Saturday, November 6, 2010

Chapter 13: happy.love.love

speechless ako sa kanya nun. hindi ko alam kung ano talaga yung definite na naramdaman ko nung sinabi niya yun. sure ako na hindi yun love or whatsoever. pero sa sinabi niya, humanga ako sa kanya. mula nung isacrifice niya yung sarili niya at nung nalaman ko ang deeper side of him, humanga ako sa determination niya.

nginitian ko lang siya nun. hindi ko kasi talaga alam yung gagawin ko. siguro, alam naman niya kung ano ang limitasyon niya pagdating sa bagay na ganito. alam naman niyang boyfriend ko si AJ diba. sana maintindihan niya na hindi ko naman talaga kayang gustuhin siya :|

tinanguan ko siya nun at tumalikod sa kanya. wala akong naramdaman na kilig or whatsoever pero alam ko ang pakiramdam ni Daniel. Pain :| ayokong itatak sa isipan ko na AKO ang dahilan ng nararamdaman niya ngayon.

ayun, as usual, natulog na din ako.

nagpatuloy pa din yung buhay ko syempre. lumipas din ang isang linggo. wala namang bago. recap ulet natin. HAHA

una, kay Francis, ayun so near yet so far :)) pero kung tutuusin, he's not that near pa nga so dobleng far AMP :)) tuloy pa din pakikipaglandian niya kay Jeanna. ARGH! AKALA KO BA AKO NA?! AMP. mangloloko din ano?! siguro tama nga talaga si AJ nung sinabi niya na wag munang ma-fall agad kay Francis kasi sa huli for sure, sasaktan niya lang ako :|

pangalawa kay Daniel, ayun syempre friends pa rin kami. hindi pa rin sila nagpapansinan ng best friend kong si Andy. nagpaparamdam naman si Daniel pero hindi siya aggresive. hindi naman talaga tulad ng dati! nagkaaway pa sila ni AJ dahil sakin. pero glad to say na okay na kami ngayon :D

pangatlo kay Andy, ayun Best Friends foreverrrr!! HAHAHA :)) botong boto na siya sa akin para kay AJ. inamin niya nga nung una na hindi siya naniniwala na kami na ng kuya niya (which is the truth naman!) kaso ngayon paniwalang-paniwala na siya. kailan ko kaya sasabihin sa kanya ang katotohanan?

sumunod naman kay Nate. ewan ko ba kung bakit ko sinama dito yung panget na yun. ang lande kase eh. nagmemessage siya sa akin sa Facebook. ARGH?! seriously, close ba kame?! nakwento ko yun kay AJ pero sabi niya na wag ko na lang siya pansinin. sa totoo lang, nagsumbong ako kay AJ kasi akala ko magagalit siya o magseselos pero parang wala lang sa kanya :| bahala na. kalokohan lang naman ang lahat eh.

para sa Bounce Back crew naman, ayun ATLAST, proud to say, kaclose ko na lahat ng members ng crew na yun :)) at masayang makisama sa kanila. puspusan na rin yung pagprapractice nila para dun sa next bboy battle nila. nahabol na din kasi yung Urban Dancers pagdating sa rank eh pero syempre nangunguna pa rin ang aking beloved crew :D

at syempre, yung huli. si Aron Jie :)) Hmm, ayun. EWAN KO SA KANYA. HINDI KO SIYA MAINTINDIHAN. CAPS LOCK TO KASI ARGHHH!! ayaw niya akong diretsuhin. lagi ko na lang siya iniisip. tinago ko yung letter ko para sa kanya sa ilalim ng cabinet ko. feeling ko kasi yun yung dahilan kung bakit ko siya iniisip :)) CHAR. pero kahit tinago ko na yung letter, INIISIP KO PA RIN SIYA KAYA NAKAKAINIS NAMAN TALAGAAAAAAAA!

ayun tapos ang RECAP :)) March 24 ngayon. Next week, SUMMER NAAA. WOOOO.

pero feeling ko hindi yun ang dapat iniisip ko ngayon. may something eh. parang may something akong nakakalimutan. besides sa Saturday ngayon at deadline na ng project namin sa TLE, sure ako na may dapat pa akong iniisp ngayon. Oo, tama nga. napilitan kong pumasok ng Saturday para sa pesteng project na yun.

Halos kayudin ko na yung utak ko kakaisip. kakapasok ko lang sa gate nun at natanaw ko ang ATC. walang tao. dumiretso muna ako sa faculty room para ipasa yung project ko. pero hindi ko maiwasan na mafeel na parang meron akong nakakalimutan.

Pumunta ulit ako ng ATC kasi parang feeling ko, dito ko malalaman yung bagay na parang nakakalimutan ko.

umupo muna ako sa isang bench dun hanggang magulat na lang ako ng may isang sticky note na nakadikit dun sa pader na sinandalan ko. tiningnan ko naman kung ano yung nakasulat.

Zerli,

huy punta kang dance room

, A 

Alam ko na si AJ yung nagsulat kahit na `A` lang yung nakalagay dun :)) DUH. OBVIOUS :)) HAHAHAHA.

nag-ayos naman muna ako bago tumayo sa kinauupuan ko.

nasa 2nd floor yung dance room. aba, pinahirapan pa talaga akong umakyat sa hagdan eh :)) HAHA

umakyat naman ako sa stairs nun. on the way ko eh, nakikita ko dun sa pader yung mga words na...


ZERLI :)


SI AJ 'TO


GUSTO LANG KITANG BATIIN...


sure ako na eto na yung bagay na kanina ko pa nakakalimutan.


HAPPY


MONTHSARY


PANGET...


Hahahaha. Natawa ako nun. hinawakan ko yung construction paper na may nakasulat na panget. loko-loko talaga yung AJ na yun. GRABEEE. pwede ba akong kiligin?! AMP naman HAHAHAHA

nasa second floor na ako nun at natanaw ko yung Dance room na bukas. eto yung room na medyo wooden at sobrang kinis yung floor tapos puro salamin yung nasa paligid mo :D dun sa pader malapit sa pintuan ng Dance room may nakita akong..



I


then dun sa pintuan eh may nakita akong word na..



LOVE


binuksan ko agad yung pintuan ng parang may isang libong flashlight na nagilaw sakin. TOO MUCH SPOTLIGHT AH?! HAHAHA

medyo nawala na yung mga ilaw na yun, hindi ko alam kung saan galing yung ilaw na yun. ANG LABO NGA EH :))) hindi na rin ako nahirapan na dumilat. Paano ka ba naman hindi makakakurap pag eto na ang nakikita mo.

pagbukas ng pinto, nakita ko na agad yung isang napakalaking papel na nakadikit sa telang itim na sure ako eh pinagdikit dikit na apat na cartolina at may nakasulat na napakalaking



YOU..


tapos andun pa si AJ na nakatingin at nakangite sayo. kulang na lang eh may ibibigay siyang roses o chocolates sayo. kinikilig ako pero syokong ipahalata.

"sorry... puro papel lang ata ang maibibigay ko sa monthsary natin...wala pang budget sa chocolates at roses eh..."

nginitian ko naman siya

"uh... wala akong masabi..."
"pero don't worry... iba naman akong bumati ng happy monthsary..."

nagsmirk muna siya. tapos medyo ginulo yung buhok niya. ewan ko ba sa lalakeng 'to?! bakit sobrang HOT at GWAPO niya kapag magulo ang buhok niya?! HAHAHA

nagsimula namang may tumugtog. alam kong dati pa yung kantang yun. kaya nga parang unti lang sa panahon natin ngayon ang nakakaalam. yung love to love.  intro pa lang, maganda na. alam ko na sasayaw siya pero DUH. mag-isa lang siya.

Click to Listen to Love II Love :)

nung natapos na yung intro ng kanta, nagulat na lang ako ng buong Bounce Back Crew ay biglang lumabas galing dun sa likod nung itim na tela. napangite ako dun. hindi ko akalain na plinano niya pala talaga ang lahat.

nagsayaw yung crew ni AJ na parang inaalay talaga nila sakin yung pagsasayaw nila. bawat galaw nila, eh sobrang ineenjoy nila. parang pagsasayaw na nga yung buhay nila.

nakatingin sakin si AJ. kumindat pa nga siya nun HAHAHA. ang kulet nga eh. alam ko na kalokohan lang talaga ang nais niyang sabihin sakin pero pinaparamdam niya na parang napakaseryoso niya.

tumingin ako kay Daniel na parang daig pa si AJ sa pagsabi sakin ng `Happy Monthsary` gamit ang kanyang tingin HAHAHA :))

Nakita ko naman si Andy sa may gilid. siya yung nagpatugtog nung CD. kasama pala siya. WOOOWWWW :))) Planado nga pati best friend ko eh :DD

Ang saya nilang panuorin. pilit kong pinipigilang kiligin HAHAHA. baka makahalata si AJ at mabuking pa ako.

Tinapos nila yung sayaw ng bigla nilang tanggalin yung papel na may nakasulat na YOU at natitira na lang yung itim na tela na may malaking tarpaulin tapos may picture ni AJ na may hawak na papel na nakasulat ay

`I LOVE YOU ZERLI. HAPPY MONTHSARY`

lumapit ako kay AJ bigla tapos bigla ko siya yinakap. yinakap ko siya ng sobrang higpit. tapos binitawan ko din at tumingin sa kanya. linagay ko yung kamay ko sa bulsa ng pantalon ko.

"oh iwan niyo muna yung lovers dyan! Bounce back crew... labas muna..."

inasar muna kami nung buong crew bago sila lumabas ng dance crew. sila talaga, hindi pa nakukuntento hangga't walang asar :)) napatawa lang naman ako nun. nung kaming dalawa na lang ni AJ, tumingin muna ako sa kanya.

"ang bongga ah... walang roses... walang chocolates pero tarpaulin meron :))"
"gusto ko kasi unique eh... bakit? bibigyan ka ba ng ex mo ng tarpaulin kapag monthsary niyo? :))"

alam kong joke lang yun pero bigla kong naalala si Francis. nung monthsary kasi namin, wala siyang binigay sakin :(

"ay sorry... i mean to say is... wala lang Happy Monthsary... kaya pala nating magtagal ng isang buwan ng pagpapanggap..."

napangite naman ako sa kanya bigla.

"oo nga eh... ang sweet mo ah... astig... kung ganito lang si Francis noon... hinding hindi ko siya papakawalan... forever ko siyang iintindihin..."
"ganun ba?? .. wag mo nga akong itulad dun... wala ako sa level nun.."
"ang yabang.."

hinampas ko siya pero nakaiwas :)) HAHAHA. alam na alam na gagawin ko eh.

"astig... kelan mo pa naplano 'to?"
"nung during exams pa... kaya nga hindi mo ako nakikita eh..."

naalala ko nun lahat :)) bigla akong napangite. hindi ko akalain na ganun na katagal yung pagplaplano niya. hindi ko akalain na iniisip niya yung bagay na gagawin niya kapag monthsary namin. tapos ako, nakalimutan ko :| ang lame ko namang girlfriend.  siguro, eto yung gusto sakin iparating ni Francis noon. siguro nga ako talaga yung may kasalanan kung bakit inayawan ako ni Francis. AMP.

naalala ko din nung araw na yun nung tinanong ko si Andy kung asan si AJ eh sabi niya wala siyang balita?! ang shunga ko. hindi ko agad naisip na dapat updated si Andy kasi kuya niya yun eh :))))) asa pang hindi diba?! Yun pala, eh kasama talaga siya.

nagtataka naman ako kung bakit si Daniel nagsayaw eh diba nung mga panahon na yun magkaaway sila? pero malay mo biglang nakisali nung nagkabati na sila :))) wala na rin siyang black eye eh HAHAHA.

"okay ba 1st monthsary naten?"
"ayus solve!"

napangiti ako nun :D as in ngite. abot langit HAHA :))

"eh ako? wala man lang ba akong makukuha galing sa `girlfriend` ko??"

inemphasize pa niya yung word na GIRLFRIEND HAHAHa. which is inemphasized ko din. HAHAHA. nakakatuwa siya eh :))

"HAHAHAHA. wala kasi akong papel ngayon o di kaya tarpaulin tulad niyan o kung ano man eh :)))"
"kahit hindi naman yun eh..."

ngumite muna siya. hay nako, alam kong may gusto 'to eh :))) HAHAHAHA.

"eh ano??"
"ano bang dapat mangyare para magawa ng halikan nung isang babae dyan yung kaharap niyang lalake ngayon??"

akala ko seryoso. HAHAHA pero inisip ko na NEVER kong iisipin na seryoso ang bawat bagay na manggagaling sa bunganga niya kasi diba hindi naman realidad itey :)) kalokohan lang 'to :|

"uhh--um.."

ganda ng sagot ko nu HAHAHA. alien talk daw eh :))

"tss... okay lang yun... sige next time na lang..."

tumayo na siya nun tapos inayus yung suot niyang jacket. aalis na sana siya nun ng bigla akong tumayo tapos humarap sa kanya. hindi ko maintindihan yung emotion ko nun. AMP. parang akong napapasubo na ewan.

sinarado ko yung fist ko tapos nagtip-toe ako. ang tangkad kasi ni AJ eh :))

pinikit ko unti-unti yung mata ko. intention ko na nun na ikiss siya sa lips kaso nga lang biglang may umepal. na isang dahilan kaya napatigil kaming dalawa :| DAPAT KASI GINAWA KO NA KANINA!!ARGH!!

"huy dalian niyo na... may paparating na teacher...!!"






























ANDY?!!!!!!!!!!!!!

No comments:

Post a Comment