Friday, November 26, 2010

Chapter 30: A talk with someone who understands :)

Ayun, so kwinentuhan ko naman ng bonggang bongga 'tong si Andy na super naglalaway na dahil nung una, eh ayaw ko sa kanyang i-share ang kung ano mang mangyare samin ni AJ. sa totoo lang, wala naman talagang nangyare diba? Well, kwinento ko yung wrong timing na pagkakasakit niya at yung pagsasalita niya ng...


"basta dito ka lang magiging ayos na din ako..."

Okay. fine.Hindi na talaga ako kinikilig eh. I swear! Lalo lang ako naguguluhan sa mga ginagawa niya. pero kung dinederetso niya ako, siguro kanina pa ako nagtatalon sa sobrang kilig. HAHA.

Kwinento ko rin sa kanya yung banat niya na nagpatalbog ng major major sa puso ko.

ikaw lang naman ang laman nito..."

Siya ng magaling magpakilig. May balak siguro siyang patayin ako sa  kilig.HAHA. over siya, akala mo gwapo pero gwapo naman talaga. HAHAHA.

So yun, tinawag naman ni tita si Andy kasi magpapatulong siya sa kitchen. bukas kasi, ay may bonggang handaan. ewan ko kung bakit. maki-ride na lang. ang importante may pakaen. HAHA.

so yun nga, overnight na tutulong si Andy. gusto ko din maki-join nun kaso sinabi na ni tita na wag na lang daw kasi visitor ako. pero hindi na ako nagmapilit kasi medyo tinatamad din ako no? HAHA. so yun, solo ko muna for this night yung kwarto.

Ano na kayang ginagawa ni AJ? maayos na kaya yung pakiramdam niya? hindi ko naman kasi siya matanong ng diretso o yung tita niya. sana ako na lang yung nasa tabi niya.

hindi naman ako makatulog nun kahit medyo 10 pm na nun. Hindi talaga ako makatulog nun. mukhang hindi umuubra yung mga kanta ko sa cell phone bilang pampatulog. binuksan ko yung radyo na nakalagay lang dun sa side table. Wala lang, malay mo may bagong kanta. Gusto ko na rin matulog nun.

Sa Love Radio nakatune-in yun. (OHAAA, free ad!). True Love Conversations ni Papa Jack yung on air nun. dati lang ako nakikinig dito eh. nagsawa na din ako. HAHA. ngayon na lang ulit ako nakinig. Well yun, may kausap siyang babae na may bonggang bonggang feelings sa best friend niya tapos nagpapatulong siya kay Papa Jack kung paano siya aamin. natatawa ako kasi binabara pa siya ni Papa Jack HAHAHA. pero sa huli, parang solve nga eh. nabigyan ni Papa Jack yung girl ng isang swak na solution sa problema niya. Kung tumawag kaya ako, matutulungan ako ni Papa Jack tulad ng pagtulong niya dun sa girl?

Pinatugtog naman na yung kanta na rinequest nung babae na `just so you know`. basta kanta yun na tungkol sa isang tao na nainlove sa best friend niya pero hindi niya maamin. Haaaay. Ang hirap nga naman talagang mainlove sa isang best friend. Pwede kasing masira ang Friendship.

Anyways, napaisip naman ako kung tatawag kaya ako kay Papa Jack. Medyo namemorize ko kasi yung number na sinabi ni Papa Jack bago mag commercial. 

Kinuha ko yung cell phone ko na may three bars pa. chineck ko yung load ko. may 100 pesos pa akong regular  load. bongga no? syempre, 1 week akong wala sa bahay. niloadan ako ni mama ng tumataginting na isang daan HAHAHA.

hindi ko naman masyado nagagamit yung cell phone ko. siguro, wala rin namang mali kung gamitin ko 'tong pantawag. isang beses naman eh. tsaka siguro, hindi yung call ko yung mapipili kasi marameng natawag dyan eh. tsambahan na lang kung anong call yung mapipili. hindi bale, isang try lang. kapag hindi napili, hindi na ako uulit pa ng tawag.

dinial ko naman yung (02) 8326171. so yun calling pa naman siya. pinakinggan ko naman yung call. nag-riring siya infairness. nageexpect ako nun ng `sorry maam or sir, your call is not transmitted to the airing of TLC` pero hindi naman yun yung narinig ko.

isang boses na nagsasabi na i will be on air in 3 minutes. napatayo naman ako nun kasi sobrang WHOAAA. gusto kong sumigaw. I mean sa sobrang daming tao na gustong makatawag dito, yung call ko yung napili. tapos first time ko pang, tumawag. AKO NA SWERTEEEEEEEE. HAHA. siguro kasi 23 ngayon, teka. anong connect? Bahala na. basta in 3 minutes ako naaaa.

nakabukas pa rin yung radyo. excited ako na naghihintay na matapos yung 3 minutes na nagmistulang isang oras. HAHA. and then we're on AIRRRRRR!!!!!!!

"ehem... papa jack?"
"ay... si ate. inubuhan pa ako..."


may sound effects naman na kaek-ekan nung sinabi yun ni Papa Jack. natawa naman ako nun. nakakaotis lang eh. HAHA

"bago ang lahat, ano ang pangalan ng aking kinakausap?"

may kakaibang sound effects nun. kakadistract nga. halo-halo kasi yung emotions ko. masaya na kinakabahan. HAHA. parang akong nagrerecite ng sagot sa isang napakasungit na teacher. 

"Zerlina po papa jack..."
"wow... ang astig ng pangalan niya no? Zerlina? maipangalan nga yan sa magiging anak ko!"

ayun naman, sound effects na naman. habang tumatagal, kinakabahan na ako eh. HAHA

"so Zerlina, ano ang maitutulong ko sayo ngayong gabi?"
"uhm... kasi po may problema po ako.."
"PROBLEMA NA NAMAN?! alam niyo ba na halos ilang taon na akong nakikinig sa mga problema ng mga tao, mukha ba akong answer key na nilalaman ng mga solution?!"
"opo papa jack..."

natatawa naman ako nun. HAHA. kahit na for as second, nakakalimutan ko yung problema ko.

"okay, sige. anong problem yan? wag lang assignment mo sa math. magtino ka! bakasyon ngayon, baka sumakit ulo ko pag pinasagot mo sakin yan!"
"opo papa jack... tungkol lang naman po sa love life eh..."
"ayy! love life?! eh sus, mas  mahirap naman yan sa Math! juskopo!"
"papa jack naman..."

natawa na naman ako nun. siguro, pinapagaan niya mung yung loob ko. and effective nga siya infairness!

"okay... seryoso na talaga... magsimula na tayo... anong problema mo?"

naging seryoso na yung boses niya. nag-sigh muna ako. here it goes na!

"kasi po papa jack... may ex po ako..."
"mahal mo pa siya?"
"hindi na po papa jack..."
"so anong problema??"
"eh kasi po dahil sa ex ko pumayag ako na magpanggap na girlfriend ng ibang guy para pagselosin siya..."

medyo naging violent yung reaction ni papa jack yun. Okay, alam ko namang mali yung ginawa namin eh! ARGH.

"okay... go on?"
"tapos po... medyo effective naman po kaso nadevelop na po ako ng bonggang bongga dun sa guy. wala na kasi talaga akong feeling sa ex ko papa jack kaso eto pong si guy, may gusto pong ibang girl! pero kahit na ganun, may mga instances na pinaparamdam niya sakin na mahal niya rin ako... hindi ko na po alam kung anong gagawin ko papa jack..."

naiiyak ako nun. ARGH. yung background music kasi eh. HAHA.

"hay naku. ang sarap niyong paguntugin ni guy ah!"
"opo talaga... sarap batukan nun ni AJ eh!"
"so AJ name niya?"

LETSEEEE. nasabe ko yung pangalan niya. WHAT DA?!

"opo papa jack..."

nagsigh naman ako nun. Lichugas naman ohh!

"okay, una... dapat maayos yung pagpapanggap niyo. mali kasi yun eh. nagsisinungaling kayo sa mga tao..."
"oo nga po papa jack...kaso gusto ko na nga po itigil yung pagpapanggap namin kaso ayaw niya kasi daw ayaw niya po na mawala ako sa kanya..."
"yahu..."

meydo natawa ako dun. yung `yahu` kasi yung expression ni papa jack kapag may nakakakilig na ewan. HAHA.

"okay so si AJ nga ay isang tao na masarap iuntog sa pader..."

natawa na naman ako nun. HAHA

"opo talaga papa jack!"
"magulo siya... pero dahil nadevelop ka sa kanya, hindi malabo na madevelop rin siya sayo... siguro akala niya may feelings ka pa rin sa ex niya kaya natatakot siya na ireject mo siya..."
"so papa jack, anong gagawin ko?"
"siguro dapat mo talaga siyang iconfront...na may gusto ka sa kanya.... and Zerlina, sinasabi ko sayo... mali ang ginagawa  niyong pagpapanggap..."
"kaya nga po eh... gusto ko ng itigil kasi sobrang sakit na..."

napaiyak na talaga ako nun. hindi ko mapigilan yung luha ko. parang naghahabulan pa sila.

"ganyan talaga pag nagmamahal tayo Zerlina... lahat naman kasi talaga tayo nasasaktan eh... kung mahal ka talaga ni AJ, sasabihin niya sayo yun... kung hindi ka naman niya mahal, siguro maiintindihan niya kung bakit gusto mo ng itigil yun..."
"opo papa jack..."
"may mga cases talaga kasing ganyan... magugulo rin kasi ang pag-iisip ng mga tao... minsan nagugulo yun dahil masyado tayong nadadala ng takot... kaya nga marameng tao na hindi masaya sa lovelife nila kasi hindi nila pinaglaban yung kung ano mang nararamadaman nila noon dahil sa takot... nakakaloko... kumokorni ako!"

napatawa naman ako nun.

"oh yan ate, itawa mo na lang yan. basta ang advice ko sayo, kausapin mo siya.. yun lang talaga ang solusyon dyan, okay?"
"'opo papa jack... thank you po..."

*sob* :(

"so kung nakikinig man si AJ ngayon, anong message mo sa kanya?"
"ayy papa jack, sana hindi siya nakikinig!"
"eh kung paano nga! dali... anong message mo sa kanya?"

ano nga ba?

"uhm... AJ... kung nakikinig ka man... ayun... ang dami kong gustong sabihin sayo...gusto kong sabihin na...


na nakakainis ka...


nakakapikon ka...


nakakapang-init ka ng ulo...


gusto na kitang batukan...


and last three words...


i love you..."

over ko ng iniyak yun pero medyo gumaan yung loob ko. sana talaga hindi siya nakikinig kundi dedo na ako! HAHA.

"yahu! nakakakilig naman yun!"

sound effects na naman. kahit na ganun lang yun, napapatawa pa din ako.

"so Zerlina, anong gusto mong kanta?"

medyo napaisip ako nun kaso sandali lang.

"uhm... para sa akin po by sitti..."
"okay... iple-play natin yan... so Zerlina, thank you for calling... sana ay nakatulong ako sayo... goodluck kay AJ..."
"okay po papa jack... thank you po..."
"babye..."

*tooot tooot tooot*

WEEEEW. wala na. tapos na. at last, medyo nailabas ko naman ng bonggang bongga. HAHAHA. so icoconfront ko na ba talaga siya. napahiga ako sa kama ko nun. napabuntong hininga ng bonggang-bongga.

tama nga yung sinabi ni papa jack...

pero ang tanong...


















kaya ko ba? 

No comments:

Post a Comment