Saturday, November 6, 2010

Chapter 11: Aron vs. Nate

Ano nga ba ang nangyare pagkatapos nun? Yinakap niya ako. pero parang may kakaiba nun sa yakap niya. Nung weekend ko narealize na parang napakaunfair ko naman sa kanya :| lahat naman ng ginagawa namin ngayon ay kalokohan lang. walang bahid ng katotohanan (dugo!) diba? tapos nagawa niyang isuko yung friendship niya kay Daniel para lang mapanatili yung `relasyon` namin kuno.

hindi mo tulay maintindihan kung sineseryoso ba niya ang lahat o hinde :| kase ang gulo gulo na. wala siyang inimik nung araw na yun. hindi siya nagtetext at hindi siya nagpaparamdam? ano bang tawag sa state na 'to? yung kayo pero mag-kaaway kayo :| HMMM.

hindi ako maka-review ng maayos dahil sa iniisip kong 'to. minsan naiisip kong magsend ng message sa kanya pero kahit gaano kahaba na yung nobelang natype ko para sa kanya, sa huli pa rin hindi ko napipindot yung send :| yung ibang messages naipon na sa Drafts ko. yung iba naman ayun, burado na. pagnagtatype kasi ako, hindi ko maiwasan na pindutin yung `Clear Field` :| FAIL talaga ako. AMP

Tinetext naman ako ni Daniel pero hindi ko siya pinapansin. Naisip ko nga na palitan ng `AJ` yung pangalan ni Daniel sa phone ko. Baka kasi pag nakikita ko yung pangalan niya na nagtetext sakin, masiyahan pa ako. pero DUH, as if hindi ko alam na si Daniel talaga yun :))

Nagkachat na rin kami sa FB ng bestfriend kong si Andy. Okay naman DAW siya although nasaktan pa rin siya sa panglolokong ginawa sa kanya ni Daniel. Buti hindi siya bitter o galit sakin. Ang swerte ko talaga.

As of Francis, meron ba talagang dapat mangyare? HMMM. Ewan ko ba. hindi na rin siya nagpaparamdam. Tingin ko nga hindi naman talaga siya seryoso sa mga sinasabi niya sakin last week.HAAAAYY.

Balik tayo kay AJ kasi sobrang miss na miss na miss na miss ( times infinty) ko na SIYA. ARGHH!!

Nung Monday, hindi ko nakita yung crew niya sa ATC. siguro tama na ding sabihin na four days ko siyang hindi nakita. Monday hanggang Thursday yun. Hindi ko alam kung bakit ganun. Nung una naisip ko na baka busy kasi sa exams. Monday to Wednesday kasi Exams namin nun. Half-day pa. Pero kahit na ganun, no trace of him. sabi ni Andy napasok naman siya. sadyang busy lang daw. hindi niya daw alam kung anong meron kay AJ.

Akala ko nung Thursday, mapuput na sa end ang suffering ko ng wala siya pero ayun WALA pa rin siya :| linalayuan niya ba ako? Sinasadya ba niyang iwasan ako? AMP.

Friday na ngayon. Day 12 na kami ni AJ.

Umaga nun, may nakita akong mga estudyante na nakaupo dun sa ATC pero hindi yun yung crew nila AJ. mga estudyante lang siguro yun na nakibelong na din sa pagtambay sa ATC :))

Dumaan ang maghapon ng hindi ako nakakausap ng maayos ng kung sino man. ANO BA KASE DIBA?! mag iisang linggo ko ng hindi nakikita si AJ. TSSSS. Kapag nakita ko yun....ARGHH!!

Dismissal na ngayon. pinabilis ko na ang oras kasi wala naman masyadong kwento. Ano ba kasi ang kwento na 'to kung walang AJ? HAAAAAAY :(

Miss na miss ko na talaga yung lalakeng yun. AMP.

Magisa akong pumunta sa field. Napangiti na lang ako bigla ng makita ko sa ATC yung crew ni AJ. Parang nabuhay ulit ako. Parang feeling ko kahapon bulag ako tapos ngayon may dumapo saking healer tapos nakakita na naman ako :))) Ang OA no? pero ang saya lang :)))

Nakakainis kasi diba?

Pumunta agad ako dun sa ATC. tinapik ko agad sa likod si AJ. napansin ko din dun na wala si Daniel. Magkaaway pa rin kaya sila?

"huy AJ..."

tumingin naman sakin si AJ. tapos pinagtaasan niya ako ng kilay. ang cold nga ng tingin eh :| may kasalanan ba ako?

"uh--kasi... ang tagal na ding kitang hindi nakita... ano sana...uh--" AMP. ano bang sasabihin ko?! "uh--wala..."

nahiya na ako nun at hindi na nagsalita ulit.

"wala lang... hindi mo ba ako namiss? :)"

Napangiti agad ako. kasi naman diba, akala ko galit siya sakin na ewan :))) pero siya pa rin pala yan. yung alaskador na malokong Aron Jie na kilala ko :)

"pag sinabi ko sayo yung totoo baka mamaya lumaki pa lalo ulo mo :))"

tinawanan niya lang naman ako tapos inakbayan niya ako. then naramdaman ko na kiniss niya nun buhok ko. Okaaaay, hindi ko alam kung bakit niya ginawa yun? :))) pero kinikilig naman ako

"Oi guys... hatid ko na 'to pauwi ha..." nagbabye naman samin yung mga kacrew niya. naglakad kaming dalawa ni AJ (naka-akbay pa siya sakin), WAAAAA. parang natalon yung puso ko nun. ang sweet kasi :">
wala siyang motor nun. ewan ko kung bakit. feeling ko nga wala pa talaga siyang balak umuwi nun. Ibang daan kaya yung linalakaran namin ngayon. :))

"bakit pala hindi kita masyado nakikita??"
"uh--yun ba? sobrang busy sa practice eh..." humiwalay na siya sakin nun pero nagpatuloy pa din kami sa paglalakad. linagay niya yung dalawang kamay niya sa loob ng bulsa niya."umaga may practice... sa gabi din meron... gusto kasi talaga namin manalo dito eh.."

inunahan niya naman ako sa paglalakad tapos tumingin siya sakin then started walking backwards. natatawa na nga ako sa kanya eh...

"bakit ka ganyang maglakad?"
"wala lang... gusto lang kitang makita..."

ngumite naman siya. ANG KYUUUUUUUUTTTTT :">


"TSS.. uh--ano na nga pala anong meron sa inyo ni Daniel?"

napatigil nun si AJ pero sure ako na hindi yun dahil sa tanong ko about kay Daniel. napatingin kasi siya sa kanang side niya. kung ano man yun, for sure yun yung nagpatigil sa kanya. pero kung titingnan mo, isang pader lang ang tinitingnan niya. ngumite siya tapos kumuha ng isang pentel pen. binuksan niya yun tapos sinulatan niya yung pader.

"huy! vandalism yan! ang kulet mo!" hinampas ko na siya nun. ang pasaway kasi diba :))
"teka lang..."

nung tapos na siya magsalita, tiningnan ko yung nasa pader.

A _____ Z

"oh ano yan?"
"hmm...A blank Z... hindi ko kasi alam kung anong isusulat ko sa gitna niyan... kung dumating yung araw na alam na natin kung ano yung dapat nasa gitna... isusulat ko dyan..."
"mga pauso neto :)))"

naglakad naman na siya ng normal ngayon syempre kasabay ko :)) HAHAHA.

"yung tanong mo nga pala kanina... hindi ko nasagot..."

nahiya ako nun. hindi ko alam kung bakit. dapat pala hindi ko na lang sinabi sa kanya yun :|

"yung kay Daniel diba?"

tumango na lang ako nun.

magsasalita na sana siya nun ng may nakita na naman siya ng isang bagay na nagpatigil sa kanya sa paglalakad. inisip ko na baka pader na naman pero hindi eh :)) may dalawang lalake. alam ko na nakita ko na yung dalawang taong yun. hindi ko lang matandaan kung saan.

tiningnan ko yung mukha ni AJ nun. nag-iba yung expression niya. parang galit siya na ewan. Okaaaay, ano 'to?!

tumingin samin yung dalawang lalake. hindi naman talaga samin. sure ako na kay AJ lang talaga nakatingin yung dalawang lalake. may dala silang radyo. pati mga bilog na medyo kumikinang. narealize ko naman na mga CD yung dala nung isang lalake.

hinawakan ko yung kamay ni AJ nun. hindi ko alam kung bakit. natatakot din kasi ako. baka mamaya bad guys yung mga yan no! AMP. hindi ko nadala yung pepper spray na pamana sakin ni Shaina nung muntik na siyang maholdap :|

lumapit samin yung dalawang lalake at naalala ko na rin sa wakas yung isang lalake.

yun yung leader ng Urban Dancers...

May itsura siya. Promise. Parang pagdating sa itsura, pwede mong ilaban sa mukha ni AJ :)) ngumite yung lalake kay AJ tapos tumingin sakin.

"Wow AJ, this one is my favorite..." 

tinutukoy niya ako nun. nababadtrip ako kasi parang nakakabastos.hindi nagsasalita si AJ. prinepreserve niya pa din ang coolness sa mga panahong ganito. lumapit sakin yung lalakeng yun. gusto ko ngang lumayo. pero bago maging super close yung lalake, hinawakan bigla ni AJ yung shoulders niya. napangite nun si AJ, iba yung ngite niya. I mean parang.... ang angas nung ngite...

"grabe ka naman talaga Zerli oh... pati ba naman si Nate..." Ow. Nate ata pangalan nung lalake.
















"...kalaban ko na rin sayo..."

nagulat ako nun. hindi ko akalain na masasabi niya yun sayo. ngumite rin yung Nate na yun tapos tumingin ng diretso kay AJ.

"bakit ka ba pumunta dito AJ? para ibalandra yung girlfriend mo... mag-ingat ka baka mamaya magulat ka na lang aken na siya..."

nanlaki yung mata ko nun kasi DUHHHHHH!!! HELLOOOO?!!! GAMIT BA AKO PARA PAGPASA-PASAHAN?!! ARGHH!!
nakita ko ng smirk si AJ. parang nang-aasar na ngite. hindi ko alam kung ano yung sunod na sasabihin niya o kung ano mang move na gagawin niya. tumalikod na lang siya bigla. akala ko aalis siya nun, akala ko magpapatalo siya pero hindi...

pagtalikod niya, ilang segundo lang ang pagitan ng humarap ulit siya kay Nate ng may kasama pang suntok.

nakita kong may dugo yung kamay ni AJ at naramdaman ko na nun na may mangyayareng masama. parang bumagal yung oras pero at the same time bumibilis din. maririnig mo na biglang magmumura si Nate.

makikita mo na yung kasamahan ni Nate eh hahawakan yung dalawang kamay ni AJ para mapagtulungan nila si AJ. ARGHH! it's not fair.

triny kong pigilan sila nun. pero ano bang magagawa ko? babae lang ako :| ARGHH!!

kung meron lang isang tao na pwedeng tumulong sa kanya...
kung andyan lang sana si...



Daniel...

Si Daniel. Oo, si Daniel nga. Nakita ko siya na papunta sa kung nasaan man kami ni AJ. kakababa niya lang sa motor nun. yung color blue na jacket niya eh nakapatong sa kanang balikat niya. parang siyang si AJ but in a different face...


napansin siya ni Nate at nung isang lalake na hindi ko pa kilala.

"Wow... si Daniel dumagdag pa oh..."

sobrang tahimik ko nun. hindi ko alam kung anong gagawin ko. nakita ko yung kamay ni Daniel na kasuot ng parang black gloves na something. sinarado niya yung fist niya nun.

Gusto kong pigilan yung alam ko na sunod na mangyayare...


pero bago ako nakapagisip ng paraan para pigilan yung apat na taong nasa harapan ko nun...






































naging mabilis ang oras at hindi ko namalayan na wala ng pag-asa para pigilan silang lahat...

No comments:

Post a Comment