Saturday, November 6, 2010

Chapter 18: Bounce Back Crew vs. HipHop All Stars

nagsigawan lahat ng mga tao. grabe! ang ingay :)) nagkatinginan naman kami ni Andy nun tapos nag-hawak kamay kami. pareho kaming excited na panuorin yung dance battle ng beloved crew namin. naalala ko tuloy nung first time ko na makanuod ng bboy battle. astig talaga yun :))

kapag nanalo sila dito, hindi na sila mahihirapan sa championship. dapat talaga maging sure win ang lahat :)) HAHAHA.

meron namang parte ng mga tao ang sumisigaw ng HipHop All Stars pero syempre mas marame pa din ang mga tao na nasigaw ng pangalan ng Bounce Back Crew :)) taob na taob sa dami ng fans ng Bounce Back Crew ang HipHop All Stars :)) Grabe ba naman kase yung mga fans nila, kung makasigaw parang isang milyong tao na :)) parang batalyon na humiyaw yung mga fans ng Bounce Back Crew. Ang wild :))

Nagbago naman na yung tugtog. mahirap gawan ng free-style move yung kantang unang pinatugtog. yung My Love ni Justin Timberlake.

Click to listen to my love :)

Parang medyo nagrehearse rehearse pa yung dalawang grupo. siguro nag-iisip pa sila ng pasabog. so yun nga, mukhang lumamang naman yung BBC kasi biglang nagsayaw na yung dalawang babae na sobrang sabay na sabay yung galaw. pati yung suot nila, eh match na match sa isa't-isa. ang astig nung pagkakasayaw nila. alam niyo yung parang sa bawat pitik ng galaw nila eh alam mong natatamaan nila correctly yung beat nung kanta :)) kahit na medyo simple lang yung ginawa nila at wala masyadong exhibition and something, humiyaw pa rin yung mga tao para sa kanila.

may batang lalake naman na galing dun sa HAS yung biglang nagsayaw. nagback dive lang naman siya dun at nagta-tumbling. wala masyadong dance moves. pero nakakamangha pa rin kasi bata lang, kaya niya na gawiin yun. although nung nag-head stand siya with matching lakad (HAHAHA. sorry hindi ko alam yun), medyo sumablay siya ng onti kaya bumaba yung shock value niya :))

sunod naman na nagsayaw eh si Daniel at yung dalawa pang lalake. lumapit pa sila dun sa kampo nung kalaban nila. AMP, syempre hindi nga naman talaga mawawala ang yabangan :)) mukhang nagalit pa tuloy yung kalaban nila HAHAHA. kumuha naman sila ng tatlong upuan dun para gamiting props. ang astig nga eh. parang sila yung `Justice Crew` na nanalo sa Australia's Got Talent. Parang ginaya pero swak pa din para ma-amaze lahat ng tao na nakapaligid sa kanya.

Click to watch Justice Crew :)

nahirapan tuloy ulit yung HAS sa susunod na move nila. tiningnan ko naman si Andy na sobra yung ngite. at feeling ko ngumingite siya para kay Daniel. grabe talaga 'tong babaeng ''to hanggang ngayon eh inlababo pa rin kay Daniel.

so ayun, medyo matagal nag-isip yung HAS kaya kinakantyawan na sila ng mga tao. meron pang mga pasaway na nanunuod na gusto ng tumapak sa stage :)) nakakatuwa nga eh.

after 10 years (JOKE!) HAHAHA, merong tatlong lalake na nagsayaw galing sa HAS. patapos na yung kantang `My Love` nun. siguro, sinadya nilang patagalin kasi alam nilang mahihirapan sila kapag tinuloy pa nila. medyo nag-exhibition lang at naglabas lang ng angas expression yung tatlong lalake. ayun, pinatagal lang nila na ewan.

syempre, nagpalit na din yung track. hindi nila alam mas mahirap na kanta pala :)) ASTIG. yung `Pretty Young thing` ni Michael Jackson. WHOA. hindi 'to tulad ng 1st bboy battle na yung mga kanta talaga na pinatugtog eh pangsayaw. yung mga kanta ngayon, eh yung mga tipong hindi mo aakalain na patutugtugin. kailangan talaga ng malawak na imagination. walang maisip na sayaw yung kabila kaya naman mabilis silang mapaatras nung si AJ na with other 4 guys eh tumapak sa stage.

napasigaw ako dun kasi lalong gwumagwapo si AJ kapag nagsasayaw. napatili pa yung ibang babae. meron pa ngang mapang-ngahas na biglang sumigaw ng `i love you Aron Jie`. natawa na nga lang ako dun eh :)) HAHAHA

instead na tumigil sila AJ sa pagsasayaw biglang may hinagis si Daniel sa kanilang puting maskara. yung bang pinauso ng Jabbawockeez :)) sinuot naman nila yun. sa saktong segundo ng pagharap nila dun sa kalaban nila, biglang naghagis yung isang babae mula sa BBC ng fake smoke. napatayo ako nun kasi ang ganda nung effects :)) na-atrract sila nung mga ilaw. parang sila na nga lang yung nagpeperform nun eh.

Click to watch Jabbawockeez dancing Pretty Young Thing :)

napilitan yung DJ na palitan yung kanta. ASTIG :)) walang definite na kanta yung pinatugtog. parang series lang siya ng beats na minix-up o rinemix. astig nga eh, alam mo yung tipong wala silang practice pero nakakasunod sila dun sa beat.

ang maganda pa dun eh, hindi mo makikita yung expression ng mukha nila pero ang intense nung emotion ng sayaw.

naging center of attention nun si AJ tapos naastigan sa kanya lahat ng tao. nakita ko yung ibang crew na nanunuod. naamaze sila dun sa pinakitang sayaw nila AJ. then, malakas ata ang trip nung DJ, binalik ulit yung `Pretty Young Thing` na kanta pero mukhang hindi niya naloko yung crew nila AJ nun.

sa end nung sayaw nila eh, binato nila yung maskara sa kalaban nila tapos hinintay nila kung may pasabog pa ba yung HAS. medyo matagal yung pag-uusap nung HAS kaya for sure, pinapatagal lang naman talaga nila ang lahat para i-play na yung next track.

hindi na pinatagal ng Bounce Back Crew ang lahat. nagsuot sila ng Roller Blades nun. tapos sabay sabay silang mabilis na lumapit sa HAS kaya napa-atras nila ito. napababa nila sa stage yung HAS which means panalo na sila...

napasigaw kami ni Andy nun sa sobrang tuwa. inannounce na din nung jejemon referree ang nanalo na still undefeated, yung Bounce Back Crew :))

pinakita dun sa something big screen na ewan yung ranks nung mga crews.

nangunguna nga yung crew namin. pumapangalawa  pa rin yung Urban Dancers. dapat talaga hindi sila makahabol. syempre yung HipHop All Stars eh bumaba na yung rank. nung una, 3rd sila tapos naging 5th na lang dahil sa pagkatalo nila sa Bounce Back Crew. bigla namang tumakbo si Andy dun sa stage tapos nagcongratulate siya sa mga members nung crew.

habang naman ako e walang kamuang muang sa susunod na gagawin ko biglang may humawak sa kanang kamay ko tapos bigla akong hinila. hindi ko kilala kung sino. nakablack syang jacket pero sure ako na hindi si AJ yun kasi nasa stage pa siya nun. it's someone not familiar to me. nakipagsiksikan kami sa ibang tao hanggang mareach out na namin yung area na wala na masyadong tao. si Nate.

"anong kailangan mo?!"

sinigawan ko siya nun kasi HELLO?! close ba kami?!

"gusto lang kitang makausap okay?!"

tumalikod naman ako sa kanya nun para makisali ulit sa crowd. pero bigla niya ulit akong hinila.

"bitawan mo nga ako.. ang kulit mo ah..."
"eh gusto lang naman kitang kausapin! anong makulit dun?!"
"eh ayokong makipagusap sayo!! anong magagawa mo?!"

humigpit yung pagkakapit niya sa kamay ko.

"gusto ko lang naman na makilala mo ako eh!"
"kilala kita okay?! ikaw si Nate, yung sa Urban Dancers, yung bumugbog sa BOYFRIEND ko"

inemphasized ko sa mukha niya yung word na BOYFRIEND. nakakainis talaga eh.

"ah... so pinagmamalaki mo yung BOYFRIEND mo?! ganun?"

natahimik ako sa kanya nun.

"tingnan mo lang... lalampasuhin ko sa mukha mo yung Aron Jie na yan... makikita mo Zerli..."

ANG YABANG. AMP

"mananalo kami sa bboy battle na 'to..."
"so parang namang mangyayare yun..."
"ganun ka pala talaga kabilib sa kanya no..."
"'oo..."

pinagtaasan ko siya ng kilay nun. ANG YABANG MO DUUUDDEEE :))

"he never lose..."

napangite naman siya na parang joketime lahat ng sinabi niya.

"wow... now I'm scared..."

ang sarcastic nung tono niya. TSK (That's So Kainis) pauso AMP :))) HAHAHA

"dapat lang!"
"gusto ko makipagkontrata sayo..."

hinigpitan pa niya yung hawak sa kamay ko nun.

"kapag natalo ko yang BOYFRIEND mo, akin ka na..."

parang gusto kong isuka yung buong kaluluwa ko sa mukha niya. LIKE DUH?! GWAPO SIYA PERO HELLOOO?! MAS CUTE SI AJ. AND DUH (ulet), SI FRANCIS PO  GUSTO KO (kahit na may 15% na para kay AJ).

"kadiri ka..."

ngumite lang naman siya sa akin. AMP. ang gwapo pero hindi dapat magpauto. ARGH. tinanggal naman niya yung pagkakahawak niya sa kamay ko. tinulak ko naman siya bigla kasi sobrang naiinis ako sa kanya then I went back to the crowd. hinanap agad ng mga mata ko si AJ pero hindi ko nun siya makita. AMP. kung kelan ko kailangan ng presensiya niya, bigla siyang nawala. ARGH.

may mga nakabunggo naman sa aking mga jejemon dudes na may piercing pa and everything sa katawan. EWWWWWW. nakakabadtrip yung mga ganun HAHAHA. ang dudumi sa katawan. mukhang polusyon kay mother Earth :))

ayun naman, habang nawawala na ata ako sa mundong ibabaw biglang may humawak sa kamay ko at nanghila sakin. uso na pala hilahan ngayon?! AMP

buti naman hindi na si Nate yung nasa harapan ko. si Aron Jie na :">

KINIKILIG AKO :)) HAHAHAHA

"kanina pa kita hinahanap ah... san ka nagpunta?"

may mga tao pang nakabunggo samin nun. may on-going na bboy battle pa kasi nun eh. yun ata yung ibang laban nung ibang crew. hindi na kami napapansin nung tao dahil busy sila sa panunuod ng battle.

"uh--... basta AJ... please lang... kailangan mong maging champion dito... okay?!"
"huh? bakit bigla mo atang nasabi yan?!"
"kung ayaw mong mahiwalay ako sayo at mapunta ako sa panget although HOT na Nate na yun, manalo ka?!"
"huh? ano bang sinabi nun sayo ha?!"
"ang hirap iexplain okay?! gusto ko lang ipamukha mo sa kanya na mas magaling ka sa kanya... ipamukha mo sa kanya na hindi ka natatalo!"

napangiti naman siya nun sakin. AMP. seryoso ako no? baka mamaya pag natalo sila sa championship eh, biglang kidnapin ako ng Urban Dancers. ARGH! inakbayan niya naman ako bigla nun tapos naglakad kami papunta dun sa stage malapit sa mga nagbabattle na dalawang ibang crew.

"sige... at least ngayon may dahilan na ako para manalo..."

tiningnan ko siya nun sa mga mata niya. nung una, nakatingin siya dun sa mga nagsasayaw sa stage then binalin niya rin yung tingin niya sakin tapos bumulong siya bigla...






















"...ikaw..." 


Author's Note:

Ang Chapter na ito ay inspired sa video na 'to :)

Cliiiick :)

1 comment:

  1. aw :( banned ata ung mga vidos sa chapter na ito..di ko maview..

    ReplyDelete