Saturday, November 20, 2010

Chapter 27: Okay lang ako

Hindi ko alam kung nagets niya yun. pero sinasabi ko yung totoo. na over nasasaktan na talaga ako sa mga sinasabi niya. Ang tanga ba naman niya. bakit kailangan niya pa akong isipin? Pwede namang ligawan niya si Zinnia ah! Napapasama pa ako sa mga iniisip niya :|

tinanggal ko na rin yung kamay ko sa pagkakatakip nung mata niya.

"okay ka lang ba?"


nagtaka nga siguro siya dun sa sinabi ko. ay bahala na. sinabi ko lang naman kasi ang totoo. siya na ang bahala mag-isip ng deeper meaning sa mga sinabi ko


"okay lang ako..."


nagsigh ako bago magsalita ulit.


"so payag ka na?"
"na ano?"
"na maghiwalay na tayo..."


nagsigh muna siya nun. matagal siyang hindi nagsalita. napatingin pa siya sa langit nun at sa kung saan saan pa.

"hinde... ayoko..."
"ang lakas rin ng topak mo no? bakit pinapahirapan mo yung sarili mo ah?!"

napalo ko siya nun sa braso niya. ugh, nakakainis ba naman kasi yung hayop na 'to. AMP. masyadong pinapairal ang katangahan :|

"hindi naman ako nahihirapan eh..."
"parang kanina nga gusto mo ng magpakamatay eh tapos ngayon sasabihin mo hindi ka nahihirapan? natatanga ka na naman. lichugas na lalakeng 'to oh!"

napatayo ako nun. Ghaaaaddddddd. hindi ba naman kasi nag-iisip si AJ?!

"alam mo para kitang nanay eh... sa totoo lang, daig mo pa si mama..."

ngumite naman siya nun. ugh, kanina ang lungkot lungkot niya. tapos bigla siyang sisigla. ANG WEIRD. :|

"ang tanga mo naman kasi. gamitin mo nga utak mo, AJ.."
"baket? utak ba ginagamit pag nagmamahal ka? diba puso naman?"

ako na baradoooo. WAAA. hindi papatalo 'to.

"sa ginagawa mo ngayon, kahit puso mo hindi mo ginagamit eh..."
"ginagamit ko no?"
"as if..."
"kaya nga hindi kita iiwan eh dahil sa ngayon, puso na lang ang ginagamit ko"

wala ata sa dictionary ko yung sinabi niyang yun. ARRGGHHHHH. ang hirap intindihin. inirapan ko siya nun. napamewang na nga ako nun eh. WAHUUUYY. mukha tuloy akong mataray. ang otis ba naman kasi ng kausap ko ngayon diba? ang ewan :|

eto yung sinasabi ko sa inyong magulo!

yung tipong sasabihin niya may mahal siyang iba pero ipaparamdam niya sayo na mahal ka rin niya. TSSSSSS :|

ano ba Zerlina? BAWAL MAGASSUME. nakakasakit  :(

"ang gulo mo. bahala ka dyan"

iniwan ko siya nun. Oh Pleaseeeeeee. Ayoko muna siyang kausapin okay?

pumunta ako nun sa may tree house. malayo sa kabihasnan kung nasaan si AJ. naiinis ako sa kanya. hindi ko alam kung bakit. kase naman diba?! dapat kasi nagdidiretsahan na kami pero...

GHAD. muntik ko na rin palang makalimutan na hindi ko pa siya dinederetso na may gusto ako sa kanya :|

Owwwwwwww Mhaaaaaannnn. Nevermind na nga lang. umakyat ako dun sa may tree house. medyo malinis na rin ngayon. yung mga papel sa floor eh nakasort na lang sa isang lalagyanan sa may lamesa sa  gilid. natanaw ko yung gitara at keyboard.

hinawakan ko muna yung keys nung keyboard. pwede naman siguro akong tumugtog diba? pangrefresh lang. baka sakaling makatulong para mawala lahat ng sakit i mean stress ng puso ko.

kinuha ko yung gitara na nasa tabi nung keyboard. hindi naman ako magaling maggitara pero kaya ko rin namang tumugtog. tumingin ako sa compilation ng mga kanta na nakasingit lang sa ilalim nung keyboard.

naghahanap kasi ako ng kanta na medyo swak naman sa mood ko ngayon. ewan ko ba. dahil sa tree house na 'to, napapalapit na ako sa music.

pagdating ko dun sa last two pages nung compilation, nakapili na rin ako ng kanta. pinagaralan ko ng ilang segundo yung chords na gagamitin. tapos inisip ko na rin kung paanong strumming ang gagawin. dameng ritual bago makapagsimula no? HAHAHA.

pagkatapos ng lahat ng yun, sinimulan ko na rin yung kanta.

Ayoko nang malaman pa
kung sino sya at kung saan ka nagpunta
hindi nalang tatanungin
para hindi mo na kailangang umamin

naalala ko si Zinnia. naalala ko si AJ. HAY. iba kasi eh. sila may pag-asa na magkaroon ng sila. kami naman ni AJ eh walang man lang kahit isang porsyentong chansa na magkaroon ng maging kami. sabihin na nating may kami pero namimisunderstood lang naman yun ng mga tao. walang kami. tanging siya at ako lang :(

Ok lang ako..
Ok lang ako...oohhh...

Oo. magpapaka-okay lang ako

lahat ay aking gagawin
pikit matang tatanggapin
mas kayang masaktan paminsan-mnsan
'wag ka lamang mawala ng tuluyan

swak talaga yung lyrics sakin. napapapikit na yung mga mata ko. parang kasing ginawa yung kantang 'to para sakin.

Maniniwala nalang ako
sa lahat ng sasabihin mo
di na kita kukulitin
para di na kailangan pang magsinungaling

feeling ko habang kinakanta ko yung kantang 'to, napupunta ako sa ibang lugar. parang wala ako sa tree house. ito naman talaga ang kailangan ko. na kahit minsan, mapalayo man ako kay AJ.

Ok lang ako..
Ok lang ako...oohhh...

lahat ay aking gagawin
pikit matang tatanggapin
mas kayang masaktan paminsan-mnsan
'wag ka lamang mawala ng tuluyan

`mas kayang masaktan paminsan-minsan, wag ka lang mawala ng tuluyan` . naluluha ako habang kinakanta yung line na yan.

Hindi ko kakayanin mawala ka sa akin
kahit na magmukha akong tanga 
sa mata ng iba

nafeel ko bawat line at bawat word nung kanta. obvious naman yun siguro diba?

Ok lang ako..
Ok lang ako...oohhh...

lahat ay aking gagawin
pikit matang tatanggapin

Kung merong magtanong tungkol sa akin
sabihin mo
ok lang ako, ok lang ako

nung natapos na yung kanta, linapag ko muna sa tabi ko yung gitara. pinunasan ko yung mga luha ko. Ghad, ang cry baby ko naman. ayoko ng ganito eh :|

nag-sigh ako. tiningnan ko yung gitara. okay nga lang ba talaga ako? HAAAAY. 

hindi pa ako natapos magpaka-emo sa tree house, may biglang kumatok sa pader nung tree house.















"Zerli?" si AJ...

No comments:

Post a Comment