Friday, November 19, 2010

Chapter 26: Pain

Kinabahan ako bigla na baka nga may nakikinig saken nun. Aba, naiisip ko na baka si AJ yun. kung siya man talaga, dedo na ako. ayoko ngang mapa-amin sa kanya ng wala sa oras. hindi ako prepared! HAHA. hindi na namin pinansin nun ni Andy. iniba na lang namin ni Andy yung usapan at baka mamaya kung ano-ano na masabi ko at maubos na lahat ng luha ko. 

maingay nun sa labas. may nag-iinuman kase diba? lumabas muna kami ni Andy sa kwarto. gusto lang namin maki-join sa kasiyahan sa baba. hindi naman kami iinom. masama yun no?

nagkahiwalay kami nun ni Andy. sumama kasi muna siya dun sa iba niyang pinsan. naguusap at nagtatawanan sila. nao-OP ako. Ghad. pero triny ko pa ring ienjoy yung sarili ko. 

nasilayan ko naman bigla si AJ nun. pero sa totoo lang, hindi ko talaga siya sinilayan. kusa lang siyang hinanap ng mga mata ko. nakita ko siyang nakatingin din sakin. iba yung tingin niya. I mean ang gwapo niya. pero duh?! dati pa naman siya gwapo pero basta ngayon. mas good-looking siya ngayon.

mag-isa siya dung nakaupo sa upuan na gawa sa kawayan. biglang lumakas yung hangin pero patuloy pa rin yung mga tao sa pagsasaya. may mga nagvi-videoke. may mga nagtatawanan ng sobrang lakas. may nag-iinuman. may nagsasayawan din. ang otis, isang pamilya na mahilig may-party HAHAHA. 

nakatitig pa rin sakin si AJ nun. kusang naglakad yung mga paa ko. ewan ko. parang bigla ko na lang napansin yung sarili ko eh lumapit sa kanya. Ghad. ang labooooo ko talaga. dapat na ako magsalamin. Okay, joke yun pero hindi nakakatawa. ARGH.

tinabihan ko siya sa pagkakaupo.

"bakit parang ang tahimik mo ngayon?"
"uh... wala..."

ngumite siya nun.pero nawala din yung ngite niya agad nun. nalungkot ako sa expression na yun. anong meron? nagaalala ako na baka may nangyare sa kanya. o siguro narinig niya lahat nung sinasabi ko kanina. tapos baka nag-iisip na siya ng paraan para ireject ako ng hindi ako nasasaktan. :( WAAAAAA. kahit ba sweet rejection yun, rejection pa din yun! masakit pa din yun. ngayon pa nga lang na wala pang rejection, nasasaktan na ako. paano pa kaya kung tinurn-down niya na ako? aba, baka hindi ko makeri yun?! 

hindi ko kaya na hindi itanong sa kanya kung anong nararamdaman niya ngayon. pagdating sa mga ganyang bagay, gusto kong malaman kung ano man ang iniisip niya kahit hindi katanggap-tanggap sa part ko. 

"bakit ka ganyan? anung meron?"
"bakit? may mali ba?"

hindi siya makatingin sakin. in fact, may tinitingnan siya. so ako namang etong baliw na baliw sa kanya eh tumingin na rin sa bagay, tao pala, na tinitingnan niya. AMP, puro tingin. tingin. tingin. Inulit pa. Ghad, sige babarahin ko na lang sarili ko ulet. WAAAA. katimang ah.

sino bang hindi matitimang kapag malamn-laman mo na yung tinitingnan nung lalakeng gusto mo eh yung gusto niya? :| sino pa ba? eh di si Ate Zinnia. ARGH. ako na bitter. SIGEEEEEEEEE. aminado ako , okay?

"si Ate Zinnia?"

nanlumo ako nung sinabi ko sa kanya yung pangalan ni Ate Zinnia. nanlaki kase yung mata niya. HAAAAY. halata namang in love siya dun. hindi ko alam kung maawa ba ako or what? hindi naman kasi sila pwedeng maging lovers. magpinsan sila. although second cousins yun, may isang dugo pa din na nadaloy sa kanila.

so magiging masaya ba ako? Naaahh. kung hindi masaya si AJ, magiging masaya nga ba ako? baka kahit ako, hindi siya mapasaya. yun na nga lang yung parte ko sa buhay niya, hindi ko pa ba gagawin yung best ko para magampanan yun?

tumango siya nun. sabi ko na nga ba eh :| 

"anong nangyare?"
"nakapagusap na kami..."

hindi ba good thing yun?

"tapos?"
"ayun, nagkwentuhan lang kami..."

madilim na nun. kaunting ilaw na lang yung buhay nun. tanging ilaw mula sa nagiinuman at nagvivideoke yung nagsisilbing ilaw namin sa labas. hindi ko alam kung tama ako o mali ako pero may luha akong nakita na lumabas sa kanang mata ni AJ. 

tumibok ng mabilis yung puso ko. ibang klase 'tong scene na 'to. kelan ka makakakita ng isang playboy na ang tanging ginagawa eh magpaiyak ng mga babae tapos ngayon eh naiyak na dahil lamang sa isang babae?! lalo akong humanga. he was just so real. walang halong kaplastikan.

"anong napagkwentuhan niyo?"
"akala ko kaya kong umamin sa kanya... hindi pala..."

parang tinutusok yung puso ko. but I wanted to hear more. okay lang na masaktan ako. at least, hindi nagtatanim ng sama ng loob si AJ sa puso niya. at least, nailalabas niya.

medyo nagulat ako nung linagay ni AJ yung ulo niya sa kaliwang balikat ko. napahigpit yung pagkakahawak ko dun sa kawayan na inuupuan namin. 

"matagal na pala akong naunahan... at hanggang ngayon, pakiramdam ko wala akong inusad..."
"wala akong masabi... sorry..."
"ang tanga ko kasi..."
"ako din naman... lahat naman ng tao nagpapakatanga kapag nakakaranas na ng pagmamahal eh.."

kung alam mo lang AJ :|

"bakit ganon? pareho tayong hindi masaya? wala sayo si Francis. wala sakin si Zinnia. sana tayo na lang no?"

!@#$%. sobrang lakas ng pagpintig ng puso ko. nakita ko namang ngumite ng kaunti si AJ kaya napangite na rin ako. umupo na rin siya ng diretso nun. na-speechless ako.

"eh kasi naman... kung mahal mo talaga yung isang tao, gagawin mo naman ang lahat para sa kanya diba?"
"parang ng ginagawa mo ngayon?"
"ha?"
"lahat ng 'to para kay Francis diba?"

hindi ko sinagot yung tanong niya. bakit kasi pinapaalala niya sakin si Francis? :|

"ang point ko eh, kung may gusto ka talaga kay Zinnia... gumawa ka ng paraan para pumayag siya na maligawan mo siya..."
"paano papayag kung may tayo?"
"problema ba yun? eh di magbreak na tayo. nung isanng araw ko pa yung sinasabi sayo diba?"

napatingin ako sa ibang direksyon. sa direksyon na hindi niya makikita yung mukha ko. nabwibwiset ako. Ghad.

"eh ayoko nga diba?"
"bakit mo pa kasi pinipilit na magkaroon ng tayo? siya naman talaga ang mahal mo diba?"
"eh paano ka?"
"ano bang mawawala sakin?"
"si Francis..."
"bayaan mo na yun... ang importante eh masaya ka..."

masaya ka sa iba.

"ayoko. tapos iiwan kita ng malungkot. ako hindi mo iiwan. samantalang ako, iiwan na lang kita basta basta. hindi pwede yun..."
"wag ka ngang masyadong ma-pride. mahal mo siya. wala akong karapatan na pigilan ka dahil lang sa nandyan si Francis..."
"basta ayoko. kung magkakaroon man tayo ng makakatuluyan natin. gusto ko sabay nating makukuha yun. gusto ko pareho tayong sasaya."
"eh hindi naman mangyayare yun kahit pagbali-baliktarin mo ang mundo"

DUH?! kung magiging sila ni Ate Zinnia, paano ako sasaya nun?! GHADDDDDDDD. 

"kasi basta... ang chance na mangyare yun ay kung tayo yung magkakatuluyan sa huli..." naptigil ako bigla. " which is wala namang chance diba? so hindi talaga mangyayare yung gusto mo..."
"eh di tayo na lang"
"alam mo wag ka ngang ganyan... may gusto ka kay Zinnia pero pinipilit mo yung sarili mo sa iba dahil lang sa kasiyahan ko... wag mo akong pansinin... okay?"
"hindi ko naman kasi kayang makita ka na malungkot..."

di bale. itatago ko na lang :|

tinakpan ko yung dalawang mata niya gamit yung kanang kamay ko. hindi ko napigilan yung luha ko. kusa ring bumuka yung bibig ko.
"oh yan... hindi mo na siguro makikita ngayon..."

nagiiba na yung boses ko nun.

















"...na nasasaktan na talaga ako"

No comments:

Post a Comment