Friday, November 19, 2010

Chapter 24: I Love the way you Lie

Tumatak sakin yung mga binitawang salita ni AJ. Iba kasi. maguguluhan ka kung may gusto ba siya sayo o wala. maguguluhan ka sa ipinaparating niya. ayoko mag-assume pero bakit siya ganun? binibigyan niya ako ng sapat na rason para mag-assume? kahit kase anong gawin ko na hindi mag-assume, may pinaparamdam siya sakin na kakaiba. kakaiba as in na parang isa akong tao na super special sa kanya at ayaw niyang mawala.

pwede ba yun? ayaw mong bitawan yung isang taong yun pero hindi mo naman siya mahal? I mean, handa ba siyang bitawan niya si Zinnia na mahal niya para lang sa akin na kaibigan lang naman ang turing niya? ang labo no? hindi ko alam kung saan pupunta 'tong storya na 'to. bakit ba kase hindi naimbento ang point of view ni AJ para magkaalaman na?! yung hindi na tayo naghuhulaan!

gusto ko siyang tanungin kung bakit. bakit ba ang gulo gulo niya? daig pa niya ang kwarto ko sa sobrang gulo :|

hinigpitan niya yung pagkahawak sa kamay ko. napatingin ako sa way ng pagkakahawak niya ng kamay ko. spark. yun yung naramdaman ko. first time ko 'tong maramdaman galing sa  kanya. yung tipong may kuryente na ewan na dumaloy sa katawan namin. alam kong hindi 'to kilig. hindi 'to isang childish emotion. kakaiba 'to. at onting teenagers lang ang nakakaramdam neto.

gusto ko mag-stay yung moment na yun na feeling ko eh lulutang na ako kung hindi man ako nakakapit sa kanya.

humiwalay din siya nun. sa totoo lang, gustong gusto ko siyang hawakan. gustong-gusto ko siyang yakapin. and in fact, gustong gusto ko rin siyang halikan. Ghad. ang bata ko pa para isipin 'to. pero kasi parang kakaiba talaga. sasabihin sayo ng mga mata niya na siya na talaga kaya nagiging handa kang magpakatanga dahil sa kanya.

hindi ko malaman kung ano yung emotion niya ngayon. tinititigan ko yung mga mata niya pero kasi parang ang deep. hindi ko ma-reach. hinawakan niya yung shoulder ko nun tapos binulungan niya ako.

"wag mo ng uulitin yun ah.."


hinawakan niya yung ulo ko. hindi ako makapagsalita. tingnan niyo? bakit niya sasabihin yun? :| HAAAAAY.

iniwan niya na ako nun. hindi ko alam kung saan siya pumunta. feeling ko sa likod ng bahay. o sa isang lugar na siya lang ang nakakaalam. hindi ko tiningnan yung pag-alis niya kasi baka magawa kong sundan siya. 

nag-aayus na yung mga tao. nililigpit na nila yung mga ginamit namin kanina. lumapit naman ako kela Zinnia na nag-aayus nung mga gamit na nakalagay sa buffet table.

"uh-- tutulungan na kita..."

ngumite lang naman siya sakin nun. tinulungan ko siya sa paglalagay nung mga plato sa kitchen. trina-try kong mag-focus kaso nalipad talaga sa ibang bagay yung isip ko.

"uhm... Zerli..."
"Hm?"

linalagay na namin yung mga plato sa tamang lalagyanan.
"nakita ko kayo kanina ni AJ..." biglang bumilis yung tibok ng puso ko. hindi ko alam kung bakit. dahil ba yun sa pangalan ni AJ o dahil yun sa fact na tinitingnan din pala ni Zinnia ang kilos ni AJ. "ano bang nangyare sa inyo?"

"ay.. wala yun... may pinagusapan lang kami..."
"kayo ba?"

gusto ko na talagang iwasan yung tanong na 'to. hindi ko kasi alam ang isasagot. yung masaya bang kasinungalingan o yung malungkot na katotohanan?

"uh.. oo.."

okay... masayang kasinungalingan na lang pero masaya nga ba? haaaay.

"may problema ba kayo?"
"ay... wala.."
ayoko na ngang pagusapan yun diba? lalo na at si Zinnia pa ang nagtatanong. siya na nga mismo problema namin eh. pero teka namin nga ba? paano ba magiging problema kay AJ yung taong mahal niya? problema ko lang siya. siya ba naman kasi ang nagustuhan ng gusto ko :|

"siguro ayaw mo sabihin no? okay lang... naiintindihan kita pero gusto mo bang tulungan kita?"
"paano?"
"sumama ka sa akin..."

hinawan niya yung kamay ko. tiningnan ko yung maganda niyang mukha. no wonder na siya talaga ang gusto ni AJ. mabait siya at maganda. ano pa nga ba ang mahihiling mo diba?

lumabas kami ng bahay ng hindi tinatapos yung pagliligpit nung mga pinggan. hinila niya ako papunta sa mga pasikot-sikot hanggang marating na rin kami sa aming destinasyon.

sa isang tree house. 

"minsan kapag may problema ako... pumupunta ako dito tapos tumutugtog ako..."

tumingin siya sa mga mata ko at ngumite.

may ladder nun kaya umakyat kami para makatungtong dun sa tree house. ang astig nga eh. may keyboard dun sa bandang dulo tapos may isang gitara sa tabi nun. may mga nakadikit na chords at lyrics ng mga kanta sa walls. nagkalat sa floor yung iba't ibang papel na may mga staffs. tapos may sound system na ewan sa bandang kanan na side.

"composer ka?" may pinulot ako na isang papel galong sa floor. isa siyang unfinished song.
"hindi ako... yung boyfriend ko... i mean ex boyfriend ko..."
"ay sorry..."

linapag ko yung unfinished song sa isang mesa. nagtataka lang ako kung ex niya yung nagcompose nung kantang yun, bakit na sakanya pa rin yun? I mean kung ex mo diba, parang itatapon mo lahat ng mga bagay na magpapaalala sa kanya. hindi ko na rin sa kanya tinanong kung bakit sila nagbreak dun nung ex niya at baka sabihin niya nangingielam pa ako.

"okay lang... naghahanap pa nga ako ng inspiration para tapusin yung kantang yan... hindi kasi talaga ako magaling na composer..."
"bakit ayaw mo na lang gumawa ng bago?"
"wala lang... hindi ko rin alam..."

ngumite siya sakin nun. kumuha siya ng dalawang upuan at tinapat niya dun sa may keyboard at gitara.

"marunong kang mag-piano?"
"uh... medyo lang pero hindi talaga ako magaling..."
"okay lang yan... tugtog tayo..."

pinaupo niya ako dun sa isang upuan. hinawakan ko yung mga keys nung keyboard. naalala ko bigla yung kabataan ko. tinuturuan pa ako nun ni papa na mag-piano. nakakamiss lang.

"anong gusto mong tugtugin?"
"uh... teka lang..."

pinikit ko yung mga mata ko nun. naalala ko yung isang kanta na pinagtyagaan kong pag-aralan last year. huminga ako ng malalim. sana alam ni Zinnia yung chords neto pagdating sa gitara.

tinugtog ko na yung unang mga chords nung kanta. napangite nun si Ate Zinnia na feel ko eh alam yung kantang tutugtugin namin.

Just gonna stand there
And watch me burn
But that's alright
Because I like
The way it hurts
Just gonna stand there
And hear me cry
But that's alright
Because I love
The way you lie
I love the way you lie
I love the way you lie

I can't tell you what it really is
I can only tell you what it feels like
And right now there's a steel knife
In my windpipe
I can't breathe
But I still fight
While I can fight
As long as the wrong feels right
It's like I'm in flight
High of a love
Drunk from the hate
It's like I'm huffing paint
And I love it the more that I suffer
I sufficate
And right before im about to drown
She resuscitates me
She really hates me
And I love it
Wait
Where you going
I'm leaving you
No you ain't
Come back
We're running right back
Here we go again
It's so insane
Cause when it's going good
It's going great
I'm Superman
With the wind in his bag
She's Lois Lane
But when it's bad
It's awful
I feel so ashamed
I snap
Who's that dude
I don't even know his name
I laid hands on her
I'll never stoop so low again
I guess I don't know my own strength

Just gonna stand there
And watch me burn
But that's alright
Because I like
The way it hurts
Just gonna stand there
And hear me cry
But that's alright
Because I love
The way you lie
I love the way you lie
I love the way you lie

Just gonna stand there
And watch me burn
But that's alright
Because I like
The way it hurts
Just gonna stand there
And hear me cry
But that's alright
Because I love
The way you lie
I love the way you lie
I love the way you lie

Just gonna stand there
And watch me
gonna watch me burn

Just gonna stand there
And watch me
gonna watch me burn
I love the way you lie


I love the way you lie



ngumite si Ate Zinnia sakin nun tapos nagthumbs up siya sakin. 

"oh ano yung feeling?"
"good... refreshed..."
"see? diba effective?"

nagsigh muna siya bago ituloy yung statement niya...

"eto na yung ginagawa ko araw araw just to forget...
















...my boyfriend's death.."

No comments:

Post a Comment