Saturday, November 27, 2010

Chapter 38: A misses Z

Feel ko naman sobrang nabara nun si Francis. Totoo naman yung sinabi ko diba? Iniwan naman niya talaga ako nun. Aba, kung dati pinaglaway niya ako. Ngayon naman, siya ang maglaway sakin. HAHAHA. Joke lang.

So yun nga, pagpasok ko sa classroom. Feel ko na mainit yung ulo ni AJ kaya hindi ko muna siya kinakausap. Nakinig na lang ako sa iba naming klase. Ang boring nga eh. First month pa lang namin, may project na kami. Seseryosohin ko na talaga 'to. Last year ko naman na as Highschool. Dapat wala na akong sasantuhin. Haha.

Nung Lunch naman eh si Andy ang kasabay kong kumaen. Hindi ko pinapansin si Francis nun. Nakakabagot lang kasi. Tapos si AJ, feel ko sobrang hirap kausapin.

Kwinento ko naman kay Andy yung ginawa ni Francis. Eh alam ko namang may pagka-war freak na ugali 'tong si Andy, aba gustong hamunin si Francis ng away pero syempre, pinigilan ko pa rin. Baka kasi lalong magkagulo. Yan pa si AJ, kung sino man ang mang-away kay Andy, aawayin din niya.

Kahit bestfriend nga niya na si Daniel, naka-away niya dahil kay Andy. Hindi naman siguro yun dahil sakin diba? Asa naman kasi. HAHA.

So yun, tinetext ako ni Francis pero hindi ko na lang pinapansin. Nagpapamiss call pa siya kaya nakakainis naman talaga. Nakakapikon yung mga ganitong tao.

Inoff ko na rin yung cell phone ko. Nakakarindi kasi.

So yun, tinahak ko naman ang landas na boring. HAHA. Napilitan akong makinig sa mga teachers. Para lang mawala sa isip ko si AJ. Nag-aalala na ako ah. Halos isang araw ko ng hindi naririnig yung boses niya. Nakakamiss na. Wag siyang ganyan.

Dumating na rin ang pinakahihintay ng bawat estudyante ng school namin. Ang Dismissal. HAHA

Mabilis na umalis nun si AJ ng hindi man lang nagpapaalam sakin. Nakakatampo naman yun. Linapitan ko tuloy si Andy.

"Bakit nagmamadali si AJ?"
"May practice sila ngayon eh..."
"ay... oo nga pala... makakapagpractice ba yun ng maayos sa lagay niyang yun?"
"ewan ko... bayaan mo muna siya... magcoo-cool down din yun..."


Hindi kami agad umuwi ni Andy nun. Nagpaturo pa kasi ako sa kanya ng lesson namin sa Advanced Physics. Nakakadugo no? Pangalan pa lang ng subject, naubusan na ako ng dugo. HAHAHA.

Magaling kasi 'tong si Andy kaya naman nagpa-tutor muna ako sa kanya tungkol dito. Dahil sobrang bagal ko makagets, isang oras at kalahati ang nagamit namin. Grabe no? Napagpasyahan na rin namin nun na lumabas na ng school. 

"Gusto mo na bang umuwi?"
"aayyy alam ko yung mga tanong na ganyan?!"
"ano?"
"ayaw mo pang umuwi no?"
"paano mo alam?!"
"ano ka ba?! iisa lang ang utak natin... saan mo gusto pumunta?"

Nagkakasundo talaga kami ng bonggang bongga netong best friend ko. HAHAHA. Napaisip naman ako. Saan nga ba? HMMMM...

May umilaw naman na bumbilya dun sa utak ko. HAHAHA :))

"Basta... Lika na lang..."

Hinawakan ko yung kamay niya. Pinilit kong maalala yung daan dahil kung maligaw man kami, dedo na kami. HAHA. pero syempre, dahil swerte ako, hindi naman kami naligaw.

Dinala ko si Andy dun sa lugar kung saan ako dinala ni AJ nung nagkaaway sila ni Nate. Dun sa may maraming pader.

"Wow. Ang Astig dito..."

Nung una, hindi ko magets kung anong astig sa lugar na 'to. Maganda at relaxing lang yung lugar gawa ng ang daming puting pader tapos lahat may Graffiti Art. Meaningful lang naman 'to sakin dahil dito ko mas nakilala si Daniel tapos dito ko nakita yung soft heart ni AJ pagdating sa mga kaibigan niya.

"Ang ganda ng mga nakalagay dito...Paano mo nalaman 'to?"
"dinala kasi ako dito ni AJ..."
"Ang daya ni kuya ah! hindi man lang niya ako dinala dito kahit isang beses!"

Natawa naman ako sa kanya nun. Nagpatuloy kami sa paglalakad. PArang kaming nagfi-fieldtrip sa isang Museum na inspired by Graffiti Artworks. Hahaha. 

Eto namang kasama ko, eh bawat artwork ata eh tinuturo niya tapos sinasabi niya kung gaano siya kaamazed sa art na yun. Mukhang adik lang eh.

Buti na lang wala naman akong natatanaw na bad guys. So patuloy, pa rin kami sa paglalakad. Napatigil lang ako nung nagcaught ng attention ko yung pader na walang graffiti art. pero mukhang freedom wall sa dami ng nakasulat dun gamit ang pentel pen at ball pen.

Lumapit ako sa pader na yan.

"Wow. Freedom wall..."

Nakitingin naman din si Andy dun sa pader. Natatawa pa nga siya habang binabasa niya yung pag-aaway ng dalawang tao gamit ang pagsulat sa pader. Ako naman eh seryoso sa paghahanap nung dating sinulat ni AJ sa pader na 'to.

"Ano bang hinahanap mo dyan?"

Sa dami ng nakasulat, nakakahilo na.


Then, at last! nakita ko din. kaso may nakasulat na dun sa blank.

A misses Z :(

sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. si AJ lang ang tanging magsusulat dito. misses? namimiss ako ni AJ? pero paano kung napagtripan lang yan ng kung sino mang tambay dito?

"eto oh..."

tinuro ko kay Andy yung nakasulat sa pader. sinabi ko din sa kanya na yun yung sinulat ng kuya niya. tapos ifi-fill niya lang yung blangko kapag alam at sigurado na siya sa nararamdaman niya para sakin.

"si kuya talaga! nagpaligoy ligoy pa... pwede namang isulat niya na lang na A loves Z diba?!"
"loka ka... hindi naman ako mahal nun"
"sus... ano ka ba?! bulag ka ba?! halatang-halata naman na may gusto na sayo yung taong yun..."

hindi ko naman siya pinansin nun. nahahalata ko naman, ayaw ko lang paniwalaan :|

nagpatuloy kami sa paglalakad nun. hindi ko pa rin matanggal sa isip ko na namimiss ako ni AJ. What if kung totoo nga na siya yung nagsulat nun? Pero What if pa rin kung hinde diba?

"Alam mo best... may gusto naman talaga sayo si kuya eh... nafee-feel ko yun..."

nagulat naman ako nung sinabi yan ni Andy. pauwi na kasi talaga kami nun sa bahay namin tapos bigla-bigla siyang magsasalita ng ganyang bagay. parang abnormal lang eh. HAHA.

"nako. ewan ko lang... basta ayokong umasa okay?"
"ano ba yun?! bakit ba kasi ang torpe sayo pagdating ni kuya?! nakakabagot lang..."
"hindi naman ata pagkatorpe yun... wala lang talaga siyang gusto sakin!"
"masyado kang nega. sabunutan kita dyan eh..."

muntik niya na talaga akong sabunutan nun pero nakaiwas ako. HAHAHA. joketime lang naman syempre yung sabunot na yun no. buti na lang, malapit na ako sa bahay ko, hindi ako mapupuruhan. HAHAHA.

nagba-bye naman ako sa kanya tapos sinabi ko na text text na lang kami. so yun nga, kumaen muna ako ng dinner at nakipagkwentuhan ng unti kay mama. 

medyo malungkot si mama dahil break na kami ni AJ. Ang adik niya no? Hahaha. Masyadong affected sa love life ko. 

pumasok na rin ako sa kwarto nun. 

medyo nahihilo nga ako tapos yung mga mata ko, feeling ko eh sobrang bigat na. hindi na masyado mabuti ang pakiramdam ko. medyo nauubo na nga rin ako eh. Epic Fail. Masyado siguro akong sensitive sa pabago-bago ng panahon. Hay nako. 4th year na ako. Bawal na ako magkasakit. Nakakainis naman oh.

Gusto ng mag-hibernate ng buong katawan ko pero parang dahil sa pagiisip ko kay AJ, hindi ako makatulog. yung nakasulat kasi sa pader eh. in-on ko na yung cell phone ko. grabe no? kanina pa 'to nakapatay.

inulan naman ako ng messages ni Francis. wala man lang kahit isa galing kay AJ. Dinelete ko lang naman yung mga messages sakin ni Francis. Wala ako sa mood makipagusap sa kanya.

Pinindot ko naman yung Create New Message. tapos nagtype ako.

To:
Message:
i miss you...

linagyan ko na rin ng contact yung para sa `To:`

To: AJ panget :p
Message:
i miss you...

nagdadalawang isip pa ako nun kung isesend ko ba o hinde pero sa huli. pinindot ko rin yung `send` button.

sending message....


SENT!

No comments:

Post a Comment