Saturday, November 6, 2010

Chapter 14: Francis -__-

Ayun. GUESS WHAT?! Dumating nga yung teacher namin sa TLE. nagtaka siya kung bakit ang daming estudyante dun sa may tapat ng Dance Room kaya yun naki-usi naman siya. pero hindi lang naman yun ang GUESS WHAT ko.

Andun kasi si Francis (HAAAAAY), kasama siya nung teacher namin sa TLE. siguro, katulad ko eh pumunta siya sa school para magpasa ng project. halatang, nageffort pa siya na sundan kahit saan yung teacher namin. mukhang hindi tatanggapin yung project niya eh :))

Nakita ko naman siya na dumungaw samin ni AJ. nag-iba yung expression niya nun. HONESTLY, bigla na lang akong kinabahan. ewan ko din kung baket. iba kasi yung tingin ni Francis nun.

Ayun naman, syempre kaunting sermon lang naman galing kay sir. umalis na din kami. hindi ko nasabayan si AJ nun dahil meron pa silang practice ng Bounce Back Crew. kami naman eh may pupuntahan pa ng pamilya ko. gala ata :))) HAHAHA. lumabas na ako ng gate nun. bago ako sumakay ng jeep, chineck ko muna yung gamit ko. feeling ko kasi bigla akong may nakalimutan :)))

AT MERON NGAAAA!!

yung Chemistry notebook ko! Hindi ko nakuha dun sa chemistry teacher namin. kaya ayun, napilitan akong bumalik dun sa school. second floor pa man din yung faculty room ng mga science teachers.

hindi ko pa rin mapigilang ngumite habang nilalakbay (OVER) ko yung stairs :)) Ang sweet kase diba?

Pero kung akala niya ay, nadadala ako ng pa sayaw sayaw niya dyan...
at isama niya pa ang pagiging cute at gwapo niya..
at baka akala pa niya eh namomove ako sa pagiging sweet niya...
pwes...





TAMA SIYA!! :))


sobrang kinikilig pa rin kase ako eh :">

nung nakatapak naman na ako sa second floor, syempre dumiretso na ako nun sa Science faculty room at kinuha na yung Chemistry notebook. Tapos syempre, halos 5 minutes lang yun. baba na sana ako sa stairs nun ng may nakita akong dalawang lalake na magkausap.

siguro, ngayon palang sila nagsimulang magusap kasi kanina hindi ko naman sila nakita dun.

may nakita akong isang lalake na may hawak na folder na panigurado ako ay isang folder na naglalaman ng written report para sa project namin sa TLE. naka-cap ito at feeling ko eh merong bonggang burst out ng emotion sa kanyang expression. si Francis yun at halatang galit siya.

kinakausap niya ang isang lalake na naka-jacket na as usual eh sobrang cool pa rin kahit na may mala-halimaw ng nagagalit sa harapan niya. sino pa ba? syempre si AJ. nag-uusap. sila.

kalmado lang si AJ pero si Francis mukhang hinde. alam kong napatingin sakin bigla si AJ. hindi ko alam kung ano yung gagawin ko kaya bigla ko na lang binalin yung tingin ko. dali-dali akong bumaba sa may hagdan. sabi ko na nga ba eh may isang bagay na sure ako eh sobrang magdudulot sakin ng kaba.

nakaabot naman ako ng gate at nag-jeep kahit na sobrang lapit lang ng bahay namin. una, dahil tinatamad akong maglakad :)) pangalawa, baka bigla akong habulin ng isa sa kanila, maabutan pa ako.

pero kung ano man yung pinaguusapan nila, alam kong hindi yun mabuti :|

triny kong kalimutan ang lahat pero dahil naging busy na din ako sa pagbubudget ng oras ko sa summer, nakalimutan ko rin yung bagay na yun.

AT LAST! LAST DAY OF CLASSES NA. bago kami umalis ng campus, nagkakwentuhan yung buong crew ng mga gimik nila this summer.

pero honestly, sa sayawan pa din naghuli ang lahat HAHAAH :))

kinausap ko naman privately si AJ nun. matagal ding kaming hindi makakapagusap. summer na eh. mamimiss ko talaga to :))

"AJ.."
"Hm?"

inaayos niya nun yung buhok niya pero syempre, habang inaayos niya lalong gumugulo. labo no? :))

"anong plano mo this summer?"
"uh--... yun? ewan... puro sayaw... practice... tapos ikakasal na yung pinsan ko next week... badtrip nga eh...papupuntahin pa ako dun"'
"oh? talaga? pakisabi congrats sa kanya..."
"sus...for sure boring dun... kainis... ayokong pumunta dun..."
"eh di yayain mo si Daniel... sabay kayong pumunta dun... okay yun diba?"
"hmm... kung ikaw na lang kaya..."

nagulat ako nun. hindi ko akalain na yayayain niya ako sa isang napakaimportanteng wedding. gusto kong pumayag pero parang nagdadalawang isip ako :|

"huh?-- hindi ako kilala ng parents mo... mahirap naman yun..."
"eh di ipapakilala kita..."
"ganun ba kadali yun?"
"oo naman... pero may aasikasuhin pa muna ako.."

naging fierce yung mukha niya nun pero nung tumingin siya sakin, bigla siyang ngumite . ANG KYUUUUUT :">

"uh... ano naman yun??"
"may problema pa kami ng Francis mo..." 

nung sinabi niya yun parang gustong gusto niya ng idura yung pangalan ni Francis. tumayo naman siya nun habang nakapating yung black niyang jacket sa kaliwang balikat niya. nagulat ako dun kaya napatayo din ako at humarap sa kanya.

"huh? anong problema?!"

naalala ko nung sabado. nung nakita ko silang magkausap. ARGH! kinabahan na naman ako. AMP.

"wala yun... don't worry... hindi ko siya bibigyan ng pasa sa mukha... okay?"
"huh?! iexplain mo nga sakin! hindi kita palalampasin dito hangga't hindi mo sakin ineexplain! okay?!"
"mamaya ko na ieexplain... malate pa ako dun... baka masabihan niya pa ako ng duwag..."

lumampas siya sakin ng parang hangin lang ako. sobra na talaga akong kinabahan. sumakay siya agad dun sa motor. nagulat pa nga yung ibang kacrew niya. napatanong pa sa akin kung bakit umalis agad si AJ. tumakbo ako sa labas ng gate. pumunta siya dun sa way ng papunta sa subdivision namin. sobrang bilis nung pagpapatakbo niya. sasakay na sana ako ng jeep nun kaso nga lang naalala ko yung bag ko eh andun pa sa may ATC.

tumakbo tuloy ulit ako sa may ATC at dali-daling lumabas ng gate. ARGH! nagsasayang ako ng oras.

tapos kung kelan ko pa kinailangan ng jeep, dun pa nawalan ngayon?! EPIC FAIL!

after mga ilang minuto lang eh meron na ring jeep na papunta sa harapan ng subdivision namin. pumasok naman ako kaagad. ARGH!

malas ko pa, lolong driver yung nagdradrive. kung ano ang kina-ugod ugod niya, ganon din ang kina-ugod ng jeep niya! ANAK NG TIPAKLONG NAMAN OH?!!

TAPOS TRAFFIC PA... WAAAAA. nagpapanic na ako.

kung ano-ano na yung naiimagine ko na gagawin nila.

"hoy AJ! mag-usap nga tayo?! makipag break ka na kay Zerli *suntok*"
"bakit ba?! mahal ko si Zerli! wala kang magagawa *suntok*"

ANG FEELING KO NAMAN. siguro hindi naman ganon. HELLOOOOO?! :))

pero baka naman ganito... WAAAA

"p*t*ngn* mo AJ! mang-aagaw ka ng syota!!"

ANG HARSH NAMAN NI FRANCIS KUNG GANUN!! ASA :)))

WAAAA. baka nagbugbugan na sila o.O

gusto ko na sumigaw nun kasi sobrang bagal talaga. lalo lang akong kinakabahan. bumaba naman na ako dun sa harap ng arko ng subdivision namin.

tumakbo ako. sa laki ng subdivision namin, hindi ko alam kung saan ko sisimulan silang hanapin tsaka in the first place, malay mo hindi sa loob ng subdivision si AJ nagpunta. malay mo dumire-diretso pa siya! AMP talagaaaaa!! ARGHH!!!

nag-isip agad ako ng pwede nilang puntahan. pumunta ako dun sa may clubhouse ng phase namin, wala silang dalawa dun. naglakad naman ako sa phase nila AJ. tapos natanaw ko agad yung court.

ewan ko kung matutuwa ba ako or what. may nakita ako dung dalawang lalake na naglalaro ng basketball. one on one kumbaga.

nagtago ako dun sa parang poste nung pabilog na hall sa gilid nung court. nakita ko nga dun si AJ at Francis.

pawis na pawis na nun si Francis. halatang pagod na pagod na siya samantalang si AJ eh, cool as ever pa din. parang hindi nga siya pinagpapawisan sa laro niya kay Francis eh. kung makapag shoot siya eh, parang free shot na wala man lang nagbabantay sa kanya. tapos kung maka-agaw siya ng bola ke Francis eh parang wala man lang napigil sa kanyang makuha yung bola mula sa kanya. grabe, ganun siya kagaling :O TAOB NA TAOB NA SI FRANCIS.

hingal na hingal na si Francis. wala ngang time out eh. hindi na makagalaw si Francis sa sobrang pagod. nagpatuloy pa yung laro. tuluyan pa ding nakaka-score si AJ. pag nakakascore naman si Francis, halatang hanggang tsamba lang. alam naman nila na lamang na lamang na si AJ sa one-on-one game. 20 minutes din na tuloy tuloy na paglalaro yun. at hingal na hingal na si Francis. kaya napatumba at napahiga na lang siya bigla sa may sahig nung court. nag-reach out ng kamay sa kanya si AJ pero hindi niya tinanggap. TSS. bigla akong nayabangan kay Francis nun. sobra yung pride niya.

umalis agad nun si AJ at iniwan niya si Francis dun. gusto ko sanang sundan si AJ pero sa huli, ang pinuntahan ko ay si Francis... ewan ko kung baket :|

mabagal akong lumapit sa kanya... napatingin naman siya sakin kaya bigla siyang napatayo. nagulat ako nun kaya bigla akong naglalakad papalayo sa kanya pero naabutan niya pala ako at bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

"uh.. sorry... nakita lang naman kita... aalis na sana ako... wala... basta... sorry..."

napatungo ako nun. pero bigla niya akong niyakap. hinawakan niya yung ulo ko. grabe, miss na miss ko yung hawak niya. narinig ko yung pagtibok ng puso niya na unti-unting bumibilis ang pagtibok. gusto ko siyang yakapin pabalik pero nakaramdam ako ng hiya. gusto kong tumigin sa mga mata niya at sabihin ko na sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. pero may pumipigil sakin :| kung ano man yun, eh hindi ko alam.

iba na kasi ngayon...
dati kasi sigurado ako na si Francis at wala ng iba ang mahal ko...
pero ngayon...
andyan si AJ...
na pag kasama ko eh, hindi ko mapigilang ngumite...

humiwalay naman na sa akin si Francis nun at tumingin siya sa mga mata ko...

"bakit? anong ginawa niyo ni AJ??"

parang naluluha na si Francis nun. ewan ko kung bakit :| pero pinilit niyang ngumite

"akala ko makukuha ulit kita..."

nagsigh muna siya bago tumuloy...

"hindi pala... hinding-hindi kita makukuha galing sa kanya... pero okay lang... kampante na ako kasi... alam ko na...






















mahal na mahal ka niya talaga..."

No comments:

Post a Comment