Saturday, October 23, 2010

Chapter 8: Day 3 A meets Z :)

hindi ko sa kanya pinakita na may gumugulo na sa isip ko at siya ay isa dun. pinapagulo niya ang utak ko. ARGHH!!! hindi ako nakaimik sa kanya. masyado akong stunned. wew. paglabas namin ng Rafters, ang saya ng mga tao. parang ngayon lang nakakita ng gimik ng ganito ah :)) HAHAHA.

hinatid niya ako sa bahay gamit yung motor niya. nung mga oras talaga na yun, never pumasok sa isip ko si Francis.seryoso na ba talaga 'to? sana hindi :| AMP.

hindi ako agad nakatulog nun. una dahil hindi ako makarecover sa mga pangyayare kanina. sabi ko na nga ba may kaabnormalang mangyayare sa araw na 'to eh. nafeel ko na yun. HAHAHA. so for short, kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. pangalawa naman eh napaisip na tuloy talaga ako kung sino ba talaga ang gusto ko? si Francis ba o si AJ? 


kung si Francis, siguro walang problema, may gusto pa naman siya sakin eh. kung si AJ, ang laking problema :| una, kasi ilang araw lang nung una kaming nagkausap. nung una, tinitingnan ko lang siya. hindi naman na siya yung tinitingnan ko pero helloooo?! masyado siyang high class para sa katulad ko. kahit na best friend ko yung kakambal niya, halata naman na hindi siya interested sa mga taong katulad ko. simple lang ako diba :| wala akong mapgmamalaki. hindi ako tulad ng mga EX(s) niya na may talent. meron siya girlfriend na sinali sa Ms.Earth (yung pang students lang :]]). meron ding mga nanalo sa singing contest. may gf din siya galing sa ibang crew na super galing magsayaw. nagkagf na siya ng isang babae na ballet dancer at ngayon eh pinanglalaban na ng school sa international competitions. eh ako? may talent ba? WALAAAAA. ako na taob. feeling ko wala pa ako sa kuko ng mga babae na totoong pinatulan niya :|

binuksan ko yung computer ko. sinaksak ko yung USB at pumili ng kanta na patutugtugin bago ako matulog. ganito kasi ako pag masyadong stressed kakaisip ng mga bagay-bagay tulad ng pesteng lovelife. 


may napili din akong kanta. yung Mine ni Taylor Swift. Ewan ko ba. bigla ko lang naisip si AJ sa kantang 'to. TSS. naloko na talaga ako. nayari na. tumugtog na yung kanta. hindi ako makasabay, puro Aron Jie Benitez lang naiisip ko. ARGHH!! pwede ko ba siyang tanggalin sa bokubularyo ko?

napahiga ako dun sa kama ko. yinakap ko ng mahigpit yung unan ko. napansin ko yung letter na nasa ilalim nga pala ng unan ko. kinuha ko yun at binuksan. binasa ko ulit. wala lang. hindi ko din alam kung bakit :)))

A,


      siguro matatawa ka habang binabasa mo 'to. alam mo kasi ang gulo mo eh. magulo din naman ako kaya pwede mo akong sisihin. 2 days pa lang kita nakilala (sa totoo lang, hindi pa talaga kita masyado kilala), eh parang ang lakas na ng impact mo sakin. tapos ang dami mong ginagawa na bagay-bagay na nagpapasaya talaga sakin.


     ang corny ko nu? sa totoo lang, ang dami kong bagay na sasabihin sayo pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan. masyado na kasing nagjumble lahat ng mga bagay sa utak ko. confused ako ngayon. sana nahahalata mo.


     sana nahahalata mo o nagegets mo kung gaano ako kasaya kapag kasama kita. ang saya ko kapag andyan ka. hindi ko alam kung bakit. siguro sobrang special ka sakin na parang kuya o kapatid na kita. kasi feeling ko pag andyan ka, basta basta na lang ako lulutang. yung tipong kailangan pa kitang hawakan para hindi ako lumipad. 


     napapatanong din ako sa sarili ko kung mahal ba talaga kita? parang ayaw ko kasi feeling ko masasaktan na naman ako. alam mo naman kung bakit diba? ikaw nga lang napagsabihan ko neto eh. yun! isa pa yun. masyado akong nagtiwala sayo... hindi naman sa hindi ka mapagkakatiwalaan pero... hindi ko kasi agad naisip na pwede ka palang dumagdag...


     kung involve ka na sa confusion ko... sino pang mapagsasabihan ko tungkol dito?? paano ko mashe-share sayo 'tong tinatago ko kung para sayo naman... diba?


     nahihirapan akong idistinguished kung ano ka ba talaga sakin? special friend lang ba? o crush? o like? o love???


     marami pa akong sasabihin kaso ang sakit na ng kamay ko kakasulat. ingat ka na lang...


nafeel ko naman na dapat may idagdag pa ako dun sa sulat. kumuha ulit ako ng ballpen. blue ballpen na nga ngayon HAHAHA. nawala kasi yung black ballpen ko eh. dinagdagan ko yung sulat.

     marami pa akong sasabihin kaso ang sakit na ng kamay ko kakasulat. ingat ka na lang... tcGB

Crush kita
gusto na pala ata kita eh!!
I love you...


Z

tinago ko ulit yung sulat sa ilalim ng unan ko. tiningnan ko yung picture namin ni AJ and finally naisip ko, coincidence lang ba ang lahat? feeling ko destined na magkakilala talaga tayo. feeling ko ikaw na nga...

yung fireworks...

It could have been so true...
na tayo nga hanggang sa huli..

nakakatawang isipin kung paano nangyare ang lahat. nagsimula sa isang bidding activity para sa prom. then nagkakwentuhan sa Prom. at dun niya ako nakitang umiyak dahil kay Francis at Jeanna. then sumunod na yunng scandal na nangyare samin nung Chemistry time kung saan nagmerge ang section namin at section niya. my first kiss. then dun ko siya napagtripan na dapat na kaming magpanggap as kami. then tinototoo na nga. hanggang nangyare sa baywalk yung unexpected fireworks. then yung kanina na kinantahan niya ako at sinayaw pa. at ngayon na sobrang naguluhan ako. 

what if kung kami na nga? Ang weird lang talaga. parang destiny ang may gawa ng lahat. parang planado na kung paano magkikita si Aron Jie Benitez at Zerline René De Castro. Ang sarap balikan ang mga pangyayare. A meets Z :)

natapos na din yung kanta. syempre, bagong kanta na yung tumugtog. kay Taylor Swift pa rin :)) yung Back to December (:

sakto naman nun eh biglang umilaw yung cell phone ko. binuksan ko at tiningnan ko kung sino yung nagtext. tumibok ng sobrang lakas yung puso ko. ewan ko kung dahil ba sa kaba or... hindi ko alam... nagtext siya sakin... hindi ko pa pala nadedelete yung number niya...

si Francis...

From: Francis
tingin k s lbas...

napaisip ako kung titingin ba ako. pero hindi ko napigilan yung sarili ko. lumabas ako sa parang maliit na terrace ng kwarto ko. nakita ko siya sa labas. malapit dun sa puno malapit sa terrace ko. hindi ako makangite. in fact, hindi ako napapangite.

"anong ginagawa mo dito?"

ngumite siya sakin. somehow, namiss ko yung ngiteng yun :| umakyat siya dun sa puno. ginawa niya yun ng parang expert siya sa pagakyat ng puno. in no time, eh nakatungtong na siya sa terrace ko. hindi ko akalain na ganito.

"gusto lang kitang makita ulit... pwede ba yun??"
"uh--... matutulog na kasi ako eh.."
"pero nagawa mong tumingin sa labas??"

hindi agad ako nakapagsalita. nabwibwiset ako. hindi ko alam kung bakit. parang may kakaiba na kay Francis na mas nakakainis sa mga bagay na kinaiinisan ko :)))

"alam mo Francis... please umalis ka na lang dito... alam mo bang trespassing 'tong ginagawa mo..."
"bakit? anong gagawin mo? papakulong mo 'ko? papatayin mo ko? ano ba Zerli... hindi mo pa ba nahahalata na para na ding pinapatay mo ako ngayon?"

natahimik ako nun. gusto kong isumbat sa kanya lahat ng kagaguhan na ginawa niya sa akin noon.

"sabihin mo nga... mahal mo pa ba ako? sabihin mo sakin ng deretso kung sino ba talaga ang mahal mo... titigil na ako... lalayuan na kita...sabihin mo lang"

lalo akong natahimik. hindi ko alam kung anong sasabihin ko. ang wrong timing! hindi ba niya alam na super akong nacoconfuse ngayon. ARGHH!!!

"ibig sabihin ba niyan eh ayaw mo akong layuan kita?"

SHET. hindi ko na namalayan na nagsalita ako ng hindi ko man lang naiisip kung ano ang sasabihin ko.

"una, hindi na kita mahal... kaya kung gusto mong ng malaman kung sino talaga ang mahal ko... sige, sabi mo eh... si AJ mahal ko... oh ano? masaya ka na?"

hindi ko maintindihan yung sinabi ko nun. alam ko sa sarili ko na hindi ako sigurado sa mga sinabi ko. alam ko sa sarili ko na confused pa rin ako pero I made my word. nasabi ko na na si AJ ang gusto ko :|

pero hindi ko talaga alam kung siya talaga eh... nanlaki yung mata ni Francis nun. feel ko hindi siya naniniwala na si AJ ang mahal ko kasi pati ako eh hindi naniniwala... 

ang gulo ko talaga. hay nako. ngayon naman, lalayo na sa akin si Francis. sige ngaaa, diba nangyare naman tong lahat dahil baliw na baliw ako sa kanya x___x

walang imik nun si Francis. sobrang tahimik. nakakabinging katahimikan. pero binasag niya na yun sa pagsabi ng "uh--..okay"

tapos biglang alis. akala ko magpapakamatay siya (feeler ako) eh nakalimutan ko na may puno nga pala para makababa siya. tiningnan ko siya na maglakad pauwi sa kanila. nakatungo siya. at nakit na ginamit niya yung kamay niya na pangpunas ng mata niya..

naisip ko nun na umiiyak siya... 
nasaktan ko ba talaga siya?

ARGH! oh ano... masaya na ba ako?? 

pumasok ulit ako ng kwarto. naalala ko yung sulat sa ilalim ng keyboard ko. para kay Francis nga pala 'to. linagay ko na rin yun sa ilalim ng unan ko kasama yung sulat ko sana para kay AJ.

hindi ko kasi talaga maiwasan... kahit anong gawin ko...


















Parang Francis pa din eh :|

No comments:

Post a Comment