Sunday, November 28, 2010

Chapter 41: Reflections of a teenager :)

Impusible.

Yun ang tanging naisip ko nun. Impusible. Una, dahil impusible talaga na matalo ang Bounce Back Crew. Pangalawa, impusible na pagdating sa pagsasayaw eh mawawala pa sa focus si AJ. Parang yun na nga yung buhay niya eh. Kung pwede nga lang siguro na forever siyang magsayaw, gagawin niya.

Grabe, feeling ko pinagbuhusan na ako ng lahat ng problema ng lahat ng tao. Nakakabadtrip. Dahil nabanas na rin ako sa sitwasyon ko, nagbabye na lang ako agad kay Francis. Sinabi ko na lang sa kanya na sa susunod na araw na lang namin yan pagusapan. Dahil kailangan ko pa pagisipan ang lahat ng mga bagay-bagay ng mabuti. Nag-offer naman siya na ihahatid niya ako sa bahay namin pero hindi na ako pumayag. Hindi ko na rin sinuggest kay Andy na sabayan niya akong umuwi.

Ayoko muna ng kasabay ngayon. Kailangan kong gamitin ang oras na 'to para magisip.

Pagkadating ko naman sa bahay, napahiga na lang ako kaagad. Tinakpan ko yung mukha ko gamit yung unan ko tapos iniyak ko na lang ang lahat. Pagbigyan niyo na ako. Isang buhos lang naman 'to tapos makakaisip na rin ako ng paraan.

Gusto kong sumigaw pero narealize ko na mahirap pala kasi naiyak nga rin pala ako. Parang akong sanggol kung umiyak. Trina-try ko na hinaan lang kasi ayoko na marinig ako ni mama.

Nahihirapan akong huminga nun. Feeling ko naman eh walang katapusan yung pag-agos ng luha ko. Tinanggal ko yung unan ko tapos napa-upo ako sa kama ko. Tapos tumingin ako sa reflection ko sa salamin.

Ang gulo ng buhok ko nun. Tapos ang haggard ng itsura ko. May eyebags ako. Ang dugyot lang eh. Badtrip. Mukha lang naman akong ordinaryong tao ah. Hindi naman lumelevel-up ang beauty ko. Hindi naman ako kasing ganda ni Megan Fox o ng kung sino mang sikat na artista o model. Hindi naman ako ganun kasikat sa school. Sumikat lang naman ako dahil kay AJ.

Dahil kay AJ.

Simple lang naman ako pero naging complicated nung pumasok si AJ sa buhay ko. Complicated pero masaya. Mahirap pero sigurado akong kukumpletuhin niya ang buhay ko. 


Binuksan ko yung drawer ng side table. Dun ko kasi nilagay yung yellow na panyo na binigay sakin si Francis. Hindi bale, gagawa ako ng paraan para ibalik ka sa amo mo.

Ayoko na talagang makipaglokohan. Ayoko na ng puro kasinungalingan. Gusto ko ng malaman talaga ang totoo. Kung wala namang gusto sakin si AJ, tatanggapin ko. Ano namang magagawa ko kung yun ang totoo diba?

Kung kami man ni Francis ang para sa huli, tatanggapin ko na din. Minsan ko rin naman siyang minahal. Siguro, kaya ko rin naman siyang mahalin ulit.

Huminga naman ako ng malalim nun. As in Define. Bonggang bonggang malalim. Wew. Sana nakatulong 'to para maging matibay yung sarili ko.

Aja! Kaya ko 'to. Yan na lang ang mga phrases na naiisip ko para lang pagaanin yung pakiramdam ko.

Para naman madistract yung thoughts ko, ginawa ko muna yung assignments ko. Marame din yun kaya medyo nalihis yung pag-iisip ko. Super triny ko kasi talaga na mag-focus. Buti naman at effective. Hindi ko naman pwedeng hayaan na ang lovelife ko eh umepekto pa sa edukasyon ko.

Yan kasi ang hirap sa mga teenagers na nagmamahal. Minsan akala nila na mas importante ang lovelife, minsan nakakalimutan nila na meron pang mas importante dun. Minsan hindi mo rin naman kasi alam kung yung taong makakatuluyan mo sa huli eh yun yung tao na mahal mo ngayon. Minsan temporary lang sila. Siguro tuturuan ka lang nila ng leksyon o bibigyan ka lang nila ng experience para magamit mo sa  future.

Inisip ko na lang na ang lovelife, walang kasiguraduhan yan. Hindi mo alam kung permanent o temporary. Hindi mo alam kung happy ending ba o walang ending. Wala rin naman minsan na pinatutunguhan yung mga bagay na ganito.

Nako. Kung meron mang magpasulat sakin sa slumbook, alam ko na ang isasagot ko sa What is Love na tanong.

Love is knowing the possible consequences yet still taking the risk to feel that strong emotion.


Kadugo naman yung nasabi ko. HAHAHA. Kaotis. Natapos ko naman na yung assignment ko nun pero hindi pa rin ako inaantok. Ayun, bothered na naman ako sa AJ slash Francis problem ko. Grabe. Mas mahirap pa 'to sa homework ko sa Advanced Physics. Wew.

Dahil hindi ako makatulog, binuksan ko ulit yung radyo. 9:30 pm pala nun. Isang Papa Jack Session na naman. HAHAHA. Grabe, bentang benta na si Papa Jack dito ah. Sana bigyan niya ako ng bayad sa Ad na 'to. JOKE. HAHAHAHA.

So yun, commercial pa lang ata ng mga kanta nun. Hindi ko alam yung title nung kanta. Bahala na. Pwede na ring pampatulog 'to. Ang tagal nga eh. Naeexcite na ako sa kung sino mang tatawag kay Papa Jack ngayon para hingan siya ng advice. Sayang, wala na akong load. Gusto ko man din siyang tawagan.

Siguro, kapag sinabi ko sa kanya yung problema ko nun, over sasakit ang ulo niya. Siguro, babarahin na niya ako ng bonggang bongga.

So yun, narinig ko naman na yung TLC, true love conversations na parang intro. YEHEEEYYY. Start na din. May tumawag. Babae yung nagsasalita.

Marlyn yung pangalan nung girl. Taga-Makati daw. So yun, una ko pa lang narinig yung boses ng babaeng yun, nafeel ko na isang Heartbreaking story yung sasabihin niya.

And Tama nga ako.

So yun, medyo may pagkakapareha yung sitwasyon namin ni Ate.

Meron siyang Ex at isang bestfriend na lalake. Mahal na mahal niya nung una yung ex niya kaso hindi niya rin naiwasan na madevelop dun sa bestfriend niyang lalake. Kaso nga lang hindi naman siya yung gusto nung bestfriend niya. Ang masakit pa nga dun, lagi sa kanya nagkwekwento yung bestfriend niya tungkol dun sa liniligawan niya.

Tapos ngayon, sinagot na pala nung girl yung bestfriend niya kaya naman sobrang lungkot ni Ate. Sinabi nung guy bestfriend na tutulungan niya na magkabalikan ulit si Marlyn at yung ex niya. Kaso dahil dun, napaamin na si Marlyn sa bestfriend niya. Eh mukhang gago (sorry for the word) naman yung bestfriend niya, hindi na siya pinansin ng isang buong linggo ng malaman niya yung feelings ng best friend niya. Nadepressed naman ng bonggang bongga nun si Marlyn. Kaya wala na rin sa kanilang nangyare nung ex niya.

For short, ang Epic Fail nung love story niya. Parang sakin lang.

Sa buong 30 minutes na paguusap nila ni Papa Jack, ang tanging ginawa lang ni Papa Jack eh icomfort at patawanin si Marlyn pero mukhang hindi effective. Grabe no?

Patapos na yung session ni Marlyn at ni Papa Jack. Nagbibigay na kasi siya ng message dun sa guy bestfriend niya named Johan. Akala ko tapos na ng biglang sumingit si Papa Jack sa pagbibigay ng nakakaluhang message ni Ate Marlyn.

"Uh... teka lang Marlyn ha? may bigla kasing pumunta sa studio natin..."


May narinig naman ako na parang ang daming nagsasalita dun. tapos puro sobs lang ni Marlyn yung naririnig ko. Ano na nga kayang nangyayare dun sa studio? First time kong maka-encounter ng ganitong session ah.

"ehem... Marlyn..."

Iba yung boses nung lalake. Sigurado akong hindi si Papa Jack yun. Tumigil sa pag-iyak yung Marlyn. Grabe. Feeling ko nakakakilig yung susunod na maririnig ko.

"Johan?"

Napatayo ako nun. AS IN MAJOR MAJOR BONGGANG BONGGA 'TO. Yung Johan at Marlyn. Nag-uusap sila On-Air. AS IN WHOAAAAAA. akalain mong isang gago at walang kwenta na bestfriend tulad ni Johan eh gagawin 'to para kay Marlyn?! Promise. Nakakalaglag panga siya.

Nagkaroon ng ibang background music. Ang sweet. Wow. Pwede ng pang storya 'to. Naiiyak na din ako nun. Nata-touch ako na ewan. For a second, nakakakalimot ng problema ang makakita or makarinig ng pangyayare na ganito.

"Sorry kung hindi kita pinapansin sa school... kailangan ko lang kasi makapagisip... pero ngayon sigurado na ako...



Mahal kita...


siguro hindi naman ako magaaksaya ng panahon para pumunta pa dito kung hindi naman kita mahal diba?"

Puro sobs ulit yung naririnig ko mula dun sa babae. And hindi rin nagtagal, nagsabihan sila ng kung ano-ano mang sweet na bagay. grabe yung Johan, gago na nga, wala na ngang kwenta, epal na nga sa session ni Papa Jack pero ayos pa din. Ang sweet naman. Parang si AJ lang.

Naging super paborito ko yung session na yun. Pinatugtog pagkatapos nun yung `Para sa Akin` ni Sitti. 

Naalala ko ulit si AJ. Gumaan na talaga ng bonggang bongga yung pakiramdam ko.

What if nga naman kasi kung hindi si AJ ang soulmate ko?
What if kung hindi kami meant to be?
What if kung mali yung signs?

















What if kung lahat ng nangyayare ngayon eh magiging isang memory lang in the future?

No comments:

Post a Comment