Friday, December 3, 2010

Chapter 45: The Champions

Nanginginig siya habang kinukuha niya sakin yung panyo na may mga punit na papel. Pero kahit na ganun, tinanggap pa rin niya. Sana naman hindi na siya maging bitter katulad ko noon. Alam ko ang napagdadaanan ng isang taong sawi sa pag-ibig. Ang Lalim at ang Korni. Minsan lang naman. Pagbigyan niyo na.

Nginitian ko siya ng kinuha niya yung panyo pero siya, siguro wala siyang ganang ngumite pa. Bahala na. Masakit pero diba dapat tanggapin? Ganito rin naman yung nangyare sakin nun.

Nag-ring na yung bell nun. Mabilis palang natapos yung meeting ng mga teachers. Bago ako umalis, nagawa kong bigyan muna ng isang munting pahayag si Francis.

"Sige, salamat na lang sa lahat pero sana maging magkaibigan na lang tayo."


Hindi din naman matatapos 'to ng isang munting pahayag lamang. Yinakap ko din siya as a sign of friendship. Wala na yung halong malisya. Sawang-sawa na din ako sa mga love stories na kapag nakita ni bidang boy si bidang girl na may kayakap na ibang babae, eh ito na yung katapusan ng pagmamahalan nila. Pwes dito, walang mangyayareng ganun. Kung bakit ko 'to nasabi, wala lang. Hindi ko kasi kayang iexplain kung ano yung nararamdaman ko nung niyakap ko si Francis. Parang... Parang Wala kasi akong naramdaman.

"Sige... mahuli ka pa sa klase mo..."

Nginitian ko ulit siya tapos nagba-bye ako sa kanya then lumabas ako ng gym. Ineexpect ko nun na makikita ko si AJ sa labas nung gym pero wala siya dun. Siguro, bumalik na siya sa classroom namin. Hindi na rin ako nag-hesitate na bumalik sa classroom namin. Nakakatakot malate. Lalo na at Math Teacher ang magiging katapat ko.

Pagpasok ko sa classroom, wala dun si AJ pero andun si Andy. Wala akong oras na magtanong kay Andy kung nasan yung kuya niya dahil biglang pumasok yung terror naming Math Teacher. Napatingin ulit ako sa upuan niya. Napapangite ako. Ewan ko ba.

Mahal niya ba ako? Kasi ako, mahal na mahal ko siya. Pero hindi na muna ako papasiguro, hindi naman kasi ibig sabihin na pag hinalikan ka ng tao eh mahal ka na rin. Hihintayin ko na lang na siya mismo ang magsabi ng tatlong words na yun na dati ko pa gustong marinig.

Pinagawa kami nun ng dalawang seatwork kaya medyo nawala sa isip ko kung saan kaya magpupunta si AJ sa panahon ngayon. Nung lunch, triny ko na hanapin siya pero sa buong campus namin eh, tipong nag-disappearing act na 'tong si AJ my labs. Ano yun? Tinakasan ako? Wag naman.

Muli naman ay tinahak ko ang landas ng kaboringan. For short, pag-aaral. HAHA. Siguro, lahat kayo nakakarelate sakin which is good. HAHA.

Dumating na din yung dismissal pero hindi naman talaga yun ang hinihintay ko ngayon. Tanging pagdating lang ni AJ ang hinihintay ko. Inayos ko naman agad yung gamit ko. Pagtapos nun, napansin ko agad na nawala na rin si Andy. Ang weird. Feeling ko palagi na lang akong may nakakalimutan.

Sinuot ko na yung backpack ko. Palabas na ako ng classroom nun ng sulyapan ko muna yung upuan ni AJ. Merong isang bagay na dapat akong puntahan. Na sana kanina ko pa naisip.

Masyado na rin kasing marameng nangyare. Muntik ko pang makalimutan. Mamaya na pala yung 2nd match ng Bboy Championship nila. Kapag nanalo sila dito, swak na. Sila na ang champion. 

Biglang bumilis yung pagtibok ng puso ko sa di nalalamanbg dahilan. Siguro sa excitement. Pero paano naman ako makakanuod kung hindi ko alam kung saan yung mismong match. Epic Fail.

Napagpasyahan ko nun na tumuloy na lang na lumabas ng school namin. Malay mo matanaw ko na lang na may dalawang crew na nagsasagupaan dun. Pababa na ako nun ng 1st floor ng bigla kong makita si Francis. Pawis na pawis siya tapos iba yung tingin niya sakin.

"Teka lang..."

Hindi ko maintindihan kung para saan yung `teka lang` na yun. Pinipigilan niya ba ako na puntahan si AJ? Pinipigilan niya ba ang kung ano mang pwedeng mangyare samin ni AJ? Nagiging bitter na ba siya kaagad? Lalo akong kinabahan. Paano kung malate ako dun sa sayaw ni AJ. Medyo dumidilim na rin nun dahil natatanaw ko na ang paglubog ng araw dun sa bintana malapit sa may hagdanan.

"Sorry pero nagmamadali ako..."

Lalampasan ko na sana siya nun ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

"Pinapasabi ni Andy na pumunta ka sa bay walk ng MOA kung sigurado ka na bay kay AJ..."
"HA?"

Nagulat ako sa sinabi ni Francis. Tinutulungan niya ako. Tinutulungan niya si AJ. Tinutulungan niya kami na maging ` kami`. Unbelievable.

"Narinig mo diba? Lika na. Sumabay ka na sakin..."

Hinawakan niya yung kamay ko. Nagulat nga ako na nagma-may ari na rin pala ngayon ng motor si Francis. Siguro, ngayon niya lang gagamitin. Pinan-angkas niya ako dun sa motor niya. Speechless ako. Gusto kong pasalamatan nun si Francis pero parang walang tamang words na nalabas sa bibig ko. 15 minutes lang ang naging byahe namin. Masyado ring naging mabilis ang pagpapatakbo ng motor eh. 

Nag-stop kami dun sa harap ng isang stage na may nakapalibot na maraming tao. Naging memorable rin sakin yung place na 'to. Dahil dito, first time kong natunghayan yung Unexpected Fireworks kasama si AJ.

Nakita ko bigla si Andy na papatakbong lumalapit samin ni Francis.

"Medyo natagalan kayo dun ah! Malapit ng mag-start"
"Bakit mo ba naman kasi ako iniwan!? Pwede mo naman akong hintayin diba?"
"Utos lang 'to ni kuya, okay? Gusto niya na si Francis ang pumick-up sayo sa school papunta dito..."

Nagulat ako nun. Hindi sa kadahilanan na si AJ ang may pakana neto pero sa kadahilanang pumayag si Francis sa gusto ni AJ.

"Pumayag ka?" Nakatingin ako nun kay Francis.
"Oo... kasi yun ang alam kong tama..."

Tapos ngumite siya. First time. Totoong ngite. 

"Dalian mo na. Panuorin mo na si AJ..."

Tumango ako sa kanya. Tumakbo ako at nakipagsiksikan sa mga tao, makapunta lang dun sa VIP seats sa tabi nung stage. Hindi ko nun kasama si Francis at Andy kaya baka naiwan na sila dun. Pero bahala na, hinanap ko agad si AJ. 

Dahil matalas ang paningin ko pagdating sa gwapo (HAHAHA), nakita ko siya sa gilid nung stage. Nagdadasal ata siya nun kaya hindi ko muna pinili na lapitan siya. Nakatitig lang ako sa kanya habang naghahanap ako ng pwedeng maupuan. Hindi ko nga alam kung paano ko nagawa 'yun eh.

Umupo na din ako nun. Sakto nun ang pagtingin niya sakin. Parang nag-glow yung mga mata niya tapos ngumite siya. Kitang-kita ko pa yung mga magaganda niyang ngipin. Parang model lang ng close-up eh. HAHAHA. Nag-thumbs up ako sa kanya. As response niya, nag-thumbs up din siya sakin. 

Then bigla ng dumating yung Jejemon na parang referee at hanggang ngayon, yun pa din ang tawag ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Ang lakas kasi ng music. Basta ang alam ko labanan ito ng Urban Dancer na pinamumunuan ni Nate at ng Bounce Back Crew na pinamumunuan ni AJ.

Nag-change yung music sa isang beat na hindi ko alam ang title. Sigurado ako na minix-up lang 'to nung DJ na nakikita ko na nakatayo sa isang elevated part nung stage. Naka-jejecap pa. HAHAHAHA. 

Naghiyawan yung mga tao nun. Sobrang nakakarindi. Ang Wild kasi. Tumabi na rin sakin nun si Andy. Nakaupo naman sa isang side si Francis. Kagulat nga eh. Hindi naman siya mahilig sa ganito. Parang ako lang nung first time kong makanuod ng isang Bboy battle.

Nagkakaasaran pa at naglalabas muna ng angas yung dalawang grupo. Yun pa lang, eh parang ang intense na. Grabe no? Then, unang nagpasikat yung Urban Dancers. Ang astig. Akala mo simpleng mag-haharlem lang siya sa una pero bubulagin ka niya gamit ang pagpapaikot-ikot ng katawan niya. Sobrang hirap iexplain. Grabe. HAHAHA. Siguro, nagmumukha ng tanga ang mga naiimagine niyo dahil sa mga sinasabi kong kakaibang paglalarawan. Napansin ko na ang lalim ng tagalog ko ngayon. HAHAHA.

May pahiga-higa pang effect yung kalaban niya. Ang tagal nga niyang nagsayaw eh. Mukhang hindi mauubusan ng mga moves na pwedeng ilabas. Pagtapos niya, syempre hindi papatalo si Daniel nun. Nakita kong humiyaw nun si Andy. ALAM NA! :))

Parang parehas lang nung sinayaw ni Daniel yung sayaw nung nauna. Kumbaga, tinapatan niya lang pero kahit na ganun. Mas nagmukhang mahirap at complicated gawin yung sinayaw ni Daniel. Tsaka mas marami siyang stunts na nalalaman. may mga paikot-ikot, pagulong-gulong at pakaladkad effect pa siya. Ang hirap talaga mag-explain. Promise. HAHA. 

Pagtapos niyang magsayaw, parang nagcollide pa yung dalawang grupo dahil nag-aasaran na naman sila.

Medyo napa-atras sa kampo nila yung Bounce Back Crew ng biglang umentrada si Nate sa gitna nung stage habang nag-baback dive siya. Triny kong bilangin yung back dives na yun. Kung hindi ako nagkakamali 15 back dives yun kaya napa-whoa naman talaga ang lahat ng tao.

Mas humigpit yung labanan kasi nagsayaw pa ng isang complicated step si Nate nun. Nakakamangha. Magaling nga talaga siyang tunay. Pero hindi papatlo yung isang kasamahan ni AJ. Nagsayaw siya at nagpakita ng bboy moves niya kahit na obvious naman na hindi niya matatapatan yung moves na ginawa ni Nate. Kaya naman ang mga supporters ng Urban Dancers eh over kung mag-cheer. HALA NAMAN. Mukhang nangangamote na ah. Wag Naman.

Nagpatuloy yung pagbabattle nila. Nabuhayan ng loob nun yung Bounce Back Crew ng magsayaw sila ng isang group dance. Dito sila expert eh. Yung tipong akala mo prinactice nila yun pero last minute lang nila talagang naisip yung routine na yun. Freestyle dance kasi 'to, so malamang wala naman talagang crew na prepared pero ang BBC, mistulang prepared na preapred. Ang galing diba?

Ang tagal nung laban. Hindi tulad nung mga nakaraang battles nila na una palang na sayaw, eh alam mo na kung sino ang panalo. 

Dito, parang tabla lang. At First time in history kong makasaksi ng isang Bboy battle na walang crew na umatras. Kumbaga, pag sa boxing walang na-knock out kaya bahala na ang judges na mag-pronounce ng panalo. Natapos na din yung sayaw nun. Hapong-hapo yung mga dancers. Madali lang naman yung deliberation. Tinawag ni Jejereferee yung dalawang crew. Hawak niya yung kamay ni AJ sa right side niya at hawak niya sa left side niya yung kamay ni Nate.

Tumahimik lahat ng tao. Handa ang lahat na makinig sa kung sino mang bagong champion sa taon ngayon.

"Its been a great night folks! But only one crew, I repeat only ONE crew will have the title as the BBOY battle champion for 2010... and it is..."

*DRUM ROLL*

parang walang katapusan yung drum roll na yun. pero lahat na man may katapusan. Tulad ng kwento na 'to na sobrang lapit ng matapos. 



















"The Bounce Back Crew!!" 

1 comment:

  1. WOW!WOW!WOW!hi...nabsa ko na lhat ng kwento mo,and it is truly amzing..kinikilig ako,minsan napapaiyak bsat naaapektuhan tlga ako..hehehe great job!!keep it up..as in sobrang ganda at kilig and everything...God bless...

    ReplyDelete