Friday, November 26, 2010

Chapter 31: White Roses :)

So yun nga, nakatulog na din ako ng mahimbing nun. hindi ko na inabutan yung Wild Confessions ni Papa Jack dahil sobrang Wild na yun HAHAHA. at isa pa! hindi ako nakikinig sa ganun. Nakakatimang pakinggan yun eh. lalo na dati nung triny ko makinig dun. imbis na makatulog ako, aba. lalo nawala yung antok ako. HAHA

so yun nga, nagising naman ako ng medyo late nun. masyado na rin kasing late ako natulog kagabi. tiningnan ko yung cell phone ko kung anong oras na. 10 am na pala. OVER. nakakahiya. grabe, sobra akong matulog ah.

chinarge ko yung cell phone ko gawa ng malapit ng malow batt. naalala ko yung pag-uusap namin ni Papa Jack kagabi. Lalo yung advice niya na sobrang hirap gawin. akala mo isang simpleng `confront mo siya!` pero sobrang hirap nun no?! Pamatay na gawain yun no?!

So yun nga, nag-ayos ako ng sarili ko. lumabas ako ng kwarto ko. gusto kong silipin yung kwarto ni AJ. pero wag na lang. una, dahil nakakahiya. at pangalawa, parang basta. HAHAHAHA. baka lalo akong mainlove. JOKE.

so yun nga, bumaba ako. walang tao. Okay, ang weird diba? Hmm... AT FEELING KO MAY NAKAKALIMUTAN NGA AKO AND WHICH YUN NGA YUNG BAGAY NA PALAGE KONG NAKAKALIMUTAN.

23 kahapon. which means 24 ngayon.

Leche. third Monthsary namin ngayon ni Aron Jie Benitez. 
kalokohan lang naman.

naghilamos muna ako. nageexpect kasi ako ng bonggang pasabog ni AJ pero duh?! baka naman pinaghahandaan nila yung kung ano mang handaan na pinaghahandaan rin ni Andy. ayoko nga mag-expect, maraming tao ang napapahamak dyan at nasasaktan. 


nagsuklay ako ng buhok ko at tumingin sa salamin. walang pinagbago. maganda pa din ako. Charot. HAHA.

umupo muna ako sa sofa. ayaw ko muna lumabas. masyadong bumibilis yung pagtibok ng puso ko. naiisip ko kasi yung kung ano mang pasabog ni AJ ngayon. kasi kapag may pasabog nga siya, lalo lang akong mahihirapan.

lalo lang ako mahuhulog sa kanya.
which is so hirap na talaga.

paano ko siya icoconfront kung bawat kilos niya eh parang nagsasabi sakin na `mahal din kita Zerli, wag mo akong iwan`. diba? Nakakatimang talaga siya. ARGH.

gusto kong iimagine na may picture si AJ sa harapan ko tapos meron akong darts. gusto kong gawing target yung pagmumukha niya para kahit sa isang picture lang eh pumangit siya tapos hindi na ako magkagusto sa kanya :|

pero kasi kahiti gawing mukhang garapon yung pagmumukha niya, siya pa rin si AJ. siya pa rin yung AJ na kina-inlove-an ko. kaya parang wala ring talab yun.

siya pa din yung mamahalin ko kahit anong mangyare,


ANG CORNY KO PROMISE. HAHAHA

pero totoo naman talaga. hindi ko na rin napigilan yung sarili kong paa. parang mas namimiss pa nung paa ko si AJ eh. medyo mabilis akong lumabas nun. ang liwanag nun. grabe.

palibhasa, may araw. HAHA. alangang wala. TSS.

medyo na-blur yung vision ko dahil sa sikat ng araw pero alam ko na marami akong tao na nakikita ngayon. isa-isa silang may hawak na red rose.

eto na yun, yung mala-firework na pasabog ni AJ. I knew it. ayoko na. please. kasi lalo lang akong mahihirapan pag natuloy 'to. WAAAAG NAAAA.

lahat ng mga tao nakangite. nakita ko si Andy na may hawak din nung rose. tumapak na ako sa labas nung bahay tapos isa-isa akong binigyan ng roses nung mga pinsan, tito at tita ni AJ. binigyan din ako ni Andy at Ate Zinnia. grabe.

binilang ko sa isip yung roses. and bongga. 22 roses yun. pinilit kong ngumite. kinakabahan ako kung ano yung sunod na gagawin ni AJ. masyado na 'tong sweet. parang hindi ko na kakayanin kung meron pang susunod. tunaw na tunaw na ako sa sobrang ka-sweetan niya.

ITIGIL NIYO NA 'TO. PLEASE LANG.

Ang hirap kiligin. ang hirap kiligin lalo na kung hindi dapat kiligin. Haaay nako.

pumalakpak yung mga tao. tiningnan ko si Andy na nag-gesture sakin na tumingin sa likod ko.

ayaw kong tumingin pero hindi ko napigilan. liningon ko kung ano mang meron sa likod ko nun.

Of course, sino pa ba? eh di si AJ. nakawhite shirt siya nun tapos nakapants. may hawak siyang nakatupi na red na cartolina. nung nakatingin na ako sa kanya ng diretso, binuksan niya yung red cartolina.

Happy Monthsary.
Thank you for everything.
Love you

hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. lalo kasi talaga akong naiinlove sa kanya. ang cute niya. grabe. ibang klase. nakangite pa siya nun.

nakakapagtaka nga eh. may sakit 'to kahapon ah pero napaghandaan pa rin niya ng bonggang bongga 'tong thir monthsary namin. pinilit kong ngumite pero sure ako na may namumuong luha na sa mga mata ko.

naluluha ako kasi una, ang sweet niya na sobrang nakakatouch na.
pangalawa, kasi alam ko na lalo akong mahuhulog sa kanya. at ang resulta nun eh, lalo lang akong masasaktan. hay nako. nakakapagod masaktan ah. palage nalang! :|

pinahawak niya muna yung red cartolina sa isang pinsan niya na cute din naman. HAHA

tapos lumapit siya sakin which is parang, okay... natutunaw ako. naiinlababo akoooooo. STOP NA
TO. please?

may hawak siyang dalawang rose nun. 22+2=24. may point siya dun, 24 roses. 24 ang date ng monthsary namin :| AW. ang sweet talaga. ibang klase. kelan ka ba makakakita ng lalakeng tulad niya? yung tipong every monthsary, ipaparamdam niya sayo ng bonggang bongga yung pagmamahal niya?!

yung isang rose nun white. tapos yung isang rose nun ay red. siguro, iba yung meaning. kung may explanation yun, please. wag na siyang mag-explaine. nagmamakaawa na ako ng over over. gusto ko ng magpalamon sa lupa sa sobrang kilig :|

"Zerlina..."


kinilabutan ako nung binigkas niya yung pangalan ko. nakakatakot siyang lapitan. kahit na gustong gusto ko na siyang lapitan :|

"Hm?"
"Happy Monthsary..."

lumapit pa ulit siya sakin tapos inabot niya sakin yung white rose. napalunok ako nun. nahihiya akong tanggapin nun. napakagat ako sa labi ko nun nung kinuha ko muli sa kanya yung white rose.

"Thank you for everything..."

speechless ako. yun pala yung ibig sabihin nung white rose. isang Thank You. Haaaay nako.


inabot niya sakin yung red rose tapos tinanggap ko naman sabay sabi niya ng...

"I love you..."

tiningnan ko siya tapos ngumite ako sa kanya. hindi ko kasi alam kung ano yung sasabihin ko sa kanya. punong puno na ng roses yung kamay ko.

linagay niya yung dalawang kamay niya sa dalawang bulsa ng pants niya tulad ng dati.

"alam mo ba kung bakit red at white ang binigay ko?"
"bakit?"

ngumite muna siya nun tapos biglang sinabi niya na...

















"dahil kapag naging red na yung white rose, dun pa lang ako titigil sa pagmamahal ko sayo..."

No comments:

Post a Comment