Saturday, November 6, 2010

Chapter 17: AJ o.O

ayun, kahit corny sinayaw niya ako HAHAHA :))

nung una, nakatingin lang siya sakin pero maya-maya eh hindi na siya sakin makatingin ng derecho. masyado niya ng nahiligang tingnan yung paa ko :))) HAHAHA tapos bigla naman siyang napalingon sa isang babae

hm, maganda siya. maputi. WELL, mas maganda siya sakin DUH. tapos nakatingin sa kanya si AJ. AMP. pinisil ko naman bigla yung shoulders niya tapos pinagtaasan ko siya ng kilay.

"ano?" defensive pa siya nung sinabi niya yun.
"anong ano ka dyan?! kita ko yun... wag mong ipagkaila!"

hindi naman ako nagseselos diba? i mean, WALA LANG. onting respeto. DUH. nginitian niya lang naman ako tapos lalo siyang lumapit sakin. yung ilong namin halos magkadikit na. ang sarap nung feeling na ganito. shet, ang landi ko. WAAAAA.

"nagseselos ka ba?"

pabulong niyang sinabi yun. naririnig ko pa rin yung kantang `para sa akin`. ang cute eh :))

"ako? asa naman..."

napangiti naman siya sa akin nun. mukhang hindi naniniwala.

"okay lang yan... marami mang mas maganda sayo... mas cute sayo... ano bang magagawa nila?... iisa ka lang... "

tiningnan ko yung mga mata niya. ayun, walang pinagbago. ang gwapo pa din :)) HAHAHA. napangite naman ako sa kanya nun. masyado niya akong pinupuri. HAHAHA. nagpatuloy pa din yung kanta at sayaw namin. medyo humiwalay na rin siya nun. sobra kaya yung closeness!!

ayun, nagasaran lang naman kami habang nagsasayaw. astig no? sarap kasi makipaglokohan sa kanya eh HAHAHA :))

syempre, hindi naman isang oras yung kanta kaya yun nung natapos na. yinaya ako ni AJ na lumabas muna nung reception hall.

Hindi ko makalimutan yung kanta. alam mo yung tipong tapos na kaming magsayaw pero naririnig ko pa rin yung kanta :)) HAHAHA bagay samin yung kanta CHAAAR :)) so ayun, naglakad-lakad muna kami sa may shore, gabi na nun. full moon naman. ang ganda talaga ng buwan no?

tapos yung reflection pa nung buwan nakikita dun sa napakagandang dagat. naglakad-lakad muna kami ni AJ nun. nakalagay yung dalawang kamay niya sa loob ng bulsa niya. ang bagal pa nga niyang maglakad eh :))

"ang kupad mo naman dyan..."
"tss.."

humabol naman siya sakin kaya sabay na kaming naglakad nun. may nakita naman akong malaking bato pero hindi naman talaga siya masyadong mataas. inupuan namin yun ni AJ tapos tiningnan lang namin yung buwan, dagat at yung city lights na unti-unti ng nabubuhay. amazing talaga siya promise.

"ang ganda no..."
"oo nga eh... kulang na lang eh magkaron ng fireworks..."

napatingin naman ako sa kanya pero ngumite lang siya sa akin. hindi ko talaga siya maintindihan. siguro, wala namang taong manhid para hindi maramdaman yung gustong sabihin ni AJ sa akin. ang hirap kasing umasa na baka sakaling meron naman siyang feelings sakin. i mean, ang sweet niya. pati monthsary namin, sobrang pinagplanuhan niya. tapos bastaaaaa :| parang totoo na ewan. hindi ko maintindihan.

"magkwento ka... nung parang nung prom lang... tungkol sa inyo ni Francis dati kahit ano.."

TSS.nakakalimutan ko na nga si Francis, pinapa-alala pa niya :|

"uh-- kay Francis? ... ano... ewan ko... sa tingin mo ba mahal pa niya ako?"
"hmm... oo..."
"talaga?"

napalapit talaga ako sa kanya nun kasi parang ang sarap sa feeling na marinig yun. na mahal pa ako ni Francis :)) medyo lumayo naman siya sa akin. ewan ko kung bakit.

"pero ayoko siya para sayo..."
"HA?! bakit naman?! so tinaboy mo talaga siya sakin... ganon? eh diba plano nga natin na habulin niya ako..."
"hindi naman sa ganun pero syempre, tutulungan kita dun... ano namang bang pwede kong gawin kung siya naman talaga mahal mo? mapipigilan ko ba yun?"

bumaba muna siya mula sa pagkakaupo niya ng bato. tapos tumayo siya sa harapan ko.

"eh kasi feeling ko... titigilan niya na ako... ano bang ginawa mo sa kanya nung naghamon siya sayo??!"

tumalikod siya nun at humarap siya sa may dagat.

"eh di tinalo ko sa basketball.. yun lang naman ang hamon niya eh... kung sino mang matalo ay dapat ng tigilan ka..."
"HA?!"

triny ko na bumaba nun sa bato pero napahiya ako. ang dulas kaya :)) pero syempre inalalayan na ako ni AJ nun. tapos inayos ko yung damit ko nun. nag-ehem naman siya. siguro, medyo naiilang na din siya sa akin. ang weird no? :))

"itutuloy ko yung dapat na sasabihin ko ha?"

nagpatuloy naman kami sa paglalakad. syempre, yung kamay niya nasa loob pa din ng bulsa niya.

"kasi... diba?! kung natulong ka eh di sana nagpatalo ka! tapos ayun, kunware titigilan mo na ako tapos liligawan niya ako ulit :))"

tumawa ako nun pagtapos kong sabihin yun. napatigil nga siya sa paglalakad nun eh. medyo mabagal kong narealize na nagstop na pala siya kaya bigla akong humarap sa kanya. parang medyo tinake niya seriously yung sinabi ko ah!

"sa tingin mo gagawin ko yun?"

biglang lumamig ang simoy ng hangin. gininaw nga ako nun eh. parang tumaas yung mga balahibo ko. medyo napahawak na din ako nun sa braso ko.

"eto tandaan mo... I never lose"

tumingin ako sa kanya ng mas malalim. parang tumigil bigla yung mundo naming dalawa eh.

"kung magpapatalo man ako sa kahit kanino, wag na sa kanya... okay?"

napatango lang ako nun. parang nag-init yung dugo niya kay Francis eh. napaisip tuloy ako bigla kung pano kaya biglang dumating yung araw na papapiliin na ako kung sinong kakampihan ko. si Francis ba o si AJ?

"nilalamig ka na dyan... tara na sa loob..."

tinanggal niya naman yung polo niya kaya naka-white na shirt na lang siya nun. sinuot niya sa akin yung polo niya. kahit kelan talaga ang sweet niya :| and parang binibalewala ko lang yun. parang kasing hanggang ngayon, kunwariang boyfriend pa rin yung turing ko sa kanya pero siya, kaibigan na yung turing niya sakin...

pumasok kami nun sa reception hall... ayun, nawala na sa tenga ko yung hangover nung kanta ni Sitti. at last :)) syempre, pagkatapos ng lahat, umalis na rin kami.

nasa kotse ako ng pamilya ni Aron nun. katabi ko si Andy at Aron sa likod. si tita kasi andun na sa front seat. andun ako sa seat na pinakamalapit sa bintana. katabi ko nun si AJ. nahalata naman na niya siguro na napapapikit na yung mga mata ko nun. halos mauntog na nga ako dun sa bintana eh :)) HAHA

ang bigat na din nung mata ko nun. sobrang nakakaantok. so ayun, naramdaman ko naman na hinawakan ni AJ yung ulo ko tapos dahan-dahan niyang sinandal sa balikat niya. medyo inayos pa niya nun. siguro nga nahihirapan din siya.

hinawakan niya yung kamay ko. buti nga hindi ako nagbla-blush. buti na lang sobra na akong antok :)) hindi ko na namalayan, tuluyan na nga akong nakatulog.

so syempre, nagising din ako kinabukasan. sabi ni mama, si AJ daw yung nagdala sakin sa kwarto :)) AMP. buti natago ko na yung letter HAHAHA. baka makita pa niya kung nakalagay pa yun sa ilalim ng unan ko. tiningnan ko yung letter n dapat para sa kanya dun sa ilalim ng cabinet, so far andun pa naman siya :))) yung letter ko naman para kay Francis, nasa ilalim pa din ng unan ko. sana hindi niya nakita yun.

dahil wala naman akong magawa sa bahay, nagpaalam na lang ako kay mama na pupunta muna ako ng chapel at maglala-lakad pa ako ng mag-isa. so ayun, syempre dumaan muna ako sa may simbahan. dasal dasal muna and everything :)) pagtapos nun, malapit lang naman dun yung court nung phase nila AJ. pumunta muna ako dun. malay mo, andun yung bounce back crew :))

naalala ko bigla dun sa court yung nangyare kay AJ at Francis pero nawala din yun sa isip ko ng makita ko yung Bounce Back Crew na nagsasayaw dun sa parang pabilog na structure na ewan :)) malakas yung tugtog nila. astig nga eh.

nagprapractice lang naman sila dun so dali-dali naman akong pumunta dun tapos nag-hi sa kanila. nakipag apir naman sa akin si Daniel nun at yung iba niyang kacrew. si AJ naman eh naka-indian seat lang dun habang nanunuod dun sa dalawang babaeng halos magkamukha na nagsasayaw na parang iisa lang sila. astig eh. tinabihan ko naman siya dun.

"huy..."

napatingin naman siya sakin nun.

"bakit?"
"anong meron?"
"uh--mamayang gabi... second bboy battle na namin..."
"wow... talaga... pwede akong manuod?!"
"sure... sunduin kita sa inyo..."
"saan ba?"
"dito lang sa may court..."

naexcite naman ako agad dun sa 2nd bboy battle nila. sila pa nga rin yung leading eh. syempre, pumapangalawa yung Urban Dancers. nanalo daw kasi yung urban dancers dun sa 2nd bboy battle nila. so mamayang gabi naman, may makakalaban na naman sila. siguro eto yung grupo na nasa 3rd place ng ranks. kailangan nilang matalo yun para mapreserve ang pagiging number one :)) nagpatuloy lang naman sila sa pagpra-practice habang ako naman eh nanunuod lang.

umuwi ako sa bahay nun para mag-lunch. ayun, hinintay ko lang na sunduin ako ni AJ and syempre, andun na siyaaa :))) WAAAA GWAPO NIYA WHOAAAA.

naka-gel yung buhok niya nun. ang astig, bagay sa kanya. naka-white syang tshirt na may nakasulat na `BBC: Bounce Back Crew` tapos nakablack siyang jacket pati black pants na loose. ang astig pa nung rubber shoes niya na puti na may outline na black din. converse pa tatak :))

so yun, naglakad na lang kami papunta dun sa may court. ayun, yung bilog na something na pinagpra-practisan nila kanina eh pinapalibutan na ng sobrang daming tao tapos lahat sila nagsasayawan. ang daming ilaw. akala mo tuloy may concert. ang lakas pa ng tugtog. for sure, nabubulabog na neto ang mga bahay na malapit lang sa court :)) nakisiksik kami sa mga tao nun. hawak ni AJ yung kamay ko. tapos pinaupo niya ako sa isang reserved seat. parang dati. katabi ko nun si Andy. tapos nag-hi siya sakin. nakita ko na naman yung jejemon na referee :))


"okay, guys, are you ready?!"

lalong lumakas yung tugtog. tapos yung mga tao sa paligid namin eh party party lang naman :))

nakita ko si AJ na parang may fierce look na sa mata niya. medyo inayos niya na yun jacket niya tapos nagsuot siya nung parang black na something sa kamay then bigla ng nagsalita yung jejemon :))

"Let the second bboy battle for the Bounce Back Crew and the HipHop All Stars...






















































...BEGIN!"

No comments:

Post a Comment