Monday, November 15, 2010

Chapter 23: sino ba talaga? :|

natapos na din yung kanta. at last. bumaba ako agad sa stage at nagkunware na nakangite. ayun, pinupuri naman ako ng mga tao dun. kakaflatter. HAHAHA :)) sige, kunware masaya na lang ako diba?

tanghaling tapat nun tapos nagpaparty-party yung pamilya nila AJ. ang astig lang no? bigla namang pinatugtog yung `2010`.


Click to listen to 2012

sobrang lakas nga eh. wala namang mabubulabog kasi yung buong compound na yun eh, magkakapamilya. syempre, nakakajoin silang lahat. nagsasayawan pa nga sila nun eh :)) yung iba naman eh nakaen. kasama ko ngayon si Andy. busy si AJ na nakikipag showdown na parang ewan sa mga pinsan niya. o siya na magaling :))

kumuha kami ng pagkaen dun sa buffet table.

"ayos ba? ang saya no?"
"super... ibang klase pamilya niyo..."


nagsmile ako nun. pagtapos namin kumuha ng pagkaen, pumunta kami dun sa puno na pinuntahan ko kanina. medyo tahimik dun eh. malayo sa lakas nung patugtog. nakakapanibago nga eh, gusto ko munang manahimik ngayon :| amp. puro kadramahan na. ARGH!

umupo kami ni Andy dun sa ilalim ng puno. medyo mainit nun. tanghaling tapat pero nasa lilim naman kami kaya ligtas ang skin ko :)) HAHA.

"uh... may napansin ako sayo kanina..."

DUG DUG DUG

"uh--ano yun?"
"feeling ko nga ako yung may kasalanan eh..."

tumigil muna siya sa pagkaen nun.

"kasi baka mamaya hindi mo pa nakakalimutan yung sinabi ko tungkol kay Ate Zinnia at AJ... promise... wala na talagang gusto sa kanya si AJ... wag ka na malungkot... okay?"

si AJ naman na mismo nagsabi diba? :|

"uh... paano ko ba kasi sasabihin 'to sayo?"

feeling ko may karapatan na si Andy na malaman na ang buong katotohanan. pati ba naman sa kanya na bestfriend ko eh magagawa ko pang makipaglokohan :| tsaka ang hirap na din na ikimkim sa sarili ko 'to. ang hirap na walang mapagsasabihan ng nararamdaman ko ngayon.

"ano yun?"

nangangatog yung tuhod ko. hindi na ako makakakain ng ayos.

"uh... kase..."
"hm? bakit?"

huminga muna ako ng malalim nun. ghaaaddd. hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya pag sinabi ko 'to sa kanya.

"alam mo yung merong AJ at Zerlina pero walang kami..."
"ha? a-anong ibig mong sabihin?"

alam kong nagets niya yun. siguro kung ano man yung nagets niya ngayon, eh ayaw niya lang talagang paniwalaan :|

"walang kami...Andy..."
"ha?! sorry talaga! tingnan mo... dahil sakin nagbreak kayo..."

paiyak na siya nun. wala naman siyang kasalanan diba? :|

"paano kami magbrebreak ni AJ kung...













...wala naman talagang kami..." 

naguluhan na yung expression nun ni Andy. AMP. alam kong complicated ang lahat :| ARGHH!!

"diretsuhin mo ako Zerli... please... wag ka na magpaligoy-ligoy pa... okay?"

huminga muna ako ng malalim. AMPPPPP.

"hindi naman talaga naging kami ni AJ... trip lang ang lahat... kalokohan lang ang lahat... kasinungalingan ang lahat pe--...pero kasi..."
"na-fall ka sa kanya?"

feeling ko hindi siya nagulat o whatsoever. feeling ko nabasa niya lahat ng galaw ko. 

"hin..--" pero tumango na rin ako at napatahimik.

hinawakan ni Andy yung kamay ko nun. buti na lang andyan siya :(

"ang tanga ko kasi... hindi ko narealize agad... hindi tuloy ako naging ready na masaktan... ngayon tuloy... alam ko na... na si Ate Zinnia talaga yung gusto niya ako... paano pa ako lulugar sa kanya?"
"hay nako Zerli... lahat tayo nakakaexperience ng heartbreak... kung alam mo lang... siguro ganyan din yung nararamdaman ni kuya towards ate Zinnia..."

nalungkot ako nun. kung akin na lang siya, eh di sana lahat kami masaya :| eh di sana walang naiyak ngayon. HAAAY. pero ano nga bang magagawa ko? alangang ipagsiksikan ko pa sarili ko sa kanya. alangang umasa at magfeeling pa ako sa kanya. 

"mamaya mo na sakin i-explain kung paano nangyari ang lahat... ang tanong ko ngayon eh ano ang sunod na gagawin mo?"

natahimik ako nun. GHAAADD. natitimang na talaga ako.

"uh... sa totoo lang...
















...gusto ko ng tapusin ang lahat..."

"kaya mo ba?"
"mas mahirap kung tuluyan akong masasaktan... yun ang hindi ko kakayanin..."

nawindang ako sa nasabi ng bibig ko. tinabi namin ni Andy yung pagkaen namin tapos yinakap niya ako.

"okay lang yan... andito pa ako... okay? mawala man sila ang lahat... andito lang ako para sayo.."

hindi ko napigilang lumuha. siguro lumuha ako dahil sa sobrang kasincere nung pagkakasabe ni Andy ng andito lang siya para sakin at ang isa namang dahilan ay sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon :\


humiwalay na nun si Andy tapos pinunasan niya yung luha gamit yung panyo niya. 

"smile ka na... okay?"

pinilit kong ngumite. buti naman ay may napagsabihan na rin ako.

pagkatapos nun, pinagpatuloy namin yung pagkaen namin. kwinento ko na rin sa kanya kung paano nagsimula ang lahat. simula nung sa prom. tapos dun sa Chemistry Activity. hanggang dun sa may fireworks. hanggang dun sa may B-Boy battles nila. hanggang umabot na dun sa pagkakabelong ko sa Bounce Back Crew. hanggang kay Daniel at Nate. hanggang kay Ate Zinnia :|

tumayo na kami nun ni Andy. tapos na din kasi kaming kumaen nun. pababa na kami dun sa parang elevated part ng bigla naming nakasalubong si AJ. tinitigan ko lang siya.

ayoko pa siyang makita. pero paano ko ba siya iiwasan? :| kinuha ni Andy yung pinggan ko.

"ako na lang magbabalik... mag-usap na lang kayo ni kuya... do the right thing... okay?"

nagulat nun si AJ sa sinabi ni Andy. iniwan kami ni Andy dun. ARGH. hindi ko alam kung paano sisimulan ang lahat.

"kalimutan na natin yung sinabi ni Andy... sige... may gagawin pa ako..."

lalampasan ko na sana siya nun kaso bigla niyang hinawakan yung kamay ko. yung tipong pinipigilan niya ako.

"mag-usap tayo... ano bang meron?"

tumingin ako sa mga mata niya. ang seryoso ng mukha niya. nakakatunaw lang. HAAAAY.

"uh... wala..."
"hindi ako naniniwala..."
"eh wala naman talaga... ano bang magagawa mo?"

napagtaasan ko siya ng boses nun. buti kaming dalawa lang yung andun nun.

"okay... I'm so sorry... naguguluhan na kasi talaga ako eh..."
"eh bakit kasi hindi mo ako kausapin? diba kapag may problema ka, ako ang takbuhan mo?"
"sige nga! paano ko sasabihin sayo ang lahat kung yung problema ko tungkol sayo?!"

nagulat siya sa sinabi kong yun. kasi naman :| yan tuloy, mapapasubo pa ako. ARGH!

"ano bang ginawa ko? wala naman akong ginagawa diba?"
"yun nga eh... wala kang ginagawa..."

wala kang ginagawa para sakin :( HAAAAAY.

"naguguluhan ako sayo... diretsuhin mo nga ako..."
"magulo talaga basta iisa lang ang dapat patunguhan neto..."


huminga ako ng malalim bago sabihin yung mga katagang labag sa kalooban ko...


"...kailangan matapos na 'tong kalokohan natin..."

hinigpitan niya yung pagkakahawak sa kamay ko tapos tumingin siya sa mga mata ko.

"ayoko..."

ang cold ng pagkakasabi niya nun. ARGH! bakit ayaw niya?! nakakainis siya?! WAAAAAAAA.

"gusto ko ng tapusin 'to..."

yinakap niya ako bigla nun ng sobrang higpit.

"basta ayoko...





...gusto ko akin ka lang...


tumibok ng sobrang bilis yung puso ko.



...ayokong mawala ka sa akin...


hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng lahat ng mga sinasabi niya.


...hindi ko alam kung bakit...



...pero basta...



...ayoko..."  ano ba talaga? o sino ba talaga? :|

No comments:

Post a Comment