iba kasi yung sakit eh :( bakit ba ngayon ko lang narealize ang lahat?! o siguro dati ko pa nga narealize, ayaw ko lang aminin na narealize ko na pala :| ang painful naman ng realization ko na siya na pala talaga.
napahiga ako dun sa kama ko. napayakap ako dun sa unan ko. unti-unti ng namumuo ang luha sa mga mata ko. hindi pa plural ang minute, tuluyan na akong napaiyak. may something akong nararamdaman sa puso ko. eto ba yung heartbreak? AMP. ang sakit pala physically at emotionally.
lalo kong hinigpitan yung pagyakap sa unan ko. feeling ko gusto ko magpalamon dun sa unan. ayoko na :(
feeling ko hanggang 9 pm ako nun naiyak. AMP. ang childish ko talaga. maya-maya naman eh hindi ko rin napansin na nakatulog na din pala ako.
medyo nagising naman ako ng madaling araw. siguro mga 2 ng umaga yun. napa-upo muna ako sa kama ko. tinanggal ko yung mga namuo kong luha. parang namamaga na nga eh. tumayo ako nun at tumingin sa salamin. okay lang naman. siguro, hindi naman 'to mahahalata bukas.
napatingin ako sa may malaking bintana ng kwarto. sa hindi kalayuan, may nakita akong nag-iisang puno na nakatayo sa isang mataas na part ng lupa. tiningnan ko si Andy na tulog na tulog pa din. kinuha ko yung jacket ko na nakasabit sa gilid ng cabinet tapos lumabas sa kwarto.
katapat ng kwarto namin ni Andy yung kwarto ni AJ. gusto kong kumatok dun. gusto ko siyang kausapin. gusto ko siyang yakapin :| hindi ko na pinansin yung pintuan at bumaba dun sa first floor nung bahay.
nawala na yung antok ko nun. gusto kong magpahangin. kailangan kong magrefresh.
lumabas ako ng bahay nun at naglakad-lakad. madamo nun. tapos sobrang hangin. tiningnan ko yung langit. crescent moon. at ang ganda niya. ang daming stars. linagay ko yung dalawang kamay ko sa loob ng bulsa ng jacket ko at nagpatuloy sa paglalakad.
pumunta ako dun sa puno na nakita ko kanina. ewan ko ba. may na-feel lang ako bigla. kailangan ko ng kausap at puno ang napili ko. shet, hibang na ba ako?! GHAAAAAD.
umupo ako dun sa ilalim ng puno at sumandal. nagsigh muna ako at inenjoy na lang ang magandang bituin at buwan, ang malamig na simoy ng hangin, ang pagdampi ng mga maliliit na damo sa paa ko at ang panunuod sa paggalaw ng ibang puno.
medyo gumaan naman yung pakiramdam ko. iba rin ang power ng nature no?
may narinig naman ako na foot steps. napatingin ako sa direksyon ng tunog na yun. sa lahat ng mga taong ayaw ko makita ngayon, siya pa ang andito sa harapan ko.
si AJ...
"ang aga ah... hindi ka makatulog?"
tumango na lang ako nun. tinabihan niya ako nun. sumandal din siya sa may puno. medyo lumayo pa nga ako. may space tuloy sa pagitan namin. ewan ko ba. gusto ko siyang layuan pero ayaw kong mawala siya sa akin. ang labo ko talaga :|
"sorry sa mga nangyare nung nakaen tayo..." ang cold ng pagsasalita niya
"uh.. bakit ka nagso-sorry?"
"wala lang..."
"naalala mo nung prom natin?" napatingin ako sa kanya. bakit niya kailangan ibalik ang lahat? :| "yun yung time na una tayong nagkausap... yun yung unang beses na nakapag-open ka sa ibang tao tungkol kay Francis... yun din yung oras na sinabi ko sayo na wala akong mahanap na true love... diba?" napangite siya nun.
"oo.. bakit mo sinasabe yan?"
"wala lang... feel ko kasi nahanap ko na yung true love ko..."
"alam mo ba yung feeling na pinapapili ka kung ano yung gusto niyong pagsamahan? love ba o friendship?" nagpatuloy siya sa pagsasalita "yung tipong kapag pinili mo yung love, pwedeng mawala yung friendship. pero kapag friendship pinili mo, mawawala yung love...kung ako ikaw, anong pipiliin mo?"
"depende naman yun kung mahal naman namin yung isa't-isa, eh di go for it diba?"
"eh paano kasi kung parang may mahal na iba yung taong yun... tapos baliw na baliw siya sa taong yun na parang wala ng pwedeng itira para sa akin..." natamaan ako nun :x "pero kung mahal din namin ang isa't-isa, bawal pa rin magkaroon ng kami..."
"ewan ko... natanong mo na ba siya tungkol dyan?" ghad. umaasa ako na ako yung tinutukoy niya.
"hindi pa... hindi ko kasi kayang umamin sa kanya..."
"sige ka... baka maunahan ka pa..."
"hindi ko alam... hindi ko kasi alam kung paano ko ipapakita sa kanya... natotorpe ako pag andyan siya... tapos... basta... ang hirap iexplain nung feeling na yun..."
"nararamdaman ko din yan... promise..."
"kanino?"
"'eh.. sabihin mo muna yung gusto mo..."
"si..."
"si..."
"siya..."
"si Zinnia..."
hindi nga 'to para samin. Ang sakit sakit pala nga talaga nu? :'(
"sobrang mahal ko siya..."
"pero hindi pwede..."
"ah.. siya pala..."
"eh ikaw sino?"
"ako?"
gusto kong sabihin na ... ikaw naman talaga... huminga ako ng malalim.
"si Francis pa din..."
:(
No comments:
Post a Comment