Sunday, November 28, 2010

Chapter 39: The Letter

Naghintay naman ako sa reply ni AJ nun kaso wala naman akong natanggap galing sa kanya. Siguro, tulog na siya or something. Oh siguro naka-off yung cell phone niya. Sana naka-off na lang para never niya ng mababasa yung text ko sa kanya.

Nakatulog na rin ako nun. Medyo sumama na din yung pakiramdam. Nakakainis. Ayoko talaga ng nagkakasakit.

So yun kinaumagahan, halos hindi ako bumangon pero pinilit ko pa rin. Ayoko talagang umabsent kasi ayokog maka-miss ng isang lesson. Mahirap na rin maka-cope up. Lalo na at 4th year na ngayon. Dapat hindi na ako tinatamad ngayon. So ginanahan ko na lang yung pagkaen ko ng almusal kahit na wala akong gana. pampadagdag energy 'to kahit kulang pa rin. Uminom naman ako ng sobrang daming tubig. Malay mo makatulong.

Grabeng antok yung nararamdaman ko. Nagsisi na tuloy ako na nagpuyat pa ako kagabi. Nako naman. Sumakit pa tuloy lalo yung ulo ko. Palihim naman ako ng uminom ng gamot para sa sakit ng ulo. Ayokong makita ni mama. Baka kasi pigilan niya akong pumasok.

Napilitan naman akong mag-tricycle nun kasi baka maubos ang energy ko kapag nilakad ko pa yun. Tsaka medyo nahihilo na rin ako. Feel ko nga umiikot yung buong mundo ko.

So yun, mula sa gate, as usual, natanaw ko yung buong Bounce Back Crew sa ATC. Lumapit ako sa kanila tapos nag-hi lang. Nakipagkwentuhan naman ako kay Andy. Napapatingin naman ako ng wala sa oras kay AJ. Tahimik pa rin kasi siya eh. Tsaka hindi ko pa rin nakakalimutan yung nakasulat sa pader at napapaisip pa rin ako kung nabasa niya ba yung message ko sa kanya kagabi.

Ayoko na ngang isipin 'to. Lalo lang nasakit ang ulo ko.

Nag-ring naman na yung bell nun. So nagba-bye na kami sa isa't-isa. Ngayon naman, kasabay ko na si AJ at Andy sa pagpasok sa classroom namin. Ang tahimik ko nun. Wala akong ganang magsalita. Over sama talaga ng pakiramdam ko.

Umupo agad ako dun sa armchair ko tapos pinilit kong matulog. Nabalitaan ko rin naman nun na hindi aatend yung Math Teacher namin na first subject teacher namin. Isang oras din yung pahinga. Kaso nung sa second subject, may seatwork na pinagawa pero wala yung teacher namin. Mabilis kong tinapos yung seatwork tapos natulog ulet.

Hindi ko naman nun namalayan na Recess na nun. Tinapik ako ni Andy nun sa likod.

"Hm?"
"Hindi ka ba sasabay saking kumaen?"
"Hindi na... Sige, ikaw na lang..."
"Sure ka? Mukhang may sakit ka?"
"uh...wala...kulang lang 'to sa tulog..."
"Sige... sabi mo eh..."


tapos umalis na siya nun. Ako lang yung natira sa classroom. Napatingin ako sa armchair ni AJ. Iniimagine pa din na andun siya tapos nakatitig siya sakin. Hay Nako. Ang adik ko talaga sa kanya.

Natulog naman ulit ako. Grabe no? Sinusulit ko na bawat oras na pwede akong makapagpahinga. Ayoko na talagang magkasakit. Ang hirap kaya.

Swerte naman ako kasi wala ulet yung sumunod na dalawang teacher. Kaso nga lang may iniwan na mahirap na seat work. Hindi ko rin tuloy nagamit yung time nila sa pagtulog. Nakaramdam naman ako ng gutom nun. Hindi kasi ako nag-recess eh. Feel ko nga rinig na rinig ng buong classroom yung pagtunog ng tiyan ko. Ang tahimik kasi. HAHAHA.

Napalingon naman ako kay AJ nun na nakatingin sakin habang nagsa-soundtrip siya.

"Hm?"
"Ha?"
"Wala..."

Nagpatuloy naman ako sa pagsagot ng seat work ko kaso hindi ako maka-concentrate kasi gutom na gutom na ko. bagsak pa yung mata ko. Kainis naman oh.

"Okay ka lang ba?"
"uh...oo naman"
"Hindi ka nag-recess kanina? Gusto mo?"

Inalok niya ako ng isang piraso ng Cream-O. 

"Hinde... Okay lang..."

Nakakahiya namang tanggapin yun. HAHAHA

Tumayo naman siya nun tapos lumapit siya sakin. Feel ko nagtinginan samin yung mga kaklase ko. Linapag niya yung isang pack ng Cream-O sa Patungan ko.

"Honestly, ayoko. Salamat na lang..."
"Ikaw pa... alam kong gusto mo..."

tapos bumalik siya sa pagkakaupo niya. hindi niya ako tinantanan nun. halos limang minuto siyang nakatingin sakin, hinihintay niya ata ako na kainin yung Cream-O.

"Kainin mo na kasi kung ayaw mong subuan kita dyan..."
"Oo na..."

Kumagat naman ako ng isang piraso ng Cream-O.

"Happy?"

Napangite naman siya nun. tapos feel ko gusto niyang tumawa ng malakas nun, hindi niya lang magawa.

"Bakit?"

Tinakpan niya yung bibig niya tapos pinigilan yung tawa niya. Kaasar ah.

"Yung ngipin mo, may chocolate..."

Oh shit. Nakakahiya. Nakakawala ng poise. Inalokan niya naman ako ng tubig nun tapos tinanggap ko agad. Wala na rin akong balak pairalin yung pride ko nun. 

"Wala na?"

Tumawa ulit siya. Ang hirap naman kausap neto oh! Pati ako natatawa na din eh. HAHAHA

"Yung totoo? Umayos ka nga!"
"Wala na..."

Tapos tumawa ulit siya. Ayoko ng pinagtatawanan ako ah.

"Bakit na naman?"
"Ang cute mo lang..."

Feel ko nun na namula yung buong mukha ko. Medyo kinalibutan din kasi ako eh. Waaaaa. Iba na talaga 'to. Hindi na ako nagsalita nun. Nakakainis talaga si AJ. Masyado akong pinapakilig. Nakakawala tuloy ng sama ng pakiramdam.

So ayun, dumating na din yung lunch. Kami ni Andy yung sabay mag-lunch para iwas gulo. Hindi ko muna nun pinapansin si Francis kaya sobra naman siyang magdrama sa text. Akala naman niya, Kami. Hindi naman. Hay Nako.

Nung lunch time, naramdaman ko ulit yung sakit sa ulo at pagkahilo ko. Idagdag mo pa ang sipon at ubo. Feel ko pa ang init ko na nun. Trangkaso na 'to. Wag naman. Tsk.

Hindi ako masyado nakapagpahinga. May mga teachers na kasing umatend. Tapos mga terror pa, hindi tuloy ako makakatulog. Apat na oras kong pinagtiisan yung antok ko. Ang hirap pala no?

Gusto ko ng umuwi agad pero parang hindi ko kaya. Over na 'to. Pinilit ko na ayusin agad yung gamit ko. Kaso ang bagal ko talagang kumilos nun. Hindi na ako nagpahintay kay Andy dahil ayoko ng nag-aalala siya.Grabe pa naman yun maghysterical pagdating sakin. HAHAHA.

Ako na lang yung mag-isa sa classroom namin. After One hundred years, naayos ko na rin yung gamit ko. Waaaa. Umiikot yung buong classroom tapos nablu-blur na yung vision ko. Ang hirap maglakad. Feeling ko bibigay na yung tuhod ko at tuluyan na akong magco-collapse.

Napakapit naman ako dun sa pader habang papalabas ng classroom. Paano ba ako makakauwi neto? Nakakainis. Kaya ayoko ng nagkakasakit eh!

Pinilit ko naman na maglakad nun kahit alam kong hindi ko kakayanin.

Gusto ko ng ipikit yung mga mata ko. 

Nung mga oras na nawawalan na ako ng hope, bigla kong nakita si AJ na napatigil nung nakita ako. Kitang-kita ko yung pag-alala sa mga mata niya. Mabilis siyang lumapit sakin. Alam kong may sinasabi siya pero parang nawawala na ako sa mundo at hindi ko na marinig yung boses niya.

Bumigay naman na yung buong katawan ko. Nafeel ko nun na sinambot niya ko. Nasulyapan ko pa ng ilang segundo yung mukha niya then wala na. blackout. 

Hindi ko na maalala yung kung ano mang nangyare kagabi. Basta 10 am na ngayon at kakagising ko lang. Nakakainis, nakamiss na ako ng isang pasok. Paano na yung mga lessons ko? Masakit pa rin yung buong katawan ko nun pero nawala na yung sakit ng ulo ko at feel ko naman wala na yung lagnat ko. Bukas naman makakapasok na ako. Kailangan ko lang magpahinga ngayon para hindi na ako mabinat.

Inayos ko naman na nun yung kama ko. Then, meron akong napansin.

Bigla akong kinabahan. Hindi pwede mangyari yun. Hindi talaga pwede. Gusto kong umiyak nun. Halos tanggalin ko na yung Bed Sheets para mahanap yung importanteng bagay na yun at tinanggal ko na rin yung pillow case at pinagpag ko sa kung saan man yung mga unan ko. Pero wala dun yung bagay na dapat eh andun pa rin.

Bigla naman pumasok si Mama sa kwarto ko.

"Oh okay na ba pakiramdam mo?"
"Opo Ma... sino nagdala sakin dito?"
"Ah si AJ... magpasalamat ka sa kanya ha?"

Lalo akong kinabahan. Feeling ko lalabas na yung puso ko.
















Yung Letter para kay Francis, Wala Na.
Tapos si AJ galing sa kwarto ko. Paano kung....

No comments:

Post a Comment