so yun magkatabi na kaming nakaupo dun sa mahabang upuan ng kiosk. may halos isang ruler na pagitan yung pagkakaupo namin. Oh kami na may space. kinalikot ko lang naman yung mga kuko ko. wala akong magawa. hindi ko nga alam kung bakit ayaw pa naming umalis dito sa kiosk. eh hindi naman na naulan. tapos pasikat na rin yung araw nun. Ako na talaga walang tulog. Dahil kay AJ yun .ang laki ng atraso sakin ni AJ. Promise.
Nakatitig siya dun sa direction kung saan nasikat ang araw. so ako naman, eh nakitingin na din. ang ganda. parang ako lang. Choss.Ang astig gumawa ni God ng mga scenery no? Nakakakilig lang. HAHA. diba parang ang sweet kapag kasama mo yung kasintahan mo habang nanunuod ng sunrise. tapos sasandal ka dun sa balikat nung lalake. tapos hahawakan nung lalake yung kamay mo. tapos ieenjoy niyo yung magandang view. titingnan niyo yung mga kamay niya na naka-intertwine sa isa't-isa. isang pangitain na kayo talaga forever.
napatingin ako sa kamay ni AJ na nakalapag dun sa space ng pagkakaupo namin. gusto kong hawakan yung kamay niya. TSSSS.
"ayos na ba pakiramdam mo?"
"oo, hindi mo ako iniwan eh"
ngumite siya nun. TSS. jinojoketime lang naman kasi niya ako eh. hay nako. mukha naman talaga siyang hindi okay. halata naman sa mata niya eh.
"loko ka... sige nga, anong okay dyan?"
"lahat okay dyan syempre..." ngumingite siya. Ow shet. katunaw HAHAHA
"sus. san banda?"
"sa bandang puso"
"madami kasing laman yan..." tinawanan ko siya. DUH. ang ChickBoy kaya HAHAHA
"sus. ikaw lang naman ang laman nito..."
"sus. joketime 'to..."
"pag sinabi ko bang hindi joketime 'to maniniwala ka?"
"pwede naman... pero..."
"hindi joketime"
ngumite naman ako na parang sinasabi ko `duh. halatang joketime`. tapos inirapan ko siya na parang sinasabi na `wag kang ganyan. ang pogi mo. kinikilig ako`. tumingin ako sa ibang direksyon tapos napakagat sa labi ko. gusto kong sumigaw. NAKAKAKILIG KAYA HAHAHA. kahit gaganon-ganon lang yun, WOOOOOO. Party na tayoooo. Masaya na ako ng ganito. Chinacharot ko na naman sarili ko :|
sumikat na talaga nun yung araw. New Day na naman oh. babanatan ko pa sana si AJ nun ng pambara ng biglang may nag-caught ng attention naming dalawa.
"Kuya! Zerli!"
"huy Andy..."
"grabe, nag-alala talaga kaming lahat sa inyo! ang lakas pa man din ng ulan kagabe..."
"oo nga eh. umuwi na tayo agad. masama ang pakiramdam ng kuya mo..."
so ayun, nung nasa bahay na kami. yinakap ako ni tita. sobra syang nag-alala samin ni AJ. wow no? parang napaka-special ko sa pamilya nila. kaso nga lang, hindi naman talaga ako yung mahal ng anak nila :|
Erase. erase. erase.
Drama much. ayoko na nga ng ganito. naligo naman ako nun. siguro, hindi ko na dapat iexplain yun dito diba? HAHA. pero nagamit ko yung time ng paliligo ko sa pag-iisip tungkol dun sa mga bagay na sinabi ni AJ.
Ang labo niya talaga. nakakainis. ipaparamdam niya sayo na special ka sa kanya but in fact, may gusto siyang iba. TSSS. nakakasakit talaga siya ng ulo.
30 minutes akong naligo. inorasan pa talaga no? HAHA. pumunta ako sa kwarto ko. andun naman si Andy na nakahiga tapos nagbabasa siya ng The Lost Hero ni Rick Riordan. Basahin niyo yan. Astig, Sequel ng Percy Jackson. HAHAHA. nag-advertise na lang no? WOOO. sana bayaran ako ni Rick Riordan.
minamassage ko nun yung buhok ko nun ng biglang tinabi muna ni Andy yung libro tapos umupo siya sa kama. chichikahin na naman ako neto. HAHAHA.
"now, spill. anong nangyare sa inyo ni kuya?" sabi na eh HAHAHA
No comments:
Post a Comment