Saturday, October 9, 2010

Chapter 3: Day 0 status: Kami Na (DAW) ♥

Bakit parang napakabilis ng mga pangyayari? Ang hirap paniwalaan. ABA! First Kiss ko yun! Chapter 2 pa lang. may ganon na?! o.O At take note: sa LiPS! sa harap ng EX ko. sa harap ng bestfriend ko na kakambal ni AJ. Kaharap ni Jeanna na forever ng kontrabida sa buhay ko. Kaharap ng napakachismoso at chismosang classmates ko ng Section B at ang mga estudyante ng Section C na para kaalaman ng iba ay sikat, maraming connections at malawak ang impluwensya sa school. At kanino ako nainvolve? kay Aron Jie Benitez lang naman a.k.a AJ ako nainvolve (hindi naINLOVE ha!). Isa sa mga tinitingala at kilala dito sa school. Ewan ko lang baka isang oras pa lang pagtapos ng subject na 'to ay alam na ng buong school ang nangyare samin ni AJ :| Ang saklap. Una yung bidding activity tapos prom tapos ngayon eto naman. A Kiss. AMP

Hindi ako nakapagsalita nung mga sandali na yun. Hindi ko alam kung matutuwa ako na nagselos si Francis pero shet! Iisipin ko pa ba kung nagselos si Francis, eh nainvolve na nga ako sa pinakamalaking issue na dadating sa buhay ko.

Lahat ata ng tao dun nanlaki yung mata pero after mga 3 minuto ng katahimikan. WOOOOO. parang sumabog ang buong Chem Laboratory sa sigawan at kantyawan ng pinagsanib na pwerse ng boses ng pinagbuklod na mga estudyante na kabilang Section B at Section C. AAAARRRRGHH!

Napatulala ako nun pero napansin ko din si Andy na nakikisama na din pala sa asaran :| Napatingin din ako kay Francis na mukhang super affected. Linalandi siya ni Jeanna pero ngayon mukhang hindi nagpapalandi 'tong si Francis ah. BWAHAHAHAHAHA >:)) Shet. Ang SAYA KO :)))

Ngayon. Ano bang pipiliin ko? Ang Reputasyon ko sa buong school o ang kasiyahan ko na (baka) may feelings pa saken si Francis? Hmmm...

Tiningnan ko ulit si AJ. Napaisip ako. Ano bang gagawin ko? Makikisakay ba ako? O sasampalin ko siya tulad ng mga nakikita ko sa movies? Hmmm..

Isip. Isip. Isip.

Nginitian ako si AJ and finally I decided :)))

Ngumite din ako. Napatahimik lahat ng klase tapos lahat sila nakatingin saken. Huminga ako ng malalim.

"Oo na :">"  sabi ko ng may `malandi` at `pacute na boses`. AMP HAHAHAHAHAHHA :)))

Napangiti lahat ng tao. Nagulat nga si AJ nun eh. Hindi alam yung ibig sabihin nung `Oo na` na sinasabi ko. Hindi niya lang alam na dahil dun sa ginawa niya, eh may naisip akong napakaganda na plano :)) Hahahaha. I know right :->

"Oh bakit hindi ka masaya dyan? Ayaw mo ba? :">" nagegets niyo na ba ang plano ko? :)) "Oh baka gusto mong bawiin ko yung sagot ko? :)"


speeshless saken si AJ. Okaaaaay. Tagal niya makagets ah :))) Hahahahahaha

"Oh? Nililigawan ka pala ni Kuya?! O.o" ang galing talaga ng bestfriend kong si Andy. Alam na Hahahahaha :))
Ngumite lang ako. Bakit ba? Silence means YES diba? pero syempre kunwarian lang yun :)) Lahat ng mata nila nagkaganito -> O.O
Feeling ko hindi maniniwala pero nangyare yung KiSS kanina kaya malabo na hindi na sila maniwala saken :))

Tumingin ako kay AJ. Gulat na gulat pa rin yung expression niya. Sinabihan siya ng mga kabarkada niya na sina Alvin, Seth, Carlo at Galo na madaya daw siya dahil hindi na pala niya nasasabihan yung barkada niya tungkol sa mga nililigawan niya Hahahaha :)) Eh kasi hindi naman talaga totoo diba?

Nag lip-sync saken si AJ. "Anung ibig sabihan neto?!" Syempre hindi yun nakita ng ibang tao. Ako lang nakakita. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. Kabayaran niya to dun sa karumal-dumal na bagay na ginawa niya saken kanina. 

"Kayo na?" 

WOOOOOO. Kay Francis na boses yun ah! Partehhhh! Hahahahaha :))) Ang Astig talaga. Shet :)) Tiningnan ko siya tapos nginitian ko. HAAAAAY ang Heaven ng ganitong karamdaman. Akalain mo yun.

"Ah. Oo. Kami na :)" DAW :))
"Talaga? Good for you" Tapos bigla siyang padabog na umalis. Pag bukas pa nga niya ng pinto eh saktong dating ng teacher namin. Nagulat pa yung teacher namin gawa ng pagwalkout (?!) o pagalis ni Francis. Okay. What the hell was that diba?! Kailangan magwalkout? AMP.

Nagseselos ata Hihihihihi :"> Shet. Kinikilig ako ng ganito :))) Wag ganon.

Nagsiupuan na kami nun. Hinayaan na rin nung teacher namin si Francis. Wala naman yung pake sa mga labas pasok tuwing klase niya :)) Habang may tinuturo na something tungkol sa Chemistry yung teacher namin, pasimpleng binubulungan ako ni AJ.

"Ang tikal mo ah. Liniligawan ba kita?"
"Hindi"
"Oh bakit sinabi mo yun? Ano bang pumasok sa kokote mo at ginawa mo yun ha?!"

napatingin samin si Ma'am. sumenyas na tumahimik daw kami. Halata namang kinikilig pa yung iba sa likod namin. Kung alam lang nila ang pinaguusapan namin Hahahahaha :)))

"Tumahimik ka na nga lang dyan"
"Ang sinasabi ko lang naman ay ginagawan mo ako ng issue!"
"Ano ba?! Dun din ang bagsak nun?! Issue pa din bagsak nun kasi diba chineber mo ako kanina?! Ano kayang mas nakakabadtrip!?"

Napasshh na lang samin yung teacher namin. Nahuli na naman kami Hahahahaha :)))

"Oo na. Alam ko na mali yung kanina pero sabihin mo ba naman sa lahat na tayo na! Asa, hindi ikaw ang type ko teh." shet kung makateh eh! Hahahaha :))
"Sus parang may gusto ako sayo ah! Pero okay na rin yun. Diba gusto mo rin namang pagselosin si Francis? :>"
"Pero pwede namang hindi maging tayo ah. Pwede ba bukas ibroadcast mo na break na tayo?"
"Ang bilis naman! Basta hanggang mapaamin ko si Francis na may gusto pa siya sakin! Pag tapos nun, go! Break na!"
"Ang kapal nga naman talaga ng mukha mo oh! Wala na yung gusto sayo. May Jeanna eh"
"Ay tama bang maging negative?! Baket sa tingin mo ba kung wala na siyang feelings saken eh magwawalkout siya ng malaman niya na tayo na? Oh ano?!"

napansin na nga ni Ma'am yung kaingayan namin kaya biglang bumanat ng "Oh class tingnan niyo tong si AJ at Zerli na kanina pag naguusap. Baka magkadevelopan lang yan ah. Chemistry pa naman subject natin!"

Shet. Ang korni Hahahaha. Gets niyo ba? Andyan lang yung word na Chemistry para magets niyo. AMP. Pati teacher nangaasar eh :)) Napangiti na lang kaming dalawa. tapos nagbulungan ulet ng magpatuloy sa pagtututro si Ma'am.

"basta ganito na lang. galingan mo lang ang pagpapanggap mo tapos pag umamin na si Francis! Tapos! Odiba?"
"Ang hirap naman. Hindi mo pa nga binabayaran sakin yung 700 pesos mong utang eh tapos maguutos ka saken ng ganyan?!"
"Sheesh! OKAY! babayaran ko yung 700 pesos sayo pero dapat magpanggap ka lang! Okay ba?" 
"Pagiisipan ko pa. okay?"

sakto naman nun ay dinismiss na kami ni ma'am. last subject na namin siya kaya nagayus na kami ng gamit. bago lumabas si AJ ng room namin eh hinarang ko siya. alam kong nakatingin pa samin yung mga classmates ko. sus, sila pa! :))

"Oh napagisipan mo na ba?"

siguro nagtaka yung mga classmates ko kung ano yun. kaya sa halip na mabuko na lang kami. gumawa-gawa na lang ako ng ibang topic.

"I mean. papayag ka na ba para sa `date` naten sa saturday?"

napakunot siya ng noo nun. nginitian ko lang naman siya.

"Okay sige. kita na lang tayo ha! dun sa dati pa rin!" pati ako eh hindi ko alam yung tungkol dun sa `dati pa rin` na sinabi ko. Hahahaha :)) "Sige bye! Love you :)"

Oha. Naspeechless saken si AJ :)))) Umalis na rin ako. Bahala siya Hahahahaha :))

Naglakad lang ako pauwi. walking distance lang naman eh. Pero bago umuwi dumaan muna ako dun sa playground. Pang relax lang. ang dame din kasing nangyare eh :)) Nakakawindang. Grabe.

Umupo muna ako dun sa swing. Ako lang magisa dun kaya pwedeng makapagsenti mode. HAHAHAAHAH :))

After mga 15 minutes ng pananahimik ko, may biglang umupo dun sa swing na katabi ko. Ineexpect ko nun na si AJ yun pero si Francis pala

Seryoso yung mukha niya.Nakatingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sakin

"Uh.. Hi"
"Uh.. Hello din :"("
"Hmm.. Hindi mo ata kasama si.. si.. ano"
"si AJ."
"Ah oo nga. siya nga"
"may practice kasi siya ng sayaw eh tsaka baka hindi rin kami magkasabay sa paguwi kasi busy din siya sa basketball"
"Ah ganon ba. Bakit naman nung tayo pa naabsent ako sa basketball practice namin maihatid ka lang sa bahay niyo? siya man lang hindi"

nagulat ako sa sinabi niya. ewan ko ba. bakit niya kailangan sabihin yun diba?

"Ah. naiintindihan ko naman siya. Okay lang saken yun"
"Sasaktan ka lang nun. Bakit siya pa? -;-"
"Baket sa tingin mo ba hindi mo rin ako sinaktan non?" nakangite ako nung sinabi ko yun sa kanya.
"Okay. alam ko naman pero of all people. bakit siya pa? alam mo namang maloko yun diba?"
"Alam ko"
"Oh bakit siya pa nga kung alam mo na?!"
"bakit ba noon naman alam mo na malandi yang si Jeanna, eh baket siya pa rin ang pinili mo?"

napatigil siya nun. wala na ring kwenta tong pinaguusapan namin. baka mapaamin lang ako sa kanya ng wala sa oras. linayasan ko lang siya na parang hangin. nakakainis lang siya. hindi mo maintindihan kung meron pa ba siyan tinatago na nararamdaman o wala. umuwi na rin ako nun sa bahay. hindi ako nakakain masyado ng dinner. bagsak nga ako agad sa kama eh. pero bago matulog, chineck ko muna yung cellphone ko. may nagtext na unknown number o.O

From: +63923*******
huy si AJ 2.got ur dgits frm Andy.ppyg nko bsta ung 700 byran m!

ay nako.si AJ lang pala AMP :)) rineplyan ko naman agad. unli eh :))

To: AJ panget :P
k.glingan m.mwaa :* joketym :p

hahahaha :)) shet. ganon? landian :))

From: AJ panget :p
haha.mainlab k skn ge!kamiss k pla.i love you :* muah!

HAHAHAHAHAHAH. kakilabot shet :)) 

To: AJ panget :p
hahahaha. asa. i love you too ? xD

HAHAHAHAHAHA. natatawa lang ako eh. mga hanggang 11pm din kami naglandian este nagtext. AMP :))) lokohan lang naman diba? alam niya na yun. nung sinabi ko na matutulog nako. inaamin ko na kinilig ako sa sinabi niya. paano ba naman eto yung text diba?

From: AJ panget :p
ok pnget.2log n tau :p
pnaginipan m ko ha. i love you huy :*
wg kikiligin xD

HAHAHAHAHAHAHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA. ano baaaaa~?! wag ganon ♥ Joke! 

Akala ko dun na magtatapos ang lahat. Pagkagising ko ba naman ng umaga eh may isang text galing kay panget na nakakaewan :))

From: AJ panget :p
goodmorning pnget!ingat s pgpsok
miss n kta.aw.haha.i love you kunware (:

tanggalin mo lang yung word na kunware eh, masaya na ako HAHAHAHAHAHA :))

Ganito pala siya maging boyfriend no? Kaya pala lahat ng babaeng iniiwan niya eh, umiiyak sa kanya.


















Ako kaya, umiyak din?

No comments:

Post a Comment