Sunday, October 24, 2010

Chapter 10: Day 5 Best friend Rivalry

namula ako nun. buti na lang at gabi nun :))) siguro hindi niya nahalata. kase naman diba? hindi ako ready :"> HAHAHA. may fireworks pa na heart. ang sweet. AMP.

ang bagal ng panahon pero feeling ko ang bilis pa din. ang gulo. ang ganda ng umaga ng 5th day ng kalokohan namin ni Aron Jie :)) ngayon lang ako nakyutan sa pangalan niya. kasing cute niya lang. AMP HAHAHA :))

chineck ko yung cell phone ko. YIPEEEE!! nagtext si AJ. Hahahayeeeehh!! :">

From: AJ panget :p
asn kn? :p haha love you (:


*KILIG* :">
ang gulo ko no? HAHAHA. pero at least hindi ko na iniisip yung mga bagay tulad ni Francis. AMP. nagmadali ako nun. ewan ko ba. gusto ko lang agad makita si AJ. ang cute kasi eh :))) kaloko. walanjo :))

syempre, pumasok na ako ng school nun. as usual, nasa ATC sila. palage naman :)) nakajacket ulit siya nun. color black pa nga eh. asteg. kagwapo oh :))

lumapit ako sa kanila. same people pa din at same faces. syempre diba. DUH :))

"ang tagal mo ah.."
"eto kung makapagreklamo :))"

tinabihan ko nun si AJ. syempre, ako yung girlfriend eh :))) (feeler talaga ako) HAHAHA.

nagkakwentuhan kaming lahat. syempre, hanggang ngayon hindi pa din nawawala yung aftershock ko sa mga kaastigan na nangyare kahapon sa Bboy battle :)) Astig talaga. AMP. favorite word ko `ASTIGGG`. AHAHAH Astig :)))

As usual, nag-ring na yung bell then yinaya ko si Andy na umakyat na kami. nag bye naman ako kay AJ. at siya naman eh nginitian lang ako. Haaaaay :"""> sana hindi halata na nagbla-blush ako diba? HAHAHA

naglakad na kami ni Andy nun papunta sa classroom namin. nahalata ko nga na masyado ata siyang mukhang stressed.

"oh anong problema mo? bakit ka ganyan?"
"uh-- ano... may mali ba sakin??"

tinanggi niya pa sa kin. eh halata naman na hindi siya okay nun :|

"alam kong may mali, okay? kilala kita Andy... anong nangyare??"

huminga siya ng malalim. halatang pinipigilan niyang umiyak. amp. nag-aalala na tuloy ako sa kanya. umiling muna siya nun. alam kong ayaw niyang pagusapan yung kung ano mang nagpapalungkot sa kanya pero bestfriend niya ako... handa ko namang tulungan siya diba?

"oh... wag ka ng umiyak... ano bang nangyare??"

pag eto lang tungkol kay...

"si Daniel kasi... :'("

sabi ko na nga ba eh. ARGHH!!

"oh anong ginawa niya sayo? sabihin mo..."
"feeling ko hindi niya na talaga ako gusto... hindi niya na talaga ako masyado pinapansin... lagi niyang sinasabi na wala siyang load... hindi siya nagtetext sakin... hindi man lang siya natawag... hindi niya rin sinasagot mga tawag ko... nahalata mo ba kanina? parang hangin lang ako sa kanya... ramdam ko naman..."

huminga muna siya ng malalim bago tumuloy. "ramdam ko naman kasi..." tuluyan na siyang umiyak nun. "...hindi niya na ako mahal..." 

yinakap ko na lang siya bigla. sa ngayon, isang kaibigan ang kailangan niya.

"...nagdadalawang isip na nga ako eh... kung minahal niya ba talaga ako noon o sadyang niloloko niya lang ako :'(" lalo kong hinigpitan yung pagkakayakap sa kanya.
"okay lang yan... sige lang... iiyak mo lang yan... okay?"
"Zerli... anong gagawin ko?"

humiwalay na siya sakin nun.

"kung ako sayo... siguro ang the best way eh tapusin na ang lahat ng kung ano mang meron sa inyo ngayon... Sorry..."

lalo siyang umiyak nun. haaaaay :'|

"hindi ko kaya Zerli..." napabuntong hininga muna siya bago magpatuloy... "mahal na mahal ko siya eh... hindi ko talaga kaya :'("

"haaay... payong kaibigan lang naman diba..."
"hindi ko talaga kaya... :"("

dun nagend yung conversation namin. namumula pa yung mata at ilong niya nung pumasok kami sa classroom. akala ko nga malelate na kami nun eh. buti mas late samin yung statistics teacher namin HAHA :)) nagtaka nga yung mga classmates namin kung bakit umiiyak si Andy nun pero syempre, hindi na kami umimik nun.

naiintindihan ko rin naman somehow si Andy. nangyare na rin sakin yan eh. at sinabi ko din yung mga sinabi ni Andy kanina. dati na rin akong pinayuhan ni Shaina at Andy na makipagbreak na kay Francis, pero hindi ko pa rin ginawa :| hindi ko alam kung katangahan yung pakikipagbreak ko sa kanya kasi hanggang ngayon hinahabol ko pa rin siya. pero kasi naman. si AJ...  ARGH!!erase erase... kailangan kong magpakasubsob sa pag-aaral para next week. wew.

as usual, kapag boring ang klase, dapat naman siguro eh pabilisin na lang ang oras. sa oras ng dismissal. HAHAHA. hindi ko masyado nakausap ng maayos ngayon si Andy. depressed na depressed talaga siya sa mga ikinikilos ni Daniel sa kanya. sa totoo lang, dahil masyado akong mabaet feeling ko eh ang gagawin ko ngayon ay isang katangahan at katarantaduhan pero para sa best friend ko, gagawin ko ang lahat. para sa kanya eh. kaibigan ko yun eh.

napagpasyahan ko, kailangan kong makausap si Daniel. inayos ko agad yung gamit ko. nagmadali ako papalabas. hindi na ako nakapagpaalam kay Andy sa sobrang focused ko sa gagawin kong confrontation kay Daniel. pumunta ako sa section niya. dun sa Section D. nasa 4th floor yung room nila. siya na lang mag-isa yung nasa room. taimtim niyang inaayos yung gamit niya. andun lang ako sa bukas na pinto nila. nakasarado yung fist ko. alam kong nakita niya na ako kaya hindi ako umimik. and at last, tumingin na din siya sa akin ng nakangite. alam mong plastik pero kahit na ganon parang natural :|

"oh... bago 'to ah :)) handa mo na ba akong kausapin??"
"alam mo nagpunta ako dito para balaan ka..."
"para saan? may mangyayare ba?"

lumapit siya sakin nun.

"gusto ko lang sana sabihin sayo na itigil mo ang kung ano mang kahibangan na gagawin mo kay Andy, okay? kung gusto mo siyang lokohin, please wag mong ituloy... alam mo naman na ma--"
"mahal na mahal niya ako? oo, alam ko..."

ARGHH!!! nakakapikon yung expression niya. alam mo yung tipong nakangite pa rin siya. parang hindi niya naiintindihan yung importansya ng kung ano mang sinasabi ko.

"alam mo naman pala eh! kaya please, wag mo siya lokohin... okay? yun lang naman ang gusto kong sabihin sayo eh... pwede ba yun?"
"sure..."

ARGHH!! bakit ganun lang yung sagot niya?! NAKAKABADTRIP. aalis na sana ako nun nag hawakan niya ng mahigpit yung wrist ko.

"oh aalis ka agad... may sasabihin pa ako sayo..."
"alam kong walang kwenta yan... kaya bitawan mo ako. okay?"

binitawan niya naman ako. linagay niya yung dalawa niyang kamay sa bulsa niya. ngumite siya sa akin na parang ineexamine yung mukha ko. AMP. nakakabadtrip talaga yung aura niyang ganito. sinandal niya yung kanang balikat niya sa pintuan. at nakipag eye-to-eye contact siya sakin. naiinis na talaga ako sa kanya kaya super napakunot talaga yung noo ko.

tinanggal niya yung kaliwang kamay niya mula sa pocket niya then hinawakan niya yung mukha ko. tumaas yung buhok ko sa braso. ARGHH!! kadire.

"ang cute mo pala lalo na pag galit ka..."

hinampas ko yung kamay niya nun. nakakabadtrip talaga. gamit yung right hand niya eh hinawakan niya yung kanang kamay ko. nahihibang na pala to eh?!

"alam mo mukha ka talagang tanga?!"

mukhang hindi niya narinig yung sinabi ko. lumapit siya sakin. so close na parang nagbabanta siya ng paghalik ka sakin. WALANJO MO. nakakalimutan niya ba na girl friend ako ng best friend niya at best friend ko ang kaMU niya?! AMP


bumulong siya nun haban nalapit sakin. pinilit kong lumayo nun. TSSSS.

"kaya nga gustong gusto kita eh..."

palapit ng palapit hanggang...


*THUG*


isang mabilis at malakas na something yung nakita ko. parang a split second lang nangyare ang lahat. nakita ko si Daniel napatumba malapit sa pintuan na may dugo siya sa kanang parte ng labi niya at dun ko rin nakita si...



AJ..


hindi ko akalain. pero siya yung sumuntok kay Daniel nun. yung best friend niya ang sumuntok sa kanya.

nakita ko sa mga mata ni AJ yung galit niya. ewan ko ba kung bakit  siya ganito. in fairness pwede na siyang artista, magaling siyang magpanggap :|
pinunasan ni Daniel yung dugo mula sa labi niya.

"ikaw kasi AJ, bantayan mo yung girlfriend mo... siguro nahalata mo naman diba? pareho lang tayo...

















pareho lang tayo na mabilis na mahulog sa kanya..."

tinulak agad ni AJ siya nun. tumibok ng malakas yung puso ko. anong ibig sabihin nun? mabilis na nahulog sakin? may gusto sakin si AJ pero at the same time may gusto sakin si Daniel :| pero hindi pwede. si Andy.

"kung gusto mong magpatuloy ang pagkakaibigan natin, layuan mo si Zerli..."

kinakabahan ako nun sa mga pangyayare pero si AJ. parang totoo ang lahat. kahit na imposible ang lahat. hindi ako makaimik nun. hinawakan ni AJ yung kamay nun. pinisil niya yun ng sobrang lakas.

"ano bang magagawa mo? eh si Zerlina talaga yung gusto ko..."

napatigil ako nun. nagulat kasi ako sa babae na nasa likod ni Daniel...




si Andy...
narinig niya ang lahat...


nakita ko siyang umiyak ng sobra sobra tapos biglang tumakbo papalayo. naiinis ako sa sarili ko. ngayon ako pa ang dahilan... tiningnan ko muna si Daniel nun, lumapit ako sa kanya at binigay sa kanya ang isang bagay na for sure eh deserving siya...


isang sampal. gago siya para saktan ang best friend ko.


umalis na ako agad nun. sinundan ko si Andy. hindi ko alam kung nasaan siya nun pero thank God nakita ko siya na nakaupo dun sa isa sa mga bleachers ng field. pinuntahan ko siya nun. naawa ako sa kanya kasi ngayon ko lang siya nakita na umiyak ng ganito :'|

"Andy, I'm so sorry... hindi ko talaga alam..."

tumabi ako sa kanya at yinakap siya. hindi siya naimik pero ramdam ko yung sobrang kalungkutan niya :'(

"sorry talaga Andy..."
"okay lang... okay lang talaga... :'("

tiningnan ko siya sa mga mata niya at halata na walang okay sa sinasabi niya. Everything's not okay :|

"but don't worry... ngayon lang ako iiyak... pagtapos neto... wala na... ayoko ng lumuha para sa kanya... para dun... para sa walang kwentang taong yun..." huminga ulit siya ng malalim. basta andito lang naman ako para makinig sa kung ano mang bagay na isusumpa niya kay Daniel. "at hindi ko hahayaan na masira friendship natin no? para dun sa katangahan ko na mahalin si Daniel. NO! mas importante ka pa dun..."

hindi ko na rin napigilang umiyak. ewan ko ba, nakakahawa eh. napapangite ako nun. ang swerte ko kasi meron akong best friend na katulad niya. yung tipong alam mo na kahit anong mangyayare, walang mawawala sayo. I never thought na ganito kalakas yung bond ng friendship namin. Isa siya sa mga perpektong regalo sakin ng Diyos.

"don't worry... makikita mo din yung para sayo... dadating din ang araw na makikilala mo ang isang tao na wala sa bokubularyo ang saktan ka... okay?"

nginitian ko siya nun.

"Thank you... thank you talaga..."
"No...Ako dapat ang magsabi ng thank you..."

yinakap ko siya for the last time ulit. natanaw namin dun si AJ na kakalabas lang dun sa gate nung building. nakalagay lang yung jacket niya sa kanang balikat niya. halatang galit siya... nagulat nga ako dun eh. 

"siguro dapat mo siyang kausapin..."

tumango naman ako tapos nginitian ulit siya. bumaba ako dun sa bleachers tapos tumakbo papunta kay AJ. mabilis siyang naglakad. napagod na rin akong tumakbo nun. medyo umaambon nun.

"huy AJ! tumigil ka nga... magusap na tayo huy! eto naman masyado mong dinidibdib!"

hinihingal na ako nun. hindi niya ako pinapansin. AMP. ano bang problema ng ugok na 'to. ARGHH!!

"hoy AJ! tumigil ka nga dyan!" medyo lumalakas na yung ambon nun. uso na talaga ulan ngayon?? AMP "oy Aron Jie Benitez!! magusap nga tayo..."

napapikit na talaga ako dun. yung tubig kasi medyo napasok na sa mata ko. ewan ko kung correct term yung napasok HAHAHA :)) nakatungo tuloy ako nun ng hindi ko namalayan na I was facing AJ na nun. tumigil din pala siya. nakaharap pa sakin. tiningnan ko yung mukha niya. walang bahid ng black eye o kung ano man. buti naman :|


hinawakan niya yung hips ko then push me to him. Ang awkward. kasi first time 'to. lahat na ata ng mga bagay na first time eh sa kanya ko naexperience...


hinawakan niya yung ulo ko then...
































he hugged me...

No comments:

Post a Comment