Saturday, November 6, 2010

Chapter 15: Blue Moon :)

hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala. hindi ko rin alam kung ano nga ba ang dapat kong maramdaman. matutuwa ba ako? o malulungkot...

HONESTLY, half of my heart says I should be happy...
hindi ko alam kung bakit. kung iisipin ko na mahal ako ni Aron Jie, napapasaya ako. ganun din yung feeling na pag alam kong nagseselos siya, natutuwa ako.

pero the other half says na dapat maging malungkot ako...
kasi ba naman start na 'to ng even OVER super mega faraway na ako kay Francis...
lalo akong mapapalayo sa kanya...

hindi ko na alam yung dapat kong gawin nun. gusto ko na kasing bumigay kay Francis nun at sabihin ko sa kanya na siya naman talaga ang mahal ko. Hindi si.... ARGH! hindi ko masabi yung pangalan niya kasi feeling ko kasinungalingan kung sasabihin kong hindi ko siya mahal. I'm confused.

tinalikuran ako ni Francis nun with no other words. hindi man lang siya sakin nagsabi ng kung ano mang farewell dialogues o kung ano mang sweet goodbye speeches. AMP. hindi niya rin ako binigyan ng solusyon sa problema ko. hindi niya ako binigyan ng sagot sa mga tanong ko. instead, nag-iwan pa rin siya ng isa pang tanong...

ayun, nagsimula na din ang summer. wala rin namang makakapigil sa pagtakbo ng oras at paglipad ng panahon.

as usual, nagpakasal na ako sa computer namin. joke :)) ayun nililigawan na nga ako ng facebook eh HAHAHAHA :)) grabe, computer lang palage yung katapat ko sa buong sumunod na dalawang linggo ng buhay ko. kung hindi computer, cell phone hawak ko :)) katext ko lang naman si AJ. as in palageee :))

napagkwentuhan na din namin yung ginawa nila ni Francis last two weeks. nasabi naman niya na hinamon lang naman siya ni Francis na kapag kung sino man ang matalo sa basketball one on one nila eh lalayo sa akin. AMP. sa totoo lang, hindi ko kaya na lumayo sa akin si Francis kahit na sanay na ako sa kanya dahil dalawang taon na rin ang nakakalipas nun pero kasi puro Pain na lang. pero MAS hindi ko kaya na layuan ako kay AJ... kasi siguro mmmmaaaahhhaaaa.... (NEVERMIND) basta kasi siguro sobra niya akong napapasaya kaya nagagawa  kong kalimutan yung pain na pinaparamdam sa akin ni Francis.

tinanong ko rin sa kanya kung bakit nasabi sakin ni Francis na mahal na mahal daw niya ako. i mean diba, iba ang single word na mahal sa dinobleng tulad ng mahal na mahal. i mean parang equal yun sa mahal multiplied by infinity. DIBA?! ang sagot lang naman sakin ni AJ ay...

From: AJ panget :p
ewn ko. cgro akala nea lng un.
taob xa skn sa bsketbol e...

NAGYABANG NA NAMAN :)))) HAHAHAHA. ibang klase talaga si AJ pero malay mo totoo nga yung sinasabi niya. baka nga akala lang ni Francis yun kasi siguro akala niya nag-effort talaga si AJ para sa match nilang yun.

ayun, so kung ano-ano namang kwentuhan. nagkatawagan din kami. (whick makes me so kilig) HAHAHA :))

...on the phone...

"Hi..." parang nahihiya pa yung boses niya na ewan ah :))
"oh? bakit ganyan panimula mo?!" natawa naman siya nun. hindi ko mapigilang hindi ngumite eh. KILIG :))
"wala lang..." tawa naman siya... :"> AMP "diba may usapan tayo dati??"
"huh? ano yun??" baka ungkatin neto yung tungkol sa utang kong 700 sa kanya which is parang nakalimutan niya na ata AAHAHHA :))
"yung ano..." medyo nag-ehem muna siya nun.
"hm?"
"ipapakilala kita sa parents ko..."

ayun, naalala ko nga yung usapan namin dati. yung sinabi niya na kapag tapos na siya kay Francis, ipapakilala niya na ako sa parents niya :))

"uh--... ganun.. kelan?"
"pwede bang bukas?"
"uh-- eh diba tapos naman na yung wedding ng pinsan mo... dapat mo pa ba talaga akong ipakilala?"

nakakahiya kasi eh :"""""")

"minove ng pinsan ko yun next week... so ano na? pwede ka ba bukas? "

ERR..

"eh anong isusuot ko? kinakabahan ako..."
"basta... just be yourself... okay? dadaanan kita dyan ng before lunch ha? be ready..."
"uh-- sige... wag mo akong iiwanan dun! ma-OP ako dun eh... first time ko kaya 'to!!"
"okay lang yun... kasama mo naman ako..."

...end...

DUG DUG DUG DUG DUG DUG
KINAKABAHAN AKO!

Time Check
11:25 a.m April 10
Araw ng kamatayan ko JOKE! :)) CHAROT LANG YUN
ARAW NG KAHIHIYAN KO AMP
Kinakabahan talaga ako

paano kung hindi ako magustuhan ng parents niya? :| feeling ko biglang lalabas na yung puso ko eh...

ang suot ko lang ay isang shirt na color white na merong design :)) simple lang naman ako kasi. diba sabi ni AJ just be myself lang. eto ako, simpleng maganda CHAROT :)) nakajeans din ako syempre tapos nakalugay lang yung buhok ko.

then..

TOK TOK..

ANDYAN NA SIYAAAA

nataranta ako bigla. hindi ko alam yung gagawin ko. binuksan ni mama yung gate at winelcome ang isang lalake na mukhang anghel sa simple niyang kasuotan. naka-maong sya (katulad ko) at nakawhite din siyang shirt na may design (katulad ko). HAHAHAHA. Meant to be kame. kaso siya naka rubber shoes, ako nakatsinelas :))) AMP buti bagong gupit ako ng kuko. HAHAHA

"ang cute ah :)"

AHIHIHIHI :"> MAS CUTE KA. AMP landi ko :))

"sus..."

malapit lang naman yung bahay nila kaya naglakad na lang kami.

"hm... kinakabahan ka ba?"
"As if.." lalong bumilis yung tibok ng puso ko. "JOKE lang yun. waaaa. major YES! feel ko mahihimatay ako dun eh. sobrang kinakabahan ako..."

napatigil ako sa paglalakad nun

"wag na lang kaya nating ituloy... i mean sabihin mo nagkasakit ako or something... hindi ko kaya..."

hinawakan niya nun yung dalawang kamay ko. tapos nakaharap pa siya sakin nun. ang cute ng ngite niya. ang cute ng mata niya. lahat ng parte ng katawan niya cute :">

"wag ka ngang tumingin sakin ng ganyan!"

napatawa naman siya tapos hiniwalay niya na yung kamay niya sa akin.

"akala mo ba nawala na yung kaba ko dahil sa ginawa mong pagtitig sakin?!"
"bakit?! may gusto mo pa ba akong gawin para mawala yang kaba mo??"

lumapit siya sakin tapos nagiba yung expression ng mukha niya. alam mo yung paranf flirty way pero ang cute :)) siige, siya na CUTE :)))

"wala na... wala na... sige na... panalo ka na..."
"at last... surrender ka na din :))"

inakbayan niya naman ako bigla ng tumigil na kami dun sa tapat ng bahay niya. WEEEEW. judgement day na. parang ang seryoso namin no? akalain mo yun ipapakilala niya ako sa parents niya :)) pero advantage din yun atleast makikita ko si ANDY :))

pumasok na kami dun sa gate at sa bahay nila and WHOAAAA. ang susyal.

"ma...pa... andito na pala yung girlfriend ko..."

nakita ko yung nanay at tatay niya na grabe :))) ang ganda nung nanay na parang pang ms.universe :)) tapos yung tatay eh sobrang gwapo din :)) WALANJO. nanliliit akooooo. pamilya pala ng magaganda at gwapo 'to :)))

pero nagulat ako ng SHET NAMAN!. ang suot nung nanay niya eh napakaformal. pati suot ni Andy formal. pati yung babaeng bunsi nilang kapatid na 5 years old ata eh ang formal ng suot. tapos yung tatay niya at si AJ eh hindi ko napansin, medyo may pag ka formal din pala ang suot. pinamodernized lang.

ANAK NG ISANG LIBONG PWET NG TIPAKLONG...

dapat ininform na lang ako na formal. tae, yung suot ko eh binili ko lang dyan sa may walter mart. 50% off pa :)))

napabulong tuloy ako bigla kay AJ nun.

"sana kasi hindi mo na lang sinabi na just be yourself diba? sa tingnin mo ba just be yourself ko 'to?!"
"okay lang yun..."

bigla niya namang hinawakan yung kamay ko nun tapos pinaupo niya ako dun sa upuan sa dining. nag-hi sakin si Andy. pati kay Andy, eh bigla akong nahiya. AMP talaga si AJ.

"hmm.. Zerlina name mo right?"

SHET. yung nanay ni AJ yun. tinabig naman ni AJ yung paa ko bigla GRR.

"uh--opo... good afternoon po pala..."

"hmm... ang cute ng suot mo ha?"
"uh-- sorry po... hindi kasi talaga ako formal or anything... kaya ayun po... pasensya po..."
"no... no dear... no need to be sorry... sa totoo lang... masaya kami ngayon... at last may inuwi na si AJ na isang disenteng babae..."

naptingin ako kay AJ nun at hindi ko mapigilang ngumite :))

"oo nga ma... palibhasa puro mukhang pokpok dinadala niyan dito..."
"tumigil ka nga dyan... dapat talaga kanina pa kita linock sa cr eh.."
"itigil niyo nga yan..."

natawa lang naman ako. nagpatuloy pa din yung kwentuhan. so far, nagsisi ako na kinabahan pa ako kasi sobrang bait nung parents ni AJ at Andy. nalaman ko din na Arvie yung pangalan nung bunso nila. ang cute nga eh :">

tapos na kaming maglunch nun pero nagpatuloy pa din yung kwentuhan ko with his parents. andun kami sa sala nun. may mga chocolates dun na parang kisses pero home made pala nung mother niya. ang sarap nga eh :)) nakakahiya. ang dame ko ng nakaen HAHAHAHA.

matagal yung pagkwekwentuhan at panunuod namin ng tv :)) belong to the family nga ako eh. medyo feel ko madilim na din nun

bigla namang may tumawag dun sa cell phone ni Tito (naki-tito no?!) HAHA. kaya naman napatayo muna siya at nagsabi ng excuse me. tapos si Tita (feeler ako!! HAHAHA) naman inasikaso yung paggawa ng kisses. katulong niya dun si Arvie at Andy. ang cute nila :))

yan tuloy kami lang ni AJ yung natirang nakaupo dun sa may sofa. naka-indian seat nga ako dun eh. HAHAHA. feel at home no :))

bigla naman hinawakan ni AJ yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"uh.. Zerli.."
"a-ano?"

nauutal ako kasi ang sarao niyang tingnan este ang sarap nung chocolate :))

"tayo na lang mag-isa..."

napapanganga ako nun. eto yung parang sa movies na... na... WAAAAA. BATA PA AKOOOO. unti-unti naman siyang lumapit sakin. kulang na lang eh mapahiga na ako ng bonggang bongga sa sofa nila...

"uhm..."

lalo siyang lumapit. napahawak na ako dun sa gilid nung sofa. lalo ng bumibilis yung pagtibok ng puso ko. tapos bigla niyan hinawakan yung lips ko tapos bigla niyang linagay yung isa pa niyang kamay sa cheeks ko. WAAAAA.

"AJ..."

nanghihina na yung boses ko parang... parang heaven CHAR! basta parang.... EWAN...

lalo siyang nalapit tapos bigla siyang ngumite...


























"takot ka no?!"

tapos sabay tawa ng sobrang lakas. KABADTRIP :)) hinampas ko tuloy siya nung maliit na unan. AMP AHHAHAHA

"badtrip ka ha?! kinabahan ako dun?! parang kang timang?!"
"bakit?! gusto mo?!"

wala pang isang segundo eh bigla niyang hinawakan yung mukha ko tapos akala ko ikikiss niya ako pero parang meron lang siyang inalis na dumi mula sa mukha ko.

"joke lang... ang amos mong kumaen...parang bata eh..."

hinampas ko naman siya nun kaya napa-aray siya. napatayo tuloy ako dun sa sofa :)) HAHAHA tapos tumayo din siya para habulin ako. AMP.para kaming bata. narinig ko nun yung mother niya na sinabi kay Andy na ang sweet daw namin. :))

hinabol niya naman ako. pumunta pa nga ako sa second floor eh :)) hindi na ako nahiya :))

nagpunta ako dun sa parang pinakadulo ng mismong floor na yun. may malakeng bintana kasi nun. sakto second full moon nun. which means Blue Moon. hindi ko alam kung bakit tinawag na blue. wala naman akong nakikita na rays na blue. o siguro color blind lang ako :)) ang ganda ng stars. WOW. tumingin kaming dalawa ni AJ dun.

"ganda no?"

ngumite lang naman siya nun.

"may utang ka pa pala sakin..."
"huh? yung 700? ano ka ba?! isang daan pa lang naiipon ko!?"
"hindi yun..."

hinawakan niya yung kanang kamay ko tapos hinila niya ako papalapit sa kanya.

ang lapit lapit ng mukha namin sa isa't-isa. may Blue Moon. may stars. maganda ang gabi. the perfect setting for a romantic .... something? :))

malapit na nun. as in yung 1 inch na lang HAHAHAHA. then biglang may sumingit...
























"Kuya! andyan na si Ate Lia!!" ANDY. FAIL KA TALAGA.

No comments:

Post a Comment