Saturday, October 23, 2010

Chapter 7: Day 3 Close to him :)

umaga na naman. aabangan ko na naman ang mga kaotisan na mangyayare ngayong araw. ano naman kaya ang bago ngayon? :)) 3 days na rin pala kaming nagpapanggap ni AJ nu. pero feeling ko 3 buwan na yun. masaya kasi eh. ganito pala na siya ang maging boyfriend. Everyday Happy :)))

Tiningnan ko ulit yung cell phone ko. may nakita akong text ni Daniel. AW, Flirt :)) pero syempre nung nakita ko ang pangalan ni AJ panget, aba YIPEEE :))) ang saya saya :))

From: AJ panget :p
ui


ayy, yun lang yun? badtrip :)) akala ko naman may i love you :)) ise-save ko na sana sa saved messages ko HAHAHAHA.  pero okay lang. ang sweet kaya ng `ui`. it brings u and i  together :)) Shet. Corny :))) pero joke lang yun. asa naman.

hindi na ako nakapagreply. wala akong load eh. HAHAHA

pumasok na din ako. ayun as usual andun silang lahat sa ATC. belong na belong na talaga ako dito eh. nakikipag-apir pa sakin yung mga kacrew niya. eto namang si Daniel, ayun ngite pa din ang loko. si Andy naman ng wave lang sakin. tinabihan ko ulit si AJ. hindi niya ako tinitingnan. Nagsigh ako. siguro meron pa rin 'tong koneksyon sa nangyare kahapon. wew. bakit kasi ginagawa niyang big deal yun diba?

tinabig ko ng tuhod ko yung tuhod niya. syempre, papansin lang. at last, tumingin na rin siya sakin. shet, biglang tumibok ng mabilis yung puso ko. grabe. ang gwapo. HAHAHA :))

"bakit?"

ang cold niya. halata naman. hindi na kailangang itago. napatungo na lang ako. hindi ko na siya pinansin. siguro, ako naman kasi may kasalanan diba? nagseselos nga ba siya? o siguro gusto niya lang ng respeto kasi diba siya na yung BF ko ngayon. well, kahit hindi naman totoo. tama din yung reaction niya ngayon, to make it more realistic diba? umiling na lang ako sa kanya. hindi ko talaga alam yung sasabihin ko pagdating sa mga ganyang bagay eh. hindi naman na ulit siya nagsalita. kumuha siya ng papel tapos may sinulat siya dun. hindi ko alam kung ano. hindi na rin ako gumawa ng paraan na mabasa yun. 

nag-ring na din yung bell. grabe, parang ilang minuto pa lang bago ko narinig na magsalita si AJ tapos ngayon, miss na miss ko na agad yung boses at tawa niya. ARGHH. ganon na ba talaga siya kaspecial? o special nga lang ba talaga siya? 

tumayo na ako nun at yinaya si Andy na pumunta na kami sa classroom namin. tumayo din si AJ nun. lumapit siya sakin. akala ko yayakapin niya ako nun (feeler alert!) pero pasimple niya lang palang linagay yung papel na pinagsulatan niya kanina sa kanang kamay ko. wala sigurong nakapansin. siguro, super top secret neto.

humiwalay siya agad ng walang word na sinabi sakin. nauna na siyang pumunta sa klase niya. okaaay, masasabi mo agad na bad mood siya. tiningnan ko si Andy na super saya pa din dahil andyan si Daniel. buti pa siya :(

tahimik kaming naglakad papunta ng classroom. ewan ko ba. nagkandagulo gulo na yung mga iniisip ko. parang nung una, whoa, puro ako Francis tapos naging Francis at AJ tapos biglang AJ na. ARGHH!! siguro nasiyahan lang akong kasama siya? hanggang dun na lang naman eh :|

"magkaaway ba kayo ni kuya??"
"huh-- uh... ewan ko..."

napatungo ako nun. naalala ko hindi ko pa pala nabubuksan yung papel. siguro, mamaya na lang. ayaw ko na pagusapan 'to. haaaay :(

"maaayos din yan... kayo pa.."

pumasok na ako dun sa classroom. tahimik na tinahak ang mga nakakadugong subjects. nung English time namin, tiningnan ko yung papel. 

ATC
6pm
sharp

yan lang yung nakasulat dun sa papel. eto na ba yung kanina pang umaga na iniisip ko. napangite ako nun. ewan ko kung bakit. siguro, magiging okay na kami. infairness kina-carreer ko na yung pagiging girlfriend ko sa kanya :))) okay lang, ngayon lang naman mangyayare 'to. pagtapos nitong lahat, wala na :|

pero ang hirap tanggalin sa isipan yung nangyare ng may unexpected fireworks. paano kaya kung siya na talaga? :| ayaw ko lang siguro tanggapin kasi hanggang ngayon takot na takot pa rin akong masaktan...

ang labo ko nga eh. ngayong nalaman ko na may gusto sakin si Francis, parang hindi ako masaya :| inaamin ko na MAS masaya ako na marinig ang boses ni AJ at makita siyang tumatawa.

naeexcite na ako na mag6pm na. lagi kong tinitingnan yung orasan. ARGHH!! bakit ganun, minsan ang bilis ng oras?! ngayon naman na gusto mong pabilisin ang oras eh sobrang bumabagal ito?! Pagong much?! :))

at dumating din ang 5:30 pm. dismissal naaaaaa :)))

nagayos agad ako ng gamit. nagpaalam din ako kay Andy. 5:47 pm nung natanaw ko na si AJ sa ATC. ang saya :) 

"kanina ka pa dito?"
"uh-- hinde... kakadating ko lang.."

sus diba yung mga palusot na yan yung tipong sinasabi sayo na `oo, kanina pa. ang tagal mo nga eh. pero hinintay pa rin kita` :)))

"ano bang gagawin natin?"
"uh--may pupuntahan lang tayo"

napangite ako sa kanya. sabay kaming naglakad dun sa motor niya. hindi siya nakajacket ngayon pero kahit na ganun, ang cool niya pa ring tingnan. siguro nung nagpaulan ang Diyos ng coolness, eh sampung drum ang sinambot ng lalakeng 'to :)))

sumakay na kami sa motor nun at inistart niya na yun. medyo mabilis yung pagtakbo niya. pero okay lang :)) napayakap ako sa kanya. okay, chansing na 'to :))) Joke. napansin ko naman yung mga buildings na inaabangan namin. ang daming ilaw. ang gandaaaaaa (:  may mga nakakaloko pang billboards na akong nakita. yung tipong may sinasabi na `confused ka ba?` o di kaya yung `spent the summer with someone who's with you now`. coincidence much? :)))

tumigil kami sa Rafters :)) hokay, ano 'to lasingan. walanjo mo. bawal pa kami dito ah :)) HAHAHA.

"oy anong gagawin natin dito?"
"basta... pumasok na lang tayo..."

whoa. hinila niya ako papasok. grabe, iba't-ibang lights ang nakikita ko. tingin ko kilala ni AJ yung isang crew dun. tinanguan niya kasi eh. may mga nakita akong matatanda na nakatitig samin. EEWWW DOM. amoy alcohol lahat. ARGHH!! of all places, dito pa. umupo kami dun sa parang may bartender na something. yun yung tinanguan ni AJ kanina.

"oh tol, gf mo?"
"huh-- uh-- oo"

nagthumbs up naman yung lalake bigla. umorder si AJ ng dalawang shake. syempre, hindi alcohol nu?! ASAAAAA!!!! may dumating naman na banda at syempre, tumugtog sila. hindi kilala yung banda. masasabi mo ngang baguhan pero may potential. magaling tumugtog eh. 

"uhm... sino yun?"
"Ahh. si Drin... siya yung connection ng crew namin dito..."
"connection? para saan?"
"isa kasi 'tong Rafters sa mga raket namin eh... dito kami nagsasayaw palage..."
"Ow... nice... eh bakit mo ako dinala dito?"

nginitian niya lang ako tapos tumingin siya sa babaeng vocalist nung banda. nagselos ako nung una pero narealize ko na wala pala atang ikaselos. nag-gesture kasi yung babae kung okay na. well, anong okay na? wala akong alam. ngumite ulit sakin si AJ. shet, anong gagawin neto. bigla siyang tumayo sa kinakaupuan niya. tapos pumunta sa stage. siguro halos kilala na rin siya ng mga tao dun, sikat talaga. kinuha niya yung mic.

"ehem... alam niyo naman na hindi ako magaling kumanta diba?" nagtawanan yung ibang audience. natatawa din ako dun pero sa totoo lang hindi ko nga alam na hindi siya magaling sumayaw eh. "pero ehem...uh ano..-- para dun sa girlfriend ko, kakanta ako"

nagpalakpakan ang lahat. feeling ko namumula na ako. nagtinginan sakin yung mga tao. AHAHAH. ibang klase din yung pagsabi niya ng girlfriend. parang totoo na ewan :"> at kinikilig naman ako dun ng over over :)))

umubo muna siya ng kaunti :)) halatang kabado. then nagstart ng tumugtog yung banda. naghiyawan yung mga tao. nung una, kinakantyawan siya ng mga tao .



Inaayos ko ang iyong isipan
Ngunit di ka naman nakikinig
Lahat na ng bagay ay aking ginawa ngunit
Wala parin

sintunado pa siya nung una. pero iniisip ko na ang sweet nun. kasi diba mas sweet kapag alam mo yung boyfriend mo sinutunado pero pinipilit pa rin na kumanta para sayo.

Ilang beses ko bang sasabihin na
Wala nang kwenta ang nakaraan
Pero ngayo’y pinipilit

Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako’y papiliin ikaw ay umasa
Gusto kang makapiling

napangite ako nun. naghiyawan ang mga tao na feel ko eh nageenjoy talaga sa palabas na ito :| pramis. sana hindi na lang kalokohan ang lahat ng 'to. kasi masyadong realistic. masyadong totoo. it felt so real. hindi mo maiiwasang isipin na siguro it's better na totohanin na lang ang lahat...

Lagi na lang tayo nag-aaway
Kahit di dapat pag-awayan
Tuwing ika’y lumuluha ako’y nasasaktan
Pag nakikita kang ganyan

Sige na, tahan na, dahil mahal na mahal kita
Ikaw lang kasi, maniwala ka

Naggesture yung mga tao na tumayo ako. syempre, hindi ako KJ kaya tumayo na rin ako. ibang klase yung nararamdaman ko. nakatingin siya sakin. at dun ko narealize na may something sa mata niya. ewan ko ba kung siya ang in love sakin o ako lang ang in love sa kanya.

Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako’y papiliin ikaw ay umasa
Gusto kang makapiling

Pero bakit ganyan
Tayo ay napaglalaruan
Siguro nga’y sadyang ganyan

pinalapit ako ng mga tao sa stage. nakakahiya pero masaya. nakatitig siya sakin. yung feeling na parang ako lang talaga yung audience niya. napapangiti na rin siya sakin. nahahaluan na nga ng tawa yung kanta niya eh.

Ibibigay ko ang lahat
Pati na rin ang ‘yong pangarap
Sasamahan kita kahit saan
Kahit saan

Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako’y papiliin ikaw ay umasa
Gusto kang makapiling

napaisip tuloy ako bigla kung paano kaya kung tuluyan na akong mahulog. sasaluhin kaya niya ako?

tapos na yung kanta. naghiyawan ang mga kinikilig na tao. daig pa ako eh :))) bumaba siya sa stage at humarap sakin. yinakap niya ako ng sobrang higpit. may binulong siya, hindi ko nga masyado narinig eh. ang ingay kasi. pero kung ano man yun, wala na akong pakielam :))

yinakap ko din siya. tumugtog ulit yung banda. alam ko na agad yung kantang yun. intro pa lang. yun yung Close to You. ang ganda nung boses nung babae. grabe. ibang klase.

hinawakan ni AJ yung hips niya. nakakatawa siya :)) yayain ba naman ako magsayaw. nung prom, hindi siya nakipagsayaw sakin tapos ngayon, dito pa sa Rafters :)))

tiningnan niya ako sa mata. narealize ko na brown pala yung eyes niya. ang ganda. bawat elemento ng mukha niya eh parang perpekto. inexamine ko pa. hindi ako makapagsalita. parang akong nakakakita ng isang anghel.

hindi ko akalain na maiisip ko 'to pero feeling ko...

















I'm starting to fall for him...

No comments:

Post a Comment