Saturday, November 27, 2010

Chapter 34:The Break Up

so yun nga, hindi ko siya nireplyan. hindi ko rin naman kasi alam yung sasabihin sa kanya. alangang replyan ko siya ng blank message. halos 10 pm na rin nung nagkatext kami ulet. HAHA. puyatan na naman. okay na rin 'to, next week pasukan na namin. susulitin ko na ang bakasyon.

From: AJ panget :p
ui...


siya yung nagPM nun. nagdadalawang isip pa nga ako kung rereplyan ko siya. pero hindi na rin ako nakapagpigil. gusto ko rin naman siyang makatext kaso nga lang ayoko na maging sweet siya sakin.

To: AJ panget :p
whut? o.o

mabilis naman siyang nagreply nun which is good. hindi ako agad-agad makakatulog

From: AJ panget :p
wla :(

kailangan talagang may sad face? tsk

To: AJ panget :p
k.

ang gaspang ng mga reply ko. promise HAHAHA

From: AJ panget :p
ntnggap mu txt ko knina?

siguro tinutukoy niya yung text na nagseselos siya samin ni Daniel. ano bang sasabihin ko? HAAAAY.

To: AJ panget :p
ndi

Ako na sinungaling.

From: AJ panget :p
ow.ndi m b ttnungin kung anu un?

To: AJ panget :p
ndi

From: AJ panget :p
glit kb?

To: AJ panget :p
ndi

Grabe. Medyo nakonsensiya naman ako nun kasi nagreply siya ng crying face pero tama na yun. kasi baka mamaya landiin niya na naman ako lalo akong mainlababo sa kanya. ayoko na kaya. ang hirap kasi na puro kasinungalingan na lang yung nasa paligid mo. ang hirap kayang umasa. ang hirap maghintay sa isang bagay na hindi naman dadating.

so yun, sinulit ko na yung one week na 'to. nakakatext ko naman si AJ at Daniel. minsan ko na ring nakatext si Nate pero binabara ko lang naman siya.

mabilis na dumaan ang one week na yun. akalain mong last year ko na 'to ng highschool. 4th year na ako. Palakpakan. HAHAHA

medyo excited naman akong pumasok nun. ewan ko kung bakit. syempre, nilakad ko ulit yung school namin. pagpasok ko pa lang sa gate, natanaw ko na agad yung buong Bounce Back Crew dun sa ATC. kung nakakalimutan niya na, ibig sabihin nun ay At The Corner.

lumapit naman ako sa kanila. namiss ko rin ng bonggang bongga yung crew na 'to ah. HAHA. nakita ko si AJ na nakaupo sa may isang tabi. katabi niya si Daniel dun. nakatingin siya sakin ng over over. yung tipong tutunawin ka niya gamit ang tingin.

hindi ko naman alam kung anong sasabihin sa kanya. hindi ko sure kung dapat ba akong mag-good morning o mag-hello sa kanya. so, tatahimik na lang ako. HAHA. tinabihan ko si Andy na nasa kabilang upuan. tapos medyo nagkwentuhan kami habang pinapanuod yung ibang crew members na nagpapakita ng mga kung ano mang dance moves nila.

nag-ring na rin yung bell. dahil first day nun, sa gym muna ang punta namin para malaman yung section namin at tsaka syempre may orientation. infairness, apat na sunod-sunod na taon ko ng naririnig yung pauilt-ulit na orientation na 'to. HAHAHA.

puro rules at regulations lang naman. puro freshmen lang yung nagpe-pay attention dun sa mismong orientation .syempre, alam na naman namin yun lahat.

pagtapos nun, titiningnan na namin yung listahan ng mga sections dun sa bulletin board.

so yun, si Daniel infairness nasa section C na. improving. HAHA.

stuck pa din naman ako sa section B. classmate ko pa din si Andy and ngayon, classmate ko na din si AJ. nagimprove na rin siya from section C. si Francis naman eh classmate si Daniel. section C pa din. walang improvement. HAHA. si Shaina naman eh of course, section A pa din. halos kalahati ng bounce back crew nasa section C. may iba naman na nasa section D pa rin.

nagring ulit yung bell. ibig sabihin nun kailangan na naming pumunta sa class room namin para makilala yung adviser namin at iba naming classmates. magkasabay kami nila Andy at AJ sa pagpunta sa classroom. sa second floor lang yun kaya madali lang. and hindi pa rin kami nagpapansinan ni AJ.

pumili na rin kami ng mga seats namin. pinili ko yung seat sa pinakalikod tapos sa pinakamalapit dun sa bintana. pwumesto si Andy dun sa pinakaunahan dahil andun yung crush niya. pamalit ata kay Daniel HAHAHA. si AJ naman eh pwumesto sa arm chair na nasa tabi ko.

dumating naman yung bagong teacher na adviser namin. nagpakilala lang naman siya at nag-introduce din kami. pinagawa kami ng essay tungkol sa vacation namin pati mga expectation namin this year. english teacher pala siya kaya niya kami pinaggawa ng mga essays na yan. HAHAHA

tahimik naman kaming gumawa ng essay namin. ang hirap irecall yung sa vacation ko. kasi naman :| Ang epic fail ng bakasyon ko. hanggang ngayon tuloy wala pa din akong naisusulat sa draft ko.

habang naman iniisip ko yung pwedeng intro sa essay ko, may biglang paper airplane na nag-land sa patungan ko. tiningnan ko si AJ kasi feel ko siya yung naglagay nun. nakatingin siya sakin tapos nag-gesture siya na buksan ko yung paper airplain. tumingin muna ako sa teacher namin. feel ko naman hindi niya napansin.

wala ka bang balak na pansinin ako?

tumingin muna ako kay AJ bago isulat yung reply ko.

wala ka bang balak na pansinin ako?
nakakainis kasi :|

finold ko lang yung papel. hindi ko kasi alam kung paano mag-fold ng airplain HAHAHA. tapos inabot ko sa kanya ng patago.

wala ka bang balak na pansinin ako?
nakakainis kasi :|
ano bang nagawa ko?

nagpatuloy yung pagpapasahan namin ng papel nun. bahala na. matagal pa naman ang oras sa deadline nung essay.

wala ka bang balak na pansinin ako?
nakakainis kasi :|
ano bang nagawa ko?
basta :| may sasabihin ako
ano yun?
ayoko na :|
ha?
magbreak na tayo :|

matagal siya bago nakapagsulat ulit dun sa papel. in fact, hindi nga ako sa kanya makatingin.

wala ka bang balak na pansinin ako?
nakakainis kasi :|
ano bang nagawa ko?
basta :| may sasabihin ako
ano yun?
ayoko na :|
ha?
magbreak na tayo :|
bakit pa?
nahihirapan na ako sa ganito eh :|
kaya ba hindi mo ako pinapansin?
oo. tapusin na natin 'to. ok?
hindi ko kaya :(
kaya mo. please lang. hirap na ako eh.
bakit ba?

crinumple ko na yung papel na nun. ayokong sagutin yung last na tanong niyang yun. pumilas ako sa notebook ko ng isang page. tapos nagsulat ulit.

Sorry. Tapos na 'to.

binigay ko sa kanya yung sulat tapos after 5 second bigla siyang tumayo. napatingin sa kanya yung buong kase pati yung adviser namin.

"Mr. Benitez?"
"ma'am... pupunta lang po akong cr"

tapos bigla siyang umalis nun at lumabas ng classroom namin. tiningnan ko yung papel na nasa patungan niya. pasimple kong kinuha yung papel. nagreply siya pero hindi niya binigay sakin.

Sorry. Tapos na 'to.
pero mahal kita.

Naguguluhan na talaga ako.

No comments:

Post a Comment