Friday, November 26, 2010

Chapter 32: Friends :(

so yun nga, nawindang naman ako ng bonggang bongga sa sobrang katamisan ni AJ. nakakainis eh. ang hirap talagang kiligin sa mga ganitong panahon :| ARGH.

so yun, hindi ko siya masabihan ng i love you too or happy monthsary kasi parang nakakahiya o kasi parang :| ayaw ko lang talaga magsabi ng totoo...


nakapagusap kami pagkatapos nun pero parang asaran lang. wala naman talaga masyado. nagkaroon ng kainan. sakto kasi na birthday nung isang pinsan ni AJ. eh yun, bongga naman yung birthday party niya. hindi ko masyado maenjoy yung party.

masyado ko kasi iniisip yung samin ni AJ. I mean yung aking feelings lang pala kay AJ. ang hirap kasi makipagsabayan sa kanya. iba kasi siya. wala siyang gusto sakin. ako meron. :| HAY NAKO. JUSKOPO talaga. ang abnormal lang eh.

tumambay naman ako mag-isa dun sa puno na bagong best friend ko na nga HAHAHA. patanaw-tanaw lang naman ako sa mga tanawin. ang lalim no? TSS. ganito ba talaga ang side effects neto?! Kabadtrip ah.

nung nabored naman ako sa pakikipagkwentuhan kay pareng puno, napilitan na lang ako na pumasok sa kwarto ko. hindi naman ako kinakausap nung puno eh! HAHA. nanisi pa no?

ayun, siguro hindi naman mapapansin ng mga tao na nawala ako sa baba. hindi ko naman kasi talaga feel na maki-join dun sa pagpaparty-party nila. at siguro, masaya si AJ dun. kakatingin ko lang sa bintana. magkausap pa sila ni Ate Zinnia. Oh di ba? natawa pa siya. selos ako. 


naglaro lang naman ako ng mga games ko sa cell phone buong araw sa sobrang kaboringan. palage naman akong talo pero sige pa din, napapasigaw na nga ako pag minsan malapit na akong manalo, tapos biglang mamatay HAHAHA. nakakabadtrip eh. ayun naman, nung gabi, hindi ko masyado nakausap ng matino si Andy kasi nagkunware ako na tulog eh kahit sobrang aga pa nun. hindi na nga ako nakapagdinner eh kaya nung madaling araw na lang ako kumaen nung nagsisitulugan na ang mga tao. HAHA.

pagkatapos ko naman kumaen, natulog na rin ako nun. at sana hindi ko siya mapanaginipan. 


maaga ako nun na nagising. for a change HAHAHA. pero halos sabay kami ni Andy nun. Wew. bukas uwian na namin. feeling ko sobrang haba ng linggong 'to. OVER. masyado ba talagang importante ang linggong 'to?!

"Zerlina!"
"hm?"
"gusto mo bang sumama?"
"saan?"
"sa dagat! dali lika!"


medyo tinatamad ako nun. ewan ko ba. wala ako sa mood. nagiging KJ na ako ha! This is not soooooo me :|


"parang wala ako sa mood magswimming eh..."
"sige naman na! ang KJ eh... sumama ka na..."
"oo na..."


napapayag naman ako nun kasi halos umalog na utak at buong katawan ko dahil sa pagyugyog niya sakin pumayag lang ako. iba talaga ang pag bestfriend. ang hirap tanggihan. HAHA.

nakawhite t-shirt lang ako nun tapos nakashorts ako. magkasabay kaming bumaba ni Andy nun. halatang wala sa kondisyon yung mukha ko nun. kasi as in, may malaking tao este bagay na bumabagabag sa pag-iisip ko. nakita ko naman na grabeng makatingin sakin si AJ. ewan ko ba sa lalaking 'to. tinutunaw ako ng tingin niya.

pinagtaasan ko siya ng kilay nun. aba dapat lang. nakakainlove na eh. HAHAHA. itigil niya yan. bawal sakin yan. JOKE

so yun, nginitian niya lang naman ako tapos hindi na ulit siya tumingin. sinabi naman samin ni tito na kami ay pumunta na dun sa dagat. susunod na lang sila dala yung pang-lunch namin. so yun nga, kaming tatlo eh naglakbay (wow) papunta dun sa dagat. dun ako dinala ni AJ nung isang araw.

nung nagkasakit siya at yung tipong naghysterical na ako ng bonggang bongga. HAHA

nagtanggal naman ng top nun si AJ tapos mabilis siya na lumusong dun sa tubig. napapatulala nga ako sa kanya. Iba kasi talaga siya eh. yinaya ako ni andy na magswimming na din pero tumanggi ako. wala talaga ako sa mood. so umupo na lang ako sa sand. tapos pinanuod ko si Andy at AJ na magswimming.

pero syempre, hindi ko maiwasan na 5 minutes na tumitig lang sa bawat paggalaw ni AJ.

Sige, ako na obsessed :|

nagsidatingan naman na nun sila tita at tito. kasama yung ibang pinsan nila. so ibig sabihin nun kasama rin dun si Ate Zinnia. naka-violet siyang shorts nun tapos nakatshirt na light blue.tapos nagswimming din siya kasama nung magpipinsan. ako naman eh nageenjoy lang sa panunuod sa kanila at sa pagkaen ng chicken sandwich na ginawa ng mama ni AJ.

so yun, habang pinapanuod ko sila. nag-iinit yung dugo ko. napapa-squeeze na ako dun sa buhangin pero kahit ano namang gawin ko eh hindi ko yun masquee-squeeze! 

paano ba naman, nakikita kong nagbabasaan si AJ at ate Zinnia. nakakabwiset. sana mapuwing ka! AHAHHA. ay mali! paano pala mapupuwing dun?! sana pala mapasukan ng tubig yung mata mo!

AND YES! ang galing. napasukan ng tubig yung mata ni Ate Zinnia.

gusto kong tumawa ng malakas nun. yan kase, nakikipaglandian pa kase ke AJ HAHAHA.

Oo na, ako na bitter :x

so yun nga, todo lapit naman 'to si AJ kay Ate Zinnia. masyado siyang nagke-care sa nadamaged na mata ni Ate Zinnia. ay sus, akala mo naman ikakamatay na niya. eh sobrang layo sa bituka.

naginarte pa ata 'tong si Ate Zinnia, gusto pang ipahipan yung mata niya kay AJ. Oh sige nga! Paano maalis ang tubig sa mata kung ihihipan?! DUH?! Common sense?!

kuskos lang sa mata dyan, okay na eh. kinuskos ni ate zinnia yung mata niya pero hinawakan ni AJ yung kamay ni Ate Zinnia. parang pinipigilan niya na kuskusin yung mata nito.

SIGE KAYO NA!! MAGLANDIAN LANG KAYO SA HARAPAN KO.

nakakabwiseeeet na. GRABE :|

tumayo naman na ako nun sa sobrang inis. Okay, enough na 'to. selos na selos na talaga ako. umaapaw na talaga. sobra na :| ang sakit na. 

nakita kong nakatingin sakin si AJ nun pero inirapan ko lang siya tapos tumalikod ako then naglakad ako papalayo dun sa may dagat. wala naman na akong pakielam kung ano mang mangyare.

nadaanan ko yung tree house pero hindi ako pumasok dun kasi naalala ko lang si Ate Zinnia. magseselos lang ako lalo. ARGH. wala akong karapatang magselos :| lokohan lang naman kasi eh.

so napilitan akong pumunta na lang dun sa bahay tapos pumasok ako sa may kitchen and naglabas ng juice at baso. wala, uminom lang ako. imaginine ko na lang na alak 'to tapos nakakawala ng problema. HAHA. kahit na never pa talaga akong nakakainom.

so yun, nagpapakasenti lang naman ako. iniisip ko lang si AJ na nakikipaglandian kay Ate Zinnia. NAKAKAPIKON. Ang sarap gibain nung bahay.

maya-maya naman ay biglang narinig ko yung pagbukas ng pinto. napatingin naman ako sa kung sino mang tao na nanggagambala sa  pagigng senti ko dito.

so yun nga, ang dakilang epal. hindi na si Andy ngayon. si AJ na.

Oh bakit andito yan? tapos na ba paglalandian nila ni Zinnia?

pumunta rin nun si AJ sa kitchen tapos tumingin siya sakin.

"bakit bigla kang umalis?"
"wala lang..."

may bitterness dun sa tono ng pagsasalita ko. asa naman kasing sabihin ko na ` nagseselos kasi ako sainyo! landian kasi kayo ng landian`.

"alam mo kahapon ka pa... ano bang meron?"
"bakit? may mali ba?"
"eh  kasi hindi ka man nag-i love you too o nag happy monthsary sakin kahapon tapos ngayon ang taray taray mo?! may nagawa ba ako?"

napansin niya pala yun? Oo na lang.

"obligado ba ako? diba lokohan lang naman 'to?"

hihirit pa sana siya pero napaupo na lang siya dun sa upuan na nasa harapan ko.

"bakit ka ba ganyan? ano bang gusto mo?"
"diba nasabi ko naman na sayo dati pa? dati ko pa gustong itigil yung kalokohan na 'to! hindi mo ba naiintindihan?!"
"bakit ba?! eh wala rin namang mangyayare kung maghiwalay tayo diba?"

hindi na ako nagsalita sa kanya. naiinis na talaga ako sa kanya. sobrang labo niya. hindi ko na rin napigilang umiyak nun. sa sobrang galit na din siguro.

"tsaka... basta... sinabi ko naman sayo diba? na ayaw kong mawala ka sakin..."

napagtaasan ko siya bigla ng boses.

"BAKIT?! BAKIT AYAW MO NA MAWALA AKO SAYO? HINDI MO NAMAN AKO MAHAL DIBA? WALA KA NAMANG NARARAMDAMAN SAKIN DIBA?"
"mahal kita..."

ang kalmado ng boses niya pero dahil dun lalo pa rin akong nainis. HAY NAKO.

"ANO? BILANG ISANG KAIBIGAN?"
"Oo, bilang ganun nga!"
"LECHE KA PALA EH..."

bumuhos yung luha ko nun tapos napatayo ako nun. nahihirapan akong umiyak nun. tumayo rin si AJ nun tapos lumapit siya sakin then niyakap niya ako nun. hindi ako makagalaw. kasi sobrang sarap ng yakap niya. eto yung tipong, parang pagagaanin niya yung loob mo.

priness ko yung mukha ko sa chest niya tapos iyak lang ako ng iyak.

"LECHE KA TALAGA AJ..."

tapos dinagdagan ko ng isang bulong na sana hindi niya nairnig...

















"...eh mahal na mahal kita..."

No comments:

Post a Comment