Saturday, November 6, 2010

Chapter 16: Para sa akin :)

So ayun nga. biglang naglaho ang aking pangarap JOKE :)) Hindi ko maintindihan si AJ kung bakit pa niya kailangang gawin yun. nadedevelop na ata sakin ang loko ah HAHAHA CHAR. ang feeling ko AMP. so inisip ko na lang baka yung utang na tinutukoy niya eh yung nung nag monthsary kami gawa ng wala akong naibigay sa kanya diba?

so yun, naging curious din ako kung sino yung Ate Lia na sinasabi ni Andy kaya bumaba na kami ni AJ nun.

may nakita akong isang napakagandang (as in WHOA) babae na nakasuot ng yellow dress. may kasama siyang lalake, na (ehem) okay lang naman :))) HAHAHA

"my dear, Lia! kamusta na yung wedding preparations niyo?!"

umupo naman kami dun sa may sofa. nagsalita ng "okay naman siya tita..." si Ate Lia and OMGGGGGG pati boses niya parang nakaka in looooveeee :)) HAHAHA

nanliit na naman ako. pamilya nga 'to ng mga magaganda at gwapo. so yun nga, nalaman ko na si Ate Lia yung pinsan ni AJ at Andy na ikakasal na. so yun, niyaya naman ako nung mommy ni AJ na pumunta daw ako. eto naman akong si tanga eh, um-oo. nakakahiya kayang huminde! HELLO?!! kayo kaya. try niyo HAHAHA

ayun nakipagkwentuhan pa sakin si Ate Lia nun sa may terrace.

"Zerli diba?"
"uh--opo..."

out of words ako AMP

"hm.. girlfriend ka pala ni Aron..."
"uh--...opo..."

sige na! ako na mukhang opo :))) babarahin ko na lang sarili ko! (ay hinde hinde. sarili niya sarili niya) AMP baliw na ako (ay hinde hinde. siya siya. siya yung baliw!) WAAAAA

"masyado kang silent... at least naman katulad mo na yung dinadala dito ni Aron..."
"bakit po ba?"

umupo kami dun sa bench sa may terrace. isang ibig sabihin lang nun ay mahaba-habang kwentuhan 'to :))

"uh--kasi... dati dito ako nakatira sa kanila... so pinapakilala lahat ni Aron yung mga girlfriends niya.... take note... marami talaga siyang babae na pinagsasabay-sabay... pero don't worry wag kang matakot sa kanya ngayon... feeling ko nga nababago mo si Aron eh..."

TALAGA LANG HA?! kung alam mo lang Ate Lia...

tiningnan ko si Aron sa may labas nung gate nila. kasama niya si Arvie :)) HAHAHA ang cuteee :">

"uh--ganon po ba?"

flattered akooo :))

"hm.. kasi alam mo... yung mga babae niyang dinadala dito... i mean... ang plastic tapos palageng nagmamaganda..."

natawa naman ako nun :))

"meron yun dating girlfriend eh! Mariel ata yung name... something like that... tapos kadiri lang yung mga pictures sa facebook... magprimary pic ba naman ng two piece tapos nung pumunta yun sa bahay namin aba... mukhang nakulangan sa tela ang damit..."
"ang adik naman nun... wala sa aking nakwekwentong ganun si AJ eh!"

nagulat ako sa sinabi ko. parang kasi nung una, ang hinhin ko magsalita tapos ngayon may word na `adik` na! AMP

"at alam mo ba... iba ka eh... siguro kung ibang babae ang kausap ko ngayon, ang sasabihin niya e `ay buti na lang ako simple lang...` o di kaya `ay ganun...siguro brineakan ni Aron kasi mas maganda ako dun bla bla bla`. .. alam mo yun... ang plastic diba?!"
"oo nga po eh :))"

pangite ngite na lang ako sa kanya habang nagkwekwento siya tungkol sa mga ex girlfriends ni Aron. ayun, yung iba nakalimutan ko na yung pangalan. ang dami kasing nabanggit ni Ate Lia :))

meron daw magkapatid siyang naging jowa. nung una daw kasi, yung panganay lang yung liniligawan niya so palagi siyang nagpapatulong dun sa bunso. nung sinagot siya nung panganay, umamin yung bunso na may gusto din kay AJ :)) eto namang si AJ nagnilande, nakipagbreak dun sa panganay then nanligaw kay bunso. pero no need na ring manligaw kasi sinagot naman agad. HAHAHAHA. tapos nun akala mo magtatagal kasi lambuntsingan ng lambuntsingan, ayun dalawang linggo lang ang tinagal. basag ang puso nung bunso :))

meron naman daw siyang naging girlfriend na kapatid ng boyfriend ng ex niya :)) gets niyo yun?! HAHAHA. akala nung babae mahal na mahal siya ni Aron, ang dami din namang sinabay sa kanya :)))

meron daw linigawan si AJ pero hindi daw siya sinagot (FOR A CHANGE! HAHAHA). kaso nga lang nung nagsawa na siyang manligaw, biglang naghabol sa kanya yung babae. nagpakipot pa kasi. ayun tuloy si AJ, patuloy ng nagnilande sa iba :)) HAHAHA.

marami pang kwinento nun si Ate Lia kaya nga parang naging close na din kami. maya-maya din naman eh umalis na siya sa tabi ko at pumasok dun sa loob. kausap niya pa kasi si Tita tungkol dun sa wedding niya.

ang lamig ng simoy ng hangin. ang sarap :))

bigla namang tumabi sa akin si AJ nun :"> tiningnan ko lang naman siya. ang cute eh :)))

"anong pinagusapan niyo??"
"ay yun... eh di yung mga ex mo! hahaha :))"
"tss... anong meron?"
"wala lang... ang dami pala... swerte ako... wala akong kasabay... hahaha :))"

napangite lang naman sa akin si AJ nun.

"uh-- oo nga pala... matagal na rin naman 'tong one month diba?? kung gusto mong tapusin... okay lang..."

hindi naman sa gusto kong tapusin pero parang nakakahiya naman sa kanya :|

"ayoko... kasi kung kelan sumuko na si Francis... hihiwalayan pa ba kita?"
"ha?"
"joke lang!... basta... ayoko pa... ang saya kaya..."

tiningnan ko siya sa mga mata. parang siyang bata. feeling niya isang laro lang ang lahat ng 'to. eh paano kasi kung... kung madevelop ako sa kanya?! :| mahirap na.

"uh--kasi... ano..."
"ano?"

tumingin siya nun. ang hirap tuloy magsalita AMP katunaw eh :))

"uh--kasi... malay mo... mainlove ako sayo... hindi mo alam... na... ano... nasasaktan mo na ako... ganun... parang diba?... ano kasi... hindi ka naman... mahirap... maano eh... yung ano... alam mo naman na yun! pinapahirapan mo lang ako eh!"

tumawa naman siya sakin nun tapos bigla niya akong inakbayan.

"sasabihin mo naman yun diba? tropa tropa lang naman 'to :)) masaya ako na naging tayo kahit hindi seryoso... okay lang yun... asa din namang mangyare yun...hahaha"

TSS. gusto kong sabihin sa kanya na DUH?! HELLO!? hindi pa ba halata, parang nagkakacrush na ako sayo. AMP. pero parang sinabi niya rin naman na asa ding magkagusto siya sa akin :| bahala na nga.

"uh--oo... nevermind na nga lang! :))"
"may gusto ka na sakin no?!"

OO. HAHAHA :)) JOKE

"ang kapal naman!"

tinawanan niya lang naman ako. AMP talaga. confused na talaga ako. ARGH

natapos na din yung gabing yun. hinatid ako ni AJ sa bahay namin. nakilala na rin siya ng mommy ko. ayun, ang alam niya si AJ yung first boyfriend ko. hindi niya kasi kilala si Francis eh. hindi naman siya nagalit samin. parang okay lang naman sa kanya kasi mabait at gwapo naman daw si Francis :)) Ang adik no. pati nanay ko nagnilande :))) AHAHHAHAHA.

so ayun, nagpaalam na rin ako kay mama na yinaya ako na umatend dun sa wedding ni Ate Lia. buti naman merong formal dress na tinago si mama kaya yun na lang yung susuotin ko :)) HAHA.

kahit na gusto kong pigilan ang panahon. hindi pa rin susunod ang panahon sa kagustuhan ko. dumating na ang araw ng kasal :)) kasal namin ni Aron JOKE HAHAHAHAHA. masyado na akong nagiimagine. HAHAAHAHAH.

suot ko lang naman ay isang blue dress. simple lang naman eh. parang ako :) medyo inayos ko naman yung buhok ko tapos naglagay lang ng light make up. ayun, ang ganda kooooo :))))

sumabay ako sa pamilya nun ni AJ :"> AMP belong to the crew na nga ako. belong to the family pa :)))

nakipagkwentuhan ulit sa akin si tita. si AJ naman pasulyap-sulyap sa kagandahan ko. HAAHAHHA. nasa front seat kasi siya nun. si Andy naman naka violet na dress. ang cute niya. nakataas yung buhok niya tapos pinakulot pa. BONGGAAA :)))

kaya ayun nagkwentuhan pa kami ng bonngang bongga ni Andy habang on the way dun sa resort. astig nga eh. beach wedding. dun na din ang reception :)) HAHAHA.

after 1 hour naman ng walang stop over, nakadating na din kami nun sa resort. ang ganda niya PROMISE :))

siguro sobrang yaman at  sobrang laki ng effort nila sa pagplaplano nung wedding. perfect kasi eh! grabe.

nasa shore yung altar at unting upuan para dun sa guests. malapit na rin magsimula yung wedding so pwumesto na kami ni Andy at Arvie sa isang upuan. si AJ naman andun sa right side. magkahiwalay kasi pagdating sa upuan yung girls at boys.

kahit na nakatingin lang ako dun sa harapan ko, nakikita pa din ng peripheral vision (dugo! HAHA) ko ang pagsulyap sa akin ni AJ :)))

nagstart na din yung wedding. biglang dumating yung bride. ang ganda ni Ate Lia grabe. nakalugay yung buhok niya tapos may kulot kulot ma sa bandang ibaba. parang nagiging pink at brown yung shade ng buhok niya habang nasisinagan ng araw. tapos yung gown niya, over kung sumayad ng lupa :)) color white yung gown niya pero parang binibigyan ng illusion yung mata mo kung white ba yung gown niya o blue. parang ding kasing nagbabago yung kulay :)) astig.

andun na siya sa altar nun at nagsimula na ang pinakahihintay nila...

hindi ko na patatagalin ang lahat syempre :)) una, dahil GUTOM na ako HAAHAHHA. reception na tayo. pangalawa, ayun alangang ilagay ko pa dito ang sinasabi ni Father at nung newly wed couple :))) aabutin tayo ng siyam siyam pag linagay ko pa dito buong kasalan :)) so ayun, RECEPTION na YEHEEEEEY :))) HAHAHA

magkakasama kami ni AJ at Andy na pwumesto sa isang mesa. ayun, tapos sinerve na yung pagkaen namin. ang sosyal talaga HAHAHA. diba pag may kasalanan, karaniwan self service pero dito hindeeeeee. may mga taong magseserve sayo. WAAAA. SOSYAAAL :))

syempre kumaen ako ng tahimik dun. si Andy hindi makapagpatuloy sa pagkaen kasi nakikipagusap pa siya dun sa mga iba niyang pinsan. yan tuloy, kami ni AJ yung natitira dito :))

so ayun tuloy lang naman kaming kumaen. nakikita ko naman na sumuslyap sakin si AJ kaya ayun hindi na rin ako nakapagpigil na magsalita.

"ano bang meron sayo?"
"meron sakin? baka sayo?"
"ha? ako?"
"ang hirap mo kasing tingnan..."

AKO PA TALAGA MAHIRAP TINGNAN NGAYON?! eh siya nga 'tong tingin ng tingin sakin HAHAHAH

"ako pa talaga ha?!"

tuloy naman ako sa pagkaen ko.

"ang ano mo kasi..."
"ano?!"

AMP may laman pa bibig ko nung nagsalita ako HAHAHAHA :))

"ang ano..."

napakamot siya sa ulo niya.

"na ano? maganda ako? sabihin mo na nga... hahaha"
"ang kapal mo naman..."

napangite ko siya nun tapos syempre tumuloy ako sa pagkaen. siya din naman eh kumaen na din.

"pero...uh--..oo... maganda ka..."

napangite naman ako nun. tumingin ako sa gilid ko. syempre dun sa way na hindi ako makikita ni AJ :)) tapos napakagat labi na lang ako HAHAHA. nakakakilig kaya. TRY MO?! :))

tapos humarap na ako sa pagkaen ko na parang walang nangyare.

"bakit bigla kang tumalikod?"

ayoko kasing makita mo akong kinikilig :">

"uh--wala... ano... may kakanta ata dun sa stage..."

PALUSOOOOTTT :)))

pero totoo nga may kakanta nga HAHAHA. nagsimula lang naman muna yung intro. tapos marami ng babae at lalake na nagtayuan. pati syempre su Ate Lia at yung asawa niya, tumayo. sila pa nga ang nanguna. tapos nagsayaw sila dun sa gitna with other couples. tumingin naman sakin ni AJ pero pinagtaasan ko lang siya ng kilay.

AMP. diba ayaw niya naman sumayaw? :))

kumanta na yung babae nung `Para sa akin` ni Sitti.

Click here to listen to Para sa akin :)

umehem naman bigla si AJ tapos nakita kong napapangite na siya. AMP ah :)) HAHAHA.

"sayaw tayo..."

KINIKILIG AKO :">

"huh?"

PILITIN MO KASI AKO :">

"eh di wag..."

BADTRIP

"nako.. oo na..."

ngumite namann siya nun tapos tumayo siya. tumayo din ako syempre. naalala ko yung nangyare samin sa Rafters. yung mukhang tanga niya lang nag pagkanta HAHAHAHA :))

hinawakan niya yung waist ko tapos ako naman eh humawak sa shoulders niya. parang joketime lang ang lahat pero masaya..
























...masaya nga talaga akong kasama siya...

No comments:

Post a Comment