

Post a Comment