Saturday, November 6, 2010

Chapter 12: Daniel :(

Ang gulo na nung gabing yun. Hindi ko alam kung ano ang papansinin ko. nagka-rumble na silang lahat. at ako naman, eh parang super frozen sa isang tabi :|

mamaya naman eh, napansin ko na ang isang pamilyar na kotse na mabilis ang pagtakbo na paparating sa kung ano man ang kinatatayuan namin ngayon. isang kotse na may blue at red na ilaw at syempre hindi mawawala ang maingay na tunog neto. ALAM NA! isang police car. hindi ko alam kung good thing ba yun or bad thing?

Good thing kasi ATLAST, kaya nilang pigilan ang pag-aaway ng apat na kalalakihan na ito.
Bad thing kasi paano kung hulihin sila ni AJ.

narinig ko naman bigla na nagpanic yung kasama ni Nate.

"Shit! may police. takbo na.."

unang kumaripas ng tanong si Nate at yung kasama niyang lalake. pero alam mo dun sa expression ni Nate na parang sinasabi kay AJ na "sige lang.. babalikan kita.."

Nagkatinginan dun si Daniel at AJ. hindi ko alam kung anong sunod na mangyayare. ANO?! sila naman ang mag-aaway ngayon?!

parang hindi rin naman nila pinansin ang isa't-isa. sabay silang lumapit sakin. take note: sabay talaga. both nilang rineach out yung kamay nila sa akin pero sa huli wala akong pinili. ewan ko baaaaaaa :|

"tama na nga yan.. umalis na tayo.. mahuli pa tayo eh.."

tumakbo kami nun at nagtago sa isang maliit na space na pinaggigitnaan ng dalawang pader. nakatingin sakin si Daniel nun. hindi ko maiwasang hindi mailang. feeling ko, nahalata ni AJ yung nararamdan ko kaya bigla niya kong inakbayan.

tumalikod naman samin si Daniel nun. TSSSSS. nakaka-guilty eh :| WAG NAMAN GANITO..

"tol.."

tumingin lang si Daniel kay AJ.
maya-maya naman eh nag-reach out ng kamay si AJ. parang nagyayaya kay Daniel na makipag-shake hands. inexamine muna ni Daniel yung kamay ni AJ. siguro, hindi pa niya maintindihan yung isipan niya kung tatanggapin niya ba ulit yung pagkakaibigan nila o hinde.

napa-iling muna nun si Daniel. tapos biglang ngumite. nung oras na ngumite siya, alam ko na maganda ang kahihinatnan ng mga pangyayare na 'to.

tinanggap ni Daniel sabay sabi ng "ang gay mo p're"

syempre, napangite lang 'tong si AJ. atlast, andun ulit yung Daniel na katulad niya na best friend niya :))

nakatingin lang naman ako sa kanila. wala ng problema pagdating sa kanilang dalawa pero HELLOOO?! andyan pa yung police no?!

"uh-- sorry sa pag-interrupt ah.. pero yung mga police.."

alam kong epal ako! AHAHAHA. pero hello, they don't get the gravity of the situation heeeerreeee !

"tama si Zerli.. hindi titigil yung mga pulis na yan hangga't wala silang nahuhulin miski isa sa atin"
"eh anong gagawin natin?"

napa-buntong hininga sila pareho. onting katahimikan para makapagisip pero HELLOOO?! wala na bang ibibilis yan. HAAH. demanding no?!

"ako na lang magpapahuli... okay?"

nanglaki yung mata namin. ang hirap magsink in sakin yung mga sinabi ni Daniel. magpapahuli siya para samin?! never kong maiisip na isang Daniel ay may sasabihin sa harapan namin ni AJ sa buong talambuhay niya.

"pero Daniel, hindi pwede yun.. dapat lahat tayo makalusot dito.."
"sus.. kaya ko naman sarili ko.. mga pulis lang yan.. kayang-kaya ko sila... andyan naman yung daddy ko e para ayusin lahat.."
"hibang ka talaga nu.. hindi nga pwede yun.."
"AJ naman.. kilala mo ako diba? just trust me.. okay?"

matagal pa bago kami sumagot nun. ayoko kasi ng ganito. mga complicated decisions. tumango na rin kaming dalawa ni AJ. masyado na kaming nauubusan ng oras para magplano.

"good... so basta tumakbo na lang kayo. okay? ako ng bahala sa kanila." tumingin siya sakin then binalin niya yung tingin niya kay AJ. "alagaan mo, AJ, si Zerli ah.." tapos bigla siyang ngumite.

naaninag na namin yung red at blue na ilaw.

"dalian niyo na. takbo."

medyo nagdalawang isip ako nun pero wala na kaming oras. sabay kaming tumakbo ni AJ nun without looking back. pero alam ko nun na lumabas na rin si Daniel. nakita na rin kami ng mga pulis nun. alam nila na may dalawang tao na kumakaripas na ng takbo papalayo sa kanila. ARGH! sana kasi ang mahuli na lang nila eh sila Nate :|

hindi ko rin napigilang tumingin sa likod ko. nakita ko yung silhoutte ni Daniel na pinoposasan ng dalawang mamang pulis. gusto kong sumigaw nun. medyo napatigil na rin kasi ako pero hinigit ako ni AJ papalabas dun sa daan na hinding-hindi ko makakalimutan. sumilong kami nun sa may parang bubong na waiting area sa mga sakayan. umabon na rin kasi nun.

first time kong mag-alala kay Daniel. Promise.

umupo si AJ ng nakatungo dun sa may bench. tagaktak siya ng pawis. gusto ko siyang icomfort syempre. best friend niya yun eh :|

umupo ako sa tabi niya at napa-sigh.

"AJ..."

napahawak siya dun sa buhok niya kaya parang lalong gumulo.

"ang tanga ko.. dapat hindi ko siya iniwan dun.."

hinawakan ko yung kamay ni AJ. nanlalamig nga eh. halatang kinakabahan siya. maya-maya naman eh bigla niyang sinandal yung ulo niya sa balikat ko. nagulat ako nun, kasi diba babae ang nagawa nun sa lalake tapos ngayon parang baligtad ata.

hinayaan ko na lang siya na gawin yun. hindi ko na inisip na isang mag boyfriend/girlfriend act yun. iniisip ko nun isang friendship act yun. For the first time, hindi ko inisip na boyfriend ko siya. inisip ko na kaibigan ko siya. I wanted to be his best friend just once. ayokong ituring niya ako na girlfriend, wala naman siyang feelings sakin pero as best friend, matutuwa na talaga ako :)

matagal siyang nakasandal sakin. hindi ko alam kung paano nagtapos yung gabing yun. hindi rin naman nakapagtext si Daniel sakin o kay AJ sa kung ano mang nangyare sa kanya eh. basta ang natatandaan ko, tahimik akong hinatid nun ni AJ sa bahay namin.

hindi ako nakapag-dinner nun. nawalan kasi ako ng gana eh.

napahiga ako agad dun sa kama. ARGH. nakakastress :|

hindi ko rin namalayan na unti-unti na ring napapikit yung mata ko.

syempre, dumating din ang umaga. nagunat unat ako ng unti at nagayos para pumasok. tiningnan ko yung cell phone ko, walang text man lang galing kay AJ o kay Daniel.

first time ko ding mag-intay ng text galing kay Daniel ah. nagaalala na kasi ako diba? kahit sino naman talaga eh, magaalala sa kanya. ang tapang niya grabe. nagsacrifice talaga siya para sa mga kaibigan niya.

lumipas na din yung weekends nun. then, another week na naman. next week eh, end of classes na namin. which means summer na!

naglakad akong papasok sa school namin. walking distance lang naman diba. pagpasok ko ng gate, (which is tanaw agad yung ATC), nakita ko dun yung crew ni AJ. tumakbo ako papunta dun

wala na si Andy dun kasi pilit niya pa ring linalayuan si Daniel.
si Daniel din naman wala, hala. baka may problema na siya dun :|
wala din naman si AJ. at hindi ko alam kung ano ang idadahilan.

tinanong ko dun sa mga ka-crew niya kung nasaan si AJ. ang sabi naman eh nasa gym daw at nagprapractice lang mag-isa ng basketball. sa totoo lang, kasali siya sa varsity ng basketball (katulad ni Francis) pero minsan lang siya magpractice kasi mas prinaprioritize niya ang pagsasayaw niya. nakita ko nga siya sa may gym.

nakasando lang siya. tapos yung polo niya, nakalagay lang sa may bleacher. pinanood ko muna siya habang naglalaro. napagtanto ko na sobrang galing niya. shooter siya. astig.

bawat 3-point shot at jump shots niya eh pasok. no wonder eh hindi siya tinatanggal sa varsity kahit minsan lang siya magpractice. last year kasi nag MVP pa siya nung nakipaglaban yung basketball team namin sa iba't ibang schools.

pawis na pawis na siya nun at halatang pagod na but he keeps on shooting hanggang tumigil siya nung sa first time na nagshoot siya eh, hindi na pumasok ito.

napatingin siya sa direksyon ng pintuan kung nasaan ako. nagkatinginan kami. hindi ko alam kung lalapit ba ako sa kanya pero sa huli, siya din ang lumapit.

"bakit?"
"uh--wala... hinanap kasi kita dun sa ATC tapos wala ka..."

napatango lang naman siya tapos tumalikod siya sakin then umupo siya dun sa may bleacher habang nagpupunas ng pawis niya. sinundan ko naman siya at tumabi sa kanya.

"uh-- meron ka bang balita kay Daniel??"
"wala pa eh pero baka bukas pumasok din yun.."

napatango ako at nagpatuloy siya sa pagpupunas ng pawis niya. nag-bell na rin yun. si AJ yung kasabay ko na pumunta sa mga classroom namin. wala kasi si Andy. nakapagusap naman kami tungkol sa ibang bagay pero walang sweet things or whatsoever.. hindi naman sa gusto kong maggawa kami ng sweet things pero parang bang.. AY EWAN :| hindi ako sanay sa kanya na maging seryoso sa lahat ng bagay.

normal naman na tumakbo ang school hours. nalaman ko na din yung mga results ko nung exams. ang galing nga eh highest ako sa Chemistry :)) pano ba naman, masyado ko atang nadibdib?! HAHAHA.

dismissal na rin nun, ang bilis talaga ng oras. nakita ko si AJ, gusto ko sana na yayain ko siya. kaso feeling ko wala naman siya sa mood. kaya nagpaalam na lang ako sa kanya na aalis na ako.

mag-isa naman akong naglakad pauwi nun. medyo maaga pa nun. kaya tumambay muna ako sa may playground malapit sa bahay namin. nagswing lang ako. parang nga akong bata eh :)))

habang nagswi-swing ako eh tanaw ko naman yung ring. nasa likod kasi yung court ng clubhouse. tumigil muna ako sa pagswiswing at pumasok sa clubhouse para makapasok dun sa court.

may nakita akong isang pamilyar na mukha na naglalaro ng basketball sa may court.

si Daniel

hindi naman sa weird na makita ko siya dito. medyo malapit lang naman yung bahay nila dito. ang weird sa kanya eh, nakashades pa siya. hindi naman mataas ang sikat ng araw ah?! :)))

"taas ng sikat ng araw ah.. pauso neto.. :))"

tumingin siya sakin tapos bigla siyang ngumite.

"bakit ba? lalo akong nagwapo diba? :))"

umupo siya sa may bench sa harap nung court at ako naman eh tumabi sa kanya.

"bakit pala hindi ka pumasok kanina??"
"uh.. yun ba? nagkaroon lang ng onting problema sa bahay..."

binalin niya yung tingin niya sa sky. nahalata ko tuloy nun yung something na itim malapit sa mata niya na for sure e, tinatago ng shades niya. hinawakan ko yung gilid ng mata niya gamit yung kanang kamay ko. tapos tinanggal ko yung shades niya gamit yung kaliwang kamay ko.

may black eye siya...

"huy Daniel, anong nangyare dyan?! sabihin mo nga... gawa ba ng mga pulis yan?!"

ngumite naman siya. kinuha niya yung shades sakin tapos sinabit niya muna sa damit niya.

"hindi naman pwedeng gawin yun ng mga pulis diba?.."
"sila Nate ba?! sabihin mo nga.."
"sus... duwag yung mga yun.. hindi nga sila makalapit sakin eh.."

hindi ko akalain na ganito ka-cool si Daniel. grabe.

"eh di sino?.."
"si daddy... siya lang naman ang gumagawa ng mga bagay na ganyan.."

hindi ko alam kung bakit biglang tumibok yung puso ko. naaawa ako sa kanya ng ewan :| nabugbog siya ng daddy niya.

"ano namang ginawa mo, ha?"
"wala... nagpabugbog.. nakipag-away naman sa kanya..." nagulat ako sa sinabi niya. kung makapagsalita siya parang wala ng natitirang respeto ang meron siya sa tatay niya "wag ka na magulat... natural na 'to... parang hindi ko nga yun tatay eh"

nakatawa siya nung sinabi niya yun. akala niya joke ang lahat :|

"wag ka ngang magsalita ng ganyan.. okay?"

tiningnan ko yung mata niya. fresh pa nga yung black eye niya. may sugat pa siya sa kanang part ng mukha niya.

"dapat ineexplain mo sa kanya ang lahat... siguro pag nalaman niya kung ano talaga yung ginawa mo kagabi... sure ako na wala na siyang dahilan para magalit sayo.. he would have been so proud of you..."

napangite siya sakin.

"ang bait mo talaga Zerli... no wonder na nainlove sayo si AJ..." pinilit kong ngumite. nakaramdam ako ng guilt nun kasi nagawa ko pang magsinungaling sa kanya tungkol kay AJ. "pero kung magiging proud sakin si daddy? parang asa naman yun eh..."
"bakit naman??"
"gusto niya kasi na maging katulad ko siya... only son lang kasi ako eh... yung ibang kapatid ko mga babae na... eh  ang gusto niya eh more focused sa studies... gusto niya pangbusiness man ang dating... ang gusto niya eh yung pang seryosong bagay..." at that moment, siguro hindi niya nafeel na napapashare na pala siya kaya open naman yung ears at mind ko sa kung ano mang sasabihin niya. "parang bang siya... gusto niya na salihan ko eh mga quiz bees at decathlon instead of joining bboy battles and dance competitions... gusto niya ang section A para sakin instead of section D.. hindi niya kasi talaga ako kilala.. hindi niya alam ang mga gusto kong gawin at mga mahal kong gawin..."

napabuntong hininga siya. siguro alam niya na napashare nga siya ng husto pero nagpatuloy pa din siya

"akala niya gusto ko lang ang magsayaw... hindi niya kasi alam mahal ko na ang pagsasayaw... kapag wala yun, hindi ko sure kung kaya kong mabuhay... as if dancing was a part of me... yun ang hindi niya maintindihan..."
"sobrang galing mong magsayaw... hindi niya pwedeng baliwalain lang yun.. dapat maging proud siya kasi may anak siya na katulad mo... super talented diba..."
"ano ka ba... hindi pa nga niya ako nakikitang magsayaw..."

natahimik ako nun. ang saklap niya. meron siyang parents na hindi siya sinosuportahan sa isang bagay na gusto niya talagang gawin :|

"'pero hindi ko sila kailangan... andyan naman mga kaibigan ko eh.. andyan si AJ... andyan ang bounce back crew... andyan ka..."

kinilabutan ako pero ngumite na lang ako. tumingin ako sa cellphone ko. 6 pm na din pala. kailangan ko ng umuwi.

"uh--sige  Daniel.. uwi na ako ha? thank you ha? gusto mo bang sabay na tayo?"
"hindi na.." nakangiti siya nung sinabi niya yun "dito na lang muna ako.. ingat ha?"
"sige bye.."

kinuha ko na yung bag ko then i started walking. bago ako nakalayo...

"Zerli.." tumingin ako sa kanya.. "may favor lang ako.."
"ano yun?"

huminga muna siya ng malalim.


























"...payagan mo na lang ako na mahalin ka... kahit hindi mo na ako mahalin pabalik... okay lang.."

No comments:

Post a Comment