Sunday, November 28, 2010

Chapter 43: This is It :">

Grabe. Nawindang ako sa  nasabi ko. Bakit ko yun sinabi? LANGHIYAAAAAA. KATIMANG.

Nakita kong nanlaki yung mata ni AJ nun. Okay. Fine. Nakakabaliw na talaga 'tong ginawa ko. Badtrip. Badtrip. Wala sa plano ko na mapahiya ng ganito kabongga.

"Uh...Ms. De Castro, is that the reason for your essay?"
"Uh..."


Tapos biglang nag-ring yung bell. Tapos may nag-announce na cut muna ang classes for now dahil may emergency meeting ang mga teachers. SAVED BY THE BELL. Grabe. Mamatay na talaga ako. OMG. I-ready niyo na ang burol ko. Over na talaga 'to.

Pagkalabas ng teacher namin para dun sa emergency meeting nila, inasar na ako ng buong klase. Syempre, except kay Andy at AJ. Yung iba naman, kung makapang-asar. Akala naman nila ka-close ko sila. As if. FC. Kabadtrip. Umiwas ako ng tingin nun kay AJ. Umupo agad ako sa arm chair ko tapos tumingin sa may bintana. Kaso nadidistract ako. Nakikita ko yung reflection ni AJ sa may bintana. Alam kong nakatingin siya tapos nakikita ko rin na napapangite siya na ewan.

Nakakahiya talaga. 

Gusto kong sampalin yung sarili ko kaso wag na lang. Lalo akong magmumukhang tanga nun. ARGH!

"ehem..."

NAGPAPANSIN NA SIYA. Napapikit ako nun tapos napakagat sa labi ko. WAAAAAA. Mang-aasar 'to. Napapangite rin ako na ewan pero basta. 

Okay. Fine. KINIKILIG AKO KAHIT WALA PA SIYANG GINAGAWA. Happy? Super Badtrip.

Nagkunware naman ako na wala akong nasense o narinig. At dahil dun...

"EHEM..."

Inulit pa. Badtrip. Nakita ko dun sa reflection sa bintana na bigla siyang ngumite. Omigosh. Ang Gwapo. One Word. Shit. Alam niyo kung bakit Shit? Ewan ko. Ang Gwapo eh. Shit lang. Ang labo ko talaga. Hindi dapat ako nagkakaganito.

"Psssst..."

Sige, sumitsit ka lang. Hindi ako titingin. Nang-aasar lang talaga 'tong tao na 'to eh. Hindi ko ulit  siya pinansin nun. Nakita ko sa reflection niya sa bintana na tumayo siya. Linagay ko naman yung ulo ko dun sa patungan para wala na akong makita. kahit reflection niya sa bintana eh ayaw ko ng makita sa sobrang kahihiyan. Narinig ko naman bigla yung boses niya. Kausap niya yung classmate ko na nakaupo sa armchair sa tapat ko.

"palit muna tayong upuan..."  yun yung sinabi niya dun sa classmate ko. Okay. Hindi ko na keri 'to. Over.

"Pssst..." sumitsit na naman.

WAAAAA. Ayoko na.

"Huy..."

Bigla naman niyang pinat yung siko ko. WAAAA. Parang may kuryente na dumaloy sa buong katawan ko. Iba na 'to. Grabe na talaga. 

"Akala ko ba namimiss mo ko, tapos hindi mo naman ako pinapansin..."

Napatingin na talaga ako sa kanya nun. Hinarap na pala niya yung armchair sa tapat ko. Grabe, ang gwapo ni AJ. Bakit ganon?! Lord, Bakit niyo hinayaan na isilang ang batang ganito kagwapo? Malamang, dahil saken. Ay CHAROT :)) HAHAHA.

"Ang kulit mo... Kanina ka pa.."
"Sus pero sinabi mo na namimiss mo ko..."
"Ayoko na ngang pagusapan yan..."
"Eh anong gusto mong pagusapan?"

Naalala ko naman bigla yung sa Letter. Badtrip 'tong si AJ ha! Bakit niya ilalagay yung letter sa locker ni Francis ng hindi man lang humihingi sakin ng permiso?! Yan tuloy, namromroblema ako pagdating kay Francis?!

"ETO! may kasalanan ka sakin..."

Napatayo ako nun which is sobrang nakakahiya. Napatingin tuloy sakin yung mga classmates ko. Okay. Dobleng Kahihiyan sa araw na 'to. Umupo na lang ulit ako at humarap kay AJ. Nakita ko naman na natatawa siya nun. ARGH

"Oh ano naman?"
"Bakit mo binigay yung letter kay Francis?!"

Ginawa ko yung best ko na kami lang ni AJ ang magkarinigan. Ayoko na kumakalat yung mga balitang ganito sa  ibang tao.

"Ha?"
"Wag ka na nga magtanga-tangahan! Alam mo ba na inis na inis na talaga ako sayo! Bakit mo linagay sa locker niya yun?"
"Diba dapat magpasalamat ka sakin? at least ngayon, alam na niya na may gusto ka sa kanya!"
"Badtrip ka talaga! Binibigyan mo lang ako ng problema eh!"

Napatingin samin yung mga classmate ko.TSK. May balak ata yung mga lokong 'to na makinig eh. Tumayo ako tapos hinawakan ko yung wrist ni AJ tapos hinila ko siya papalabas ng classroom. Masyadong tsismosa yung mga classmates ko. Dinala ko naman siya dun sa likuan papunta ng banyo ng mga girls. Hindi na kami pumasok. Okay na yung ganito. At least, makakapagusap na kami ng walang istorbo.

"Okay. back to the topic, alam mo ba na ang laki laki ng problema na binigay mo sakin!?"
"eh ano ba yan? bakit pa natin kailangan magusap dito?"
"wag mo ngang ibahin ang topic! nakakainis ka talaga"

Nako. Akala naman niya kasi joke lang ang lahat eh :|

"Oo na. Eh kasi naman diba may gusto ka kay Francis, at least hindi ka na mahihirapan na sabihin sa kanya yung feelings mo?!"
"Hay nako AJ! Ang dami mo naman kasing hindi alam eh!"
"Ha? anong hindi ko alam? basta para sakin, wala akong nagawang kasalanan... ano bang meron? irerevise mo pa ba yung sulat na yun ha?!"
"EH WALA NAMAN NA KASI AKONG GUSTO KAY FRANCIS..."

Hindi ko namann sinigaw yung mga words na yun. Medyo inemphasized ko lang. Para naman marinig niya ng buong-buo.

"Ha? Eh sabi mo sakin dati--"

Hindi ko pinatuloy yung statement niya.

"Nagsinungaling ako. Okay? Mula nung nagbakasyon tayo sa Batangas, wala na akong gusto sa kanya. So ngayon, nagegets mo na ba kung ano yung problema ngayon?"

Nanlaki yung mata nun ni AJ. Ngayon, alam niya na ang kasalanan niya sakin. Badtrip talaga no?

"Eh ikaw naman kasi hindi mo agad sinasabi eh! Kasalanan mo pa rin yan, sinabi mo ba naman na siya yung gusto mo sakin, malamang dun kita tutulungan..."
"Ang tungaks mo talaga! Nakakabadtrip ka! Sige nga... Paano ko sasabihin sayo kung sino talaga yung gusto ko kapag yung tinutukoy ko naman eh...
















...ikaw..."

Nawindang siya sa sinabi ko at half of myself eh nawindang din sa sinabi ko. Tripleng Kahihiyan. Nako. Be Ready for rejection na Zerlina.

"Ha?"
"Hay Nako. Ano pa bang gagawin ko? Nasabi ko na..."

Napasigh naman ako nun. Kahit kelan talaga eh ang hirap kausap netong si AJ. HAHAHA.

"MAHAL KITA, OKAY?"

Napanganga siya nun. Mukhang hindi naniniwala sa sinasabi ko. Mukha ba akong nagjojoke?!

"Ang hirap paniwalaan..."
"Badtrip ka talaga oh..."

Nakakatimang naman 'tong si AJ. Tiningnan ko yung right at left side ko. Chineck ko lang kung may tao. Baka mamaya may makakita saming tao dito tapos nagsigh ulet ako at tumingin sa mga mata niya. Ang tangkad niya. Feeling ko mahihirapan ako na gawin 'to. HAHAHA.

Pero here goes nothing...


nagtip-toe ako tapos nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya and gave him a smack. Mabilis lang yun. parang isang segundo lang.

"So naniniwala ka na?"

Ngumite naman siya nun. Nakakaloko nga eh. HAHAHA. Tumingin din siya sa right at left side niya tapos tumingin din siya sakin. Yung parang ginawa ko lang kanina. Then, hinawakan niya yung waist ko tapos nilapit niya rin yung mukha ko sa mukha niya and gave me a smack ( AYY, nagbigayan ba. HAHAHA.) sabay sabi ng...
















"Paganti..." :"> OMG OMG OMG

No comments:

Post a Comment