Sunday, November 28, 2010

Chapter 40: The Letter Part II

Hindi ako mapakali nung araw na yun. Triny ko na mag-stay as calm as possible. Ayoko ng masyadong nastre-stressed. Kakagaling ko lang sa sakit. Hindi ako makapaghintay na makapasok ako. Grabe, ano  kayang nangyare dun sa letter?

Paano kung binasa yun ni AJ?! Ang tanga ko kasi. Bakit ko ba kasi nilagay yun sa kama ko?! Sana sinama ko na lang yun sa ilalim ng cabinet ko. Chineck naman yung ilalim ng cabinet ko. Andun pa din yung letter ko para kay AJ. Gusto ko na talagang umiyak nun. Hindi kasi talaga pwedeng mangyare 'to.

Hindi naman dito tatakbo ang storya diba? Bakit parang pinapahirapan pa lalo yung sitwasyon ko?

Gusto kong pabagalin yung oras. Pero kung pwede namang patigilin, mas maigi yun. Ayoko dumating yung araw na makarating kay Francis yung letter. Wala naman na kasing laman yung mga nilagay kong salita dun sa letter eh. Nakakabadtrip talaga. Bakit hindi ko naasahan na pwedeng mangyari 'to?

Thursday na ngayon. Makakapasok na ako dahil maayos na din naman yung pakiramdam ko. Gustong-gusto ko na ring pumasok para malaman kung nakuha nga ba ni AJ yung letter ko para kay Francis. Kung makuha man niya yun, ano kayang gagawin niya dun? Hay Nako.

Pagpasok ko pa lang naman dun sa gate, hindi ko nakita yung buong Bounce Back Crew. Parang lahat sila hindi pumasok. Wala din naman si Andy nun. Nakakapagtaka tuloy. Nagring naman na yung bell nun tapos mag-isa akong pumasok sa classroom. Akala ko andun yung ibang members, pero lahat sila absent.

Ano ba yun?! Parang isang araw lang akong nawala, biglang nag-disappearing effect na yung buong Bounce Back Crew.

So yun, kahit na tinatahak ko ang landas ng kaboringan, hindi pa rin matanggal sa isip ko yung letter. Napapatingin ako sa arm chair ni AJ.

Kahit upuan lang niya yung makita ko, sobrang kinakabahan na ako. Triny kong magpadistract. Nawawalan na nga ako ng focus eh. May mga recitations akong hindi nasasagot ng tama. Gusto ko na talagang mag-improve ngayong 4th year, at ang problemang 'to ay napakalaki ng tulong sakin para hindi magimprove :|

Nung recess naman eh pumunta ako sa classroom nila Shaina. Wala naman kasi akong tropa sa classroom namin. Sabay tuloy kaming nagrecess nun ni Shaina. Nagkakwentuhan kami ng kaunti. Wala nga siyang kaalam-alam sakin ngayon eh. Magkahiwalay na kasi kami ng section. Hindi na tuloy siya updated.

Pagtapos naman nung recess, tinahak ko ulit ang landas ng kaboringan. Nakinig lang ulit ako sa mga lessons. Buti ngayon medyo nakakalimutan ko na yung problema ko. Wala naman kasing nangyayareng abnormal sakin. Wew. Siguro nilipad lang yun ng hangin tapos kung san san na napunta. Masyado lang ako naging negative at naging hysterical.

Tuloy-tuloy naman ang pagtahak ko sa landas ng kaboringan. Sinabayan ko si Shaina na mag-lunch. Kwentuhan ulit. Wala namang bago.

Dumating din naman ang katapusan ng landas ng kaboringan. Ang Dismissal. Bow. HAHAHA.

Nagiging magaan na din yung pakiramdam ko nun. Wow. Masyado nga lang talaga siguro akong naghy-hysterical. Wala naman palang mangyayareng masama. Siguro yung letter na hinahanap ko eh nasa kwarto lang. Andun lang yun sa tabi-tabi. HAHAHA.

So yun, inayos ko yung gamit ko kaagad. Nakakainis naman. Wala ata akong makakasabay umuwi.

Kakalabas ko lang nun ng classroom ng bigla akong napatigil. Nandun kasi si Francis sa tapat ng room namin. Siguro hinihintay niya ako. Nako, feel ko magdradrama lang 'to at magsosorry sakin ng bonggang bongga. O di kaya sasamahan niya akong umuwi dahil alam niyang AJ-free ang araw na 'to.

"Oh?"


Medyo sinungitan ko siya nun. Wala lang. Hindi ko din alam kung bakit. Feel ko lang na mang-away. Lumapit naman siya sakin tapos bigla niya akong niyakap. Nagulat naman ako nun. Bawal neto sa school oy! PDA much ha!


"huy! bitawan mo ako! baka may makakita sating teachers..."
"I knew it..."


Naguluhan naman ako dun sa pagsasabi niya ng `I knew it`.

"Ha?"

Bumitaw naman siya sakin nun tapos nakangite siya. Iba yung ngite niya eh. Yung tipong gusto niya ng isigaw sa mundo na nanalo siya sa isang laro.

"Mahal din naman kita dati pa Zerlina... Alam ko na ginawa mo lang rebound si AJ nun and promise, sobrang nagselos ako... Wala naman talaga akong gusto sa malanding si Jeanna na yun... Ikaw naman talaga ang gusto ko..."

Kinakabahan ako and at the same time nalilito na ako. Eto na ba talaga yung kanina ko pa prinoproblema at iniisip? HINDI PWEDE. HINDI.

"And ibibigay ko ang best ko para  mapasakin ka ulit... Believe me... Trust me... Isang chance lang... Mahal mo rin naman ako diba?"

Speechless ako. May kinuha siyang isang papel mula sa pocket niya. Familiar yung papel.


Isang papel na tinatago ko dati pa.
Isang papel na palaging nasa ilalim ng unan ko.
Yung letter.

"Etong letter na 'to... na binigay mo sakin.... gusto kong mag-thank you kasi akala ko gagantihan mo ako... hindi ko kakayanin yun... promise... mahal talaga kita..."

Naiiyak ako. Wala sa plano ko na mabasa yung letter. Wala talaga. 

"Yung letter?"

Ang bagal ng pagbibigkas ko sa mga salita na yan. Sana panaginip na lang ang lahat ng 'to.

"Oo... hindi ko alam kung paano ko 'to natanggap sa locker ko kagabi... Eh absent ka naman nun tsaka bawal ang girls pumasok sa locker room ng basketball varsity pero sigurado ako na letter mo 'to para sakin dahil alam na alam ko ang sulat mo..."

Unti-unting nag-sink in sakin yung mga sinabi ni Francis. Kagabi niya nakita ang sulat pero wala ako nun. Tapos sa locker room ng basketball boys varsity pa. 

Si AJ. 
siya yung naglagay. sigurado ako.
pero bakit? Bakit niya kailangang ilagay yun? :(

Nahihirapan na akong mag-isip. Grabe. Napatungo ako nun. Gusto kong umiyak pero parang wala na akong mailuluha pa.

"Anong problema?"
"Eto..."

Ang hirap magsalita. Badtrip.
"Eto ang problema Francis...Hindi mo kasi dapat--"

Naputol nun yung pagsasalita ko nung narinig ko yung pangalan ko na isinigaw ni Andy. Napalingon ako dun sa likod ko. Nakita ko si Andy na mabilis na tumatakbo papunta sa kinakaroonan namin ni Francis.

"Zerli!"
"Bakit?"

Nagkarambol na ang mga problema ko sa utak ko. Isabay mo pa yung mga home works namin. Badtrip talaga ang araw na 'to. Worst day.

"Bakit hindi ka pumunta?!"
"Ha? Saan?"
"Hindi ba sayo nabanggit ni kuya?! sabi niya na sinabi niya daw yun sayo eh!"
"yung alin?"
"Kanina lang yung 1st match ng championship nila... Natalo nga eh!"

Impusible.

"Kapag natalo pa tayo sa 2nd match, lagot na. Malaki na ang chance ng Urban Dancers na maging champion!!"
"Impusible yun..."

Napansin ko naman na nanahimik nun si Francis. Wala siguro siyang idea sa pinagsasabi namin.

"Naisip ko rin yan nung una pero may napansin kasi ako..."

Kinakabahan na ako sa mga oras na 'to.















"...halatang wala sa wisyo kanina si AJ..."

No comments:

Post a Comment