Sunday, November 28, 2010

Chapter 42: What if there's no `A` in the English Alphabet?

Sa loob ng isang gabi, ang dami kong naisip. Sobra naman kasi akong mamroblema sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Bahala na lang ang kapalaran. Kung kami naman talaga ang destined para sa isa't-isa, eh di Kami. Kumbaga, mangyare na ang dapat mangyare. 

Friday na ngayon. Feeling ko sobrang importante ng araw na 'to. Ewan ko ba kung bakit. Dating gawi, pumasok ako sa school.

Sa gate pa lang, natanaw ko na agad yung Bounce Back Crew pero wala dun si AJ. Siguro, hindi na naman pumasok. Hay Nako. Pumunta naman na ako dun sa ATC at naki-join sa kwentuhan ng buong BBC. Magkatabi nun si Daniel at Andy. Wow naman. Hindi na sila at war ngayon. HAHA.

Tinabihan ko nun si Andy. Gusto kong itanong sa kanya kung nasan yung kuya niya pero nakakahiya. Kaso sa huli, hindi ko rin naman napigilan. Napatanong din ako. 

"Andy, asan si AJ?"
"Ewan ko ba dun... kasabay ko siyang pumasok tapos biglang nawala... nakita mo ba siya Daniel?"
"Kanina lang... nakakapagtaka nga eh...biglang nawala..."
"Eh diba may battle kayo mamaya? Baka naman nagcutting yun para magpractice sa sarili niya..."
"Hindi yun magagawa ni kuya... magca-cutting lang yun kapag may battle na mismo o di kaya kung may iniisip siyang malalim..."
"Ang laki talaga ng pinagbago niyan ni AJ mula nung dinala ka niya sa bahay niyo..."

Daniel was referring to me. 

"Feeling ko nga may mali kay kuya eh... lalo na nung 1st match niyo... grabe, nagmukha siyang walang kwentang magsayaw..."
"Hindi niya nga makuha yung pike freeze nun eh parang ang impusible...expert siya dun eh"

Para malaman ang ibig sabihin ng pike freeze, pumunta dito.

"Baka naman may sakit lang yun..."
"Siguro nga meron yung LABNAT..."

inemphasize naman niya sakin nun yung salitang `Labnat`. Nako, wala lang 'tong magawa sa buhay si Daniel eh. Kaya nangaasar na lang. Akala naman niya papatalo ako sa kanya. HAHAHA. Hihirit sana ako ng pambara kay Daniel kaso biglang umepal si Andy.

"AY Feel ko din... Nagbreak pa kasi kayo eh!"
"Eh ano ngayon? Bakit naman niya ako iisipin? Wala naman yung gusto sakin eh..."
"sus ko. mag-aapat na buwan ka ng nagbubulag-bulagan Zerli ah!? Nakaka-turn off ka!"
"sira ka talaga Daniel..."

Tumawa lang naman nun si Andy. Ano ba yan? Alam ko namang may gusto pa din yung Andy na yan kay Daniel eh. Pero sa  kanya, okay lang. Ibang klase. Grabe. Nakakabilib. Idol eh. Imba.

"Ang gusto lang naman namin sabihin sayo Zerli eh--"

naputol yung pagsasalita niya ng biglang nag-ring yung bell. OVER AH. Uso na ba talaga ngayon ang pagcu-cut sa pagsasalita ng mga character? HAHAHA

Tumayo naman na kaming tatlo nun dahil pare-parehas rin naman naming ayaw malate. 

Inakbayan ni Daniel kaming dalawa ni Andy nun tapos bumulong siya.

"Nako Andy... hayaan mo na si AJ ang magsabi sa kanya ng lahat..."
"sige na nga.."
"Anong lahat?"

Hindi nila ako sinagot nun. Nagpatuloy kami sa  paglalakad pero syempre, inalis na ni Daniel yung pagkaakbay niya samin. Nauna na samin nun si Daniel dahil sumabay siya sa ibang ka-crew niya sa pagpasok sa classroom nila. So kami ni Andy ang magkasabay na pumasok sa classroom.

Ineexpect ko naman nun na makikita ko agad si AJ na nakaupo dun sa armchair niya kaya nga nag-ready na ako ng isang bonggang bonggang ngite para sa kanya pero bigla ring napawi yun ng makita ko na walang taong nakaupo sa armchair niya. 

Nakakabadtrip naman. Namimiss ko na yung tao eh. Tahimik akong umupo sa upuan ko. Ayun, napapaimagine na naman ako na nakaupo din dun si AJ sa armchair na yun. Ang hilig ko mag-imagine. Nakakabadtrip talaga.

First subject naman ay English. Wala pa din si AJ. Grabe ah. May balak pa ba siyang pumasok? Mamayang hapon pa naman yung battle nila eh. Ano na ba talagang problema nung lalakeng yun? Pati ako natitimang ng dahil sa kanya.

So yun, may essay na naman na pinagawa samin. Wala kasi yung teacher namin dun. Yung essay eh tungkol sa isang What if. Ang dami kong What if kagabi pero parang wala akong na-feefeel dun na maayos sulatan ng essay. Nagtanong tanong naman ako sa mga kaklase ko kung anong what if yung ilalagay nila.

Merong nagsulat na What if Monsters under the bed were true?
Ayun mukhang timang lang. HAHAHA. Sino bang tao ang magiging ineteresado na basahin 'to? siguro, isa na ako sa mga taong yun. mga taong mahilig sa kalokohan :))
Meron din namang What if Nature doesn't exist?
Parang ang hirap naman gawin nun. Duh. Baka kasi mamaya isang segundo ka lang nabubuhay sa mundo, patay ka na dahil hindi nageexist ang Nature. Kaotisan ha.
Si Andy naman eh gumawa ng What if Cell Phones were not invented?
Napa-wow nga ako eh. Sobrang haba na agad ng nakasulat sa draft niya. Siguro, dati pa niya gustong isulat yung essay na 'to. HAHAHA. Palibhasa, siya yung tipo ng tao na hindi mabubuhay ng walang cell phone. grabe no?

Dahil naman dun. nagkaroon na ako ng idea.
What if there's no `A` in the English alphabet?

Ang daming ideas agad na pumasok sa isip ko. Parang hindi kakayanin ng speed ng pagsusulat ko yung paguunahan ng mga ideas ko sa utak ko. Nararamdaman niyo ba yung naiisip ko minsan? HAHAHA.

So yun, nilagay ko dun yung koneksyon ng what if na yan pagdating sa  pamilya ko. Wala lang. Ginawa ko ring joketime yung essay na 'to. Linagay ko kasi dun na kung walang `A` na letter, eh di ibig sabihin walang word na Mama, Papa, Daddy or Grandma. Ang panget naman kung and tawag mo sa nanay mo eh `Mm`. Oh di kaya sa tatay mo eh `Pp` o `Dddy` o kapag pagdating sa Lola mo eh `Grndm`. Parang nagtetext lang. HAHAHA.

Yung sumunod naman na paragraph eh tungkol sa mga kaibigan ko. Iniisip ko kasi nun na kapag walang `A` sa English Alphabet, wala rin akong makikilala na `Andy` o di kaya `Daniel` o di kaya `Shaina`. Lahat kasi sila may `A` eh. HAHAHA.

Unti-unti ko namang narerealize na nagiging pambata na ng over over yung sinusulat ko pero ang deep kaya ng meaning ng essay na 'to. Nako. Kung alam mo lang. HAHAHA.

Pinag-effortan ko naman yung last paragraph. Syempre, tungkol yun kay AJ eh. Dahil nagstastart yung pangalan niya sa `A`. Ewan ko ba. Ganito ba talaga ako kabaliw sa kanya para magawa ko pang ialay sa kanya ang isang essay. Sige, ako na obsessed. HAHAHA. Asa.

Sakto naman nung natapos ko ng ire-write yung essay ko, biglang dumating yung teacher namin. Grabe ah. 20 minutes na lang natitira sa  oras niya, pumasok pa din. Ang tibay.

Bakit kasi hindi pa na-extend yung meeting na ina-ttendan niya?! Sayang yun oh. HAHA.

So yun, eto na yung kinatatakutan ko. Yung babasahin yung gawa sa harap. Pero syempre, piling estudyante lang yun. Tsaka siguro dalawang estudyante lang yung matatawag dyan. Nakikita ko yung gawa ng iba kong classmates eh. Grabe, ang haba. Oh sige, sila ng magaling magsulat. Ako na, Hindi. HAHAHA

"I will pick 5 students to tell the reason for choosing their What if question..." Biglang sabi naman nung teacher namin.

Grabe. 5 students. Patay tayo dyan. HINDI. Mind Over Matter. Hindi ako mapipili. Hindi ako mapipili. I can feel the power. WOOOO. HAHAHA. Oh sige ako na hibang.

So yun, pinik ni ma'am yung unang student. Tumayo naman yung classmate ko na yun. Nagsulat siya ng What if DOTA was never been programmed? Eh isa din pala 'tong DOTA adik eh. HAHAHA. So yun, inexplain niya. Halatang joketime lang. Parang timang lang eh.

Nagpatuloy naman yung pagpick ni ma'am ng iba pang estudyante hanggang mapunta na dun sa 5th student. Naging kampante na ako nun dahil bumaba yung chance na mabunot ako. Yehey. Sigurado na akong...

"Okay. Can we hear from Ms.De Castro?"

Weh? Ako? Di nga? Ang laking tae ng araw na 'to ah. Nakakabadtrip. Napili pa ako.

No choice ako nun. Gusto ko sanang mag-excuse na pupunta akong CR at hindi na kakayanin ng tiyan ko ang pressure pero hindi ko na rin magawang magpalusot dahil bawat dalawang mata ng mga kaklase ko eh nakatingin sa bawat step ko papunta dun sa harap. Pati nga si Andy eh. Kung makatingin. Sige, tunawin niyo lang ako. HAHAHA. Kaya ayoko ng ganito eh, masyadong maraming nakatingin sakin.

Nung andun na ako sa harapan, nag-ehem muna ako. Pampatagal nerbyos lang. HAHAHA.

"Uhm... I wrote an essay about `What if there's no `A` in the English Alphabet?` be-because..."

nauutal ako nun.nakakakaba kaya! kahit sabihin mo na mga kaklase mo yan. paano kung biglang mamaya wrong grammar na pala ako, WAAAAA. Nakakahiya. I so hate English subject na talaga. Tae lang :|

"...because..."

Halos maging SoNA na yung sasabihin ko ng biglang may kumatok sa pintuan ng classroom namin. Lahat kami napatingin sa taong yun. Hindi pala tao. Anghel.

si AJ...

"Ma'am... sorry I'm late..."
"carry on..."

pumasok naman siya sa classroom namin. iba yung tingin niya sakin. ano ba yun? may nagawa ba ako sa kanya. umupo na siya dun sa armchair niya tapos magkatitigan kami sa isa't-isa. lalo tuloy akong kinabahan.

"so Ms. De Castro?"
"Uhm... because..."

Bumilis yung pagtibok ng puso ko. Nahihirapan pa akong magsalita dahil feeling ko yung mata ko natrap na din sa mata ni AJ.

















"..Aron Jie... I miss you na..." Ano ba 'tong sinabi ko?

No comments:

Post a Comment