Saturday, November 27, 2010

Chapter 33: A day with Daniel :)

feel ko naman hindi niya narinig yung binulong ko pero hindi ko naman mawari kung bad thing ba yun or good thing. bahala na. hindi ko na siya pinansin nun buong araw. ewan ko ba. nakakapikon lang kasi eh. nakakabitter.   so yun, wala naman ako sa mood na kausapin si Andy tungkol dito kaya medyo 8 pm pa lang eh nakatulog na din ako. tutal naman, maaga ang uwi namin bukas.

sakto lang ang gising ko kinaumagahan. nag-aayos na sikla ng gamit. so ako naman eh, inasikaso na rin yung gamit ko at yung sarili ko. nakakahiya naman kung bababa ako dun ng may muta pa sa mata ko.

nung natapos na akong mag-ayos, bumaba na din ako. nag-aayos pa din sila tito at tita. tinutulungan sila ni Andy. si AJ naman eh andun sa sofa, nakaupo. parang may hinihintay. at kung ano man yun, wala na akong balak alamin pa.

At war kami ngayon, aba. Galit ako sa kanya. ang seryoso ako dun.

Nung ready na kaming lahat, linagay na namin sa kotse yung mga gamit namin. Si tita yung nasa front seat. nasa back seat kami nila AJ at Andy. bale, nasa gitna namin ni AJ si Andy. siguro feel na rin niya yung cold war namin ng kuya niya. wala rin kasi siyang makausap ng matino samin ni AJ. everytime na gumagawa siya ng topic para samin, puro tango at iling ang binibigay naming response sa kanya.

mukha namang nabanas na siya sa asal namin, ayun nanahimik na rin siya.

walang traffic nun. umaga naman kase. in less than two hours ng byahe, nakadating na din kami sa bahay namin. nagba-bye naman ako kay tita at tito at nagthank you sa kanila at syempre nakipag beso beso ako sa best friend kong si Andy.

at syempre, hindi ko pinansin si AJ kahit na alam ko na nageexpect siya nag babye ako sa kanya o magsabi ako sa kanya ng mga sweet words na `i will miss you`. DUH?! sawang sawa na ako sa kanya.

kahit hinde... :|

basta bahala na. pumasok na ako sa bahay nun tapos nagkakwentuhan kami ng kaunti ni mama. syempre, sinabi ko lang sa kanya yung masasayang part. hindi yung mga nakakalokang part.

tapos tumabay na naman ako sa kwarto ko ng isang buong boring na linggo. nagcomputer at nagtext lang naman ako. well, nagkakatext na kami ni AJ pero ang cold ko pa din. one time pa nga eh sobra siyang nagdrama. inulanan ako ng sorry. define: bumaha pa. HAHAHA

sinasabi ko naman sa kanya na okay na kami at nabigla lang ako nung araw na yun. pero deep inside, DUH?! nasaktan naman talaga ako.

nakakasawa na ding tumambay sa kwarto kaya napilitan din akong bandang hapon na tumambay muna sa playground. ayun, as usual. wala namang masyadong tao o mga batang naglaalro dun.

solong-solo ko yung buong play ground.

well,syempre medyo hindi na ngayon.

natanaw ko kasi bigla si Daniel na may dala ng bola ng basketball. siguro, maglaalro siya dito. malamang diba? HAHA.

bago siya pumunta sa court na katabi lang ng playground, lumapit muna siya sakin. nakaupo lang kasi ako sa isang bench dun kaya tumabi siya sakin.

"Oh? anung ginagawa mo dito?"
"wala lang... masama bang tumambay dito?"


ngumite lang naman siya nun. that's why bigla kong naalala si AJ :\

"hindi naman..."
"ikaw? bakit ka andito?"
"maglalabas lang naman ng sama ng loob..."

seryoso siya nun pero nagawa ko pang magbiro sa kanya,

"wala bang CR sa bahay niyo?"

natawa naman siya nun. HAHAHA

"anong nakakatawa?"
"ang lakas ng trip mo eh!"
"bakit ba? anong nangyare?"

nagsigh naman muna siya bago magsalita. for sure, problema 'to. .

"nagaway ulit kami ni daddy... gawa kasi nung grades ko... hindi daw pasok sa section A... palibhasa kasi siya expect ng expect sakin... nakakainis na nga eh..."
"hay nako... diba sabi ko sa sayo kausapin mo siya tungkol dyan?"
"sus... mahirap yang gawin no? ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay madistract muna... ayoko munang problemahin ang mga ganyang bagay..."
"so kaya ka pumunta dito para madistract?"
"oo sana pero andito ka pala eh..."
"eh ano ngayon?"
"wala lang... mas makakalimutan ko ang problema ko kapag ikaw ang kasama..."

ang sweet niya. grabe. pero wala naman akong nararamdaman.

"so anong gusto mong sabihin?"
"uh... ano... tara date tayo..."

napatingin naman ako sa kanya ng bonggang bongga. nawindang din kasi ako dun sa sinabi niya.

"ayy kaso baka magalit si..."

hindi ko na siya pinatapos nun. alam kong pangalan ni AJ ang sasabihin niya.

"no... sige... pumapayag ako..."
"seryoso ka?"
"oo... bakit?"
"kasi baka mamaya magkaroon na naman kayo ng problema dahil sakin..."
"paano pa kami magkakaproblema kung wala naman na kami?"
"ha? bakit? break na ba kayo ni AJ?"
"paano ba kami magbrebreak kung wala naman talagang `kami`?"
"hindi ko talaga makuha yung sinasabi mo..."
"basta lika na lang..."

hinawakan ko yung wrists niya nun para maglakad-lakad muna kami sa buong subdivision. hiniwalay ko din yung kamay ko dahil alam kong nakakailang din yun. at baka kiligin pa sakin si Daniel HAHAHA. Joke.

so yun habang naggala kami, kwinento ko sa kanya lahat lahat. parang akong sirang plaka kasi dapat ko pang ulit-ulitin yung explanation ko para lang maintindihan niya ang sitwasyon namin ni AJ ng bonggang bongga.

nung nagets naman niya na never naging kami ni AJ napatalon siya pati napasigaw siya ng isang bonggang bongga na YES. siya na masaya HAHA

pero hiningan ko din siya ng advice kung anong gagawin ko kasi nashare ko na din sa kanya na yun nga. may feelings na ako para kay AJ.

parehas naman sila ng advice sakin ni papa jack, dapat ko na talagang iconfront si AJ pero sa case namin ngayon, feel ko mahihirapan ako na iconfront siya. 

siguro kasi kapag may nangyareng confrontation, malamang eh sa hiwalayan ang pagtatapos nun :| ang negative ko talaga no?

napa akbay sakin si Daniel nun. halos isang oras na kaming naglalakad at isang oras na din ako nagkwekwento sa kanya tungkol samin ni AJ. halos 5:30 pm na din nun at pabalik na kami sa playground.

astig no? inikot lang namin HAHAHA.

hinatid naman ako ni Daniel sa bahay namin. na-amaze din si mama dahil akala niya si Daniel na yung ipinalit ko kay AJ which is hindi naman talaga HAHA. ngwapuhan din siya kay Daniel pero mas gusto niya pa rin si AJ. ang adik nga eh.

napahiga ako dun sa kama ko sa kwarto. dun ko lang narealize na naiwan ko pala yung cell phone ko sa side table.

tiningnan ko yung mga messages na nareceive ko. halos lahat naman GM. may text galing kay Daniel.

From: Daniel
...ei...gud eve!!
...wg k ng mlungkot dhl ke ar0n :(

napangite naman ako kahit papano kaya nireplyan ko siya.

To: Daniel
opo sir! haha :D

tiningnan ko yung ibang messages and yun nagulat ako kasi tatlong messages sakin si AJ. kinabahan ako bigla habang nakikita ko yung box na may nakasulat na `opening message`

From: AJ panget :p
mgksma pla kau n daniel..

tapos may dalawa pa..

From: AJ panget :p
wala akong krapatan n mramdaman 'to

at isa pa.


opening message....
























From: AJ panget :p
nagseselos ako...

No comments:

Post a Comment